Departure - Chapter Twenty Two
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
Caleb's POV
" Why didn't you tell me that Aleli's already back? " sigaw ko agad kay Micah pagkakita ko ulit sakanya.
" What the hell are you talking about? " pagde-deny naman nya.
Tumingin ako ng seryoso sakanya na alam nyang minsan ko lang ginagawa kaya naman medyo natakot ata sya at humarap na rin sakin ng diretso.
" So, I assume na nagkita kayong dalawa? " tanong lang din ni Micah sakin ng seryoso.
" Of course. Hindi ako magtatanong sayo ng ganto kung di ko sya nakita at nakausap ng personal. So tell me, ba't hindi mo sinabi sakin? " tanong ko naman pabalik sakanya.
" Alam mo kung bakit? Naisip ko lang naman na hindi magiging maganda para kay Aleli kung magkikita kayo ngayon. "
" Ano? At bakit? " pagalit na tanong ko.
" You don't know Aleli's story. Kung makikita ka nya, hindi sya makaka-move on at lalo lang syang masasaktan. "
" What the hell are you talking about? Hindi ba dapat ako yung masaktan?! Ako yung iniwan eh! "
" Like what i've said, Hindi mo alam yung kwento nya. Wala kang alam kahit isa. Bakit? Kasi tumakas ka sa lahat. Iniwan mo lahat at naging masaya. Samantalang sya--"
Napatigil lang sya at napatingin ng diretso sakin na mukhang pinagsisihan nya ata yung huling nasabi nya.
" What? " tanong ko naman.
" I'll be honest to you, Since may karapatan ka naman talagang malaman 'to. " tapos bumulong sya sakin. " Aleli was comatosed for nine years at ngayon lang sya nagising. "
" Comatose? " wala na akong nasabi at napatingin na lang ako sakanya na bakas sa mga mukha ko ang matinding gulat. " I don't get it. "
Aleli's POV
" Ayos ka na ba talaga? " tanong ni Dylan sakin.
" Oo. Ayos na ko. Salamat sa paghatid mo sakin dito sa bahay. " sagot ko naman sabay half smile lang sakanya.
" Walang anuman. Tsaka, trabaho ko naman talagang ihatid at sunduin ka. " tapos ngumiti na lang sya sakin.
" Thank you ulit. Magkita na lang tayo sa lunes. "
" Oo. Good night. "
" Good night. " last na sagot ko saka ako pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa bahay eh nagulat na lang ako na nasa sala pa pala si Arthur at mukhang naghihintay sa paguwi ko. Agad ko syang nilapitan para tanungin kaya tumabi ako sakanya.
" Gabi na ah. Di ka pa ba matutulog? " tanong ko sakanya.
" Di pa ko inaantok at tsaka i need to make sure na nakauwi ka ng ligtas. " sagot naman nya sakin habang busy sa panunuod.
" Aist. Ikaw talagang bata ka. " sabay gulo ko sa buhok nya. " Ayos lang ako. See? "
Lumapit sya't tumingin ng diretso sakin.
" Umiyak ka ba ate? " tanong nya bigla.
" Eh? Anong sinasabi mong umiyak? " saka ako lumayo agad sakanya.
" Medyo namamaga kasi yung mata mo eh? "
" Oh? Pano nangyari yun? " tapos kinuha ko yung phone ko't kunwaring tumingin sa salamin.
" Oh baka sa make-up lang yan. Anyway, tutal nandito ka na babalik na ko sa kwarto. Make sure na tatanggalin mong maigi yang make-up mo okay? " sagot naman nya sabay tayo at lakad paakyat.
" Nagkita kami. " nasabi ko bigla out of the blue kay Arthur.
" Nagkita? Nagkita nino? " tanong naman nya.
" Nagkita kami ni Kuya Caleb mo. " tapos napa-half and sad smile lang ako.
" Ate.." agad na lumungkot yung mukha ni Arthur sakin na ramdam ko agad na naawa sya sakin.
" Ayos lang naman. Ayos lang kami. Madaming nagbago, Oo. Pero ayos lang kami. " sagot ko lang habang pinipilit ko na maging mukhang okay sa harap ni Arthur.
" Tingin ko hindi ka okay ate. Kaya ba ganyan yung mga mata mo ngayon? " tanong ko sakanya.
" Okay lang ako. Sabi ko nga diba? Okay lang kami. Ayos lang ang lahat. Masaya talaga akong makita sya. " tapos dahan dahan na rin akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umiyak o ewan. Pero gusto ko na lang maging manhid. Ayoko ng makaramdam ng sakit, lungkot at pagkaawa sa sarili ko. Ayoko na ding maawa yung mga tao sa sinapit ko. Ayokong maging mukhang mahina sa harapan nila. Nahihirapan kasi akong umakto rin na malakas eh. Gusto ko, Okay lang lahat. Walang problema. Yung gaya ng dati. Pero, hindi pala talaga madaling ibalik sa dati yung matagal ng nagbago. Lalo na siguro yung mga oras na nawala sakin. Kahit anong gawin ko, Sinayang ko pa rin yung 9 years ko.
Caleb's POV
" So, You're telling me na lahat tayo naniwala na patay na sya for 9 years? " tanong ko agad kay Micah after nyang ipaliwanag lahat sakin.
" Basically, Parang ganun na nga. " sagot naman nya.
" Bakit? "
" Why don't you ask Aleli instead? Bat ako pa yung tinatanong mo eh isa rin naman ako sa napaniwalang patay na sya. " naaasar na sagot naman nya.
" Hindi ko alam kung kakausapin ba ako ni Aleli. Parang iniiwasan nya rin ako eh at Hindi ko alam kung bakit. Diba dapat nilalapitan nya pa rin ako hanggang ngayon? "
" Ah. " tapos napatingin lang si Micah ng diretso sakin. " Maybe because I told her that you're already engaged? "
Napa-nganga lang ako dun sa sinabi nya. WTF. Sinabi nya agad kay Aleli yun? Malamang pa sa malamang eh iiwas talaga sakin yung tao! Kami na walang proper closure tapos malalaman pa nyang ganun. Baka kaya nya ayaw akong kausapin eh dahil pakiramdam nyang iniwan na sya ng lahat dahil sya na lang yung napagiwanan. Ayokong makaramdam ng ganun si Aleli. Kahit na maraming nagbago, ilang taon man ang lumipas.. Si Aleli pa rin yun. Sya pa rin yung unang babaeng minahal ko ng sobra.
I need to talk to her. Pero pano?
" Can you help me? I need to talk to Aleli again. " sabi ko kay Micah.
" You're really that persistent huh? " tapos binigay nya yung phone nya sakin. " Call that guy first. "
" Who's this? " tanong ko naman.
" Bago mo makausap si Aleli, sakanya ka muna dadaan. " sagot naman nya.
" Eh sino nga 'to? Ba't kailangan dito muna kung pwede namang dumiresto agad kay Aleli na lang? "
" Malay ko. " tapos napahiga na lang sya. " Who knows, Maybe because he's Aleli's New Found love? "
" What?! " di na ko sinagot ni Micah sa halip eh humiga na lang sya. Dylan Garcia sino kaya 'tong tao na 'to? At ano kaya yung kinalaman nya kay Aleli? New Found Love? That's Bullshit. Kilala ko si Aleli, alam at nararamdaman kong ako pa rin ang minamahal nya.
Comments