Departure - Chapter Forty Two
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 6 min read
“Dylan is here!” rinig ko agad na sigaw ni Arianne pagkakita pa lang niya sa kahawak kamay kong si Dylan habang naglalakad kami pabalik sa resort.
“Oy! You're late.” ani naman agad ni Allen sakaniya sabay tapik sa braso niya.
“Sorry. Too much studies to finish eh. Anyway, I'm here.” sagot naman ni Dylan sabay ngisi sakaniya.
“Alam mo Dy, mas busangot pa sa busangot yung mukha ni Aleli nung wala ka. Grabe! Parang nakalunok ng bulkan sa pagka-badtrip eh!” pang-aasar naman ni Ahri sabay tawa sakin.
Tinignan ko lang siya ng masama saka ngumuso. Hindi ko kasalanan yun. Kasalanan yun ni Dylan kasi di siya nagpaparamdam.
“I know i know. So sorry na okay?” aniya sabay gulo ng buhok ko. Ngumuso lang ako't sumiksik sa gilid niya.
“Kumain ka na ba? Tamang tama magdi-dinner na kami.” sabi naman ni Arthur sakaniya.
“Great timing. Nagutom ako sa byahe eh.” sagot naman ni Dylan sakaniya.
Nagsipuntahan na kaming lahat sa restaurant sa loob ng hotel upang doon maghapunan. Nakapwesto na kami doon at hinihintay na lang na dumating ang grupo ni Cedric, Micah, Caleb kasama ang girlfriend niyang si Keanna.
“Nice, You made it Dylan! Anong oras ka pa dumating?” tanong agad ni Cedric kay Dylan pagkarating nila.
Umupo sila sa mga nauna nilang pwesto at kung kanina ay katabi ko si Micah eh ngayon si Dylan na. Medyo nakahinga ako ng maluwang nung nagbago yung seating arrangements sa hilera namin. Medyo hindi kasi ako mapakali pag pakiramdam ko mag-isa lang ako't kinukulit pa ko ni Micah.
“Mag-aalas singko ata?” maikling sagot naman ni Dylan habang sinasandukan ako ng kanin.
Napakaramdam ako ng kaunting tensyon ng biglang makatitigan si Caleb at Dylan sa isa't isa. I wonder, Nasabi ko ba kay Dylan na yung kaharap niya ngayon eh yung ex ko?
“Hello Dylan. It's nice to meet you again.” bati bigla ni Keanna sakaniya.
Natauhan bigla si Dylan at napabaling ng tingin kay Keanna. Ngumiti ito't sumagot rin sakaniya. “Oh hi. It's nice to meet you again, Ate..Keanna? Right?”
“Yes yes!” masayang tugon naman ni Keanna habang tumatango.
“What a coincidence! Ano pong ginagawa nyo dito?” tanong naman ni Dylan sakaniya.
“Sumama lang ako. Nga pala, Fiance ko si Caleb.” pakilala naman niya kay Caleb.
“Magkakilala kayo?” natanong bigla ni Caleb na bakas rin ang pagka-gulat sa mukha niya.
“Yes. Recent lang. Nakilala ko siya kasi siya pala yung boyfriend nitong si Aleli.” sagot naman niya habang nakangiti. “Ang cute nila noh?”
Napa-awang lang ang bibig ni Caleb at napabaling ulit ng tingin kay Dylan. This time, totoo na talaga na nakaramdam ako ng tensyon mula sakanila. Why? Why? Why? Bakit kailangan niyong maging ganto ka tense!?
“Dylan. Sugpo.” tawag ko bigla kay Dylan para maibaling niya yung atensyon niya sakin.
“Ano yun Aleli?” tanong niya.
“Balatan mo ko ng sugpo please.” request ko sakaniya.
“Oh sure.” at ngumiti lang siya sakin. “Gaano kadami?”
“Yung sakto lang please.” sagot ko naman.
“Damihan ko na para share tayo, Tapos ganto.. Since nagbabalat ako eh subuan mo na lang ako para nakakain din ako.” sabi naman niya sakin sabay ngisi.
Agad na uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Eh! Ayokong maging PDA sa harap ng kaibigan at mga kapatid ko. Pero baka magutom si Dylan kaya, Sige na nga.
“Okay.” nahihiyang sagot ko naman. Napatingin ako kala Keanna, Arianne at Cedric na mukhang natutuwa sila sa nakikita nila. Maging sina Allen at Ahri, Mukhang may balak din mang-asar. Samantalang si Arthur naman eh napa-iling at napangisi lang. Pero yung dalawa.. Sina Micah at Caleb mukhang papatay ng tao sa talim ng titig nila samin.
“Tapos na lahat ng projects mo, Dylan?” walang emosyong tanong bigla ni Micah sakaniya. Napatingin agad kaming dalawa sakaniya at parang nakaramdam ako ng pagkaasar sa tono ng pananalita niya. Oh well, as if namang may magagawa ako eh Professor siya ni Dylan.
“Yes sir. Tinapos ko na po lahat bago pa po ako bumyahe dito.” diretsong sagot naman ni Dylan sakaniya.
“Good. Sipag mo talaga ha.” aniya na parang nang-aasar na lang siya.
“Ganun talaga sir. Sayang gala eh.” natatawang sagot na lang ni Dylan sakaniya.
“Hoy Michaelo! Ang layo layo ng school dito ha! Wag mo ngang dinadala yang pagiging professor mo dito.” pagsasaway ko naman sakaniya. Humalukipkip ako't ngumuso at tinitigan siya ng masama.
Agad siyang natawa at napailing sa naging reaksyon ko. Ano ba 'to, Hindi ko tuloy alam kung pinaglalaruan lang ba ako nitong si Micah dahil lang sa alam niyang boyfriend ko ang estudyante niya.
“Napaka-protective mo naman Aleli. Easy lang. Hindi ko naman kakainin yang boyfriend mo eh.” sagot naman ni Micah sakin.
Umirap lang ako't ibinaling ang tingin ko kay Dylan. “Sabihin mo agad sakin kapag lagi kang pinagtri-tripan ni Micah ha? Aawayin ko siya para sayo nang matauhan!”
“Don't hurt my ego, Aleli. Stop protecting me like a child..” awkward pero natatawang tugon naman ni Dylan sakin. Saka niya nilapit ang bibig niya't bumulong sakin. “..Let me do the honor of protecting you instead.”
Napanganga lang ako't napapikit sa binulong niya. Parang may kung anong kuryente ang bumabalot sa malalim na boses ni Dylan at para akong tinamaan ng matindi.
“Tss.. What a flirt.” bulong ko naman pabalik sakaniya na dahilan para matawa siya ng malakas.
“Labas na tayo?” aya niya bigla pero pabulong pa rin. Napatingin ako sa mata niya't halos matawa rin ako nung kumindat pa siya. Mga galawan talaga nitong lalake na 'to eh!
Tumango na lang ako't dahan dahang tumayo.
“Oh saan kayo? Tapos na kayong kumain na dalawa?” tanong naman agad ni Arianne saming dalawa ni Dylan.
“Yep tapos na kami. Maglalakad lakad lang muna kami..” sagot naman ni Dylan saka muna kami dumiretso ng bathroom upang maghugas ng kamay at mag-ayos.
Paglabas ko sa lobby eh nakita ko agad si Dylan na nakapamulsa at naghihintay sakin.
Nang makita na niya ako eh agad niyang inabot ang kamay niya't kinuha ang kamay ko saka ito hinawakan ng mahigpit.
Napangiti na lang ako sa nangyayari ngayon. Kanina, Hindi ko na siguro napansin yung tingin ng mga tao saming dalawa habang naglalakad kami palayo. That time, presence lang ni Dylan sa tabi ko eh sapat na para maging kampante at maging kumportable ako sa lahat.
Just like now, maramdaman ko lang ang init na nanggagaling sa kamay ni Dylan, sapat na. Sapat na ang lahat basta kasama ko siya.
***
“Hindi ko trip yung atmosphere sa loob. Ang bigat. Parang ang hirap gumalaw..” wika bigla ni Dylan habang naglalakad kaming dalawa sa madilim na dalampasigan.
Napayuko ako at agad na na-guilty dahil sa sinabi niya. I knew it. Alam kong ramdam na ramdam talaga ni Dylan yung tensyon kanina.
“Sorry, Hindi ko ata nasabi sayo na yung kaharap mo kanina eh..”
“I know, Aleli. You don't have to say anything.” aniya sabay ngiti at hawak ng mahigpit sa kamay ko.
“Did I make you feel uncomfortable?” tanong ko sakaniya.
“Why would you say that? Dummy.” aniya sabay pitik sa ilong ko.
Ngumuso muna ako bago nilapit ang katawan niya sakin para mayakap ko ang bewang niya. “Wala, Naisip ko lang na baka na-aawkwardan ka kanina. Ganun..”
“Medyo nga.. Pero ayos lang. Lagi namang nakaka-intimidate yung mga taong nakapaligid sayo eh. Medyo sanay na ako.” tugon naman niya sabay ngiti ulit sakin.
“Hay Dylan..” at napangiti na lang din ako sakaniya. “I'm just happy that you're already here. Ang weird kasi pakiramdam ko kulang na yung buhay ko kapag di kita kasama.”
“How many times do I have to tell you that I won't go anywhere, Aleli. I won't leave you alone. Okay? So stop worrying.” he smiled warmly at me once again.
Napatitig lang ako sa mga mata niyang kasing liwanag ng buwan. Sa Boses niyang kasing payapa gaya ng mga along humahampas sa dalampasigan. Sa katawan niyang kasing init ng isang kumot na bumabalot sa katawan.
Ano nga bang ginawa ko para biyayaan ng ganto kaganda? Para ibigay sakin ang isang taong tulad niya na sobra kung magmahal.
“Sa lahat ng pasakit sa buhay ko, para sakin.. Ikaw yung Best Reward.” sambit ko bigla habang nakatitig at malayang nakangiti sakaniya.
Napa-awang lang ang bibig ni Dylan na tanda ng pagkagulat niya sa mga sinabi ko. Napangisi siya ng malaki saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Then, I'am glad to be owned by you.” ani Dylan sabay dampi ng labi niya sa labi ko.
I was astonished by Dylan's sudden kiss but he continue kissing me once more. He kissed me gently and slowly, like he's feeling every movement. I responded by kissing him in the same intensity. Gentle. Slow. And of course, Sweet.
I could almost feel the pressure in Dylan's lips, it hurts a little but i never really mind it at all. He hungrily nibbled my lower lips and pulled me much closer and I can't stop myself from returning back the pleasure and the love that he's giving to me. I want more. I want him so much more.
“Opps!” nasambit bigla ni Dylan nang bigla kong nakagat ng madiin yung pang-ibabang labi niya.
Napanganga ako sa gulat at sa agarang kahihiyan. Ohmygosh! Ano itong nagawa ko!?
“Hala sorry! Sorry sorry sorry.” irit ko agad habang paulit ulit na hinahalikan yung labi niya.
“Ikaw ha, Nag-eenjoy ka ha.” pang-aasar naman niya habang nakangisi ng malaki sakin.
Natameme lang ako't mabilis na umakyat yung dugo ko sa pisngi ko. Ano ba yan! Parang gusto ko na tuloy mamatay on the spot ngayon dahil sa kahihiyan.
“Kainis ka!” sigaw ko sabay hampas sa kaniya.
Natawa lang siya't hinaplos ang ulo ko. Nakangiti siya ng malaki habang sinisipsip ang sugatan niyang labi.
“Mahal na mahal mo talaga ako eh noh?” pangungutya pa niya.
Napangisi ako't napatingkayad para mapantayan ko yung tangkad niya. “Sobra..” sabay halik pa ulit sa labi niya.
“And I love you too, Aleli.” sagot naman niya sabay ngiti ulit sakin.
Yes. Mahal na mahal ko talaga 'tong tao na 'to. Hindi ko alam kung hanggang kailan o kung hanggang saan itatagal 'tong nararamdaman ko sakaniya pero ang masasabi ko lang ngayon ay.. Masaya talaga akong mahalin siya ng sobra.
You've finished reading this incomplete story.
Let me know in the comments what you say about this story.
Thanks!
Comments