top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Forty

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 8 min read


Hindi na namin tinapos yung party kasi bigla akong nakaramdam ng gutom at hilo sa loob. Sinabi ko ito kay Dylan at agaran niya kong hinila palabas. Umalis kami ng walang paalam at pumunta sa malapit na McDonalds. Napailing lang ako habang natatawa nung pumasok kami sa loob. Paano kasi, alam nya kung saan ako mas kumportable dalhin at maging yung mga pagkaing gusto ko ring kainin.


Umorder siya ng fried chicken with rice at fries. Bumili rin siya ng sundae para sakaniya at mainit na kape naman raw para sakin. Ang cute lang kasi para kaming tumakas sa party para lang mag-date dito sa Mcdo.


“Ganto kumain ng fries, Aleli.” aniya sabay kuha ng isang pirasong fries at isinasaw sa choco fudge sundae niya. Pagkatapos ay isinubo niya kaagad yun at ngumiti sakin na parang may maganda siyang nai-accomplish.


Napa-iling lang ako sa kalokohan nitong si Dylan. As if namang hindi ko din alam yan eh nung panahon ko, usong uso na yan.


“Should I clap? As if namang walang nakakaalam niyan.” pagma-mock ko sakaniya. Sumimangot lang siya’t kumuha ulit at isinubo sakin yung isa.


“Oh Para tumigil ka.” aniya habang nakanguso. Napangisi lang ako habang nginunguya yung fries na binigay niya.


“Dylan..” masayang tawag ko habang pinagmamasdan siya.


“Oh?” iritadong sagot naman niya.


“I love you. Hehe” sabay ngisi sakaniya ng malaki.


Natulala lang siya sa sinabi ko’t agaran ang pagpula ng mga pisngi niya. Napaubo siya’t kumuha ulit ng fries at isinubo ulit sakin.


“I love you too, Now eat.” aniya habang pinipigilan yung mga ngiti sa labi niya.


Hindi ko mapigilan ang pagtitig at pag ngiti ko sakaniya. I never felt like this before ever since I was in coma. Buong buhay ko, Inisip ko na isang lalake lang ang kaya kong mahalin ng ganto. Mali pala ako kasi kaya ko pa palang mas mahal ng higit pa at ang mas nakakagulat ay sa ibang tao pa.


Naalala ko dati na merong nagsabi sakin na, Sa buhay natin hindi talaga maiiwasan ang mawalan at iwanan. Afterall, wala namang permanente sa mundo. Pero sabi nila, kaya inaalis satin yung mga bagay na iyun ay dahil bibigyan tayo ng isang kapalit na higit pa sa inaakala natin. God is good. Alam niya kung anong makakapagpasaya satin. Alam niya at tinatanggal niya yung mga bagay na pansamantala lang para mahanap natin yung panghabang buhay.


Kaya kung dati naiinis ako kasi parang nasayang lang ang buhay ko dahil sa aksidente na yun na maging mahal ko sa buhay ay nagawa akong iwanan.. Siguro ngayon, naiintindihan ko na. May dahilan talaga ang lahat ng bagay.


Kung hindi ako na-coma ay hindi gagawa ng paraan ang mga magulang ko at hindi nila ako ilalagay sa underground chamber na yun. Hindi ako makikita o makikilala ni Dylan. Kahit kailan ay hinding hindi ko siya makikilala at hindi ako magiging masaya ng ganto. Kaya masaya na akong nalaman ko yung purpose ng lahat. Worth it palang mag-sacrifice kung ganto katindi yung makukuha mong kapalit.


“You look happy.” sambit bigla ni Dylan habang nilalakbay namin ang daan pauwi. Pasado alas dose na at wala ng masyadong tao o kotse sa kalsada, at ang tanging naririnig lang namin ay ang mahinang tugtog niya sa kotse at syempre ang mga boses namin.


“I’am happy. Thanks to you.” mabilis at masayang sagot ko naman habang nakatingin sakaniya.


“I’m glad that I can make you happy. Pero ano bang meron at naging ganto ka kalambing? May nagawa na naman ba ako? O may kasalanang nagawa sayo?” nagtatakang tanong niya bigla sakin.


Napabuga ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Seriously, ganun ba talaga ka-imposible na maging malambing ako?


“Wala naman, naisip ko lang yung mga bagay kung bakit kita mahal.” sagot ko naman sakaniya.


“Okay. Alam ko na. Lasing ka noh? Anong pinainom sayo nila Ahri? Tsaka sinabi ko bang uminom ka?” sunod sunod na sabi niya.


Napailing lang ulit ako’t napangiti sakaniya. Bahala kang mag-reklamo, basta ako.. iaalay ko ang buong atensyon ko sayo.


After naming kumain ay hindi na kami bumalik dun sa bar sa halip ay inuwi na niya ako para daw makapagpahinga na ako. Kahit ayaw ko man eh sumang-ayon na ako't nagpaalam na rin sakaniya.


Madaming nangyari nung gabi na yun, Pero ewan ko ba. Pakiramdam ko ang saya saya ko talaga. Thanks to Dylan. Kung di dahil sakaniya hindi ako liligaya ng ganto.


***


Monday morning, pumasok ako sa school para sa isang klase. Mga ilang oras din yun at nung dismissal na eh agad akong pumunta sa chapel para makipagkita kay Dylan. Agad naman niya kong niyakap at binati.


“How your class?” casual na tanong niya habang nakatingin ng diretso sakin.


“Same. Nothing much happen. Eh Ikaw?” tanong ko naman sakaniya.


“We've got to make some studies for the new project. It's quite tiring pero okay lang naman. Makikipagkita ka kala Kuya Cedric at Ate Arianne ngayon diba?”


“Oo. Eh pano ka? Ayaw mo ba talagang sumama?” tanong ko sakaniya.


“Sorry, May kailangan akong asikasuhin with dad. Maybe next time. Hatid na lang kita sakanila.” aniya sabay ngiti sakaniya.


“Okay lang. Let's go.” at lumakad na kaming dalawa.


Medyo matagal din ang naging byahe namin papunta sakanila dahil sa matinding traffic. Kaya nung pagkababa ko sa kotse ni Dylan eh agad akong nag-alala para sakaniya. Paano na lang kung ma-late siya? Baka mapagalitan pa siya ng papa niya.


“I will be alright. Text me na lang kung uuwi ka na para masundo kita ha?” sabi niya bago magpaalam.


“Wag na. Magpapahatid na lang ako kala Arianne. Sige na at baka ma-late ka pa. Babye. I love you.” paalam ko naman sakaniya sabay halik sa pisngi at ngiti sakaniya.


“I love you too. Babye.” at umalis na siya.


Pagkaalis niya eh agad na sumeryoso ang mukha ko't pumasok na sa bahay nila Arianne. Actually, kaya kami maguusap ngayon eh para pagusapan ang tungkol sa kaso ko at kung ano na bang naging progress nun. Sana talaga may nalaman na silang bago.


“Aleli! Pasok ka. Kanina ka pa namin hinihintay. Mag-isa ka lang ba na pumunta dito?” bungad na tanong agad sakin ni Arianne.


Umiling ako't agad na ngumiti.


“Hinatid ako ni Dylan. Pero may kailangan siyang gawin kaya umalis na din agad siya. So ano na?” seryosong tanong ko agad sakaniya.


Bumagsak ang mukha ni Arianne at mabilis na umiling sakin.


“Sorry. Pero wala pa rin kaming nahahanap na bago. Kaya ka namin pinatawag eh para magtanong ng ilang informasyon. Ayos lang ba yun?” tanong niya naman.


“Oo naman. Walang problema sakin. Kahit ano-Kung kaya kong sagutin, sasagutin ko.” sagot ko naman.


Ngumiti lang siya't pinapasok na ko sa kwarto kung saan abalang abala na nagbabasa ng mga dokumento si Cedric.


“Hi Ced!” bati ko agad sakaniya.


“Oi Aleli! Nandito ka na pala. Halika, Upo ka. Sorry kung medyo makalat.” aniya naman sabay lapag muna ng mga binabasa niya.


“So, You're gonna ask me some questions right?” tanong ko agad sakaniya.


“Ah right. Somethings lang na importanteng maisagot mo para makausad sa kaso. Umpisahan ko na ba?” tanong niya.


Tumango lang ako sakaniya't tahimik na naghintay sa itatanong niya.


“First, I need you to tell me everything that you remember within that night. Lahat lahat.” utos niya sakin.


“It was summer right? Alam ko na makikipagkita dapat ako kay Caleb nun sa wonderland pero hindi ko nga lang maalala kung bakit. Paalis na sana ako ng bahay nun at bibilinan ko sana si Allen na mag-stay muna at wag na wag aalis dahil babalik rin naman agad ako. And then.. someone just knocked on our door. I can't remember his face or even his voice pero agad ko siyang pinapasok at hindi ko rin maalala kung bakit.” pagkwe-kwento ko sakanila.


“Gaya nga ng napagusapan natin nung nakaraan, Pinapasok mo siya kaagad maybe because he's not a stranger to you. Kilala ka niya at mas kilala mo siya.” seryosong sagot agad ni Cedric sakin.


“Well yes i really think that too. Pero wala talaga akong maalala. Gusto ko talagang mamukaan kung sino siya!” anas ko.


“Wait Aleli. You said that you're supposed to meet Caleb on the wonderland right? But you can't remember why. Wala ka bang naalala kung anong mga nangyari bago niyo pa man napagdesisyunan na magkita?” tanong naman ni Arianne sakin.


“Hmm.” napakunot ang noo ko't napaisip ng malalim. “Wala eh. Wala talaga.”


Weird. Tanda ko talagang magkikita dapat talaga kami that time pero I really can't remember why. Bakit nga kaya? Bakit kaya hindi ko maalala.


“Wait. Hindi ba may LQ kayo nun?” bulalas bigla ni Cedric sabay tingin agad sakin.


Agad kaming bumaling ng tingin sakaniya. At syempre, Nagulat rin ako sa sinabi niya.


“LQ? Ewan. Bakit? Pano mo naman nasabi, Ced?” tanong ko naman sakaniya.


“Well kung summer yun after graduation natin sa highschool edi yun nga yung time na alam kong magkaaway kayong dalawa. Lagi ka ngang nagrereklamo sakin eh, Hindi mo ba naalala?” aniya habang nakatingin silang dalawang mag-asawa sakin.


“Wala akong maalala. Pero nagrereklamo ako? Bakit naman?” tanong ko naman sakaniya. Ano 'to? Totoo ba 'tong mga sinasabi ni Cedric? Kung Oo, Eh bakit wala akong maalala? Tsaka bakit naman ako magrereklamo?


“Lagi mong nirereklamo na pakiramdam mo nagbabago na si Caleb. Na minsan hindi mo na siya naiintindihan. Hindi mo na ba talaga maalala?”


Lalong napakunot yung noo ko. Ano yun? Wala talaga akong maalala. Sinabi ko ba talaga yun? Bakit? Pano nangyari yun kung bago ako makatulog ng matagal eh natatandaan kong sobra ko pa siyang mahal.


“Ah Naaalala ko yun! Hindi mo ba maalala Aleli? Nagaaway kayo nun kasi gawa ng migration ni Caleb papuntang London. Merong isa sa inyo na ayaw ang Long distance relationship kaya lagi kayong nag-aaway. Wala ka talagang maalala?” sabi naman ni Arianne sakin na parang naguguluhan rin sila sakin.


“Wala." tanging nasagot ko lang habang umiiling sakanila. Wala talaga akong maalala. Bakit kaya? Long distance relationship? So nakaplano na talagang umalis si Caleb bago pa man nangyari yung aksidente ganun ba yun?


“Well. Marami ka pang hindi maalala. Let me guess, Hindi ka nagpakunsulta sa doctor after mong magising noh?” tanong ni Cedric sakin bigla.


“Hindi. Lumayas kasi ako nun kaagad. Bakit? May problema ba?” kabadong tanong ko naman.


Nagtinginan muna silang dalawa sa isa't isa bago bumaling ng tingin muli sakin. Seryoso at mukhang nag-aalala.


“Yes Aleli. May problema talaga. Maybe the reason why you haven't redeemed your memories yet is because your brain is still in distress. Or you are still in a trauma. I suggest na magpatingin ka muna sa isang Neurologist or a Psychologist. Malay mo mas mabilis na bumalik ang mga ala-ala mo. Pero don't pressure yourself too much. Baka kasi mas lalong lumala. Kung ano lang ang kaya mo, yun lang ang gawin mo.” paliwanag naman ni Arianne sakin.


“Always remember this Aleli, Tanging mga ala-ala mo lang ang susi para matapos 'tong kaso na 'to. Hindi pa natin nabubuo ang big puzzle sa lahat. We need to work this things out bago pa man may mangyari ulit na masama.” sabi naman ni Cedric sakin.

Tumango lang ako at matapang na tinanggap ang mga sinabi nila. Kailangan kong pag igihan ng mabuti. Kailangan kong maibalik agad ang mga nawawalang ala-ala ko. Kailangan ko nang matapos lahat ng 'to. Sana lang talaga. Makaya ko lahat.


“By the way Aleli, Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon? Yung tungkol sa birthday ni Harold? Actually next week na siya. May napili na kaming place at balak naming mag out of town. Sa Palawan yung naisip namin. Makakasama ka ba? You could also invite your brothers para mas marami tayo. Besides, I also miss those two.” singit bigla ni Arianne na mukhang na-excite bigla sa mga pinaplano niya.


“Palawan? Sure. I'll ask those two. I'm sure kailangan din nilang magrelax paminsan minsan. Eh Sino sino bang mga kasama?” excited na tanong ko naman sakaniya.


“Hmm.” nagkatinginan muna sila ni Cedric bago muling tumingin sakin. Hindi maintindihan yun ekspresyon ng mga mukha. Parang nagdadalawang isip ata sila kung sasabihin ba nila o hindi o ewan.


“Let me guess, Sina Caleb at ang girlfriend niyang si Keanna noh?” nakangiting sabat ko naman.


Agad silang nagulat nang banggitin ko yung pangalan ni Keanna. Ah hindi nga pala nila alam na nakikilala ko na rin siya.


“How did you know about Keanna? Don't tell me–”


“It's a long story and a very weird coincidence. But yes, I already met her. And she looks okay. Actually, She is really nice. Bakit?” nagtatakang tanong ko naman sakanila.


“Ah wala lang. Mabuti naman kung ganun edi okay okay na? So Pano, Next week ha? Wag mong kakalimutan.” pahabol pa niya.


“Yes yes.” at tumango lang ako sakaniya.


Hindi na namin natuloy yung paguusap tungkol sa kaso kasi syempre wala pa naman kaming magagawa sa ngayon dahil unti pa rin ang mga naalala ko. Kaya ayun, Kwinentuhan na lang nila ako kung paano sila nagkatuluyang dalawa. Nakakatuwa at nakakalungkot at the same time. Paano kasi, Nanghihinayang ako dun sa chance na sana naging Maid in Honor ako ni Arianne o naging ninang man lang ako ni Harold. Pero wala. Tapos na eh. At tsaka, napagdesisyunan ko na rin naman na harapin na lang ng buo at walang panghihinayang ang bukas.





Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page