top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Forty One

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 8 min read

“So tell me, Nagkaroon ba kayo ng away ni Dylan or something?” tanong bigla ni Ahri habang nakasakay na kami sa eroplano papuntang palawan.


“Ewan. Ewan ko sakaniya.” maikli at iritadong sagot ko naman habang nakatulalang pinagmamasdan ang mga ulap sa kalangitan.


“Okay. Mukhang away nga.” bulong lang ni Ahri saka siya bumalik sa pagkakasandal niya sa upuan at nanahimik na.


Napabuntong hininga lang ako nang bigla kong maalala yung mga nangyari ilang araw bago kami bumyahe papunta sa palawan.


“Dy, niyaya nga pala ako nila Arianne sa birthday ni Harold. Kaya lang magpapa-out of town celebration siya. Sa Palawan raw. Niyaya ko na sina Allen at Arthur na sumama at pumayag naman agad sila. Ikaw? Sasama ka naman diba?” tanong ko sakaniya habang busy siya sa pagiiscroll sa cellphone niya.


“Palawan? Kailan ba daw ba?” walang ganang tanong naman niya. Di man lang niya ako tinignan at nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagsusulat ng mga computations.


“Ngayong week? Baka sa Friday ang alis. Bakit?” tanong ko naman.


“Hmm..” at biglang napakunot ang noo niya. “Mukhang imposibleng makasama ako this week. Ang dami kong projects na gagawin eh.”


Ako naman ngayon ang napakunot ang noo.


“Bakit naman? Three days lang naman! Kung gusto mo dun ka na lang din gumawa. Sige na, Sumama ka na please!” pagmamakaawa ko naman sakaniya.


“Hindi ako makakapagfocus sa ganung lugar, Aleli. Besides, kailangan ko pang magcheck at magpa-consult ng mga studies sa mga profs. kaya kailangan kong magpabalik balik sa school.” sagot naman niya sakin.


Nagkatitigan kaming dalawa at halos hindi ko maiwasan ang hindi magalit sa mga sinasagot niya. Nagagalit ako sakaniya pero mas nagagalit ako sa sarili ko.


Damn it. Syempre kailangan ding mag-aral ni Dylan. Ba't ang selfish mo Aleli?


“Fine. Do what you want.” huling sambit ko sakaniya bago ko siya nilayasan.


Simula nung araw na yun eh wala na kong narinig kay Dylan. Para bang wala man lang siyang paki kung nagtatampo ba ako o hindi. Wala man lang paramdam kaya hinayaan ko na. Ginusto niya yun eh.


Back to reality, pagkarating namin sa palawan eh nag-stay agad kami sa resort na kung tawagin ay Busuanga Bay Lodge kung saan unang sulyap mo pa lamang eh mamangha ka na agad sa ganda at elegante ng lugar. Bukod pa dun, Dumagdag pa ang ubod ng asul na kulay ng dagat na kung iisipin eh para kang nasa isang paraiso talaga. Nakakarelax. Ngayon lang ako nakakita ng gantong kagandang tanawin sa buong buhay ko.


“Nauna na pala sina Ate Arianne at Kuya Cedric satin noh? Tayo na lang ba ang hinihintay o may darating pa?” tanong bigla ni Allen sakin habang nagche-check in kami sa hotel.


May darating pa? Kung si Dylan yung tinutukoy niya eh asa pa siya. Mas mahalaga project sa tao na yun eh.


“Wala na.” iritadong sagot ko ulit.


“Oh ba't ka galit? Nagtatanong lang naman ako ah?” pangungutya naman ni Allen. Agad ko siyang sinimangutan pero tinawanan niya lang ako. What a bad kid.


“Aleli! Buti naman at nandito na kayo. Wait. Sina Allen at Arthur na ba 'to? Ohmygod. Ang lalaki nyo na!” gulat at masayang bati agad ni Arianne samin sabay yakap sa dalawa.


“Mukhang hindi ka na tumangkad Ate Arianne ah? But it's nice to see you again.” ani Arthur sabay ngisi naman sakaniya.


“Eysus. Di ka pa rin nagbabago, Pasaway na bata ka pa rin.” at napailing lang si Arianne sakaniya saka bumaling naman kay Allen. “Oh Allen, Sana natatanda mo pa ko.”


“Of course ate. We used to play together, am I right? Ikaw ang nagbabantay pag may date si Ate.” sabay tawa ni Allen at ngising mapang-asar sakin.


Ugh. Bibingo na talaga 'tong si Allen sakin. Hay! Nakapilyong bata. Di na lang magtigil eh.


“Good thing na naaalala mo pa. Eh sino naman siya?” tanong naman ni Arianne sabay turo kay Ahri na nasa tabi ni Allen.


“Pinsan ni Dylan. Girlfriend ni Allen.” mabilis na sagot ko naman agad para makaganti ganti naman ako.


Mabilis na tumingin sina Allen at Ahri sakin na may gulat na ekspresyon sa mukha. Agad naman kaming natawa ni Arianne sakanila.


“Hindi noh! Don't believe her Ate Arianne!” mabilis na pagdedeny naman ni Allen sakaniya.


“Uhm Opo. Hindi po ako girlfriend ni Allen. Kaibigan lang po.” nahihiya pero may bahid ng kalungkutan na sagot naman ni Ahri.


“Eysus. Okay lang yan. No need to deny. Pero speaking of, Bakit hindi niyo kasama si Dylan?” tanong bigla ni Arianne sakin saka niya pinaikot ikot ang mata niya sa paligid na parang may hinahanap na kung sino.


“Hindi sumama.” maikling sagot ko naman sabay nguso at naglakad na papaakyat sa taas kung nasan ang mga kwarto namin.


“Eh? Bakit? Anong nangyari?” rinig kong tanong agad ni Arianne sakin.


“Don't ask her Ate Arianne, Badtrip yan ngayon.” sagot naman ni Arthur sabay sunod sakin.


“Ano ba yan. Sige na nga. Bilisan niyong bumaba ha? Kakain na tayo ng lunch. Kayo na lang ang hinihintay.” huling rinig kong sigaw ni Arianne bago kami pumasok sa may elevator.


Dalawang rooms lang ang kinuha namin para sa aming apat. Isa para samin ni Ahri at yung isa namay para kanila Allen at Arthur.


Mabilis lang akong nagbihis into something light white dress. Nung tumingin tuloy ako sa salamin, Di ko tuloy maiwasan ang hindi maalala si Dylan. Pano kasi naka white dress din ako nung una kaming magkakilala at ngayon, parang hindi na talaga ako sanay na di siya kasama. Ano ba yan. Naiinis na naman tuloy ako- at nalulungkot at the same time. Miss ko na kasi siya eh. It's been days ever since nung winalk-outan ko sya. Hays naman.


“Dito Aleli!” rinig kong sigaw ni Cedric samin pagpasok sa may restaurant nung hotel. Nakaupo sila sa napakalaking mesa at mukhang kumpleto na silang lahat roon- and of course, Including Caleb.


“Tita Aleli.” masayang bati agad ni Harold sabay yakap sakin.


“Harold. Happy birthday sayo.” masayang bati ko naman sakaniya.


“Hindi pa tita. Bukas pa.” sagot naman agad niya na nagpatawa saming lahat.


“Oh edi advance.” at natawa na rin ako.


Umupo na kami't naramdam ko agad ang mata nung tatlo sakin. I mean si Micah, Si Caleb at ang girlfriend niyang si Keanna na nakadikit sakaniya.


“Ohmygod. Aleli right? What a small world. Magkakilala pala kayong lahat?” gulat na tanong naman agad ni Keanna sakin.


“Medyo hehe.” at awkward lang akong ngumiti sakaniya. I felt guilty tuloy. Feeling ko napagkaisahan namin siya.


“Really? How's that happened?” tanong pa niya habang gulat na gulat pa rin sa mga nangyayari.


“I'm they're old friend actually. Childhood friends kaming lahat. Pati mga kapatid ko.” sagot ko naman sabay ngiti ng bahagya sakaniya. Ah! Nakaka-guilty talaga to!


“Wow. This is so amazing!”


Ngumiti lang ako sakaniya't saglit na nasulyapan ang nakatitig na mga mata ni Caleb sakin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung dahilan ng pagaaway namin noon na hindi ko man lang maalala. Okay past is past. Move on na okay?


“Kulang ata kayo? Bakit parang di ko nakikita si Mr. Garcia?” pabulong na tanong bigla ni Micah sakin habang kumakain kami.


Napatingin agad ako ng masama sakaniya at napanguso.


“It's your fault! Professor ka ni Dylan diba? Ilang projects ba ang pinagawa mo sakanila? At tsaka, ba't ka nga pala nandito? Diba dapat busy ka rin sa school?” mahinang reklamo ko agad sakaniya.


“Ay oo nga pala. For Midterm yun Aleli, Kaya dapat lang na magfocus muna sila dun. And for me as a professor eh okay lang na nandito ako. Ako lang naman yung magcri-critic sa mga gagawin nila eh. I'm not a consultant or anything so I had lots of free time.” sabay ngisi niya sakin.


Inirapan ko lang siya't bumalik na ulit sa pagkain. Lahat ay nagiingay samantalang tahimik lang akong nakikiramdam sakanila. Gusto ko mang igala ang mga mata ko kaya lang nahihiya ako sa Ex ko at sa Fiance niya na malambing na naguusap habang nasa harapan ko. Hay. Ang awkward pala talaga nito.


“Ano raw ang magandang pampalubag loob para sa mga babae?” tanong bigla ni Allen.


Agad naman kaming napatinging apat na babae sakaniya at sumagot.


“Ako Allen! Simple lang ang gusto ko. Hugs and Kisses lang sapat na.” kinikilig na sagot naman ni Ahri sakaniya. Napailing lang ako't natawa na naman sa reaksyon nung kapatid ko sakaniya. Hay. Those two will never really change.


“I think, Some Chocolates and flowers will do too. Pero mas mahalaga pa rin ang sorry nung guy.” sagot naman ni Keanna sakaniya.


“Hmm. Cute pa rin yung effort nung lalaki kahit ano man yung gawin niya. And Keanna is right, Mas mahalaga pa rin ang sorry.” sagot naman ni Arianne sabay halik sa pisngi sa asawa niya.


“Eh ikaw ate? Anong sagot mo?” tanong naman ni Allen sakin.


“Ako? Hmm. Ano nga ba?” napaisip ako bigla. Actually, Hindi naman ako ganun ka kumplikadong babae. Makita ko lang siguro yung taong mahal ko at makasama siya eh sapat na.. But then..


“Simple lang yung akin. Gusto ko lang mabigyan ng bulaklak na pinakagusto ko.” sagot ko naman sakaniya


“Sus. Easy. Rose lang yan eh.” pagma-mock naman ni Micah sabay ngisi sakin.


“Sorry hindi.” at ngisi ko naman pabalik sakaniya.


“Okay got it.” maikling ani lang ni Allen at bumalik na ulit siya sa pagce-cellphone.


Pagkatapos kumain ay nagsiayusan na agad kami para makapag-swimming na sa labas. Nagsuot ako ng Rashguard at shorts para di ako masyadong maarawan. Iba kasi ang balat ng mga Valentino eh. Medyo may pagka-sensitive kami kaya pare-parehas kami tuloy ng ayos ngayong tatlo nila Arthur.


Kung ano ano ang mga pinagagawa namin. Puro pictures actually pero mas nag-enjoy kami sa snorkling at kung ano ano pa. Sobrang nakakamangha lang yung sobrang linaw ng tubig na parang tumitingin ka lang sa aquarium.


Habang nasa dagat at masaya naman kaming nagtatampisaw ni Ahri eh para bang sira 'tong mata ko at lagi na lang napapatingin sa part kung nasaan sina Caleb at Keanna. Napapanuod ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa at kung pano sila magharutan na parang ang saya saya talaga nila.


Naka-move on man ako, Oo. Pero iba pa rin eh. May uneasy feeling pa rin akong nararamdaman na ewan.. parang awkward?


**


Nang pahapon na eh nagpalit na ulit ako sa aking puting bestida at naisipang maglakad lakad muna sa dalampasigan. Tahimik kong pinagmamasdan ang papalubog na araw mula sa asul na karagatan. Mas guminhawa pa ang pakiramdam ko dahil sa pagsabay ng mahahaba kong buhok sa hangin na wari mo'y nakikisabay sila sa paghampas ng alon.


Minsan na nga lang ako makakita ng ganto kagandang tanawin, Nasaktuhan pang mag-isa pa ko ngayon. Hay. This is so frustrating. I feel so alone.


Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga yabag na mukhang papalapit sa akin. Maaasar na sana ako kasi pakiramdam ko si Micah lang 'to na kanina pa nangungulit sakin at hindi ako tinatatanan pero mukhang mali ako.


Nadaanan kasi ng mga mata ko ang pamilyar na kulay pulang bulaklak na hawak ng isang lalake habang nakatakip sa kaniyang mukha.


Red spider lily. Isang lalake lang ang nakakaalam kung anong ang halaga ng bulaklak na yun sakin. Mabilis tuloy na tumibok ang puso ko at automatic na gumuhit ang mga ngiti sa labi ko.


“I'm so sorry if you felt being neglected. I just want to make sure na matatapos ko lahat ng gagawin ko para makasama kita ng walang iniintindi. Sorry na.” sabi ni Dylan habang nakangiti at naghihintay ng isasagot ko.


“How did you know about-” napakunot bigla yung noo ko. Paano niya nalaman yung tungkol sa paraan kung pano ako suyuin?


Ah. Gets ko na. Kaya pala biglang nagtanong si Allen kanina. Magkasabwat pala sila.


“I get it. Si Allen noh? He told you right?”


“Yes. Sinabi lang niya yung paraan pero ako pa rin ang nag-isip kung ano ang pinakapaborito mong bulaklak. Here, this is the sign of my peace offering.” sabay abot niya nung bulaklak sakin.


“Stupid.” at napangisi na nga ako ng malaki't agad na tumakbo para yakapin siya ng mahigpit. “You will never leave me again okay? As your girlfriend, I command you to stay forever by my side.”


“You don't have to ask me that-dahil gagawin ko talaga yun.” sagot naman niya sabay yakap sakin ng mas mahigpit pa.


“Dapat lang.” at sabay kaming napatawa dalawa. Ah, Buo na ang araw ko. Thanks to him dahil sa wakas nandito na rin siya.




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page