top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twenty Three

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 5 min read


Dylan's POV



Habang hinihintay ko si Aleli sa labas ng department building nila eh bigla na lang may tumawag sakin na isang unknown number. Hindi ko sana sasagutin kaya lang naisip ko na baka importante rin kaya ayun sinagot ko na.


" Hello? " tanong ko agad pagkasagot ko nung tawag.


" Hi. Is this Dylan Garcia? " sagot naman nung nasa kabilang linya. Nagulat ako kasi medyo unfamiliar na boses ng lalake yung nagsalita.


Napakunot muna yung noo ko bago muling sumagot. Sino ba 'to?


" Yes. Who's this? " matinong tanong ko naman.


" Are you with Aleli right now? " tanong nya.


Natigilan ako nung binanggit nya si Aleli. Sino 'to? Hindi naman sya boses ni Sir Micah o si Allen o si Arthur. So, who the hell is this?


" No. Why? Sino ba 'to ha? " tanong ko naman.


" It doesn't matter kung sino ako. Would you please tell Aleli na hihintayin ko sya sa Wonderland ng 5PM. Sya lang at wala ng iba. Salamat. " sagot lang nya.


" Wonderland? What the -"


Saka nya ko binabaan. Napakunot lang ulit yung kilay ko sakanya. Sino ba yun? Tsaka anong wonderland? Di ko alam kung pano nya nakilala si Aleli pero asa pang papuntahin ko sya dun ng mag-isa. Personal guard nya ako, at responsibilidad kong protektahan sya.


" Dylan! " tawag ni Aleli sakin.


" Hey. " tanging nasagot ko lang sabay ngiti at lapit sakanya.


" Sorry, natagalan ako sa Lab eh. Sinong kausap mo kanina? " tanong naman nya.


" Ah Kasi merong-" bigla akong napatigil at naalalang delikado nga pala.


" Merong? What? " tanong naman nya.


" Ah Wala. Nevermind. Gutom ka na? Gusto mo kain tayo? " tanong ko na lang sakanya para maiba yung usapan.


" Okie. "


****


Aleli's POV






Pumunta kami ni Dylan sa isang cafe malapit lang sa campus namin. Ewan ko ba, parang ang weird nga nung kinilos nya kanina eh. Pero tutal si Dylan naman yun eh hinayaan ko na.


" May dala ka bang payong? Ang makulimlim sa labas eh. Parang uulan. " sabi ko bigla habang nakatingin sa labas.


" Oo naman. Lagi naman akong may dala eh. Uwi na lang tayo ng maaga. Mamaya maabutan pa tayo ng bagyo eh. " sagot naman nya.


" Bagyo? May bagyo ngayon? " tanong ko naman agad na syempre nagulat rin ako.


" Oo. Di mo alam? "


" Hindi halata eh. Walang ulan "


" Pano, puro hangin pa kasi. Baka mamayang hapon pa umulan. "


" Anong oras na ba? "


" 4:30? "


" Ah. Edi uwi na tayo. Para di ka rin maabutan ng bagyo. "


" Oh okay. " tapos kinuha na nya yung mga gamit ko't naglakad na kami pasakay dun sa kotse nya.


Tahimik lang kami na bumabyahe sa medyo ma-traffic na kalsada. Buti wala pang ulan kasi mas hasel yun. Kaya ayun, nagsa-soundtrip na lang din kaming dalawa sa loob.


" Uhm. Aleli-" tawag bigla ni Dylan.


" Yes? "


" May alam ka bang lugar na Wonderland? " tanong nya bigla.


Napataas lang ako ng kilay sakanya't napa-smirk.


" Meron. Sa Alice in Wonderland. Wew. " asar ko naman.


" Hindi budoy. I mean, Lugar talaga dito na tinatawag na Wonderland. "


" Bakit? Anong meron? " tanong ko naman sakanya. Mukhang seryoso na 'to ah?


" Ang weird kasi kanina eh. May tumawag kasi sakin. Sabi nya maghihintay daw sya sa Wonderland ng 5pm. Pero di naman sya nagpakilala. "


Natigilan ako bigla. May tumawag sakanya kanina? Bat ngayon nya lang sinabi?!


" Pero mukhang prank lang yun tsaka gusto nya ikaw lang yung pumunta kaya medyo mukhang delikado kaya di ko na sinabi sayo. " dugtong pa ni Dylan.


Wonderland. Yun yung tawag dun sa park namin. Pano kasi yung mga swing at slide dun dinisenyo na parang sa alice in wonderland, Kaya ganun yung tinawag sakanya.


At sa buong buhay ko, Isang tao lang ang kinikita at hinihintay ko dun. At yung tao na yun ay si..


Si Caleb.


" Please stop. " bulong ko.


" Huh? Stop what? " nagtatakang tanong naman nya.


" Stop the Car. Stop the Car !! " sigaw ko na.


Napahinto agad si Dylan sa pagmamaneho kahit na nagtataka sya sa mga nangyayari.


" Ano bang problema mo? " tanong nya ulit.


" I'm sorry. " maikling sagot ko lang sabay bukas ng pintuan at takbo palabas.


" ALELI!!! " rinig kong sigaw lang ni Dylan habang sinusubukan nya kong habulin. Akala ko mahahabol nya ko kaya nagtago ako dun sa may poste. Kailangan ko munang iligaw sya para makaalis ako ng tuluyan.


Pagkatapos nun tumakbo agad ako papunta sa bus station at sumakay papuntang laguna. Buti na lang at may dala akong pera at wallet kaya di ako mamomoblema.


Umupo ako sa may tabi ng bintana at pinagmamasdan ko lang yung paligid habang dahan dahang umaalis yung Bus. Di ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko at kung bakit padalos dalos ako pero gusto ko lang syang makita. Gusto ko ulit syang makita.


Kilala ko si Caleb. Madalas kaming nagkikita sa park na kung tawagin ay Wonderland at Mahilig syang maghintay dun kahit ganto katagal. Kaya nga natatakot ako na kung di ko sya pupuntahan, Baka di sya umalis dun at makosensya pa ako.


Pero yun lang ba talaga? Alam ko gusto ko syang makita pero deep inside may mas malalim pa. Gusto ko rin syang makausap ulit, kahit sobrang sakit. Gusto ko syang makasama ulit kahit hindi na ko yung mahal nya. Nakakainis! Bat di kasi ko mapigilan yung nararamdaman ko eh.


Chineck ko yung orasan sa loob ng bus. 5:35PM. Mga 30 minutes mahigit ko na syang pinaghihintay, bukod pa dun dahan dahan na ring pumapatak ang ulan ng tanda ng isang bagyong parating. Mas kinakabahan tuloy ako. May dala kaya syang payong? Naka-Jacket kaya sya? Hays.


Mga isang oras din mahigit yung byahe at sa buong byahe na yun eh subukan ko mang kumalma eh hindi ko magawa. Kaya nung pagbaba ko agad dun sa bus eh nagmadali agad ako sa pagpunta dun sa park. Di ko na nga rin naisip na wala pala akong payong at naka-dress at hindi gaanong kakapal na cardigan yung nasuot ko pa ngayon. Basang basa na ako pero wala akong paki. Gusto ko lang i-check kung andun pa rin sya.


" Caleb! " napasigaw ko agad pagdating ko sa Wonderland.


Napatigil ako't nagulat na andun pa rin sya at nakatayo sa tabi ng swing, Walang payong at basang basa rin sa ulan.


".. You came " gulat na sabi lang nya.


" Baliw ka talaga! Ano bang pumasok sa isip mo't naghintay ka pa rito! Di mo man lang inisip yung sarili mo kung -" di na nya ko pinatapos sa pagsasalita sa halip eh bigla nya kong niyakap ng mahigpit na dahilan para mapatahimik ako.


" I missed you. " mahina at malumanay na bulong lang nya sa tenga ko. Nakakainis lang kasi nung narinig ko yun, bigla na lang nawala yung galit ko o kung ano mang nararamdaman kong sama ng loob at inggit sa mundo at para bang nagsibalikan lahat nung nararamdaman ko sakanya noon.


" Stupid." tanging nasagot ko lang habang yumayakap rin sakanya ng mahigpit.



Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page