top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twenty Four

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 6 min read

" Pasok ka. " aya ni Caleb pagpunta namin sa dating bahay nila.


" Wow. Akala ko binenta nyo na yung bahay nyo. Buhay pa rin pala? " sagot ko lang habang nagtatanggal ng sapatos.


" Dapat talaga ibebenta na 'to. Kaya lang, sayang naman. Mahalaga din samin 'to kaya ayun. Pinaalaga na lang namin kay Aling Nena. " sagot naman nya.


" Ahh. " saka ako naglibot libot. Nakakabilib lang na parang wala man lang nagbago sa bahay na 'to sa loob ng siyam na taon. Kumpara mo sa bahay namin na walang kalaman laman eh dito meron paring mga gamit, Puro alikabok nga lang.


" Tara sa kwarto nila Papa. " sabi nya bigla.


Napakunot yung noo ko bigla. Ano daw?


" Baliw. " sabi nya sabay pitik ng noo ko. " Kukuha tayo ng towel at ng pampalit na damit mo. Baka di mo pa alam, basang basa yang suot mo. "


Nag-init bigla yung mukha ko. Ba yan! Ba't kasi hindi inayos eh.


" Okay. " mahinang sagot ko lang saka kami umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ng mama't papa nya at naghanap ng mga damit na pwede pang isuot.


" Pwedeng maligo? " tanong ko pa.


" Sure. Alam mo naman kung san yung CR dito right? " tanong naman nya.


" Yep. Salamat. "


?


Naligo muna ako bago magpalit ng damit. After nun eh nilabhan ko yung dress ko't isinampay ito para matuyo. After nun si Caleb naman yung naligo at umupo na lang ako sa sala nila habang chine-check yung phone ko.


Shocks. Ang daming missed call ni Dylan. Tsak kanina pa ko hinahanap nito. Anak ng teteng! Ba't ngayon pa nawalan ng signal ngayon!? I need to call my family rin pala. Epal. May bagyo nga pala ngayon. Ang lakas ng ulan at yung mga signal walang wala talaga. Pano yan?


" Gusto mo ba ng kape? " tanong bigla ni Caleb sakin.


" Ha? " at napatulala lang ako sa shirt less nyang katawan. Mas nag-init lalo yung mukha ko sa nakita ko. Kakaiba 'to. Kakaiba na rin yung katawan ni Caleb di tulad dati. Mas matured at mas defined.


" Ah. Okay lang. Kung meron kayong kape. "


" Don't worry, natawagan ko na si Aling Nena na dalhan tayo ng makakain dito ngayon. "


" Oh Okay thank you. " at natahimik na lang ako.


Nagpupunas lang ng buhok si Caleb gamit ng tuwalya ng bigla syang tumalikod sakin at nalantad ang kakaibang peklat nya sa likod nya.


" Huh? What's that? " tanong agad sakanya.


" What? Ah you mean this? " sabay haplos nya nung peklat nya. " Ah wala 'to. "


" Anong nangyari? San mo nakuha 'to? " tanong ko sabay haplos rin.


" Ahh. " napaiwas muna sya ng tingin saka lumayo sakin. " Hindi ko tuloy alam kung pano ipapaliwanag sayo.."


" Tell me. Please. "


" Do you still remember the day that you've got.. you know? " tumingin sya sakin ng medyo awkward.


" Yeah. So what of it? "


" It's a friday night and were supposed to meet in Wonderland remember? pero ang tagal mong dumating kaya naisipan ko nang sunduin ka sa bahay mo. " umupo muna si Caleb at napa-buntong hininga bago nya tinuloy yung kwento nya.


" Medyo nagtaka ako nun kasi pagdating ko sa labas ng bahay nyo eh nakapatay lahat ng ilaw. Naisip ko tuloy na baka umalis kayo kaya uuwi na sana ako ng bigla kang nalaglag sa may bintana sa taas ng bahay nyo. Wala man lang akong nagawa. Nagulat ako kaya para bang naging bato ako dun habang pinagmamasdan ka na walang malay. Tumakbo ako papunta sayo para i-check ka kaagad. " biglang nag-iba yung ekspresyon nya't napatakip sya ng mukha na para bang ayaw na rin nyang maalala yung dati.


" I'm sorry that I didn't do anything to help you. Hinayaan kong malaglag ka dun sa taas. Hinayaan kong mangyari yun sayo. As your boyfriend, I'm a big failure kasi di man lang kita naprotektahan. " mangiyak iyak na sambit niya.


" Okay lang yun Caleb. That's all in the past. Tsaka wala ka namang alam sa nangyayari. " assured ko naman sakanya. " But tell me, Pano mo nakuha yung Peklat na yan? "


" Habang yakap yakap kita't umiiyak dahil akala ko tuluyan ka ng nawala eh bigla na lang may sumaksak sa likod ko. Pero habang nasa likod ko sya eh sinubukan ko pa ring lumaban sakanya kaya kumuha ako ng bato sa tabi ko't ipunokpok sa ulo nya. Unfortunately, mukhang gilid lang ata ng mata nya tumama kasi di sya nawalan ng malay eh. Pero nakarinig ako ng nabarag na salamin that time. "


" By the time na gusto ko syang suntukin at bugbugin dahil sa ginawa nya sakin at lalo na sayo eh saka naman ako nawalan ng malay dahil sa natamo kong saksak. Last time i remember eh nakatingin ako sayo and then wala na. After kong magising sa ospital, sinabi na lang nila sakin na patay ka na daw talaga. " paliwanag nya ng malungkot yung boses nya.


" So, Hindi mo nakilala yung salarin? " tanong ko naman.


" Sorry hindi. Much worst, nakatakas pa sya. But don't worry alam kong mahuhuli din yung bastardong yun. Lalo pa't may palatandaan na tayo na may peklat sya sa may bandang mata nya. "


" Pero Caleb– " putol ko bigla. " Bat kailangan mo pa rin akong tulungan? Nang dahil sakin, muntik ka na ring mamatay. Bat hanggang ngayon, tinutulungan mo pa rin ako? "


" Abnormal ka ba? Syempre, Ikaw si Aleli! Ikaw ang first love ko. Madami akong bagay na dapat nagawa nung kasama pa kita pero hindi ko nagawa kasi hindi kita naprotektahan. Kaya ngayon, gusto ko lang bumawi. "


" Like what I've said, That's all in the past now. Madami nang nagbago. Buhay ko. Buhay ng pamilya ko at lalo na ang buhay mo. "


" I don't get you Aleli. "


" Ano bang tingin mo sakin ha? Manhid? Nakatulog lang ako ng matagal Caleb, pero di ibig sabihin nun wala na kong karapatang malaman ang lahat. Akala mo ba wala akong alam na matagal ka ng Engaged? "


" Aleli.." napakagat siya ng labi niya at napatingin sakin ng malungkot.


" I know. Unti unti ko ng natatanggap eh. Kasi somehow karapatan mo rin namang lumigaya. Kaya i want you to let me go like what you've always do. "


" Do you think naka let go na ko sayo? " aniya ng seryoso ang mukha.


" Eh ano bang ginawa mo? Hindi ba pagle-let go yung pagmamahal ng bago? "


" Hindi porket nagmahal ako ng iba eh kinalimutan na kita. Nine years Aleli! Nine years akong umasa na sana buhay ka pa. Nine years akong nagsisi na wala akong nagawa. Gustuhin ko mang maging masaya kasama si Keanna di ko pa rin magawa kasi naiisip kita! So tell me, asan ang pagle-let go dun!? " he declared. Ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya. Yung boses niyang may halong sakit at pangungulila.


" Tama na! " sigaw ko habang umiiyak. " Tama na please. You're engaged at hindi na magbabago yun. Naiwan nyo pa rin ako. "


" Ako ba hindi din iniwan? " sigaw niya pabalik.


" Hindi kong ginustong iwanan kayo. Pero ikaw, desisyon mong talikuran ang lahat at magkaroon ng bagong buhay. Desisyon mong maghanap at magmahal ng bago. Tanggap ko na! Tanggap ko na wala nang Aleli sa lahat. Sorry "


Gaya ng lagi kong ginagawa pag gusto ng mag mental breakdown ang utak ko, Tumakbo ako palayo sakanya. Palabas ng bahay at ng walang payong.


Ang tanga ko. Napakasinungaling ko. Sinabi kong gusto ko na syang palayain? That's bullshit. Ayaw ko pa. Gusto ko akin ulit sya. Pero hindi na pwede eh. Hindi biro yung 9 years. Mali na 'tong gagawin ko kung maghahangad pa ko ng sobra. Maling mali na.


And so, I needed him to let go of me. Kahit ayaw ko. Kahit masakit. Kailangang tanggapin kasi yun yung dapat. Yun yung tama.


Alam ko, magiging masaya din ako. Alam kong dadating din yung araw na Ako naman. Ako naman yung magiging masaya.


" Aleli? " i heard my mom's voice calling me. Tumingin ako sa harap and there she is. Nakatayo at nakatingin ng malungkot sakin. Sinundo pala nila ako.


" Mama.." tanging nasabi ko lang at dun na ako umiyak ng tuluyan.






Commentaires


© 2020 Christine Polistico

bottom of page