top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twenty Five

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 5 min read

" Are you alright Nak? Nagulat kami nung biglang sinabi ni Dylan na tumakas ka raw. Bat ka ba nandito? Nag-alala kami ng husto sayo. " sabi ni Mama sakin habang pinupunasan nya ako habang nakasakay kami sa loob ng kotse.


" Ma.." mahina at malamyang sagot ko.


" Yes Anak? " maamong tanong naman niya.


" Don't get mad at Dylan ha? Actually, ayaw nya nga akong pumunta talaga eh. It's just tumakas lang talaga ako. " sagot ko naman.


" It's alright Aleli, Hindi naman kami galit sakanya. Ang samin lang, Bakit ka pumunta dito ng mag-isa? " tanong muli ni Mama.


Hindi muna ako nakasagot kay Mama nung una. Pano ba naman, Hindi ko rin alam kung pano ipapaliwanag sakanya lahat.


" Why is it always like this? It's like the world is turning against me. You know what's unfair, Ma? Lagi na lang akong napag-iiwanan ng lahat. " naiiyak na sabi ko habang nakatulala at nakatingin sa labas ng kotse.


" Oh Aleli, Don't say that. Hindi ka naman napagiiwanan eh. Kasi, andito pa rin kami. Hinintay ka namin diba? " sagot naman ni Mama sabay yakap sakin ng mas mahigpit.


" Kayo lang yung naghintay pero yung mga kaibigan na sana kasama ko pa hanggang ngayon.. Wala na. Bat ganun? Bat laging ako? " hikbi ko.


" Shss. Shss. " tahan ni Mama sakin habang hinahaplos nya yung ulo ko. " Hindi naman unfair sayo ang mundo. Imagine Aleli, Madaming tao ang namatay nang hindi din sila handa pero ikaw nangyari man yun sayo eh heto ka pa rin, Buhay at kasama namin. "


" Do you think, Makakabawi pa ko Ma? Magiging masaya pa ba ako? " i asked once again while looking painfully at her.


" Of course. Everyone deserves to be happy. Magiging masaya ka rin. You just need to wait for the right time.." assure niya.


" Mama.. " napaiyak ulit ako't napayakap kay Mama ng mahigpit.


I think, Mama is right. I just need to wait for the right time. Ang sakit lang talaga kasi those people, My friends to be exact. Nakasama na sila sa plano ko for the future. Like, even though na pumasok kami sa iba't ibang university eh magkikita at magkakasama pa rin kami hanggang sa huli. Masyado akong nakakapit sakanila ng mahigpit. Binigyan nila ako ng dahilan para mas mabuhay. And then, In just one blink. Nagbago lahat. Ang sakit. Kasi those people na sana kasama ko pa, Sa isang iglap nawala lahat. They all moved on. Nagkaroon ng panibagong buhay at Naging masaya na syempre, Nang di ako kasama.


I don't want to be unfair and selfish kasi nga they have their own lives and now that I'm back.. I can't choose to be with them again kasi It's complicated. I need to let go everyone. I need to let go of Caleb. I think kahit na masakit, I need to forget the memories and move on. Pero pano nga ba? Ang hirap pa ring mangapa sa wala.


" Ate! You're back! " napasigaw agad ni Allen na sumalubong agad samin.


Wala akong gana sumagot o makipagusap sakanya kaya ngumiti na lang ako. Sorry Allen.


" Magpapahinga na ako. " mahina at matamlay na sabi ko sabay akyat sa taas.


" Di ka ba kakain, Aleli? " pahabol na tanong ni Mama.


" Tatawag na lang po ako pag nagutom ako. Gusto ko na lang pong matulog talaga. " sagot ko naman saka tuluyang umalis.


Wala ako sa mood sa lahat ng bagay ngayon. Ayokong gumalaw. Ayokong kumain. Ayokong makipagusap at mas lalong ayokong makakita ng kahit sinuman ngayon. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip isip. Pero naisip ko lang, kung gagawin ko 'to edi babalik na naman ako sa dating ako. Hindi na naman ako aasenso. Mag-isa at Napagiiwanan.


Ahh, ayoko talaga ng gantong pakiramdam. Gusto kong yumakap sa kahit na sino. Gusto ko ng init na hatid nito. Gusto kong maramdaman na safe ako at di ako nagiisa. Sana nandito na lang si Dylan.


But then, Tinakbuhan ko sya. Tinakasan. Tsak akong galit na sya sakin ngayon. Ayoko nito. Ayoko ng nangyayari.


Mga ilang saglit lang eh hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang siguro ako gawa ng ingay na gawa ng cellphone ko at ng pintuan ng balcony ko.


Ano ba yan. 3:26 pa lang ng madaling araw oh! Sino bang matinong taong gising pa rin at magiingay ngayon?


" Aleli! " rinig kong tawag sakin galing sa labas ng balcony ko.


Di ko sana papansinin kasi akala ko guni guni ko lang, kaya lang andun talaga eh! Kaya ayun, nilabas ko na at medyo nagulat ako sa nakita ko.


" Dy-Dylan!? " napasigaw ko bigla pero syempre pinigilan ko rin kasi syempre magising silang lahat.


" Hey. " maikling sabi lang nya habang nakangiti sakin.


" Anong ginagawa mo dito!? " bulong ko naman sakanya sa baba. Anong oras pa lang ah? Bat 'to nandito? Tsaka buti na lang at tumila na yung ulan kahit papano.


" I just want to make sure that you're alright. " mahinahong sagot naman nya. Yun yung klase ng sagot na ramdam mong concerned talaga sya.


Nanlambot bigla yung puso ko na para bang gusto ko na namang bumigay at umiyak kay Dylan. Bakit ba nagiging mahina ako sa harap ng tao na to? Nakakainis. Lahat ng tinatago kong emosyon nailalabas ko pag sya na yung kaharap ko. Di ko na alam yung gagawin. Di ko na ata kayang pigilan yung bigat ng lahat ng dinadala ko.


" So.. Sorry. Sorry dun sa kanina. " mangiyak iyak na sabi ko naman habang nakayuko sakanya.


" Well, I was really sick worried about you and you slightly hurt my heart too. Pero, I'm glad that you're alright. Sapat na sakin yun. " gentle na sagot nya sabay half smile.


Napakagat ako ng labi ko ng di inaasahan. God. I just want to cry and let all my emotions go.


" Catch me. " sabi ko ng seryoso sakanya.


" Huh? "


Di ko alam kung bakit pero bigla na lang nagkaroon ng sariling utak yung katawan ko't umakyat ito sa railings ng balcony at tumalon papunta kay Dylan.


Agad naman nya akong sinalo at syempre napalakas yung pressure at napahiga kami sa lapag. Buti na lang at di ito semento at puro damo. Kundi, ano na lang ang mukhang ihaharap ko kung mapano bigla si Dylan diba?


" Dylan!! " sigaw ko sabay yakap dun sa leeg nya at umiyak ng umiyak.


" Sige lang. Ilabas mo lang. Nandito lang ako. " bulong naman nya habang hinahaplos yung likod at yung buhok ko.


Para bang may bigla na lang nag-snap sa loob ko't hindi ko na napigilan yung emosyon ko't humagulgol na ko sa leeg ni Dylan.


This time, Ilalabas ko na talaga lahat.





Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page