top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twenty Six

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 6 min read

"Wow. This is the 2nd time na nakapunta ako dito. Wala pa ring pinagbago. " sabi ni Dylan habang nililibot nya yung mata nya sa paligid.


" Probably because it's my Chamber? " naka-half smile na sagot ko naman sakanya.


Pagkatapos kong umiyak sakanya eh naisipan naming pumunta sa chamber ko para dun muna manatili. Delikado kasi kung aakyat sya sa kwarto ko. Pano na lang kung may makakita sakanya diba? Tsak matinding paliwanag na naman yung gagawin ko. So, Heto kami ngayon.. nakatambay sa malamig na lugar gaya nito.


" Pano ka nga pala nakapasok dito? Matindi ang security ng bahay namin ah? " tanong ko bigla sakanya.


" Ah well. Uso kasi ang mga blindspots sa CCTV cameras, bukod pa dun.. Hindi ko kasalanan na mabilis antukin yung mga guards nyo. Well, di mo rin sila masisi— madaling araw pa lang kasi. " sarkastikong sagot naman nya.


" You're smart Dylan. I'm impressed. " proud na sagot ko naman habang naka-smirk sakanya.


" So, Tell me.. Ano na bang nangyari  sayo? " tanong nya bigla ng seryoso habang nakatingin din ng diretso sakin.


" I don't know. Alam mo yun? Nakakasawa na talagang mag-isip na alam mong wala namang magbabago." malungkot na sagot ko sakanya.


" Nakipagkita ka sakanya diba? Tell me, Anong nangyari? " tanong pa nya ulit.


" Wala naman talagang nangyari. Nagkamustahan, Nagreminisce.. Just like normal ex couple do."


" So, Ba't ka umiyak? "


Napatingin lang ako sakanya habang pinipigilan ko yung mga mata ko na umiyak ulit. Damn Dylan! Bat ba lagi mong nahahalata ang lahat?


" I'm hurt and I can't moved on. Umiyak ako kasi di ko matanggap lahat. Na bakit sa dami ng tao sakin pa kailangang mangyari lahat ng 'to. At alam mo yung mas mahirap? Nasaktan ko din yung mga taong mahal ko. "


" Pero hindi mo naman kasalanan ang lahat. Biktima ka lang Aleli, tandaan mo yun. "


" Yeah I know. But still, Hindi ko pa rin kayang baguhin lahat. And It's kinda frustrating. So Tell me Dylan, Will i ever had a chance to be happy? "


" Stupid. " flinick nya bigla yung noo ko. " You're here. You're alive. Your time is definitely moving now. Kaya mong maging masaya kung gugustuhin mo kasi hawak mo na yung buhay mo eh. Wala ng makakapigil sayo. "


Once again, napabilib na naman ako sa word of wisdom nitong si Dylan. And it's really nice to think na may isang taong handa akong damayan kahit na sa anong kadramahan ko.


Lagi syang nandyan pag kailangan ko sya. Lagi syang nag-aalala para sakin. Pinapasaya ako. Sinisiguradong magiging okay ako. Bakit kaya? Ba't kaya ganto sya kabait sakin?


" Thank you. " maikling sabi ko habang nakangiti sakanya.


" Thank you for what? " tanong naman nya.


" Thank you for everything. "


" You-You're Welcome.." Namula sya bigla at napaiwas ng tingin sakin.


Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit dun sa glass coffin kung san ako natulog ng matagal. Pumasok ako at sinubukang humiga.


Ah, Gusto ko talaga yung pakiramdam dito. Malamig at Kumportable. Nakakatawa, iniisip ko tuloy na tinadhana talaga para sakin na higaan ito.


" Okay ka lang Aleli? Inaantok ka na ba? " tanong bigla ni Dylan.


" If I lay here, If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world? " seryosong kanta ko habang nakatingin sakanya.


" Well, Technically Aleli that coffin is good for one person only. So, Pano kita tatabihan kung di naman tayo magkakasya? diba? " sarcastic na sagot na naman nya.


" Pfft. " bigla akong natawa ng malakas. " God Dylan! You're killing me! "


" Finally. I'm glad that i made you laugh. " mahinahong sinabi nya.


Napa-iwas ako ng tingin at napatingin sa itaas. Napabuntong hininga muna ako bago muling nagsalita.


" You're so kind. " I smiled. " Sana lang, Di mo ko iwan. "


" I won't. I promise. " aniya kaagad.


" I hate promises. " napapikit lang ako.


" Fine. I will do anything to be by your side. I won't leave you. Forever. " saka sya umupo sa tabi at isinandal yung ulo nya sa glass coffin ko.


" When this things is over. Kapag nabigyan na ng hustisya ang lahat. I want to go away. I want to live somewhere far away and be happy. " sambit ko habang nakatulala ulit sa langit.


" Do you want to live alone? " tanong niya agad.


" Idiot. " then napa-bitter laugh ako. " Akala ko ba hindi mo ko iiwan? "


Napatayo sya at napatingin sakin na syempre gulat yung expression ng mukha nya.


" Are you— Oh my! Are you proposing to me? " gulat na tanong nya habang nakatakip yung kamay niya sa bibig.


" Pfft! " at natawa na naman ako malakas. " Ewan ko sayo! "


" I didn't know na ganya ka pala ka-obsess sakin Aleli, Hay nako. " then he grins at me. Tch. This King of Sarcasm—What a Brat!


" Actually di naman kita pinipilit eh. Ang sakin lang, I can't cook. I don't even know how to wash my own clothes. I need someone like you to help me with my everyday life. " i grinned.


" Finally! Yaya pala talaga ang kailangan mo ha? " napailing lang siya't napangisi sakin.


" Hehehe. " inosenteng tawa ko naman sakanya.


" I give up. Ikaw na talaga ang pinaka spoiled na prinsesa sa buong mundo. " sabay akto niya na kunwaring nagba-bow at naka hands up pa.


" By the way, Gusto ko rin pala ng aso! " dagdag ko pa.


" Nah. Di mo nga maalagaan ang sarili mo, Aso pa kaya? Di ka ba naaawa? " napailing ulit siya.


" Tch. Ayaw mo nun? May dalawa ka ng aalagaan? The more the merrier! " ngiti ko ng malaki.


" No. Ayokong mastress. "


" Bahala ka, Ikaw din~" nakangiting sabi ko lang.


Once this is over, I will make my own Departure. I'll leave everything behind and start a new life. And this time, I decided to keep Dylan by my side.


Sana lang talaga at di nya ako iwan.


****


" Good morning Aleli. Nakatulog ka ba ng mahimbing? Okay na ba ang pakiramdam mo? " tanong agad ni Mama sakin kinaumagahan.


" Opo Ma. Salamat po at tsaka sorry kung pinag-alala ko kayo. " sagot ko naman.


" Kung gusto mo, Pwede ka pang makapagpahinga. "


" Naku ayos na po ako Ma. Ah, Sila Papa po ba nasa trabaho ngayon? " tanong ko naman.


" Oo. Alam mo naman yun, Hindi uso ang Day Off sakanilang dalawa ni Arthur. "


" Hmm. Actually, may pasok po ako ngayon eh. So hindi po ako pwedeng magpahinga. Tsaka baka dumating na rin si Dylan para sunduin ako. Kailangan ko na pong mag-ayos. "


" Heh. Gustong gusto mo talaga sya anak noh? " tanong bigla ni Mama habang nakangiti sakin.


Namula ako bigla at syempre bilang defense Mechanism eh Dineny ko agad.


" Sino? Si Dylan? Naku Hindi po ha! Kaibigan ko lang po sya! " deny ko.


" Hay Aleli anak, Dalaga ka at isang normal na tao pa rin. Tandaan mo, Posible ka pa ring ma-in love kahit na anong oras. "


" Mama! " saway ko.


" Okay okay. Sige na sige na Maligo ka na. Maulan pa rin sa labas. Pinahanda ko na yung coat mo kanina. "


" Opo opo. Di na po ako bata. "


" I know Aleli. " at umalis na sya.


*****


Buti na lang at nung natapos na kong mag-ayos ng sarili eh saktong dumating si Dylan upang sunduin ako. Nagpaalam muna ako kay Mama bago sumakay dun sa kotse at umalis.


Pero habang nasa byahe kami eh hindi pa rin maalis ng isip ko yung mga sinabi ni Mama. Kakaloka! As if namang pwede akong main-love sa tulad ni Dylan eh kitang..


" Ano yun? " tanong nya nung bigla nya kong mahuli na nakatingin sakanya.


" Ah wala. Mag-music tayo? " awkward na sagot ko sabay bukas nung music player.


"NOTICE ME - RD69" ang title ng tumutugtog sa playlist ni Dylan.


" Wow! Ang ganda nung boses nung babae. Bagong banda ba 'to? Local? " tanong ko agad sakanya pagkatapos kong magandahan dun sa kanta.


" Oo. Actually, Ang gaganda talaga ng mga kanta nila. Kaya ko favorite yan eh. " sagot naman niya habang diretsong nakatingin sa daan.


" Pero lalake talaga yung vocalist? Eh anong role nung babaeng kumakanta dito? " tanong ko naman.


" Lead Guitarist. Kumakanta lang sya as second vocals. Ang galing noh? Ang ganda pa nyan ni Carrie. "


" Heh. Nakakabilib. Ang ganda ng boses nya. " sang ayon ko naman.


" Maganda rin naman ang boses mo ah? " sabat nya bigla.


" Pero hindi pangrakrakan. " sagot ko agad.


" Di mo naman kailangang maging katulad nya. Ikaw ay ikaw at may sarili kang style so don't compare yourself to others. "


Napangiti lang ako dun sa sinabi nya. Wala, Iba talaga pag si Dylan ang nagsalita. Nakakagaan ng pakiramdam.


" Btw, May show sila mamaya. Gusto mong manuod? " sabi niya bigla.


" You mean pwede ko silang makita ng personal? " gulat na tanong ko.


" Oo naman. Yun eh kung sasama ka sakin? "


" Oo naman! Sure ako dyan! " masayang sagot ko naman.


" Good. Di na ko makapaghintay. "


Nakangiti lang ako habang pinapakinggan pa yung iba nilang kanta.


This time, Alam kong kasama at wala ng sinuman ang kayang makapaghiwalay saming dalawa ni Dylan. Medyo Sure na sure na ako dun.





Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page