Departure - Chapter Twenty Seven
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
" Oh my gosh! Ang daming tao!! " napasigaw ko agad pagkadating namin sa Siren's Bar na venue ng live gig ng RD69
" Of course. Sikat sila remember? Normal lang na marami talagang pumunta para manuod sakanila ! " sigaw naman ni Dylan sakin. Syempre kailangan naming sumigaw kasi di kami magkarinigan sa lakas ng music at sa dami ng taong nandito ngayon.
" Uwaaa! Ang saya pala nito! " sigaw ko ulit.
" Wait ka lang, Di pa nga naguumpisa ang lahat! "
Maya maya dumating na rin ang RD69. Umakyat sila ng stage at nagumpisang mag-ayos muna. Na-starstruck ako sakanilang apat. Lalo na siguro dun sa lalakeng nasa gitna. Kung siguro Highschool pa ko ngayon eh nagtitili na ako sa harap nya. Ang gwapo nung vocalist! Ang hot!
" Our first song for tonight is.. Lollipop! " sabi nung Vocalist at nagumpisa na silang tumugtog. Grabe! Ngayon ko lang naramdaman 'to. Kakaiba na parang nagkaka-Adrenaline rush ako.
" ASTIG!! ANG GAGALING NILAAA!! " sigaw ko kay Dylan.
" I KNOW RIGGGHHTTT!!! " sigaw naman ni Dylan na halatang nageenjoy din sya.
Nagulat ako nung solo part na ng gitarista. Shit! Sya ba si Carrie? Mukha syang manika. Ang ganda nya at ang cool nya! Waa.
" Sabi sayo ang ganda ni Carrie eh! " sabi ni Dylan bigla.
" Oo! Grabe. Ang cool nyaaaa. " sang ayon kong muli sakaniya.
" Don't worry, magkasing ganda lang kayo. " nakangiting sagot naman ni Dylan sabay thumbs up sakin.
" Mambobola! " Napangiti lang ako ng malaki sakanya at muling nakinig.
After nilang tugtugin yung first song eh nagpatuloy naman sila sa isa pa ulit kanta na pinamagatan na The Best Stranger. Iba talaga. Ang galing talaga nila. Tapos eh yung You can't love me forever at ang last nila naman eh NOTICE ME na duet naman nila Carrie at nung Vocalist.
" I kept seeing your face inside my head, until my poor heart starts to shed. " kanta naming lahat ng sabay sabay. Tapos napatingin ako kay Dylan at napatingin din sya sakin. Nagkangitan tuloy kaming dalawa. Nagulat na lang ako nung bigla nyang kinuha yung isang kong kamay at tumingin sakin ng diretso.
" I wonder if i could stop the time,
I wonder if i could supress this feelings of mine. " dugtong na kanta nya habang sumasabay din sa banda.
Feeling ko tuloy nasa isang pelikula ako ngayon. Yung feeling na para kayong dalawa lang yung tao sa mundo ngayon. Plus! May background music pa. Yung kantang pang romance ang senaryo. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Pati ang puso ko di rin maiwasang maging masaya.
" I hope i could stop being so foolish,
That i could get you and momentarily be selfish. " rinig kong huling linya na kinanta nila. Kakaiba talaga 'to. Pagkatapos ng ilang masasakit at malulungkot na araw, Di ko akalaing magiging ganto ako kasaya.
" Oh right! Papicture tayo sakanila bago sila umalis! " excited na sabi bigla ni Dylan.
" Oo nga! Gusto ko pati kay Carrie!! " masayang sagot ko naman.
After nun eh hinabol namin ang RD69 at nagpapicture sakanila. Nakipag-"selfie" din ako kay Carrie at nakayakap ko pa sya. Natuwa nga sya sakin at sinabihan akong "Ang ganda mo naman" na medyo nagpasaya lalo sakin. Sana lalake na lang ako! Tapos liligawan ko si Carrie para maging kami na! Lol.
" Oh masaya ka na? " tanong ni Dylan habang palabas kami sa Bar.
" Oo naman! Sobra pa nga eh. Salamat ulit sa pagdala mo sakin dito ha? Ang saya ko talaga ngayon. " sagot ko naman sakanya.
" Walang anuman. " tapos napangiti lang sya sakin.
Naglalakad kaming dalawa papunta sa parking lot ng may mabunggo akong lalake. Nagsorry agad ito sakin at nung nagkatinginan kami eh medyo nagulat ako sa nakita ko.
" OH! " sabay na reaksyon naming dalawa.
" CEDRIC?! "
" ALELI !? "
" Impossible. " dugtong nya agad na syempre gulat na gulat talaga sya.
" Ikaw nga! " masayang sabi ko naman sakanya.
Oo nga pala, Naalala nyo ba yung isa pang kaibigan nila Caleb at Micah? Sya yun. Si Cedric. Di ko aakalaing makikita ko sya dito. What a Coincidence!
" Holyshit. Pano nangyaring andito ka!? Oh no. Are you a ghost? " kabadong tanong niya.
" Ikaw talaga. Syempre hindi! Mahabang kwento. Ikaw, anong ginagawa mo dito? " tanong ko naman.
" Nagkainuman lang kami ng mga katrabaho ko at tsaka nanuod na rin kami ng Gig ng RD69. Eh ikaw? " tanong naman niya pabalik.
" Same din. Wow. Ang laki na ng pinagbago mo. Ang matured mo na rin Cedric. " masayang sagot ko naman sakanya.
" Naguguluhan man ako pero masaya rin akong makitang kang buhay, Aleli. Medyo wala lang talaga akong maintindihan. " sagot naman nya.
" Sorry. Gusto ko pa sanang makausap ka ng mas matagal. Kaya lang, anong oras na kasi eh. " sagot ko naman.
" Okay lang yun. Ganto na lang. Saturday morning. Pumunta ka sa Address na 'to at dun na lang tayo magusap. Ah! Wag mong kalimutang magdala ng pasalubong okay? " nakangiting ika niya.
" Ikaw talaga. Oo ba! Pero pwede ba akong magsama ng ibang tao? " tanong ko naman.
" Sino? Sya? " tanong naman nya sabay turo kay Dylan na naghihintay sakin sa labas ng kotse nya.
" Oo. Actually, Personal guard ko kasi sya eh. " sagot ko naman.
" Ayos lang yun! Ang mahalaga eh makausap ka namin. Pano? Kitakits. " masayang sabi nya.
" Kitakits. "
" Ah, Aleli." Pahabol pa nya.
" Yes? "
" Masaya talaga akong makita ka ulit. Goodluck. "
" Oo. Salamat ulit. " at naglakad na ko papunta kay Dylan.
Nakakatuwang hindi nagbago si Cedric. Gaya pa rin sya ng dati na masiyahin at mukhang easy go lucky. Nakakatuwa nga eh, sya kasi yung clown sa grupo namin. Si Caleb, sya yung nice guy. Ako naman yung Shy type. Si Micah naman yung serious type. Tapos si Arianne naman yung motherly type. Lahat kami iba iba pero nakakagulat na naging maayos yung samahan naming lima.
Nakakatuwang makita silang tumanda at magbago. Di na ko malulungkot ngayon. Susubukan kong maging masaya sa lahat ng nangyayari kasi nangako ako sa sarili ko na, This time.. Magiging masaya naman ako.
" Sino nga pala yung kausap mo kanina? Bat parang kilalang kilala mo sya? " tanong naman ni Dylan bigla habang nagda-drive sya pauwi.
" Ah, yun ba. Syempre naman kilalang kilala ko sya. Sya si Cedric. Kaibigan ko sya nung highschool. Tropa kung baga. Mabait na tao yun. " malumanay na sagot ko naman.
" Heh. Buti naman at mukhang masaya kang makita sya. Di tulad nung nakita mo si Sir Micah at yung Ex mo. "
" Well, Para ko kasing kuya si Cedric eh. Besides, Sakin yun kumakampi kapag nag-aaway kami noon ni Caleb. Ang cool diba? Mas kinakampihan nya ko kesa sa bestfriend nya. " natatawang sagot ko naman.
" Well, kung ako rin naman siguro yung nasa lagay nya eh mas kakampihan rin kita. " sagot naman nya.
" Ikaw talaga—" at napangiti lang ako. " Oo nga pala, Kailangan mo kong samahan sa sabado ha? "
" Samahan? Saan? "
" Makikipagusap tayo kay Cedric. Mukhang may gusto syang sabihin eh. "
" Okay. Walang problema. " sagot naman nya.
" Maraming salamat ulit. "
Hindi na ko makapaghintay. Pero wait, Sinabi ni Cedric kanina na Ang Mahalaga eh ang Makausap ka namin. Namin? May kasama pang iba?
Hindi kaya si Caleb? O si Micah yun? Hay sana hindi. Mukhang hindi ko pa ata sila kayang harapin eh. Hays.
「こんにちわ みんあーさん! Thank you for reading this chapter。 Oo nga pala, For those who doesn't know, Carrie is my other story. And those songs na kinanta nila eh from Carrie World din. And those lyrics were actually written by me. Yun lang! じゃあまたねえ!」
Comments