Departure - Chapter Twenty Eight
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
" Sigurado ka bang dito yun? Baka mamaya naliligaw na tayo eh! " sabi bigla ni Dylan habang nililibot namin yung isang Subdivision gamit ng kotse nya.
" Sure ako! Ito yung nakalagay sa address eh. " sagot ko naman.
" Patingin nga! " tapos kinuha nya yung papel. " Rodriguez St. Blk. 8 Lot 15. Hmm. Tama naman. Bat kaya? Bat kaya walang tao dito? "
" Aba malay ko. Ano ba yan! Si Cedric talaga.. " medyo nassttress na sagot ko naman.
" Sige. Bibili muna ako ng maiinom nating dalawa. Buti na lang at may tindahan dito. Tapos magtatanong na rin ako baka alam nila. " sagot naman nya.
" Okay. Sasama na ako. " at sabay na kaming bumaba ng kotse na dalawa.
Pagkarating namin dun sa tindahan eh agad kaming nagtanong tungkol dun sa address. Umiling lang yung tindera at sinabing kagagawa pa lang nung bahay na yun kaya imposibleng may nakatira agad dun.
Napabuntong hininga lang kami ni Dylan ng sabay saka sya napaupo at sinabing magpapahinga na lang muna sya. Samantalang sinabi ko naman na maghahanap ako ng ibang mapapagtanungan.
Tumitingin tingin ako sa paligid at naghintay ng taong dadaan. Sakto may isang babaeng nasa edad 20+ lang na naglalakad at may dala dalang mini bike na mukhang naglalaro ata sa isang malapit na park.
" Wag lalayo Harold okay? " sigaw nung babae dun sa anak nyang mukhang 3 years old pa lang ata.
Nung narinig ko yung boses nya eh para bang natigilan ako. Bakit kaya? Bakit kaya pakiramdam ko may kakaiba sa taong 'to?
" Ah excuse me po. Magtatanong lang po sana ako. " sabi ko sabay kulbit sakanya habang nakatalikod sya.
" Sure sige. Ano yun—" at bigla syang napatigil nung makita nya ako.
" ..Aleli!? "
" Oh! Arianne? " gulat ko rin.
" Oh my god! Ikaw nga! I can't believe na buhay ka nga talaga! I'm so glad! " at agad nya kong niyakap ng mahigpit.
" Ako rin. Masaya din akong makita ka.. Arianne. " teary eyed na sagot ko naman.
Wow. Sinong may magaakalang makikita ko ulit si Arianne ngayon? Nung nakaraan si Cedric yung nakita ko tapos ngayon sya naman. Di ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko ngayon.
" Oo nga pala, Bakit ka nga pala nandito? " tanong naman nya sakin.
" Ah. Hinahanap ko kasi 'tong address na 'to eh. " sabay abot ko nung papel sakanya. " Di ko kasi mahanap yung bahay ni Cedric eh. "
" Ahh. Sorry Aleli mukhang nagkabaliktad ata ng bigay na address yung asawa ko sayo. Actually, Blk. 15 lot 8 yun. Hindi Blk. 8 lot 15. Sorry ulit ha? "
" Okay lang yun pero.." napanganga ako. " Wait!? Asawa!?? " napasigaw ko agad.
" Oo. Hehe. Actually, 4 years na kaming kasal. At ito nga pala si Harold, Anak namin. " nakangiting sabi naman nya.
" Wow! " tanging nasagot ko lang.
Grabe. Never pumasok sa isip ko na magkakatuluyan sina Cedric at Arianne. Parang dati lang hindi sila magkasundo. Tapos ngayon may sarili na silang pamilya. I mean, iba na talaga yung pinagbago ng panahon.
" Ano Aleli? Nakapagtanong ka na ba? " tanong bigla ni Dylan sakin.
" Ah Oo. Alam ko na kung saan. " sagot ko naman sakanya.
" Owow! Sino yan Aleli? " excited na tanong naman ni Arianne nung makita nya si Dylan.
" Si Dylan. Personal Guard ko. " sagot ko naman.
" Ah hello. Kumusta po kayo. Ah teka, magkakilala kayo? " tanong naman ni Dylan.
" Oo. Sya si Arianne. Bestfriend ko simula Highschool. " sagot ko naman.
" Hi din sayo. Ah, Mabuti pa sa bahay na lang tayo magkwentuhan okay? Tamang tama mukhang nakapagluto na si Mahal. " nakangiting sagot naman nya.
Sumakay kaming lahat dun sa kotse ni Dylan at pumunta na sa bahay nila. Ang cute nung bahay nila. Simpleng up and down lang ito at kulay mint green. Naalala ko tuloy yung bahay namin nung nakaraan na syam na taon. Normal at mukhang masaya.
" Welcome sa bahay namin. Pasok kayo. " bati naman ni Arianne samin.
" Ah. Maraming salamat.." sagot namam namin ni Dylan sabay pasok sa loob.
" Ah Mahal, May bisita ka! " sigaw naman nya.
" Oh Aleli! Buti nakarating kayo. Kala ko di na kayo pupunta eh. Kanina ko pa kayo hinihintay eh. Welcome nga pala sa bahay namin. " masayang bati naman ni Cedric.
" Hay nako. Mali ka kasi ng binigay na address sakanila. Yan tuloy naligaw sila! " sabat naman ni Arianne habang nilalaro nya yung anak nila.
" Ah mali ba? Sorry ha? Di ko na napansin kasi medyo lasing na ata ako nun. Hehehe Sorry ulit. "
" Ayos lang. Ang mahalaga nakarating kami. " sagot ko naman habang nakangiti at masayang masaya na makita sila.
" So, Maguumpisa na ba tayong magusap? "
" Oo. Sa tingin ko kailangan na. "
" Okay. Ah mahal, patulugin mo muna si Harold sa loob tapos sumunod ka na lang dito. " sabi naman nya sa asawa nya.
" Okay sige. " tapos kinarga na nya si Harold at pinasok sa kwarto.
After nun eh kwinento ko agad kay Cedric lahat mula umpisa. Kung pano ako nagising at kung ano yung mga nangyari pagkatapos nun. Kung pano ko nakita ulit si Micah at si Caleb at syempre kung pano ako napreserve sa gantong kaanyuan.
" Alam mo Aleli, Hindi talaga naming aakalain na makikita ka namin ulit sa ganyang itsura. Ni hindi nga namin akalain na buhay ka pala talaga eh. " sagot naman ni Arianne habang nakaupo sya sa tabi ni Cedric.
" Tama sya. Nung araw na binalita ng pamilya mo na patay ka na, hindi agad kami naniwala. Kasi syempre! Masyadong mabilis ang lahat. Pero nung kwinento ni Caleb kung pano ka nya makitang malaglag mula sa taas. Alam namin na kailangan na naming tanggapin na wala ka na talaga. " sagot naman ni Cedric.
" Naging mahirap para samin ang lahat. Simula nun, di na kami ulit nagusap na apat. Hinintay na lang namin yung graduation para makalayo sa lahat. Bakit? Kasi wala pa rin saming apat ang gustong bumitaw. Si Caleb, nag-abroad. Si Micah nag-manila. At kami, nag-aral sa magkaibang unibersidad. Naging okay lang ulit kami nung maisip kong mag-reunion. Pero iba pa rin talaga. Kulang na kami kasi wala ka na. " ani Arianne.
" Sorry. Hindi ko sinasadyang mangyari lahat. Hindi ko talaga gustong iwan kayo. Hindi ko lang talaga kayang kontrolin yung mga pangyayari. Sorry kung naging mahina ako. Nasaktan ko pa tuloy kayo.." naiiyak na sagot ko naman. Agad naman akong inakbayan ni Dylan na nasa tabi ko upang patahanin ako. Buti na lang at nandito sya at tahimik na nakikinig saming lahat.
" Shss. Okay lang Aleli. Alam naman namin na wala ka talagang kasalanan. Kaya please, wag mong sisihin yung sarili mo. " sagot naman ni Arianne.
" Sinabi mo na hindi mo naalala yung itsura nung salarin, tama? " napatanong bigla ni Cedric sakin.
" Oo. Bakit? "
" Hmm.. Mukhang kailangan mo nga talagang mag-ingat, Aleli. " seryoso na sabi bigla ni Cedric.
Natigilan ako't napatingin agad sakanya.
" Anong ibig sabihin mo? " tanong ko naman.
Napatingin muna si Arianne at Cedric sa isa't isa bago sila sumagot sakin.
" Sa totoo lang, Napagisipan naming dalawa ng asawa ko yung posibleng may pakana ng nangyari sayo. " sagot ni Arianne.
" Naisip namin na, hindi isang stranger lang yung gagawa nun sayo. Pano kasi, Hindi sya makakapasok sa bahay nyo ng basta basta unless kung.."
" Kung kakilala rin sya ni Aleli? Right? " sabat bigla ni Dylan na may seryosong expression sa mukha.
" Tama ka. Kaya, tingin namin. Posibleng isang malapit na tao sayo yung salarin. It's either kapitbahay nyo, ka-schoolmate, kaklase at much worst.. Isang kaibigan. " sagot ni Cedric.
" Ehh? Isang.. kaibigan? "
Kommentare