Departure - Chapter Twenty Nine
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
" Ehh?? .. Isang Kaibigan? "
Bigla akong napalunok ako ng malakas at para bang bumigat yung aura ng paligid ko pagkatapos kong marinig yung sinabi ni Cedric. Bigla tuloy akong kinabahan at nilamig. Ayoko ng gantong pakiramdam.
" Meron akong isang panaginip na madalas kong napapanaginipan. Actually, bangungot nga sya para sakin eh. Napapanaginipan ko kasi yung gabing naaksidente ako. At mukhang tama nga kayo kasi kilala nya nga ako. " seryosong sagot ko naman.
" Anong ibig sabihin mo dun Aleli? " gulat na tanong agad ni Dylan sakin.
" Sorry Dylan kung di ko 'to nasabi sayo. Pero natatakot kasi ako eh. Yung taong nasa panaginip na yun kasi, mukhang may gusto sakin. " naiiyak na sabi ko.
" May gusto sayo? Pano? " tanong naman ni Arianne.
" Dun sa panaginip ko naalala ko na para bang gusto nya kong angkinin. Na gusto nya walang ibang makakuha sakin. Kaya siguro nung sinabi kong Hindi dahil kay Caleb lang ako eh mukhang nagalit ata sya't tinulak ako ng malakas na di naman sinasadyang maging dahilan para malaglag ako mula sa taas. " paliwanag ko.
" Mas kumplikado pa pala 'to. Buti sana kung isang normal na Burglary lang ang lahat. Pero mukhang isang malaking Obsession 'to sayo.. Aleli. " sagot naman ni Cedric.
Napatigil bigla yung puso ko't nagtaasan lahat ng balahibo ko. Natatakot ako. Natatakot na tuloy ako.
" Kaya pala masyadong protective ang pamilya ko sakin. Di ko alam na ganto pala kaseryoso 'to. " tanging nasagot ko lang.
" Oo. Hanggang buhay ka at di pa rin nakikilala yung salarin, Nasa panganib pa rin ang buhay mo. Kaya kailangan mong mag-ingat. " sagot naman ni Arianne.
" Pero.. Pano ko naman mapro-protektahan yung sarili ko kung hindi ko naman kilala kung sino yung mismong kaaway. Natatakot ako na baka kaharap ko na pala sya pero di ko pa rin alam. " naiiyak na sagot ko naman.
" Sshhs. Kaya nga ako nandito diba? Pro-protektahan kita kahit na anong mangyari. " sago naman ni Dylan sabay yakap sakin.
" Kami din. Tutulungan ka namin Aleli. This time, Alam kong may magagawa na rin kami para sayo. " sagot naman ni Cedric.
" This time, Hindi na namin hahayaan na mawala ka ulit. " sagot naman ni Arianne.
" Salamat. Mga tunay talaga kayong kaibigan. " naiiyak na sagot ko sabay ngiti lang sakanila.
" Ano ka ba! Bumabawi lang kami sayo. Kaya wag kang mag-alala! Maasahan mo kami! "
" Pero pano nga kaya natin makikilala yung totoong salarin? " tanong bigla ni Dylan.
Napatigil at natahimik kami lahat. Alam ko naman na wala ni isa samin ang nakakaalam.
" Sa ngayon, mahirap ang manghula at magbintang lang sa iba. Ganto na lang, magumpisa tayo sa pag-alala sa nakaraan. Aleli, may kilala ka bang nagkagusto sayo maliban kay Caleb? " tanong bigla ni Cedric sakin.
" Uhmm.. Actually, di sa pagyayabang pero marami na ring nanligaw sakin. Mostly puro higher years. Pero ni isa di ko naman sila maalala. Tsaka lahat naman sila mukhang mababait. Nirerespeto naman nila yung naging sagot ko kahit papano. " sagot ko naman.
" Naku, mukhang mahirap nga 'to Mahal. Kung lahat ng manliligaw mo eh nirerespeto yung naging disesyon mo. Then—" napatingin ng diresto sakin si Arianne. " —Baka isang secret admirer yung lalake. Tingin nyo? "
" Secret Admirer? You mean— Stalker? "
" Oo nga noh. Malaki yung posibilidad na isang stalker yung lalake. Mukhang kumplikado nga 'to. Syam na taon na 'tong kaso pero hanggang ngayon di pa rin nareresolba. "
" Wait. Pano nyo nga pala naiisip yung mga gantong idea? " tanong bigla ni Dylan sakanila.
" You mean ang pagde-deduce? Simple lang dahil nagtatrabaho kaming dalawa sa NBI. " nakangiting sagot naman nilang dalawa.
" Ehhh!? Seriously!? "
" Wow! Ang cool nyo namang dalawa! " proud na proud na compliment ko naman sakanila.
" Ah. Maraming salamat ! "
" Eh teka.. Ba't nyo nga pala naisipang maging Detectives? " tanong ko naman.
" Hindi ba obvious? Syempre dahil gusto naming mabigyan ng hustisya yung nangyari sayo! " sagot naman ni Cedric.
" Hinding hindi ko talaga mapapatawad yung salarin na yun! Hindi kami titigil hangga't hindi sya napaparusahan! " nagaapoy sa galit na sagot naman ni Arianne.
" Kayong dalawa.. Hindi ko talaga alam kung pano magpapasalamat sa inyo. Sa buong syam na taon na nawala ako, akala ko tuluyan nyo na kong kinalimutan at nag-move on sa buhay. Kaya ang malaman na ginugol nyo yung sarili nyong panahon para suportahan lang ako, Masayang masaya talaga ako! Kaya salamat. Salamat ng marami. " natutuwang sagot ko naman.
" Ano ka ba, Saka ka na magpasalamat kapag tapos na talaga 'to! Mahaba pa ang lalakbayin natin. Ang mahalaga sa ngayon ay ang mahuli yung salarin. " sagot naman ni Arianne.
" Wait. May sinabi si Caleb sakin nung huli kaming magkita. Tungkol yun dun sa lalaking sumaksak sakanya. " sabat ko bigla.
" What do you mean na nasaksak yung ex mo? Kelan? Tsaka Pano? " tanong bigla ni Dylan.
" Ah. Oo naalala ko yun. Actually, natakot rin kami dun kasi akala namin mawawala na rin samin si Caleb. Yun yung araw na nakita nya si Aleli na nakahalumpasay sa lupa na duguan at wala nang malay. Matalino yung salarin at naisipan nyang wag magtira ng ano mang kalat kaya sinaksak nya sa likod si Caleb para siguraduhing makakatakas sya ng hindi nakikita. Malas nya lang at di agad namatay si Caleb at nagawa pa syang hampasin ng bato." Paliwanag ni Arianne.
" At dahil sa ginawa ni Caleb, Nagkaroon na kami ng palantandaan kung sino yung posibleng maging salarin. Isang lalakeng may salamin at may peklat sa gilid ng mata. " sagot naman ni Cedric.
" Peklat huh? "
" Sorry ha, gusto ko sanang tumulong sa pagiisip kaya lang mukhang di pa ata kaya ng utak ko ang mag-isip. Sorry ulit. " sagot ko naman.
" Ayos lang yun Aleli, Di mo naman kailangang pwersahin yung sarili mo eh. " Sagot naman ni Arianne.
" Now na may clue na tayo, Ala ala na lang ni Aleli yung kulang. Malaking tulong talaga kung maaanigan mo kung sino sya. " sabat naman ni Cedric.
" Sana nga kaya ko. Kaya lang nakasarado pa kasi yung utak ko para mag-isip tungkol dyan eh. Pakiramdam ko, Kusang kinalimutan ng utak ko yung itsura nung salarin dahil sa trauma. O baka di ko lang matanggap kung sino man yun. "
" May point ka. Anyway, Kaya natin to. Matatapos din natin 'to kaya wag kang mag-alala." Sagot naman ni Dylan.
" Tama sya. Kaya nating 'tong lahat Aleli! " masayang sagot naman ni
" Oo! " masayang sagot ko naman pabalik sakanila.
Masaya ako na andito silang lahat para sakin. Hindi na ko nagiisa. Hindi na ko malulungkot kasi may mga tao na alam kong di ako iiwan kahit na kailan.
Comentários