Departure - Chapter Thirty
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
" Thank you ulit sa lahat. Cedric at Arianne. " sabi ko bago kami magpaalam ni Dylan sakanila.
" Walang anuman. Basta Ikaw Aleli. " masayang sagot naman ni Arianne.
" Basta, Lagi kang mag-iingat okay? Nandito lang kami. " sagot naman ni Cedric.
" Oo. Salamat ulit "
" Thank you po sa lahat. " sabi naman ni Dylan sakanila.
" Ingat kayong dalawa! "
Sumakay na kami ng kotse at bumyahe pauwi. Di ko maiwasan ang mapangiti pagkatapos ko silang makita at makausap muli. Kahit na nandun pa rin yung takot eh mas nangingibabaw pa rin yung saya sakin ngayon. Ang saya ko. Ang saya saya ko talaga
" May oras pa. Pwede mo ba kong dalhin sa isa pang lugar? " tanong ko bigla kay Dylan.
" Uhm. Ayos lang naman. Pero saan? " tanong naman nya.
" Dun sana sa dati kong school.. kung maari. "
" ..Okay? "
Pumunta kami sa dati kong School kung saan kami nag-aral nila Allen at Arthur. Ito rin yung school kung san ko nakilala si Caleb, Micah, Cedric at Arianne. Isa itong napaka-importanteng lugar para sakin na pilit akong binabalik magdaan man ang napakaraming taon.
" Hindi ba trespassing na 'tong ginagawa natin? " kabadong tanong ni Dylan habang naglalakad kami sa madilim na daan sa loob ng school.
" Okay lang yan! Wala namang mga guards eh. " kampanteng sagot ko naman.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa pinakadulong classroom sa 3rd floor. Ang Classroom kung saan kami nanatili bilang mga 4th years.
" Ah dito nga pala ako nakaupo noon! " sabi ko habang nakatayo sa harap ng dulong upuan.
" Ang layo mo naman. Siguro maingay ka dati noh? Kaya ka siguro dyan nilagay. Haha! " asar naman ni Dylan sabay upo dun sa tabing upuan ko.
" Hindi ah! Sadyang Letter V lang talaga ang apelyido ko kaya ako dito nakaupo noon. "
" Heh. Kung sa bagay may punto ka nga naman. "
Habang tinitignan ko yung paligid para bang unti unting pumapasok sa utak ko yung mga maliliit na ala ala. Mga nakaraang ala ala na hindi ganun kahalaga pero gusto kong balikan.
Isang maingay na paligid. Mga estudyanteng sabay sabay na nagsasalita. Tunog ng chalk sa pisara. Mga ballpen na walang tigil sa pagsusulat. Ang init ng paligid. Ang tunog ng bell. Mga yapak ng mga taong naglalakad. Lahat sila bumabalik sakin. Bumabalik sakin na parang kahapon lang ang lahat.
" Bakit? May naalala ka ba, Aleli? " tanong ni Dylan bigla sakin.
Napaupo muna ako dun sa upuan ko at napangiti.
" Oo. Mga kakaibang bagay.." maikling sagot ko lang sakanya.
" Gaya naman ng ano? "
" Gaya ng.. " napapikit ako upang damhin ang mga ala alang pilit na pumapasok sa aking isipan.
" Aleli! " sigaw ng isang lalake mula sa aking tabi. " Natutulog ka na naman ba? Geez.. Wag mo kong sisisihin kung mahuhuli ka ni Ma'am, Okay? "
Dylan?- Hindi. Ibang boses 'to. Boses ito ng isang lalakeng kilalang kilala ko.
" Sorry. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. " matamlay na sagot ko naman sakanya.
" At bakit? Don't tell me inuna mo na naman ang pagbabasa ng mga libro noh? Wag mo kong sisisihin pag lumabo yang mga mata mo ha? "
" Oh c'mon! Ayan ka na naman Caleb eh! Di porket Girlfriend mo si Aleli eh pwede mo na syang ibully! " sigaw naman ni Arianne sakanya sabay yakap sakin.
" Kawawa naman ang Aleli ko. Kita mo, may eyebags ka na nga, inaaway ka pa ng boyfriend mo. " dugtong pa nya.
" Geez. Break time naman oh! Hayaan nyo ng matulog si Aleli. " sabat naman ni Micah na nasa unahan ko.
" Aww. Maraming salamat Micah! Ang bait mo talaga. Kumpara mo dyan sa isa. " parinig ko naman.
" Hay nako. Para rin naman sayo yung mga payo ko. " sagot naman ni Caleb.
" Sinusunod ko naman eh. Inuunahan mo lang talaga agad ako ng away! Sige ka, Isusumbong kita kay Cedric. "
" FYI. Bestfriend ko si Cedric, sakin kakampi yun kaya asa ka pa. " sagot naman nya.
" Opps. Sorry Dude. Bunso si Aleli dito, kaya mas kampi ako sakanya kahit na anong mangyari. " natutuwang banat naman ni Cedric sa gilid ni Caleb.
" Traydor ka. Waa! "
" Hahaha Easy ka lang! Bestfriend pa rin kita so Lablab pa rin tayo! "
" Lablab mo mukha mo ! "
" Okay tama na yan.." awat ko naman.
" Mahal ng lahat si Aleli kaya natural lang na sakanya kami kumampi. Diba? " sagot naman ni Micah sabay ngiti sakin.
" Oo nga. Mas mahal ng lahat si Aleli kesa sayo Caleb! " natatawang at medyo paasar na sabi naman ni Arianne.
" Ah ganun? Well sorry na lang kayo dahil ang mahal nyong si Aleli eh isa lang ang mahal. At ako yun! " proud namang sabi ni Caleb.
" That's sucks men. Ang selfish mo. Hahaha. " asar naman ni Cedric.
" Tara na nga Aleli! Iwanan na muna natin sila. " sabi naman ni Caleb sabay kuha ng kamay ko at tumakbo palabas.
" Oy teka sandali lang! " tanging naisigaw ko lang hinihila ako ni Caleb palayo sa classroom.
" Hay Nako Caleb!! " sigaw naman nilang lahat sakanya.
Tumakbo kaming dalawa ng mabilis hanggang sa nakarating kami sa rooftop. Buti hindi off limits ang rooftop samin at swerte pa namin kasi walang estudyante sa paligid ngayon. Siguro kasi breaktime at nasa Canteen sila ngayon.
" Hay nako. Pinatakbo mo ko para pumunta lang dito? Di ka na talaga nagbago Caleb. " umiiling iling na sabi ko naman.
" Hehe. Well, Mas gusto ko kasi yung tahimik eh. At tsaka gusto kong maranasan yung tayo lang dalawa yung magkasama pagdating dito sa school. " masayang sagot naman nya.
" Pfft. Sorry, Iba kasi yung tunog para sakin eh. " natatawang sagot ko naman.
" EH!? Ikaw Aleli ha! Ganyan pala yung tingin mo sakin ha! Naku naku! Mukhang kailangan ko ng mag-ingat ah. " asar naman nya.
" Ang kapal mo! Di ako ganun ha! "
" Haha biro lang. Pero.." sabay kinuha nya yung dalawa kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit. " Pero masaya ako ngayon. "
" Huh? "
" Masaya ako kasi gusto kong maalalang nasolo kita dito sa rooftop na 'to bago tayo grumaduate. "
" Ako rin. Masaya rin akong makasama ka ngayon dito. Masaya akong nakilala ka at nakasama ka ng maraming taon. "
" College na tayo next year. Gusto ko walang magbabago. Tayo pa rin, kahit na kailan.."
" Oo. " at tumango lang ako't ngumiti sakanya.
" Kahit na anong mangyari, Mahal na mahal kita. Sayong sayo lang ako, Aleli. Pangako. "
" Oo. Sayong sayo lang din ako, Caleb. Pangako. " kasabay nun ay ang dahan dahang paglalapit at pagdampi ng mga labi namin.
Hindi na namin inisip kung nasaang lugar kami ang mahalaga ay gumagawa kami ng mga ala ala na magkasamang dalawa.
Lahat kami ay grumaduate ng magkakasama. Summer 2007, Sabay sabay kaming nangarap na lima. Na magkalayo man ang lahat, magkikita muli kami at walang magbabago kahit na kailan.
That summer, nagbago ang lahat. Nangyari ang di namin inaasahan at Tumigil ang oras para sakin.
Pero lumipas man ang syam na taon na hindi nila ako kasama, Mukhang tinupad naman nila yung mga pangako nila bilang kaibigan sakin. Sadyang may isa lang talaga na kailangang bumitaw at di tumupad sa pangako.
Tumupad ako sa pangako ko na sakanya lang ang puso ko sa paraang sya pa rin ang mahal ko simula nung bumalik ako.
Pero ngayon, Hindi pwedeng mamuhay pa rin ako sa pangakong matagal ng nawarak. Kailangan kong magbago. Kailangan kong magsimulang muli.
At this time, Ako naman ang bibitaw at tuluyan ng sisira sa Pangako na yun.
Comments