Departure - Chapter Thirty One
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 7 min read
Nagising ako ng linggo ng umaga ng may ngiti sa mukha. Sa di malamang dahilan, Para bang ang gaan gaan ng pakiramdam ko, na parang wala akong pino-problema sa mundo.
Napaupo ako sa kama't napa-unat muna bago tuluyang tumayo. Kinuha ko yung phone ko't nakita ang isang text ni Dylan sakin. Agad akong napangiti at binasa ito.
Dylan:
Simba tayo? Reply ka agad.
Nagtype agad ako't nag-reply sakaniya.
Me:
Kagigising ko lang. Oks lang sakin. Wut time?
After kong magreply eh ibinulsa ko muna yung phone ko't bumaba na upang kumain ng agahan. Bibilisan ko na lang yung kilos ko para makaligo na agad ako't makapag-ayos.
" Asan sila Mama? " tanong ko agad kay Allen nang maabutan ko siyang nag-aayos ng coat niya sa sala.
" Umalis sina Mama at Papa. Must be work. " sagot naman ni Allen habang nakatingin sakin.
" Oh. Okay. Eh ikaw? San naman ang lakad mo? " tanong ko naman sakaniya.
" Photoshoot. But I'll be back soon. " aniya.
" Oh it's alright. Take your time, It's your shoot after all. Where's your Kuya by the way? " I asked.
" Business Trip? I heard he's on Taiwan right now. Bakit ate? "
Napa-iling lang ako't napangiti.
" Oh nothing! Natanong ko lang. " ani ko. Biglang nag-vibrate yung phone ko't mukhang may nag-text. Kinuha ko agad ito para buksan at basahin.
Dylan:
9? Punta ko diyan mga 8:30.
Napangiti ulit ako't nagreply ng Ok sakaniya. Pag angat ko eh nakita kong nakatitig si Allen sakin na parang sinusubaybayan niya yung mga kilos ko.
" Going somewhere Ate? " he asked while raising his left eyebrow.
" Uhm. Yep. " I nodded. " Magsisimba kami. "
" I see. " napatango lang siya't natahimik.
" Okay? Kain muna ako. Don't stay out too late. Ingat ka. " huli kong sinabi bago ako tuluyang naglakad papuntang kitchen.
Saglit lang ako kumain kasi Cereal at gatas lang naman ang inagahan ko. After nun tumakbo ako paitaas para maligo't magbihis. Isinuot ko yung nakita kong peach colored floral dress na lalong nagpaputi sa kulay ng aking balat. Nagpaikot ikot lang ako sa harap ng salamin para icheck kung okay na ba yung itsura ko. Okay this is fine. After all, Magsisimba ka lang naman at hindi pupunta sa isang date. Always remember that Aleli!
" Tagal mo Miss. " sabi niya habang nakasakay sa Ford Everest niya.
" Sorry. Nachika ako ni Allen eh. " palusot ko naman. Syempre ayokong isipin niyang nag-ubos ako ng oras para lang sa pag-aayos.
" Okay. Let's go? " tanong niya habang ini-start ulit yung engine ng kotse niya.
" Okay okay. " sagot ko naman sabay kabit ng seatbelt ko.
Saglit lang ang byahe dahil may malapit namang simbahan sa neighborhood namin. Sa may bandang gitna kami umupo at tahimik lang habang nakikinig sa misa.
Medyo natawa pa nga ako kasi di ko alam kung pano ako magpi-peace be with you sakaniya. Sa huli, nag-peace sign na lang ako't sinabi yung mga kataga sakaniya. Natawa naman siya't ginaya ako.
Napalingon ako sa paligid at nakita ang ilang pamilya na nagsisimba rin ngayon. They looked so happy and complete. Naalala ko tuloy yung mga panahong sabay kaming nagsisimba ng buong pamilya ko. Kung pano ko mag-kiss sa pisngi at mag-mano sa magulang ko pag peace be with you. Kung pano kami maghawakan ng kamay pag Ama Namin. Nakakalungkot, Hindi ko na ata magagawa ulit yun nang buo at kumpleto kami.
Natapos na ang misa't naglakad na kami palabas ni Dylan. Katabi ng simbahan ay park at may isang tent ng bazaar sa gilid. Maraming batang naglalaro at nagpapalobo ng bubbles. May ilan din na bumibili ng taho at ng balloons. Napaupo kami ni Dylan sa isang bench at sabay naming pinagmasdan yung mga taong may kaniya kaniyang ginagawa.
" Sunday is such a wonderful day, Don't you think? " tanong niya habang nakatulala at nakangiti sa mga tao.
" Oo. You're right. Parang ang peaceful at ang relaxing. " sang ayon ko naman sakaniya.
" Are you alright? Okay ka na ba? " tanong niya bigla sakin.
" I'm fine and I'm happy. I don't know why pero mukhang maganda yung naidulot ng pagbisita natin kala Cedric at Arianne. And I think, Maging dun sa school. " sagot ko naman.
" I'm glad you're alright. C'mon. Anong gusto mong bilhin? Libre kita. " aya niya sabay hila sakin patayo.
" Hmm. Ice cream? And I think a Balloon? " nakangising sagot ko naman. Napa-iling lang siya't napangisi rin sakin.
" What are you? An Elementary student? " tawa niya saka niya ko hinila sa isang tindero ng nilalakong Ice-cream.
" Dalawa nga po. " sabi ni Dylan dun sa tindero.
" Anong flavor? " tanong naman sakaniya nito.
Napalingon sakin si Dylan at nagtanong. " Ano sayo Aleli? "
" Choco Please. " sagot ko naman.
" Isa pong choco tapos cookies and cream. " ani Dylan sa tindero.
Mabilis na nagsandok yung tindero at binigay samin yung dalawang ice-cream. Binayaran yun ni Dylan at naglakad lakad na kami sa park habang kumakain ng binili naming Ice Cream.
" Ang tagal ko nang hindi nakakain nito! Waa. So much memories. " ani ko habang nilalasap yung Ice cream.
" Memories? Gaya ng what? " tanong naman niya.
" Tulad ng.. Highschool days. Childhood at marami pang iba. Hindi mo rin naman ako masisisi, 9 years akong di nakatikim nito. " i smirked.
" Yeah right. Patikim nga. " saka niya nilapit yung bibig niya't kumagat sa Ice cream ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang ginagawa niya yun. At yung atensyon ko naman ay nakatuon doon.. sa labi niya. Aw shit.
" Mas masarap pa rin yung sakin. " he grinned. " Tikman mo." saka niya isinubo yung Ice cream niya sakin.
Napakagat lang ako ng maunti kasi syempre nagulat ako at nahihiya ako sa mga nangyayari. Napangisi lang siya at naghihintay sa irereaksyon ko. Napakunot lang yung noo ko't napanguso.
" No fair! Mas masarap nga yung sayo. Ang daya! " I pouted.
Natawa siya't kinuha yung Ice cream ko't ipinalit yung sakaniya.
" Palit na tayo. " aniya.
Napatingin lang ako sa Ice cream na bigay niya at unti unting napangiti ng malaki. Dylan is so selfless. Lagi niya talagang binibigay sakin ang lahat. Bakit kaya laging ganto? Pakiramdam ko, I want to be more selfish when I'm with him. This is so weird.
" Do you want to go somewhere? " tanong niya pa.
" I want to.." napaisip muna ako't napaikot ng tingin sa paligid. " Go anywhere. "
" That's not a very clear answer Aleli. "
" Sorry! Sorry! It's just.. wala lang talaga akong maisip. Ikaw, May gusto ka bang puntahan? " I asked.
" Well.." he sighed. " I want to see Momo's photos exhbit. "
" Momo? Who is that? " i asked.
" A local photographer. Sinabi lang ng isa kong junior na may exhibit siya sa West Gallery. Sobrang ganda daw kaya na-curious ako. Gusto mo bang sumama? " tanong niya.
" Sure. Wala naman akong gagawin eh. " sagot ko naman.
" Okay. Let's go then? " sabay abot niya ng kamay niya sakin. Napatingin lang ako nung una pero agad ko rin itong kinuha at hinawakan.
Bumyahe kami pa-Q.C. papunta sa West Gallery. Pagkarating namin ay may nakalagay na agad na title sa baba na may pangalan nung artist.
" Litrato para kay Alelluia "Momo Monterde Exhibition
Umakyat kami sa taas at bumungad samin ang napakaraming monochrome pictures ng isang babaeng maganda, mukhang manika at may itim na mahabang buhok.
Isa isa ko itong tinignan at nakita na iisa lang ang model na ginamit niya. Baka siya si Alelluia?
" Ang galing niya diba? " sambit lang ni Dylan habang seryoso din siyang tumitingin sa paligid.
Napatango lang ako't napangiti saglit bago bumalik sa pagtingin. Ito lang yung napansin ko sa mga kuha niya. Kung pagmamasdang maigi at kung titignan mula umpisa eh nakazoom in yung mga pictures na parang malapit ito tapos palayo ng palayo pagdating sa dulo.
Napatulala ako sa isang malaking picture sa dulo kung san makikita yung model na nakatayo sa dalampasigan at nakangiti sa camera. Bahagyang hinahangin yung buhok nito't pati na rin ang puti niyang damit. Napa-awang ang bibig ko't nakaramdam ng kakaibang kalungkutan.
" I get it. " nasambit ko lang habang nakatulala sa picture.
Alelluia. You already made your depature, Am I right? Nagpaalam ka na at tuluyang nilisan ang lahat. Pero iniisip ko lang, Pano na yung mga iniwan mo? Pano na sila? Hindi ba sila nalulungkot? Hindi ka ba nalulungkot? Hindi mo ba sila namimiss? Kahit minsan?
And then again, napaisip ako sa sarili ko. If I make my own Departure and leave everything behind. Will I be happy? Will I make everyone happy? I doubt that.
Pero napagdesisyunan ko na kung magpapatuloy man ako sa buhay eh aalis ako at this time hindi na ako mag-iisa dahil alam kong may isang tao na handa akong samahan kahit saan.
" This exhibit is actually a response to Alelluia's last artworks. The photographer wants to show us how much he loves the girl even though they are not together. Masyadong mahal talaga ni Momo si Alellui, don't you think? " sambit ni Dylan sa gilid ko habang nakatingin rin sa malaking picture.
Hindi ako sumagot sa halip eh Napatingin lang ako sakaniya habang nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong irereact pero damn! This is freaking ache.
" Oh please Aleli. " tapos bigla niyang hinawakan yung ulo ko't nilapit sa dibdib niya upang yakapin. " Don't cry. "
" This is such a sad story. " hikbi ko.
" I know pero wala naman tayong magagawa sa kwento nila. Right now.." saka niya ko hinawakan sa balikat para iharap sa kaniya. "We need to create and guard our own story. "
Create and Guard our own story. Napangiti ako sa sinabi niya. Babantayan namin ito ng sa gayun eh magkaroon kami ng happy ending. Naway wala sanang lumisan o mawala samin. Walang mang-iiwan at walang iiwanan.
We need to make sure that this story of us will be the greatest and unregretful story ever. And by doing this, I need to keep Dylan by my side. Kasi sino pa nga ba ang makakasama ko diba? Sya na lang. Siya na lang yung natitira para sakin.
" Let's be Happy, Okay? " basa ko sa sulat na nakalagay sa ilalim ng picture. Naguluhan ako't napatingin ulit kay Dylan. Nagulat ako kasi nakangiti siya sakin na parang naiintindihan niya lahat.
" Let's be happy daw, Aleli. " ngiti niya.
Napangiti rin ako at naintindihan na rin sa wakas yung nais nyang iparating.
" Let's be happy. " ngiti ko naman pabalik.
Alelluia. Sayang lang at hindi naging ganun kaganda ang ending ng story nyo. Para sakin, swerte pa rin ako kahit na naiwanan man ako ng panahon. Kahit nawala sakin yung taong mahal ko. Swerte pa rin ako kasi hinayaan akong patakbuhin ulit yung oras ko. Binigyan ako ng pagkakataong magmahal ulit. And this time, Hindi ko na hahayaang masira ulit ang lahat. Pangako. So let's be happy, Okay?
Comentarios