top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twenty One

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 6 min read

Dylan's POV



Habang naglilibot libot ako sa venue nung party para hanapin ang galang si Aleli eh napatigil ako bigla nung nagsalita na yung MC. Madami syang sinabi, mostly tungkol sa course namin at kung gaano ito kasaya at kahirap at the same time blah blah blah. Actually, wala nga akong naintindihan kasi masyado akong busy sa pagtingin sa paligid at sa paghahanap kay Aleli na medyo di ko ralaga makita dahil na rin sa sobrang tao sa paligid.


Maya maya, nagsalita yung MC. May kinalaman ata sa pagsasayaw kaya medyo napatigil talaga ako't nakinig.


" Okay Gentlemen, Please grab this opportunity to dance the girl you love. Para sa mga Alumni's na matagal ng umaasa sa mga taong gusto nila, Take this. Para sa mga couples na talaga, Take also this. Maybe this is your chance to show how much you love someone. " sabi nung MC. Tapos biglang pinatugtog yung "I Will Be Here " ni Gary Valenciano.


After sinabi nung MC yun, Gumawa agad ako ng paraan para hanapin si Aleli upang isayaw. Buti na lang at nakita ko agad sya dun sa may bandang right corner nung kwarto. Nagkatinginan kaming dalawa tapos una agad syang ngumiti sakin na parang alam nya rin kung anong dapat na mangyari. Mas lumambot yung puso ko kaya ngumiti rin ako sa kanya at dahan dahang naglakad papalapit sakanya.


I will grab this opportunity to confess to her. I will tell her that the real reason kung bakit pumayag akong maging personal guard nya eh dahil gusto ko talaga syang makasama at sa dahil mahal ko rin sya. I really want to tell her everything.


Ilang lakad na lang ako papunta sakanya ng biglang may humarang na lalaking medyo mas matangkad sakin at kinuha yung kamay ni Aleli't isinayaw ito. Nagulat lang ako dun sa nangyari at umasang iiwas si Aleli sakanya pero pagtingin ko nakatulala lang si Aleli sakanya na parang nakakita sya ng multo o baka dati nyang kakilala yung kumuha sakanya. I mean, may kutob ako na hindi lang kilala 'to.. Kundi, Kilalang kilala.



Aleli's POV



Habang nakatayo ako sa corner nung party hall at naghihintay na sayawin ni Dylan na papalapit sakin eh bigla na lang may kumuha sa kamay ko't dinala ako sa Dance floor. Nung una iiwas sana ako eh, Kaya lang napatigil ako bigla nung makita ko yung lalaking magsasayaw sakin. Bigla akong namutla at panandaliang tumigil yung tibok ng puso ko. Oh my god. Anong ginagawa nya dito? Pano at bakit ako sinasayaw ni Caleb?


" Uhm.." nauutal na bulong ko habang nakatingin pa rin sakanya.


May part sa utak ko na nagtatanong ng paulit ulit kung totoo bang si Caleb 'to? He looks and sounds like Caleb pero may iba eh. Dati, mas bata pa yung features nya. Fresh kung baga. Ngayon, matured na sya. Parehas sila ni Micah. Perfect na yung pagkakahulma nung Jaw line nya. Kung dati, ilang centimeters lang yung tangkad nya sakin eh ngayon, iba na talaga kasi sobrang tangkad nya na. Yung buhok nya na simpleng Teen boy-cut lang noon, disente at ang attractive ng tignan ngayon. Pero nag-matured man yung ibang parte sakanya eh nakikita kong ganun pa rin yung Mata, Kilay, Ilong at lalo na yung mga labi nya.


" You're Aleli right? " tanong nya habang intense na nakatingin sakin.


" Hindi ko po alam yung .." ide-deny ko sana habang tumitingin sa iba yung mga mata ko pero inunahan nya agad ako ng salita.


" Pfft. " natawa muna sya sakin, saka sya ngumiti ng painful smile sakin na talagang naramdaman ko ng sobra. " Hanggang ngayon, Di ka pa rin nagbabago. Di ka pa rin marunong magsinungaling, Aleli. "


" ... " wala akong nasagot sakanya't napayuko na lang ako. Ano bang magagawa ko. Tama sya. Kilalang kilala ako ni Caleb at alam ko na alam nyang hindi ko talent ang pagsisinungaling o ang pag-aalibi. Bukod pa dun, Di ko alam kung kakayanin ko pa pag binibigkas nya yung pangalan ko.


" You're Aleli, right? " tanong pa nya ulit.


" Yes. " maikli at honest na sagot ko lang sakanya.


" I.. I can't believe it. I can't believe that you are here and you look exactly the same. Pano nangyari yun? " tanong nya habang nagsasayaw pa rin kami.


" It's a long story. " maikli ko pa ring sagot sakanya.


" This is.. Uhm. " napatingin ulit sya sakin pero confused look naman. " Di ko ma-explain in words. But, I really just can't believe that you're here. We finally met again after all those years. "


" Me too. Wala din akong masabi. " tahimik na sagot ko pa rin.  


" Pero.." magsasalita pa sana ako kaya lang bigla na lang nag-flashback lahat ng nalaman ko tungkol sakanya. Kung pano nya iwan ang pilipinas after graduation. Kung pano sya napadpad sa London at dun mas piniling mag-aral. Kung pano nya iwanan yung mga kaibigan nya dito. At lalo na kung pano sya nakahanap ng bagong babaeng minahal at kung pano nya sya naging engaged dito.



And once again, Muli na namang sumakit yung puso ko na parang nawarak ito mula sa pinaka-umpisa hanggang sa dulo. Nakakatawa. Sya lang yung tanging lalaking minahal ko ng napakatagal na kahit unconcious ako sa mundo eh patuloy ko pa rin syang minamahal at heto sya ngayon, Kaharap ko nga pero alam ko namang di ko na pagmamay-ari yung puso nya at kahit kailan hindi ko na kayang bawiin ang lahat.


" Sorry. " Pinigilan ko yung luha ko't umatras palayo sakanya. Buti na lang at tapos na rin yung tugtog at ngumiti na lang ako sakanya sabay takbo palayo at palabas dun sa venue. Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa lugar na alam kong walang makakakita sakin, at dun ko nilabas ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.


" Aleli? " may tumawag sakin bigla. Kinabahan ako kasi akala ko si Caleb yung tumawag sakin pero medyo kumalma ako nung ma-realize kong si Dylan pala yun. Nagpunas agad ako ng luha ko't humarap sakanya.


" Dylan. " sagot ko naman.


" Are you alright? " concern na tanong nya sakin nung mapansin nyang medyo namumula at maluha luha yung mga mata ko.


Hindi na ko nakasagot sa tanong nya't bigla na naman akong naiyak. Di na nagsalita si Dylan sa halip eh niyakap na lang nya ako ng mahigpit at pinatahan.


" Tahan na. Di ko man maintidihan kung bakit ka umiiyak eh promise hindi ko na itatanong. Pero gusto kong malaman mo na, Wag kang mag-alala. Andito naman ako eh. " sabi nya.


" Alam mo. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak eh. Di ko alam kung dahil ba 'to sa regret o ewan. Basta ang sakit. Ang sakit sakit. " sabi ko habang umiiyak sakanya.


" That's all in the past Aleli. Regret man yan o kung ano, Past is past. Walang magandang maidudulot sayo ang pamumuhay sa nakaraan. "


Napatingin lang ako kay Dylan ng seryoso pero yung masakit na tingin. Di ko alam kung kaya ko bang gawin yung sinasabi nya pero wala talaga akong masagot dito. Ang gulo ng utak ko. Ang gulo ng puso ko. At ang sakit ng buong pagkatao ko.


" Hindi ko alam. Hindi ko alam kung pano mag-move forward. Sabihin ko man ng ilang beses na kailangan, gagawin ko 'to, susubukan kong sumabay sa agos ng buhay pero hindi talaga eh. Marami ng nagbago. Maraming bagay na hindi na maibabalik sa dati. Kaya, pag naiisip ko yun. Hindi ko na talaga alam kung san ako lulugar. " napaiyak na naman ako.


" Hay Aleli. " napa-sigh sya bigla habang nakayakap pa rin sakin. " Ilang beses ko bang sasasbihin sayo na.. Andito lang ako. Ginising kita sa mahimbing na pagkakatulog mo. Inialis kita sa munting paraiso mo. At nagbago man ang lahat sa buhay mo, Aakuin ko pa rin ang lahat at mananatili sa tabi mo sa kahit na anong oras na gustuhin mo. Kaya kung di mo man alam kung san lulugar, Tanging masasagot ko lang sayo eh dito. Dito ka lang sa piling ko. "


Yung umiiyak na puso ko kanina eh bigla na lang lumambo't napatibok ng malakas at mabilis ng dahil sa mga sinabi ni Dylan. Hindi ko alam kung anong ire-reaksyon pero bigla na lang akong natuwa at naiyak. Siguro dahil mas naramdaman ko yung sinabi nya na tanging kailangan ko ngayon. Napangiti ako kay Dylan saka yumakap sakanya.


Di ako nagsalita ng kahit ano, hinayaan ko na lang yung sarili ko na yakapin sya at damhin ang init ng katawan nya. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala si Dylan ngayon. Sa piling nya, Mananatili ako oras oras. 



Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page