top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Twelve

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 22, 2021
  • 5 min read

Updated: Aug 24, 2021

" Nakatakas? What do you mean nakatakas? " irit ko agad.


" Pagdating namin sa bahay nakita ka na lang namin na nakahandusay sa baba. Tapos si Kuya Caleb.."


" Si Caleb? Anong meron kay Caleb? "


" Nevermind that. Actually, nung mangyari yung aksidente na yun eh naiwan din si Allen kasama mo sa bahay. He's just 9 and di pa sya pwedeng maglaro sa labas ng medyo pagabi na. Samantalang nasa court naman ako't nakikipaglaro ng basketball. Sina Mama't Papa nasa trabaho. And yun na. We never thought na mangyayari sayo yun. " paliwanag ni Arthur sakin.


" But you knew right? Kilala nyo pa rin kung sino yung dahilan sa lahat ng 'to, Right? " i asked them once again.


" I'm sorry Aleli, Hindi na namin nalaman kasi nakatulog ka. And Caleb didn't know either. Walang nakakaalam. " sagot naman ni Papa.


" Pero kasama ko si Allen. Perhaps –"


" Hindi ko din kilala ate. As i remember, You were scared kaya mo ko pinasok sa kwarto namin at sinabi mo na wag akong lalabas kahit anong mangyari. Kahit naririnig ko na natatakot ka na't umiiyak. Sorry wala akong nagawa. " sagot naman ni Allen.


" It's alright Allen. Bata ka pa nun, Besides ayaw ko rin na mapahamak ka. " sagot ko naman.


" Maraming taon ang lumipas, Pilit man naming alamin kung sino yung salarin pero wala. Hindi talaga namin nalaman. Sorry Anak, pakiramdam tuloy namin hindi ka namin nabigyan ng hustisya. " sabi naman ni Papa habang namumuo yung mga luha sa gilid ng mga mata nya.


" It's alright Pa. Ayos lang. At least, I'm still alive right? " pilit na ngiti ko sakanya. " Pero kung hindi nahuli yung tunay na salarin, edi may chance na.."


" Yes. " sabay nod lang ni Arthur. " There is a big possibility na bumalik yung tao na yun at maulit ulit lahat. "


Nanlamig agad yung pakiramdam ko na para bang nag-fade away yung dugo ko. Agad ding bumigat yung puso ko na ewan, gusto ata ulit nitong umiyak.


" Shss. Everything will be alright honey. Pro-protektahan ka namin. Kaya ka nga nandito diba? You're back and You're safe. You'll be safe. Don't worry. " sabi naman ni Mama habang yakap yakap ako ng mahigpit.


" Gagawin namin ang lahat ma-protektahan ka lang, Ate. " sabi naman ni Allen.


" Thank you. " napangiti lang ako sa sinabi nila.


Hindi pa man natatapos ang kaso ko, Alam ko magiging maayos din ako. Magiging safe ako. Andito na sina Mama't Papa. Sina Allen at Arthur. Hindi na ko nag-iisa. Hindi na ulit ako nag-iisa.



***



" So, this will be your new room. " sabi ni Mama pagkatapos nya kong ilibot sa buong bahay at sa bago kong kwarto.


" It's.. It's great. Thank you Ma. " sagot ko lang habang di pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko.


One Princess type bed na sobrang laki at kasya ata ang limang tao. Isang malaking balcony na may puting kurtina. A desk and books. A Telescope. White walls. Gray floor. Oh my gosh, This is what i ever wanted. My dream room.


" Here, See this. Madami akong biniling damit sayo. Inipon ko 'to kasi baka sakaling magising ka at kailangan mo ng magagandang damit. " sabi pa ni Mama sabay bukas ng closet.


Puno ito ng iba't ibang uri ng damit. Mostly dress. At kung ano ano pa. Sobrang dami at lahat magaganda. Pero di ko mapigilang di malungkot pag naiisip ko na inipon ni Mama 'to ng matagal kasi umaasa syang magigising na ako. Alam ko, naging masakit rin para sakanya ang mawalay ang nagiisang unica hija nya.


" Ma. I'm sorry. " bulong ko.


" Why? Bat ka nagso-sorry, Anak? " tanong naman nya.


" I'm sorry kung di ako nagising kaagad. It should be better kung isang taon o ilang buwan lang ako nakatulog. Di pa sana kayo nahirapan ng sobra. So i'm really sorry for not waking up immediately. "


" Oh Aleli.." then she hugged me again. " Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang lahat so don't say sorry. Never kaming nawalan ng pag-asa na balang araw gigising ka ulit. At heto ka ngayon, You're awake. Alive. And you're with us. That's enough. "


" Thank you. Thank you for patiently waiting for my return. "


" It's alright. Besides, yun naman talaga ang ginagawa ng pamilya, right? "


Nag-nod lang ako't yumakap ulit sa kanya ng mahigpit. I'm so glad that Mom's still love me. Everyone's still love me. Di pa pala ako nakakalimutan.



***



Two days of staying here is boring. This is bullshit! Lagi na lang akong naiiwan dito, ni hindi man lang ako pwedeng lumabas ng walang kasamang guard! What the hell! Eh para ko na 'tong sariling presinto eh. Mababaliw na ata ako.


Pero, Masaya naman akong makasabay silang lahat sa hapagkainan. But I'm still not happy. Parang si Mama na nga lang ata yung nakakausap ko ng matino eh. Si Arthur masyadong focus sa work, puro sya phone calls. Si Allen naman, ganun din. Busy daw kasi Model at college student sya. Si Papa, Busy sa pag babasa ng mga documents. Asan na yung dating masayang kwentuhan namin pag kainan? Pati din ba yun nawala?


Ngayon ko lang naranasan yung maiwan sa la mesa habang unti unting nag-aalisan yung mga kasama mo. Hindi 'to masaya. Buti pa si Dylan, di nya ako iniiwan hangga't di ako natatapos sa pagkain.


Hay. Namimiss ko na sya. Dalawang araw na kong walang balita sakanya. Gusto ko ulit syang makausap. Makasama. Tutal, sya lang naman yung nagparamdam sakin na may oras pa kong natitira. At kung napag-iwanan man ako, This time sasabayan nya pa rin ako. Pero wala ngayon si Dylan sa tabi ko, Walang nagpapalakas ng loob ko. Ah, this is really frustrating.



***



Medyo di ako makatulog ngayon. Actually, gabi gabi naman akong di makatulog gawa siguro ng di pa sanay yung katawan ko sa gantong buhay. Di ako sanay na sobrang laki ng kama ko. Na sa laki ng kwarto ko eh mag-isa lang ako dito.


At since di naman ako makatulog eh sinubukan kong tumakas at lumabas ng mansyon. Buti na lang at di ganun kadami yung mga guards na nagbabantay pag gabi kaya malaya akong gawin ang lahat.


Napadpad ako sa path way na may mga White and Violet-Blue Hydrangea sa gilid. Ang ganda nya sobra na parang nili-lead nya ako sa isang secret garden.


Wait. I remember this place. Dito ako dumaan nung una akong magising at mapunta sa lugar na 'to. Which means, kung susundan ko 'to eh tsak na babalik na naman ako sa lugar na yun.


Agad akong napatakbo at sinundan yung path way at napatigil lang ako ng matanaw ko na yung garden na merong glass floor. Para syang sa Louvre Museum na merong glass floor sa taas na kung titingin ka sa baba eh makikita mo na merong isang kwarto na nakatago. It's pretty amazing. Pero syempre mas nakaka-amaze pa rin Papa kasi sya yung nagdesign dito.


Sa pagkakatanda ko, nakalagay yung hagdan pababa sa may gilid ng mga wild roses, kaya napapunta agad ako't napababa. At tama nga ako kasi bumalik na naman ako sa simula.


Ang Glass Chamber ko.





Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page