Departure - Chapter Thirteen
- Christine Polistico
- Aug 22, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 24, 2021
Wala pa ring pagbabago dito simula ng magising ako't sumama kay Dylan. Sa totoo lang, nagkaroon na rin ng sentimental value 'tong lugar na 'to para sakin kasi syempre ito lang yung tanging lugar kung saan ako natulog ng matagal. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng siyam na taon. Gaano man ito kalamig at nakakalungkot tignan, Ito lang yung nag-iisang lugar na tumanggap sakin at hindi ako iniwan kahit na kailan.
Nakakatawa. Hindi ko akalain na dahil lang sa pagkakaligaw ni Dylan dito eh magigising ako bigla. Hindi ko alam kung tadhana bang mangyari yun na dumating siya sa buhay ko upang iligtas ako o ewan, pero masaya ako. Kasi siguro kung di ako nakita ni Dylan, baka hanggang ngayon tulog pa rin ako. So thankful pa rin ako.
Pero maalala ko lang, Ginawa nila 'tong lugar na 'to kasi naisip ni Mama na unfair kung mapagiiwanan ako ng panahon right? Kaya nila ako prini-serve eh dahil naisip nila na kung magigising man ako eh parang normal lang ang lahat at walang nagbago.
This is reality, And of course madaming pwedeng magbago. Pero ngayon, alam kong nagbago man ang lahat, nasa akin na yun kung itutuloy ko ba ang lahat. And this time, I will make my clock move again. Kukunin ko na yung oras na dapat binigay sakin noon pa. This time, hindi na ako mahuhuli o magpagiiwanan ng iba. Promise!
****
" Good morning Ma! Good morning Pa! And Good morning to you two. " masaya at masiglang bati ko agad sakanila kinaumagahan.
" Good morning too Aleli. " sagot naman ni Papa sabay ngiti sakin.
" Anong meron? Mind if you tell us what happened? " tanong naman ni Mama na syempre naguguluhan sya kung bakit ako ganto kasaya ngayon.
" No. It's nothing. Wala naman nangyari, It's just. May naisip lang po ako. " sagot ko naman.
" Okay? What is it? " tanong naman ni Papa.
" I'm thinking of going to college. I need to continue my study right? So i think, magiging okay kung papasok na ulit ako. " sagot ko naman.
" You what!? " napairit agad nila agad.
" I said I wanted to go to college. " ulit ko ulit.
" You're kidding right, Ate? " sabat naman ni Allen.
" No of course not. Mukha bang nagbibiro lang ako? " sagot ko naman.
" Pero Aleli, alam mo naman diba? Masyadong delikado. Gusto mo, Mag-home school ka na lang kaya? " sabi naman ni Mama.
" Ayoko. Never naman akong nag-home school ah! Tsaka ang tagal kong nawala sa tingin nyo ba may makakakilala pa rin sakin? Ibang generation na 'to. Dito na ko belong, hindi na sa noon. " sagot ko naman.
" No. I think it's really Dangerous, After all hindi pa nga natin kilala at nahuhuli yung salarin eh. " sabi ni Mama.
" Pero Ma. Ikaw na rin po ang nagsabi diba? Life will be unfair for me kung mapagiiwanan ako ng lahat. I'm just trying to fix my life and nagsisimula ako dito. Ito ang first step ko para sa normal na buhay. "
" You're right. Pero aware ka rin naman sa mga pwedeng mangyari sayo right? " sagot naman ni Papa.
" Of course. That's why i want to propose something. " sagot ko naman.
" Propose? " sabay sabay na tanong nila.
" Yeah. I want to assign Dylan Garcia to be my Personal Bodyguard. " sabi ko.
" Dylan Garcia? Tinutukoy mo ba yung anak ng isang Board member kong si Garcia? " tanong agad ni Papa.
" Opo! Sya nga po yun! " masayang sagot ko naman.
" At pano mo naman sya nakilala? Ate? " tanong naman ni Arthur.
" Well that's because, Sya lang naman yung gumising at tumulong sakin. Kumportable ako pag kasama ko sya. So, I want him. " direktang sagot ko.
" Ooh. Sounds like a romantic declaration, ha? " asar naman ni Mama.
" No! Of course not. It's not like that! "
" So ganto, You'll go to college and Have Dylan as your personal guard, right? Then how about your name? " tanong naman ni Papa.
" Aleli. I'll use my real name. Aleli Valentino. " sagot ko naman.
" Pano kung may makakilala sayo? " tanong naman ni Arthur.
" Edi. Makilala. Pero i doubt, may makakakilala nga. Or maniniwala. "
" Pano kung makita ka ulit nun, at gawin nya ulit yun? " concern naman na tanong naman ni Allen.
" It's alright, I have Dylan by my side. "
" Basta ba, Promise us that you'll be careful okay? " concern na sabi naman ni Mama.
" Yes. I will. " sagot ko naman sabay ngiti sakanila.
" Then, I will agree to this one this time. You really know what you're doing, right? Aleli? " Papa asked.
" Yes Pa. "
" Just be careful. "
" I will. " and napa-grin na lang ako.
****
Dylan's POV
" Are you sure you're okay? " tanong ni Mama sakin.
" Opo. Ayos lang ako Ma. " sagot ko naman.
" Di ko na nakikita si Miku, Di naman kayo nag-away dalawa. Diba? "
" Nope. " napa-iling at napangiti lang ako. " It's just.. Umuwi lang sya sandali. "
" Oh. Bumalik na pala yung parents nya abroad? Wow. Good for her. "
" Yeah.. Good for her. " i said bitterly.
It's been two days or three.. i don't know. Para bang ang tagal ng nawala ni Aleli, pilitin ko mang bumalik sa buhay na meron ako noon eh para bang di ko na magawa. Pano kasi, sa lahat ng gawin ko naalala ko sya at yung kagandahan nya. Ang white haired Snow White Princess ko, kamusta na kaya sya? Sana ayos lang sya. Well malamang ayos lang sya kasi nga Valentino ang pamilya nya.
Brzz Brzz. Pag-check ko sa cellphone ko tumatawag pala si Papa, kaya ayun sinagot ko naman kaagad. Ba't kaya?
" Pa. Napatawag ka? " sagot ko.
" Magbihis ka. Pinapatawag ka ni Sir Valentino. " sagot nya agad.
" Pinapatawag? Bat naman po? " tanong ko naman.
" I don't know. Just come to the office immediately okay? "
" Okay. "
Dali dali naman akong nag-ayos at nag-drive papunta sa building nila. Pagdating ko, naghihintay na agad si Papa sakin kasama yung ibang tauhan nya. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa nakita ko. I mean, Ito kasi yung unang beses na pinatawag ako ng boss ng Valentino na papa ni Aleli.
Right. Papa nga pala ni Aleli si Freud Valentino, muntik ko ng makalimutan. Kaya siguro ako pinatawag eh dahil din kay Aleli, right?
Anyway, ano man yun eh malakas yung pakiramdam ko na makikita ko na ulit sya.
Pumunta kami sa pinakamataas na bahagi ng building at tumigil sa tapat ng isang malaking pintuan na kulay puti.
" Sir, Andito na po si Dylan Garcia. " sigaw nung guard na nakatayo sa gilid.
" Let him in. " mahinang sagot naman ni Sir Valentino.
" Yes Sir. " sagot lang nung guard saka nya dahan dahang binuksan yung pinto.
Bumungad sakin ang isang malawak na kwarto na kulay puti ang dingding at mahogany naman sa sahig. Bukod pa dun, nakaharap sa pinto ang mesa ni Sir Valentino kung san sya nakaupo at sa likod naman nya eh isang hilerang glass wall na kitang kita mo yung buong bayan. Ang ganda.
" Good morning po Sir. " bati ko sakanya.
" Ah. Please sit down. " sabi naman nya.
" Thank you. "
Oh shit. Ngayon ko lang naramdaman ulit yung gantong kaba. Yung tipong para kang nasa Principal's office ngayon at naghihintay na masermonan ka. Shit. Ayoko ng gantong feeling.
" You know my daughter Aleli right? " tanong nya bigla.
" Yes. Sir. " sagot ko naman agad.
" I heard, ikaw daw yung gumising sakanya. "
" Uhm. Yes sir. Sorry po kung napadpad ako sa lugar ng anak nyo that night. "
" Oh it's alright. Don't mind it. " napangiti lang sya. " I want to thank you actually for that. Kung di siguro dahil sayo eh baka hanggang ngayon hindi pa rin sya gising. "
" Walang anuman Sir. "
" Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito? " tanong nya.
" No. Sir. " sagot ko naman.
" Di na ko magpapaligoy ligoy pa. Pinatawag kita dahil, I want to assign you as Aleli's Personal guard and I won't accept No for this. "
" Me? Aleli's Personal Guard? " gulat na nasagot ko lang.
" Yes. Personal Guard. Your job is to keep Aleli safe and you'll be also guiding her on how this generation works right now. You need to teach her everything. Do you understand? "
" I.." napatingin lang ako ng diretso sakanya at dun sa puti nyang buhok na nagpaalala muli sakin kay Aleli. " .. Yes. Sir. I'll be happy to be Ms. Aleli's Guardian."
" Thank you. "
I'll be Aleli's guard. Her Personal Guard. So that means, makikita ko na ulit sya right? Not only makikita.. kundi makakasama, araw araw.
Comments