Departure - Chapter Fourteen
- Christine Polistico
- Aug 22, 2021
- 5 min read
Updated: Aug 24, 2021
" Thank you again Sir Valentino. " huli kong sinabi pagkatapos ay lumabas na ako sa office nya't isinarado ang pinto. Napabuntong hininga ako ng malalim. Medyo nakahinga din ako ng maluwag, salamat. Di ko alam kung gano kalakas yung authority aura ng pinakamataas na tao sa lugar na 'to na para bang napapagawa nya lahat ng naisin nya sa isang iglap lang.
" Uhm. Hi. " bati sakin bigla ng isang boses.
" Woh! " gulat ko naman. " Aleli? "
" Yep. " maikling sagot lang nya habang nakasandal sa pader na parang may hinihintay sya.
" Wha-What are you doing here? " tanong ko naman agad.
" Well, this is my dad's company. Masama bang pumunta ako dito? " tanong naman nya.
" Of course not. I was just.. " napatingin lang ako sakanya ng diretso. " Did you..? Did you do all of this? "
" Well. Yes. " she smiled. " Well, Hiniling ko sa pamilya ko na gawin kang personal guard ko. Remember when i told you that i'll be back because i still need to thank you? Well, here i'am. "
" And you're thanking me personally right? "
" Uhm. Kind of. kaya nga kita kinuhang personal guard ko to keep you beside me 24/7. " she smiled widely.
" You're nuts. " then i just hugged her. Niyakap ko sya ng mahigpit na parang ilang taon ko syang di nakasama. " God. I miss you so much Aleli. "
" I miss you too. " she hugged me back.
" Marami pa tayong dapat paguusapan. Marami ka pang dapat na ipaliwanag. " sabi ko naman.
" Uhm. Pwede naman pero medyo gutom na kasi ako eh? Hehe " then she laugh.
" God. You're helpless. Ano bang gusto mo? C'mon itre-treat ko na naman ang prinsesa. "
" Crepe. Gusto ko ng crepe. Meron akong nakitang creperie malapit dito. Mukhang masarap dun. I think it's a coffee shop too. "
" Good. You'll go ahead. Hintayin mo na lang ako dun sa lobby, I'll just talk to my father first. "
" Oh okay. " saka sya sumakay ng elevator pababa.
Pinuntahan ko muna si Papa sa office nya upang nagpaalam. Nung nagtanong sya sa kung ano daw yung pinagusapan namin ni Sir Valentino eh tanging nasagot ko lang eh kailangan nya ako bilang alalay and yun na, hinayaan na lang nya.
Pakasakay na ko ng elevator pababa ng bigla ko namang makasabay si Arthur na kapatid ni Aleli. Oo nga pala, kung si Sir Freud Valentino ang chairman, well sya naman ang president. How nice. Bat pa kasi naging ganto kabigatin 'tong mga kapatid ni Aleli eh.
Tahimik lang kaming dalawa habang dahan dahang bumababa yung elevator pa ground floor ng bigla na lang syang magsalita.
" I really don't know kung anong nakita sayo ni Ate at kinuha ka nya. " sabi nya.
" I'm sorry what? " tanong ko naman.
" You're Dylan right? " he asked while looking at me seriously.
" Yes. So? "
" Listen here kiddo, " bigla nya kong sinugaban sa kwelyo. " Di ko alam kung bakit ikaw pa ang pinili ng ate ko para pa maging tagabantay pero sinasabi ko sayo, Isang pagkakamali mo lang ako mismo ang papatay sayo. Ilang taon namin itinago at inalagaan ang ate ko at kung mawawala ulit sya samin ng dahil lang sa isang katulad mo, mabuti pa magdasal dasal ka na. Naiintindihan mo? "
" Ye..Yes sir. " Kinakabahang sagot ko naman.
" Good. " saka sya lumayo at inayos ang sarili't tumayo ng diretso. " Sinasabi ko lang na gawin mo ng maayos ang trabaho mo. "
" Yes sir. "
Sakto naman after naming magusap eh bumukas na yung elevator at nasa ground floor na rin kami sa wakas.
" Aghh! Ang tagal mo naman Dylan! " sabi agad ni Aleli sabay lapit sakin pero bigla syang natigilan nung mapansin nyang kasabay ko pala si Arthur.
" Oh! Sabay pala kayo? " bati lang nya sa kapatid nya.
" Going somewhere? " tanong lang ni Arthur sa ate nya.
" Ililibre ako ni Dylan ng Crepe. Gusto mong sumama? " tanong naman nya.
HELL NO! ALELI! Natatakot na nga ako sa kapatid mo eh!
" May pupuntahan pa ako eh. Sorry. Maybe next time Ate. " then bigla nyang nilapit yung bibig nya sa tenga ni Aleli at may binulong na kung ano.
" Tsk! Oo na! Ang kulit mo talaga Arthur! " naaasar na sagot naman ni Aleli sakanya.
" Be safe Ate. " saka nya hinalikan si Aleli sa pisngi at umalis. Pero bago yun tumingin muna sya ng masama sakin. Medyo speechless lang ako. Grabe.
" Uhm.. He's such a sweet kid right? Parehas sila ni Allen. They're so cute right? " sabi naman ni Aleli sabay ngiti lang sakin.
" Yeah. Medyo pansin ko lang na overprotective din sila sayo. "
" Well. Nagiisa lang nila akong ate eh. Malamang maging ganun talaga sila. But its really good to see my brothers growing up fine like that. "
" Oo na ikaw na ang ate. "
" Whatever. Dahil ang tagal mo gutom na gutom na talaga ako. Bilis ilibre mo na agad ako! "
" So bossy. Opo opo My princess. "
She smiled at me warmly at me and I just smiled back a.t her. Oh Aleli, you don't know how much I really miss you.
*****
Aleli's POV
" Woh! Hindi ko alam na ganto na pala talaga kaganda ang mga tindahan dito ngayon!? High-tech pa! " namamanghang nasabi ko agad after naming umorder at umupo sa tabi ng malaking window glass.
" Well ano pa bang aasahan mo? 2016 na. This is the present. " sagot naman ni Dylan sabay inom nung Frappucino nya.
" What's this? Kelan pa nauso ang mga korean sa bansa natin? At wait! Si Sandara Park ba yan? God. Anong ginagawa nya dyan? Korean na ulit salita nya? Last na tanda ko nasa Star Circle Quest pa lang sya ah. " tanong ko pa habang nanunuod ng isang video sa tv na korean yung palabas.
" Actually, Di lang sa pilipinas sikat si Sandara ngayon. Buong mundo ata kilala na sya. She's pretty amazing right? Simula ng bumalik sya sa korea eh sumikat na sya ng sobra. " sagot naman nya.
" Wow. Ang dami na pala talagang nagbago ngayon. Just like this, dati 8210 na nokia lang ang cellphone ko. And then, Voila! Touchscreen na sya. " sagot ko sabay labas ng bagong biling cellphone ko.
" No way! Naka Iphone ka na! Parehas na tayo. Teka pahiram, ilalagay ko number ko. " sabi naman ni Dylan sabay kuha nung phone ko.
" So, itetext mo ko parati? Parang ganun? " tanong ko naman.
" Not only text. I'll call you. Chat you. Everything. Lahat din ng dapat mong matutunan sa mundo ngayon, ituturo ko sayo. " sabi nya sabay ngiti sakin.
" Thank you. So i just need to blend in right? "
" Gusto mo talagang makisabay sa uso? "
" Well. Kung yan ang makakabuti sakin, why not? "
" Then, start to make a change. " maikli perong diretsong sagot naman nya.
" Paano? "
" Well, how about changing your self first? "
I just smiled at him and then bit my lip.
" What? " he asked.
" Nothing. It's just naisip ko lang na by changing myself first requires a great shopping right? Don't you think? " i smirk.
" Oh no. I don't do shopping remember? Iba na lang isama mo. Andyan ang mommy ko. Si Emily. Basta wag lang ako. "
" Sorry dear, ikaw ang personal guard ko remember? So whether you like or not you need to come with me. " then hinigit ko agad sya palabas nung cafe.
" Wait! Wait lang Aleli! I SAID WAIT !! DAMN IT !!!!!! "
Well folks, little by little i guess.. Makakasabay rin ako. Hehe
Comments