top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Seventeen

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 5 min read


First day ko sa college, Good thing hindi nila ako pinagtitinginan gawa ng white hair ko pero this time iba naman. Siguro kasi kasabay kong naglalakad si Dylan ngayon na kilala ata sa university na 'to. Di ko sure pero ayun sa mga teleseryeng napapanuod ko dati eh tsak naiinggit sila sakin ngayon.


" Hi. My name is Aleli Valentino. " pakilala ko.


" Ms. Valentino, Are you perhaps related to Allen Valentino? " tanong agad nung Prof. sakin.


" Ah Yes Ma'am. Brother ko pa sya. " sagot ko naman agad.


" Oh. Di ko alam na may bunso pa pala silang kapatid. "


Napa-half smile lang ako. Actually, Hindi bunso kundi panganay. Hello, Ate kaya nila ako!


Mukhang hindi na sila nagtaka o nag-isip na baka nagbibiro lang ako kasi halata naman sa features namin ni Allen kasi lahat kaming magkakapatid eh medyo magkakahawig.


Tahimik lang akong umupo at nakinig at syempre iba naman yung sched ko kay Dylan kaya madalas hindi ko sya nakikita. Vacant ko na ng mga 3PM at wala na kong klase pagkatapos kaya naisipan kong sa chapel na lang ulit maghintay. Kinuha ko yung iphone ko't nakinig na lang ng music. Ayos pala 'to. Medyo ang weird lang kasi uso na pala ngayon yung mga pam-party na music. Nakakapanibago.


Sino nga bang naglagay ng mga gantong music sa playlist ko? Ah baka si Allen. Nako naman. Alam naman nya sigurong hindi ganto ang mga tipo kong tugtugan. Pero 2015 na ngayon, kailangan ko na ring sumunod sa panahon right? Argh. This is too tiresome.


Nagbra-browse lang ako sa phone ng may narinig akong parang tumatawag sakin. Napatingala naman ako't nakita si Micah sa harapan ko.


" Oy! " bati ko agad sabay tanggal nung earphones ko.


" Hey. Andito ka na naman. Hinihintay mo ulit si Garcia? " tanong nya agad sakin na medyo walang emosyon yung tono ng pananalita nya.


" Yep. Mga 4 pa ata yung tapos ng klase nya eh. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase? Diba Prof. ka? " tanong ko naman sakanya.


" Actually katatapos lang. " tapos napatingin sya dun sa buhok ko. " Ah. Bago na yung buhok mo. "


" Ang cool noh? Sumasabay lang ako sa uso. " sagot ko naman sabay ngiti.


" Yeah. Bagay sayo. You look pretty. " sabi nya.


" Wow. Ngayon mo lang sinabi yan ah. Dati nung mga highschool pa tayo eh never mo naman akong pinuri. Wait, May sakit ka noh?! "


" Wala. Stupid. " tapos napaupo sya sa tabi ko.


" Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo? Nakapag-decide ka na ba? " tanong bigla ni Micah.


" Oo nga pala.." napayuko na lang ako. " I decided to go back home. I'm sorry Micah. "


" Oh. Umuwi ka na pala? Pero bat hinihintay mo pa rin si Dylan? " tanong nya agad.


" Well, because he's my Personal Guard. Sya ang tagasundo at tagahatid sakin dito. "


" Why? " tanong nya na medyo confused na sya.


" Kasi.. dito na ako nag-aaral? " awkward na sagot ko naman.


" Weh? Seriously?! "


" Yeah. Kelan ba ako nagbiro? " napa-half smile na lang ako.


" Well, that's good. Edi lagi na kitang makikita dito? "


" Sort of. " tapos napatayo ako bigla. " Andyan na si Dylan. "


" Hey. Sorry kung medyo natagalan ako.." sabi ni Dylan habang dali dali syang naglalakad papunta sakin. Kaya lang sa di malamang dahilan eh bigla naman syang natigilan nung makita nya si Micah. Daig pa nya ang nakakita ng multo sa reaksyon nya.


" Hi Sir. " bati nya rito.


" Hello Dy. " bati naman ni Micah sakanya.


" We've got to go Micah, see you next time! " paalam ko naman sabay kumapit na ko sa braso ni Dylan at kinaladkad sya paalis.


" You know what Aleli, pakiramdam ko may gusto yun sayo. " sabi bigla ni Dylan habang nagsi-seat belt sya.


I scoff. " Sino si Micah? Oh don't be silly, Micah is my bestfriend! Napaka-imposible naman yang sinasabi mo. " sagot ko naman sabay tawa lang.


" No i think you're just dense. Eh obvious naman na.."


" Dylan. Kaibigan ko si Micah at kaibigan din nya si Caleb. Syempre sigurado akong hindi nya babalaking magkagusto sa girlfriend ng bestfriend nya. " i rolled my eyes.


" Girlfriend? " he smiled with mockery.


" Okay. Ex. Ex-Girlfriend. Are you happy now? " naaasar na sagot ko naman.


" Anyway, Gano kayo katagal nung Caleb na yun? Diba First Boyfriend mo sya? " tanong nya bigla.


" Since 1st year to 4th year. Mga apat na taon din pala. "


" Tagal nun ah. Tingin mo kung di ka naaksidente, kayo pa rin kaya nun hanggang ngayon? " tanong pa nya.


" Siguro. Tingin ko Oo. Kasi, First and Greatest love namin ang isa't isa that time eh. Di uso ang sawa samin. "


" Eh ngayon? Bat di mo sya hanapin at ituloy ang naudlot na.. you know, Pag-ibig nyo? " asar nya.


Natahimik lang ako't napatingin sa may bintana.


" Wala na eh. Huli na ko. " mahinang sagot ko lang.


" Ha? What do you mean by, Huli na ko? You mean.. Kasal na sya? "


" Malapit na. " i smiled bitterly. " Pero ayos lang. 9 years. Deserve nya ding maging happy. You know? Alam ko naman na hindi lang ako ang babae sa mundo para sakanya. "


" Don't worry, Hindi man ikaw ang nag-iisang babae para sakanya eh sakin ikaw pa rin ang .."


Sabay kaming napatingin dalawa sa isa't isa. Ramdam ko yung titig nya lalo na yung gusto nyang sabihin. Kaya ayun, di ko naiwasan na maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nung medyo nag-sink in na samin yung sitwasyon eh sabay rin kaming napaiwas ng tingin na para bang walang nangyari.


" Ah wala nevermind. " sagot nya sabay kunwaring ubo.


" Pfft. " natawa lang ako bigla.


" What!? "


" You like me. Right? " tanong ko sakanya bigla.


" What!? " tapos bigla syang napa-preno na dahilan para matawa pa ko lalo ng malakas.


" You like me right? Don't worry, I like you too Dylan. " i laughed again.


" Tsk. Ewan ko sayo! " tapos nag-blush lang sya.


" No really. I like you, seriously. " sabi ko ng seryoso sakanya.


" Ano ba Aleli, ang kulit mo ha? "


" Don't you feel it? Na para bang may kung anong tali na ang nagdudugtong sating dalawa. Alam mo yun, pakiradam ko ang hirap ng malayo sayo. " sabi ko.


Natahimik lang sya at yung medyo nahihiya at naaasar nyang mukha eh napalitan ng kalmado at soft na expression.


" I know. I can feel that too. " seryosong sagot nya.


" See? This is the reason i came back. Gusto kong makasama ka kasi pag wala ka parang may kulang na. " sabi ko pa.


" Me too. Naramdaman ko din yun nung araw na iniwan mo ko. I felt worse. Devastated. Anything. Bat kaya ganun noh? "


" Maybe because you're the one who saved me from the eternal sleep. Like simula nung araw na yun eh meron na tayong kakaibang connection. Don't you think? "


" Yeah. I think so. After all, dun naman nag-umpisa ang lahat eh. "


" Yeah. Definitely. " at ngumiti na lang ako sakanya. He holds my hands and start driving again.


Dylan reminds me of someone i knew from the past. Those soft and gentle smile. I always love that before.


Hindi kaya yung taong katulad ni Dylan eh walang kundi si Caleb? Oh no. That would be. Ayokong ma-guilty sa nararamdaman ko.






Comentários


© 2020 Christine Polistico

bottom of page