Departure - Chapter Sixteen
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 5 min read
Micah's POV
" Well, I'm back. " sabi ni Caleb sakin habang dala dala nya yung maleta nya.
" What do you mean by I'm back? You mean you're staying for good? " tanong ko naman.
" I dunno. May mga aasikasuhin pa kasi ako kaya ako nandito. " sagot naman nya.
" Pero-- How about your marriage? Diba engage ka na? " tanong ko naman.
" Oo nga. Pero parehas kaming busy ng fiance ko so hindi namin kailangang magpakasal ng maaga. Besides, I miss you bro you know! " sabi naman nya sabay akbay sakin.
" Ew. Get off! "
" Haha! Dito muna ako magsstay ha? " sabi nya sabay hila nung maleta nya papasok sa guest room.
Damn it. Hindi ko aakalaing babalik si Caleb at ngayon pa talagang bumalik na rin si Aleli! Tsk. What a damn timing!
I was planning to keep Aleli all to myself now that she's back but then bumalik naman 'tong si Caleb. Hindi maganda kung magkikita muli sila. Alam ko maling isipin 'to dahil bestfriend ko si Caleb and the fact na ikakasal na din sya but still, Aleli will always be our first love. Malay ko ba kung anong mangyayari kung magkikita muli sila.
But then, Andyan si Dylan Garcia. Hindi ko alam kung pano sila naging close ni Aleli pero i think of him as a threat too.
Damn it. I need to do something.
****
Aleli's POV
Masaya ako sa naging araw ko ngayon. Well sino ba namang hindi eh successful ang plano ko. Makakasama ko na lagi si Dylan kahit san ako magpunta. Pero i feel guilty kasi pakiramdam ko tinatali ko sya sakin ng pwersahan. At di ko din alam kung bakit pakiramdam ko kailangan ko talaga si Dylan sa buhay ko ngayon.
Anyway, maaga akong humiga para magpahinga. Siguro kasi excited na ko para bukas. You know, Papasok na ko sa college na 9 years ko na sanang ginawa. Mahimbing naman akong natutulog pero sa isang pagkakataon eh bigla na lang akong nagising sa isang madilim na lugar. Hindi naman sya ganun kadilim kasi nakikita ko si Allen at yung isang ako na magkayakap at para bang takot na takot.
" Ate natatakot ako. " rinig kong iyak na sabi ni Allen sa isa kong sarili habang nakayakap sa bewang nito.
" Shss. Ayos lang yan. Andito lang si Ate pro-protektahan kita. " matapang na sagot naman ni Aleli sakanya kahit na sa mukhang takot na takot rin sya.
Blag! Blag! Blag! Tunog ng mga footseps nung lalake. Naglalakad ito sa paligid ng bahay.
Sabay silang nanginig ni Allen at napayakap lang ng mahigpit sa isa't isa habang dali dali silang nagtago sa ilalim ng kama nila Mama.
" Ate. Asan na ba sila Mama? Ayoko na dito. Bat ganun sya satin? Papatayin nya ba tayo? " mahikbi hikbing tanong ni Allen sakin.
" Aleli.. lumabas ka na dyan.. " rinig kong malambing na sabi nung lalake.
Nakaramdam ako ng matinding lamig sa buong katawan ko. Alam ko na nananaginip lang ako. Kasi mukhang namumukaan ko kung nasaan ako at kung anong sitwasyon 'to ngayon. Tama ito nga yung gabing nalaglag ako at na-comatose.
" Mukhang hindi. Mukhang ako lang yung pakay nya. Pero dito ka lang Allen ha? Kahit anong mangyari wag kang lalabas. Tahimik ka lang dapat, okay? " sagot naman ng isang ako kay Allen habang hinahaplos yung ulo nya.
" Ayoko ate. Dito ka lang. " pagmamakaawa naman nya.
" Hindi ako aalis. Babalik din ako. Promise. " saka sya dahan dahang lumabas ng kwarto.
Sinabayan ko yung isang Aleli at Dahan dahan din akong naglakad papasok sa kwarto habang tinitignan lang ang isa pang ako na sinubukang buksan yung bintana ng kwarto ko. Iniisip siguro nya na baka sakali dito eh makatakas pa sila.
" Aleli. " rinig kong tawag sakin sa likod ko. Sabay kaming napaharap ng isa pang Aleli't tumigil din yung pagtibok ng mga puso namin.
" Hindi ko alam kung bakit ka ganyan sakin. Andito naman ako palagi bat kailangan mo pa kong pagtaguan? " sabi nya.
Nakakagulat namang kahit kaharap ko lang sya eh hindi naanigan ng liwanag yung mukha nya't hindi ko man lang sya mamukhaan. Sino ka ba? Sino ka ba talaga?
" Hindi kita gusto. Si Caleb lang ang mahal ko. " matapang na sagot ni Aleli sakanya.
Natawa ng malakas yung lalake na mas lalong nagpanginig ng matindi samin. Kahit memorya na lang 'tong nakikita ko di ko pa rin maiwasan ang matakot ng husto.
" Hahahaha. Don't fuck with me! Ano bang nagustuhan mo dun? Akin ka lang Aleli naiintindihan mo? " sigaw nya.
" No! Hindi mo ko pagmamay-ari at lalong kahit kailan hindi ako magiging sayo! " sigaw naman ni Aleli habang umaatras sakanya.
Habang palapit sya kay Aleli eh paatras naman ito ng paatras hanggang sa nahawakan nya ito. Pero pilit namang kumakawala si Aleli sakanya hanggang sa nainis na siguro yung lalake't di sinasadyang naitulak nya ito ng malakas at sumakto naman na nadiretso si Aleli't sa bintana't naglaglag pababa.
" HINDI! " napasigaw ko lang ng malakas at huli na dahil nakita ko na lang yung sarili ko na nakahandusay sa baba't puno ng dugo ang paligid nya.
Nagising ako sa pagkakatulog na puno ng pawis ang katawan ko't malakas ang tibok ng puso. Di ako makahinga at wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak ng umiyak.
Ng dahil sa pagmamahal nya sakin nagkaganto ang buhay ko. Bakit? Bat ganun?
Kinuha ko yung phone ko't idinial yung number ni Dylan. Alam kong hindi 'to tama kasi baka natutulog din sya ng mahimbing ngayon pero ewan ko ba para bang sya lang yung malalapitan ko ngayon. Ayoko naman sa pamilya ko kasi tsak na pag binanggit ko yun sakanila eh baka ma-trauma pa sila. Kaya kay Dylan na lang. Tiwala ako sakanya.
" Hello? " tanong ko.
" Oh Aleli, Alas tres pa lang ah? Anong problema? " tanong naman nya sakin na halatang inaantok pa sya.
" Wala. Wala naman. Medyo binangungot lang ako. Sorry. " sagot ko naman.
" Ayos lang. Okay ka lang ba? Ano naman bang napanaginipan mo? "
" Napanaginipan ko yung gabing naaksidente ako. Natatakot ako. Pero hindi ko pa rin mamukaan eh. "
" Shss. Ayos lang yan. Di mo kailangang pwersahin yung sarili mo. First day mo bukas diba? Ay hindi mamaya na pala. Go back to sleep, you need to rest. "
" Okay. I'll try. "
" Don't worry susunduin kita mamaya ng maaga. Goodnight. Sleep well. "
" Thank you. " then i hung up.
Itinabi ko na yung phone ko't ipinikit na lang yung mga mata ko't sinubukang matulog ulit. Sana lang di na bumalik yung panaginip na yun.
****
Maaga akong gumising para makapag-ayos at syempre siguro dahil excited na rin ako sa bagong mangyayari sa buhay ko. Actually, kahit na medyo alanganin na yung pagpasok ko eh di naman ako nahirapan sa pageenroll kasi syempre kilala ang Mama't Papa ko lalo na si Mama kasi pioneer na sya sa Medicine world. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay mag-aral ng maigi at ng seryoso.
" Aleli, andyan na sundo mo. " masayang tawag ni Mama.
" Opo! " saka ako dali daling lumabas ng bahay.
" Uhm. Good morning. " bati ni Dylan sakin.
" Good morning din. Nag-breakfast ka na ba? " tanong ko naman sakanya.
" Ah Yeah. Pano, pasok na tayo? "
" Okie. " at ngumiti lang ako sakanya't sumakay na din sa kotse nya.
Kommentare