top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Thirty Three

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 7 min read


Nagising ako dahil sa malamig na kamay na humahaplos sa aking noo. Malambot ang nasa ulunan ko maging ang hinihigaan ko. Kahit na medyo blur pa ang nakikita ko eh sinubukan kong alamin kung anong klaseng lugar 'to. Hula ko, kwarto o sala. Bumaling muli ako dun sa taong humahaplos sa noo ko. Tinitigan ko kung sino siya at halos mapaatras ako sa makita ko. Shocks! Si Caleb! Anong ginagawa niya dito?


“Hey now, Calm down Aleli.” mahinahon niyang sinabi habang hinahawakan ako sa balikat.


Di ako makapagsalita sa halip eh nakakunot lang ang noo ko habang nakatitig sakaniya. Ano bang ginagawa ko dito? Tsaka kanino bang bahay 'to? Tsaka ba't kasama ko si Caleb? Crap! Wala akong maintindihan kahit isa!


Wait. Iisa-isahin ko ha? Lumabas kami ni Ahri. Nagshopping kami. Kumain sa Cafe. Tapos may nalaglag na baso. Wait—Baso? Tama! Nagkasugat nga pala ako. Tapos nahilo ako't napaupo sa isang Bus Stop tapos.. Yun na. Blanko na.


“Are you alright? Di ka na ba nahihilo?” tanong niya sakin habang direktang nakatitig ang mga mata niya sakin.


“Okay na ko.” maikling sagot ko habang pinipilit na tumayo. Tinignan ko yung binti ko at nakita na may Band aid na yung sugat ko. Ginamot niya ba?


“Ano nga palang ginagawa mo dun nang mag-isa? Tsaka bakit ka may sugat? May nangyari ba?” sunod sunod na tanong niya sakin.


“Wala. Basta.” napaiwas ako ng tingin. “It's none of your business.”


Narinig ko ang pag-Tsk niya. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba na parang ayokong makita ang expression ng mukha niya ngayon.


“It's none of business but I still do care. So tell me, Anong ginagawa mo dun at anong nangyari sayo?” matalim na tanong niya.


Napabuntong hininga lang ako't tumingin ng masama sakaniya.


“I'm going out with a Friend. May nabarag na baso sa cafe at tumalsik yung bubog sa binti ko kaya ako may sugat. And I..” napalunok ako't napakagat ng labi. “I felt nauseous at the sight of the blood that's why I fainted.”


“Dahil lang sa dugo? Hindi ka naman takot dati dun ah?” aniya na parang nagsusupetsa siya.


“Hindi sa takot. Basta.. Ewan.”


“Pero okay ka na?” concern na tanong niya ulit.


“ Oo.” I gasped. “I'm fine. Thank you.”


Napaatras siya't bumuntong hininga rin. Sumulyap ako't nakitang grabe ang pagtitig niya sakin. Ano ba 'to! Ayoko sa nararamdaman ko. Ayoko ng awkwardness. Ayoko ng eerie feeling. Ayoko sa lahat!


“Asan nga pala ako?” I asked him. Trying to break the ice and the silence.


“Sa Unit ni Micah. Dito ako nagsstay habang nasa pilipinas ako.” sagot naman niya.


“Ahh. Eh asan siya ngayon?” tanong ko pa.


“Nasa klase. May evening class siyang tinuturuan kaya baka mga 10pm pa siya makakauwi.” sagot naman niya.


Speaking of oras. Anong oras na kaya? Baka hinahanap na ko sa bahay. Hindi pa naman ako nagpaalam! Baka sisihin pa nila si Dylan. Oh no. Malaking problema yun pag nagkataon!


“I need to go home.” I whispered as I tried to search for my phone.


“Ihahatid na kita.” aniya.


“No thanks. Kaya ko nang umuwing mag-isa. Okay na ko.” sagot ko naman sabay tayo at suot ng bag ko sa likod.


“Wait.” saka niya hinawakan ang braso ko. “Iniiwasan mo ba ako?”


Napatigil ang puso ko saglit. Tinanong niya kung iniiwasan ko siya? Manhid ba siya at hindi niya makitang Oo? Damn it!


“Sa pagkakaalala ko, Wala na akong dahilan para lumapit sayo.” matapang na sagot ko sakaniya.


Napataas siya ng kilay sakin at galit na humarap.


“At bakit mo naman nasabi yun?” tanong niya.


I laughed bitterly while looking at him. Talaga bang hindi nya naiintindihan o nagpapanggap lang siyang walang alam?


“Baka kasi wala nang tayo diba? Or maybe hindi pa kita nabibigyan ng closure?” matapang na sagot ko.


“Closure? HA!” natawa rin siya sa sinabi ko. Nag-init ang puso ko sa ewan ko, Baka sa inis? Galit? Panghihinayang o Pangungulila?


“As I remember, The last time na nagusap tayo eh nilayasan mo ko't tinakbuhan. So tell me, Aleli.. Asan ang closure dun?” he said bitterly.


Napaatras ako't napaiwas ng tingin. Crap. He's right. Tinakbuhan ko siya dahil hindi ko matanggap ang lahat. Ako yung hindi pa kayang magbigay ng closure that time. Ako pa yung di kayang bumitaw. Pero ngayon..


“Okay fine! Sorry kung tumakbo ako't nilayasan ka. So ngayon, Can't we just end it now?” iritadong sinabi ko.


“End it?” he laughed bitterly again. Damn it Caleb! Stop acting like that. I know you want to end this as well.


“Parang ang dali lang gawin nung sinasabi mo ah.” aniya.


“Hindi ba mas madali sayo yun? Kasi sa pagkaalala ko, Hindi naman tumigil ang oras mo't naging malaya kang magmahal ng kahit na sino.”


“Sa tingin mo ba, Naging ganun kadali lang para sakin lahat? Oo, nagmahal nga ako ng iba. Nag-commit at ngayo'y engage na pero In those 9 years na nawala ka, Palagi pa rin kitang naiisip!” sigaw niya.


Napatakip na naman ako ng tainga ko. Oh shit. I can't—I really can't hear this anymore. He's making this hard for me. He's trying to give me false hope and it's very frustrating!


“Please Aleli, Listen to me.” aniya habang tinatanggal ang dalawang kamay ko sa tainga ko.


“Please, Wag mong isipin na mabilis lang kitang pinalitan. It takes four years bago ako nakakita ng bago. Ilang taon din akong nangulila. Ilang taon din akong nasaktan. Hindi lang ikaw yung naghirap.”


“I get it! Oo na! Naiintindihan ko na. Pero anong gagawin ko? Tapos na! Tapos na lahat eh. Please Caleb.. Let me go.” pagmamakaawa ko sakaniya habang dahan dahang tumutulo ang luha ko. Napatigil lang siya't napa-awang ang bibig sakin.


“Please. Okay lang naman sakin eh. Magiging okay naman ako. Unti unti ko na ngang natatanggap eh. Don't worry, Hindi na kita gagambalahin pa. I'll be happy for you and for your future wife. Just.. Just let me go.” Hikbi ko.


“I understand.” napasinghap siya't napapikit. Ilang saglit lang eh napatingin ulit siya sakin.


“Just one thing.” he trailed off. “Tell me..” saka niya nilapit yung katawan ko't hinaplos ang pisngi ko.


“Tell you what?” tanong ko habang pilit na umaatras palayo sakaniya. Pero mukhang imposible kasi masyadong malakas yung mga bisig niya na pilit nilalapit ang katawan ko sakaniya.


“Tell me you don't love me anymore. Say that and I'll let you go.” malungkot na sabi niya.


Sunod sunod na bumagsak yung mga luha ko habang nakatitig sa mga mata niya.


Kaya ko ba? Kaya ko nga bang sabihin na hindi ko na siya mahal? Kasi sa pagkakaalala ko, Kaya kong buksan ang puso ko. Kaya kong mag-move on. Pero yung tuluyang hindi na siya mahalin. Hindi ko maalalang kaya kong gawin.


Pero anong gagawin ko? Walang mangyayari sakin kung di ko sasabihin yun. Hindi ako makakalaya. Hindi ako makaka-abante. Hindi ko tuluyang maibibigay ang puso ko sa iba kung hindi namin papalayain ang isa't isa. I need to tell him. Kahit pa nagsisinungaling lang ako. Saka ko na siguro iisipin kong pano talaga siya tuluyang kakalimutan. Basta ngayon, kailangan niya na kong palayain.


“I-I don't love you.” I muttered. Napapikit lang ako't naghintay na bitawan niya ko. Pero mukhang may mali ata.


“You're really not a good liar Aleli. Sana mas ginalingan mo pa sa pagsisinungaling.” saka niya dinampi ang labi niya sa labi ko.


Nanlaki lang ang mga mata ko habang dahan dahan niyang hinahalikan. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa twing mas dinidiian niya pa ang halik niya't hinahaplos pa ang leeg at buhok ko.


Para bang isa isang bumabalik ang mga ala ala ng kahapon. Ang matamis na kahapon na ngayo'y nabahiran na ng matinding kalungkutan at paghihinayang.


“No!” pigil ko sabay tulak sakaniya palayo. “This is all wrong Caleb!”


“I know.. I just can't..” he sighed. “I just can't forget you at all.”


“Yes you can. And eventually, You will.” napakagat ako sa mainit kong labi at humarap sakaniya.


“I hope you'll just treat me as a friend the next time we meet. Goodbye.” huli kong sinabi saka ako kumaripas ng lakad palabas.


Hindi ko na inintindi kung hinabol niya ba ako basta ang gusto ko lang eh ang makalayo sakaniya. Baka kasi hindi ko na kayanin at tuluyan na kong bumigay.


Pero shit! Why did you have to kiss me Caleb? Para san yun? Para paasahin ako? Para paglaruan ako? Hindi ko naalalang kaya mong maglaro ng dalawang babae at the same time. Hindi ka ganun at hindi ko hahayaang maging ganun ka.


Babalik ka sa dati at normal mong buhay kung wala na ko. Kung hindi mo na ko maiisip o makikita. At sakin, Okay lang naman ako. Marami pa kong bagay na dapat malaman at matutunan. At alam ko namang hindi na ikaw yung kasama ko sa mga panahon na yun. May ibang tao na kong pinili na unlike sayo, Alam kong hindi niya ko iiwan. Pero shit. Di pala talaga madali ang lahat!


* * *


“Aleli! Buti naman at nandito ka na. Nag-alala si Allen sayo, Sabi niya kasama mo daw si Ahri kanina.” bungad agad ni Mama sakin pagkauwi ko.


Pagkalabas ko ng condo building ni Micah eh sumakay agad ako ng taxi kaya hindi naging mahirap sakin ang paguwi.


“Pano niya po nalaman?” tanong ko naman.


“Nakita nya raw sa Instagram ni Ahri. Pero Aleli, bakit hindi ka na naman nagpaalam? Tinakasan mo na naman ba si Dylan?” tanong niya. Bakas ang labis na pag-aalala sa mukha niya kaya mas lalo akong naguilty.


“Opo Ma. Sorry po. Alam ko po kasi na hindi niyo ko hahayaang umalis ng walang bantay. Pero gusto ko lang namang maging normal at gumala gaya ng isang normal na teenager eh.” mahinang sagot ko lang sakaniya.


“Alam ko. Naiintindihan ko. Just..” she sighed. “Magpaalam ka na next time okay? Wag ka ng tumakas please. Papatayin mo kami sa kaba eh.”


Napangiti lang ako ng bahagya at dahan dahang lumapit kay mama at niyakap siya. Naguluhan man siya nung una eh niyakap nya rin ako pabalik at hinaplos ang ulo ko.


Gusto ko sanang umiyak kay Mama pero ayokong magtaka siya at magtanong pa. Sapat na siguro sakin ang maramdaman ang init at prisensiya na. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako nagiisa ngayon.


“Sorry Ma..” bulong ko habang yakap yakap pa rin siya.


“It's alright Aleli.” aniya.


Napapikit lang ako't pilit na kinakalimutan yung mga nangyari kanina. Kung gano kahirap ang naging buhay ko simula nang magising ako. Kung ano anong mga problema ang dumaan sakin. Kung ilang luha na ang naibuhos ko at kung ilang beses ng nawarak ang puso ko.


I'll be fine. I know I will.




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page