top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Thirty Four

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 9 min read


Hindi pwedeng lagi na lang akong nagmumukmok pag nagkikita kami ni Caleb, kaya naman kinabukasan pagpasok ko sa school eh umakto ako na parang walang nangyari. Hindi ko pwedeng sabihin sa kahit na sinong kilala namin na nagkita kami. Ayokong isipin nilang bumabalik ako sakaniya kasi mali yun. Kailangan kong maging malaya. Kailangan ko ring maging maligaya.


“So I was saying.. Paanong nagkasama kayo ni Ahri kahapon kung sinabi mong magsha-shopping kayo ng Mama mo? Hindi kaya—” nanliit ang mga mata ni Dylan sakin habang nagsasalita siya. Nakaupo lang kami sa may tapat ng chapel gaya ng dati at alam kong sesermonan niya ko ngayon.


“Wait—You know Ahri?” I suddenly asked him.


“Oo naman. Pinsan ko yun eh.” sagot naman niya agad.


“Ha? P-paanong nangyari yun?!” irit ko agad. Wala akong alam! Hindi ko alam na magkaka-konektado pala silang lahat.


“He's Tito Lucian's daughter. Kapatid ni Tito si Papa. Di mo alam, She's a Garcia too.” paliwanag ni Dylan.


“Ahh.” napa-awang lang ang bibig ko't napatango. Hindi ko naman kasi nalaman ang apelyido niya so malay ko ba. Ahri Garcia pala. “That make sense.”


“So.. Tumakas ka nga?” seryosong tanong niya.


Kinabahan ako't unti unting pinagpawisan. Ano ba yan! Akala ko pa naman hindi niya malalaman! Ang galing talaga ni Dylan kahit kailan. Para bang walang hindi nakakalagpas sakaniya.


“Yes. And I'm sorry. Alam ko naman kasi na ayaw mo sa shopping eh. Tsaka di ko naman alam na magkakilala pala kayo ni Ahri at magpinsan pa kayo. Pano mo nga pala nalaman? Sa Instagram na naman ba?” nanginginig na tanong ko naman.


“Yes.” natahimik lang siya't napatingala. Ano ba ‘to! Pahamaka na Instagram yan.


“Dylan.. Sorry na.” pagmamakaawa ko sakaniya dahil guilty na guilty na talaga ako kapag nakikita ko ekspresyon ng mukha niya.


“I see you've been hurt.” minata niya ang bahagi ng binti ko na may band-aid. Nakadress ako ngayon at medyo hindi uso talaga sakin ang pagpapantalon o pagleleggings kaya kitang kita niya.


Napatakip ulit ako gamit ng backpack ko. Napaiwas ako ng tingin at nagdasal na sana wag na siyang magtanong masyado.


“Gusto mo ba talaga akong mamatay sa kaba at alala? Pano na lang kung may mangyari sayo? Sa tingin mo ba kakayanin ko yun? Don't be so reckless and selfish, Aleli.” galit na bulalas niya. Kitang kita ko ang galit at pag-aalala sa mga mata niya kaya napayuko na lang ako't pinipigilan ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha.


“Sorry na talaga..” pagmamakaawa ko ulit.


“Tsak din akong mapapatay ako ng buong pamilya mo. Lalo na siguro yung mga kapatid mo. Maawa ka naman sakin. Marami pa kong gustong gawin sa buhay.” bulong pa niya.


Napatingin ako sakaniya't naabutan siyang nakakunot ang noo't nakanguso. Pagkasabi niya nun para bang umurong lahat ng luha ko at bigla na lang akong bumuga ng tawa.


“Tinatawanan mo ba ako?” utas niya.


Di ako nakasagot sa halip eh patuloy pa rin ang pagtawa ko. Damn it! My tears are bursting out not because of guilt but because of Dylan's foolishness. Make it stop! Please somebody make my laugh stop!


“I.. Sorry.” sambit ko lang habang nagpupunas ng luha. “I didn't know na ganyan ka pala katakot sa mga kapatid ko. Sorry Dylan. Di ko talaga mapigilang matawa.”


“Tss.” napa-irap lang siya't napahalukipkip. Kitang kita sa reaksyon niya ang pagkairita at pagkahiya. This is so amusing!


“Malamang! Mga Valentino kaya sila. Anyway, Maka-iba ka ng topic kala mo naman!” utas niya.


Napangiti ulit ako ng malaki saka niyakap ang isang braso niya't inihilig ang ulo ko sa balikat niya.


“Sorry na.. Pero hindi ko pa rin mapapangakong hindi ulit ako tatakas. Minsan hindi ko rin kasi mapigilan yung sarili ko eh. I feel like I'm being caged here that's why I'm breaking all the rules now.” paliwanag ko naman.


Napasulyap lang siya't napabuntong hininga sakin. Like he was giving up on something.


“Oh Well.” napangiti na lang siya sa kawalan. “I think.. I just have to follow you and bring you back anyway.”


Tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya. Nitong nagdaan talaga, hindi ko alam kung bakit nagagawang pagalawin ni Dylan ang puso ko gamit lang ng mga mahiwagang salita niya. Ano kayang mahika ang ginagamit niya at tumitibok ng mabilis ang puso ko ng ganto?


“May alam akong pambawi para sayo!” masayang sabi ko bigla.


“Ano naman?” tanong niya habang nakataas ang kaliwang kilay niya.


“Date?” sabay ngisi ko.


Napa-iling siya't napa-smirk.


“Not so fast. Akala mo ba na dahil lang sa niyaya mo ako eh sasang-ayon na agad ako? Hindi ako easy to get Aleli.” natatawang sabi niya pero sa mataray na paraan.


Napangiwi lang ako't napanguso. Ano ba 'to! Kelan pa naging ganto ka-arte si Dylan? Dati sinasamahan naman niya ako agad. Bat ngayon?


“Fine. I'll just have to order you to date me. After all, Your my personal guard and I'm your master.” Paghahamon ko sabay ngisi naman pabalik.


Napa-pikit lang siya't napahalakhak. Tinakpan niya yung mukha niya't halos mamilit siya sa pagtawa. Ano na namang ginawa ko?


“What a cheater!” utas niya habang natatawa. “I didn't know you play that well Aleli. At gagawin mo talaga ang lahat para lang maka-date ako huh?”


Nag-init ang mukha ko't napanganga dahil sa panunuya niya. Ha! This guy—How could he!


“I did not—!”


“Okay sige na nga. Fine. Payag na ako para di ka na mahirapan.” sabi niya sabay hawak sa baywang ko't nilakad ako palayo.


“Hoy FYI hindi ako ganun kadesperada na maka-date ka ha! Wag ka nga!” irit ko habang kinakaladkad niya ko papuntang parking lot.


“Oo na po mahal na prinsesa. So, Ano na? San mo ba gustong pumunta?” tanong niya saka niya ko pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.


“E..ewan.” bulong ko lang dahil wala din akong ideya kung san magandang pumunta ngayon.


“Bahay? Outdoor? Out of the City? Hang outs? Pili ka.” tanong niya habang pina-andar na yung engine nung sasakyan niya.


“Wait wait.. bakit may kasamang bahay sa option? Ano namang gagawin natin dun?” nagtatakang tanong ko naman.


“Alam mo na..” saka siya ngumisi na mapaglaro sa akin. Kumunot lang ang noo ko dahil sa pag init ng mukha ko. Agad ko naman siyang hinampas ng malakas sa braso.


“ Pervert!” sigaw ko.


“Hala siya! Wala akong sinasabing masama ha! Alam mo na.. Movie Marathon ganun ganun o game. Grabe ka ha! Dumi ng utak mo!” natatawang sabi niya.


Napa-pikit ako dahil sa isa na namang dagdag na kahihiyan. Shit naman oh! Bakit ba ang malas malas ko ngayon? Pansin ko lang, kanina pa ko kahiya hiya sa harap ni Dylan ah? Argh!


“Sige sa bahay na lang. I assume na may mga movies ka diba?” tanong ko sakaniya.


“Oo naman. Just so you know, Uso ang Iflix.” he smirked. “Ano bang gusto mo? Filipino? English? Korean? Japanese? Indian?” tanong naman niya sakin.


“Kahit ano. Filipino na lang.” sagot ko naman.


“Okay. Filipino it is then.” sabay ngiti niya.


“Meron pa pala. Let's buy foods at the grocery first.” ani ko.


“Madaming pagkain sa bahay.” mabilis na sagot naman niya.


“No! Ipagluluto mo ko ng gusto kong pagkain. I'll text Mama at sasabihing sa inyo ako magdidinner. Onga pala, Andun nga pala si Tita noh?” tanong ko naman.


“Si Mama? Wala siya. Nasa Cebu. Kasama niya yung mga kaibigan niya, pupunta ata silang Simala.” sagot naman niya.


“Oh.” napatango lang ako. “Okay?”


Kaming dalawa lang? As in sa buong bahay kami lang? Napakunot yung noo ko bigla.


“What's with that face? Wala akong gagawin sayo so chillax. Manunuod at kakain lang tayo.” sabi niya sabay kurot ng ilong ko.


“Oo na!” napanguso lang ako't tinitigan siya ng masama.


Gaya ng plano, pumunta muna kami sa grocery at bumili ng kung ano ano. Bumili kami ng chichirya at halos lahat ng dinampot ko eh puro matatamis. Pinasadahan niya lang ako ng masamang tingin sabay palit ng mga potato chips na gusto niya. Muntik na nga kaming mag-away eh pero sa huli naging patas na lang kami at binili ang mga pagkaing gusto namin.


Para sa ulam, Sinabi ko sakaniya na gusto ko ng Bicol Express kaya naman namili kami ng mga ingredients nun. Pagkatapos naming mag-grocery eh hinayaan ko siyang bitbitin yung mga pinamili namin.


Nadatnan namin ang condo unit nilang tahimik, patay ang mga ilaw at walang katao tao. Siguro nga nagpunta talaga ng Cebu si Tita. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba dito. Alas singko palang at inilagay muna ni Dylan yung mga ingredients sa ref kasi mamaya pa naman niya yun lulutuin.



Sa Iflix kami nanuod at My Amnesia Girl ang napili kong pelikula na panuorin. Tahimik lang namin itong inumpisahan habang sabay na kumakain ng mga chips. Si Dylan yung nakaupo sa couch at ako naman eh sa lapag lang.


“Naniniwala ka ba sa love at first sight? Eh sa second sight?.. Pwede!” natatawang pagmi-mick ni Dylan sa isang scene.


“Medyo kabisado natin ah?” natatawang sabi ko naman.


“Syempre! Favorite ko yan eh.” proud na sagot naman niya.


Medyo natahimik ako dun sa part na nagkwekwento yung babae kung pano siya kunwaring nawalan ng ala ala. Kahit yung mga pagsisinungaling niya eh tumagos din sa puso ko. Napaiyak na ko nung kwinento nya kung pano daw niya hintayin yung lalake dun sa altar pagkatapos siyang iwanan nito. Di siya umalis at umasang babalik yung taong mahal niya dun. Aw. Bakit ganto? Ganto na ba talaga kababaw ang luha ko?


“Oh Tissue.” sabi ni Dylan sabay abot niya ng isang box ng tissue.


“Thank you..” paos na sagot ko naman dahil sa pag-iyak.


“Pahingi na lang ng unan.” pahabol ko pa.


“Unan? Oh eto oh.” sabay abot niya sakin nung mataba at malaking sofa pillow nila. “Uupuan mo ba?”


“Hindi, hihiga ako.” sagot ko naman.


“Wag na. Dito ka na lang sa couch.” sagot naman niya.


“Wag na. Andiyan ka eh. Nakakahiya naman.” ani ko habang pino-focus yung mata ko sa screen.


“Sige na. Dito ka na.” saka niya ko dahan dahang inangat sa pagkahawak ng braso ko. Wala akong nagawa kaya dun na ko humiga at yung binti niya yung nagsilbing unan ko.


Tahimik ulit kaming nanuod na dalawa. Puro kami tawa sa mga gitnang part nung story. Pero grabe, Kinikilig talaga ako kay Apollo (John lloyd) Akalain mong kaya niyang mag-organize ng birthday party ni Irene mula simula hanggang sa nag-28 years old siya. Kung ako sakaniya, Baka bumigay na agad ako.


“Kakilig si Apollo.” comment ko habang nanunuod kami.


“Onga.” pagsang-ayon naman niya. Natawa naman ako kasi parang ang weird sa lalakeng magsabi nun.


“Don't tell me, nababading ka na kay John lloyd Cruz?” natatawang tanong ko sakaniya.


“Hindi ah! Wag ka nga!” saka niya hinampas ng mahina yung braso ko. Ipinahinga na lamang niya yung kamay niya sa bewang ko. Di na ko nagreact sa halip eh nanuod na lang ako.


“Shet.” tanging nasabi ko lang habang nakatitig dun sa may MRT part.


“Kilig ka na naman.” ngisi ni Dylan sabay takip ng mata ko gamit ng kamay niya.


“Eh Ano? Kakilig naman talaga eh. Waa. John Lloyd!” Irit ko ng malakas habang tuwang tuwa sa pinapanuod ko.


“Baliw na 'to.” napailing at napangisi lang si Dylan sakin.


Mixed Emotions ang naramdaman ko hanggang sa huling sandali nung movie. The best talaga at buti na lang happy ending sila. Umupo ulit ako ng maayos at napag-isipang mag-umpisa na para sa next movie. Halos 7 na kaya tumayo na si Dylan para magluto ng hapunan.


“Easy ka lang ha. Nuod ka lang diyan. Luto lang ako.” sabi niya habang pina-pat yung ulo ko.


“Opo opo.” sabi ko habang nagfo-focus sa next movie na pinamagatang, Finding Dory.


Medyo naalala ko pa kasi na naabutan ko yung Finding Nemo noon. Naging paborito yun ni Arthur kaya na-curious ako kung ano naman 'tong Finding Dory.


“Hi I'm Dory and suffered from short term memory.” sabi ni Dory sa movie.


“Aw look Dylan! She's so cute!” sigaw ko agad kay Dylan.


“I can see that..” sagot naman niya habang busy sa paghihiwa ng mga rekado.


“But she lost her home. She lost everything. Even her parents.” malungkot kong nasambit habang nakatulala sa palabas.


“Just watch Aleli. Magiging okay din yan.” sagot naman niya.


Napatingin lang ako sakaniya after niyang sabihin yun. Parang di ako nag-eenjoy. Para kasing may kulang eh. Ayokong mag-isa. Sawa na ko dun. Besides, mas mukhang nageenjoy si Dylan sa ginagawa niya. Mukhang mas masaya dun.


“Laters.” saka ko ipi-nause yung movie at lumapit kay Dylan.


“Why did you stop? Manuod ka muna.” aniya.


“Let's watch together later.” sabi ko naman sabay upo sa may kitchen counter at nakahalumbaba habang nakatingin sakaniya.


“Wag na. Tapos ko na yan eh. Sige ka, Mag-sspoil ako. You won't like it.” paghahamon niya.


“You won't. I know you. Di ka nga nag-spoil kanina sa first movie eh.” nakangisi ko namang sagot habang pinagmamasdan pa rin siya. “I just want to watch you while you're cooking.”


“You're nuts.” napa-iling lang siya habang nakangisi din.


“You know, you kinda look sexy when you're cooking. Bagay pala sayo.” Pangaasar ko pa.


“Well thank you. Matagal ko na namang alam na sexy ako eh.” pagmamayabang naman niya.


“Ewan ko sayo. Pinuri ka lang ng unti lumipad ka na agad. Balik balik din sa lupa sir.” asar ko naman.


“Wow ha. FYI. I'm just stating the fact. Alam kong hot ako based na rin sa mga naririnig kong nagsasabi sakin nun.” sagot naman niya habang naka-smirk.


“Oh really? Let me guess, medyo marami-rami ring babae yan noh?”


“Alangan namang lalake ang magsabi sakin ng Hot. 'Cause that'll be too awkward.” natatawang wika niya.


Napabuga rin ako ng tawa. Baliw talaga 'tong si Dylan kahit kelan. Kaya ayun, Yung panunuod ko ng movie eh nauwi sa panunuod ko kay Dylan. Makakapaghintay pa naman siguro yung movie eh. Sige mamaya na lang pag tapos na kaming kumain para may kasabay ako.


“How are we still not going out yet?” napabulong ni Dylan sa kawalan habang umiiling iling. Napatigil ako bigla. Di niya siguro alam na narinig ko yung bulong niyang yun pero napaisip rin ako.


How are we still not going out yet? I like Dylan. I choose him and he decided to stay with me. Wala akong nakikitang pwedeng maging hadlang saming dalawa. So bakit nga ba?


Kung tungkol naman sa ex ko at past ko eh, Unti unti ko na rin namang natututunan ang lumaya at tanggapin ang lahat. So bakit nga kaya hindi pa?


“Maybe because.. You're not asking me out?” patanong na sagot ko naman.


Napatigil siya't gulat na tumingin sakin. Napangisi lang ako't tumitig rin sakaniya.


Yes Dylan. Kasalanan mo kung bakit wala pang tayo. Kasalanan mo kasi hindi ka nagtatanong. Pwede naman pala talaga eh. Bakit nga ba hindi pa rin?




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page