Departure - Chapter Thirty Five
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 6 min read
“What?!” gulat na tanong agad ni Dylan pagkatapos kong sagutin yung pabulong niyang tanong.
“Uulitin ko pa ba?” tanong ko naman habang nakangiti pa rin sakaniya.
“Are you saying that..” napa-iling siya bigla. “No. No. The idea is too surreal.”
“Surreal? Ang what? Ang maging Girlfriend ako? Bakit? Ganun na ba talaga ako kalala? ” nangangambang tanong ko naman.
“No! It's not like that!” napakagat siya ng labi niya na unti unting humuhugis bilang isang ngiti. “It's like a.. dream come true.”
A Dream Come true? Napa-ngiti ako at halos maluha ako sa reaksyon niya. I knew it! Alam ko naman talagang posible mangyari 'to eh.
“Then what are we waiting for?” I asked him.
“Nothing..” saka niya iniwan saglit yung ginagawa niya't dinampian ako ng maikling halik sa labi. “I think?”
Gulat lang ako habang nakatingin sa mapaglaro niyang mata. Is this real? Ito na ba ang pangalawa kong pag-ibig? Malaya na ba talaga ako sa nakaraan? Hindi ako makapaniwala. Tumatakbo na muli ang oras ko. Ito na ulit yun.
“I like you..” sabi niya pero napailing agad siya. “Ah, Kulang pa pala yun. It should be..”
Lumapit pa sila lalo at halos isang dangkal lang siguro yung lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“I like you and I love you. I'm not sure kung parehas nga ba talaga tayo ng nararamdaman para sa isa't isa dahil alam kong attached ka pa rin sa past mo, pero alam ko umpisa pa lang eh gusto na kita. Gusto ko nang samahan ka kahit san ka pumunta. Gusto kong protektahan ka. Gusto kong maging masaya ka. Hindi ko alam kung nasabi ko na ba 'to sayo noon pero, Mukhang hindi ko na ata kayang mabuhay nang wala ka.. Aleli.”
Napanganga lang ako habang dahan dahan ang pagpatak ng mga luha ko sa gilid ng mata ko. This is too much. Ang tagal na naming magkasama pero ngayon lang ako nakarinig ng ganto sakaniya.
I don't want to assume things before but hearing it now is different. This guy is in love with me! I can't believe it, now my tears won't stop falling.
“Hey.. Say something! And stop crying. Kinakabahan ako sayo eh.” aniya habang namumula't naghihintay sa isasagot ko.
Wala akong isinagot sa halip eh niyakap ko ang leeg niya't inilapit siya para mahalikan. Hindi iyon dampi lang kasi gusto kong malaman niya yung sagot ko sa pamamagitan ng halik kong iyun. Gusto kong maramdaman niya kung ano talagang nararamdaman ko.
“Thank you for waking me up. Thank you for staying with me until now. Thank you for giving me the chance to live a normal life again. To be Normal. Thank you for making me happy. And thank you for loving me.” sabi ko habang nakangiti sakaniya. Napapikit ako't hinalikan pa siya nang isang beses pa.
“This time.. Ako naman. I think, I love you too.” ngiti ko sakaniya.
Napangisi lang siya't siniil pa ulit ako ng isa pa muling halik. Halos tumigil na naman ang oras ko nung mga oras na yun. Halos mabaliw ako at parang sasabog sa umaapaw na emosyon ang loob ko. For one thing in my life pagkatapos kong magising.. Alam kong ito ang pinaka tamang desiyon na nagawa ko.
How lucky I am, That I had found a guy who will not leave me no matter what happens. A guy who can stay beside me forever. How lucky I am?
“Ah Dylan, Amoy.. Sibuyas yung kamay mo.” ani ko sabay tawa.
“Sorry. Ikaw kasi eh.” saka siya umatras kaunti at ngumisi. “Pinahinto mo yung pagluluto ko.”
“Aw Oo nga pala. Sorry.” tumawa ulit ako.
“Ayos lang.” ngumiti siya't tumitig ulit sakin. Gusto ko sanang kagatin yung mga labi ko kaya lang baka mas lalo itong mamula't masugatan pa. Damn!
“So.. You and me..” napataas siya ng isang kilay. “Are We?”
Napabuga ako ng tawa sabay tango sakaniya.
“You.. Boyfriend..” sabay turo sakaniya. “And me.. Girlfriend.” turo ko naman sa sarili sabay kindat sakaniya.
“Oh my god. Your brothers are really gonna kill me this time. Shocks.” natatawang iling niya.
“They won't. They'll understand it too.”
“Sana lang. Nakakatakot, mamaya kung san ako pulutin pag nalaman nila eh.” aniya.
“Di yan. Kaw naman, Mababait naman sila noh! Trust me. We'll take it slow.” ani ko.
“Hey, That was supposed to be my line! Ako ang lalaki kaya ako dapat ang magsabi niyan.” reklamo niya.
“Okay sorry sorry. Sige ikaw na.”
“Ehemm.” umubo siya kunwari. “We'll make it Slow Aleli, If that's what you want.”
Napa-halakhak lang ako at napa-iling sakaniya. Seriously!? My boyfriend is damn so corny! Ooh. Boyfriend. I like that term.
“Ewan ko sayo.” saka niya pinagpatuloy ang pagluluto habang nakangisi. Samantalang ako eh nakahalumbaba lang at pinagmamasdan ang bawat kilos niya.
Hindi ko na siguro iisipin yung agwat ng edad naming dalawa. Hindi ko na rin siguro iisipin yung mga bagay na pinoproblema ko noon pa. I just want to be happy with Dylan. I want to make new memories. To cherish the happiness of the second and new love. To fall in love just like a normal teenage girl. I will treasure this. Lahat lahat ng 'to. Iingatan kong mabuti. After all, I am free.
* * *
Pagkauwi ko sa bahay eh halos itali ko na yung sarili ko sa lupa dahil sa pakiramdam ko na parang lumulutang ako. God. Thank you for giving me the chance to happy again.
“Oh mukhang okay ang dinner mo Anak ah? May nangyari ba?” tanong ni Mama sakin habang nakaupo siya at may hawak na libro. Nakatitig lang siya sakin at naghihintay ng isasagot o paliwanag ko.
“Sayo ko lang sasabihin 'to Ma pero..” lumapit ako at bumulong sakaniya. “May boyfriend na ulit ako.” sabay ngisi ko.
“Oh my gosh! Sino? Wait—let me guess..” napataas siya ng kilay at napangisi sakin. “..Dylan?”
Mas lalong lumaki yung ngiti ko't tumango tango lang sakaniya.
“Oh my god! Finally! I knew it! I'm so happy for you. Sabi ko na eh, May something ka talaga para sa binatang yun! Una palang alam ko na.” masayang sabi ni Mama.
Una pa lang? Napatingin lang ako sakaniya. Una? Hindi ko alam yun ah.
“Pero okay ka na ba? Nakalimutan mo na ba talaga si..” napalunok siya't lumungkot yung mukha niya. “Si.. Caleb?”
Lulungkot rin sana yung pakiramdam ko kaya lang naalala ko yung mga ngiti ni Dylan kanina at kung pano niya isipin na para itong Dream Come True para sakaniya. Nawala bigla lahat ng takot at lungkot sa puso ko at nabahiran ito ng kasiguraduhan. Oo, Alam ko. Sure na sure akong tama 'tong ginagawa ko.
“Si Caleb ay bahagi na lamang ng ala ala ko Ma. Kailangan ko siyang palayain kasi syempre wala na. Hindi na kami para isa't isa talaga. Bukod pa dun, pakiramdam ko naka-tadhana talaga si Dylan para sakin. Siya ang gumising sakin at nagmulat sakin sa realidad. Simula nun eh hindi niya na ko iniwan. Naging mahalaga siya sakin at alam kong mananatili siya sa tabi ko kahit na kailan. Kaya sure ako.. kaya ko ring manatili sa tabi niya kahit kailan. Kasi mahal ko siya.” sabi ko.
Napangiti lang si Mama at napayakap sakin habang dahan dahan niyang hinahaplos ang ulo ko.
“That's right Aleli. You are free to love anyone you like. You are free to feel everything. You've made the right decision of loving someone and restart your time again.” aniya.
“Do you think.. I'm capable of making someone happy too? Do you think ma, Dylan will be happy with me too?” tanong ko kay Mama habang pinipigilan ko ang pagluha.
“Of course Aleli. And I'm sure, both of you will be happy.” sagot niya.
Napayakap lang ako ng mahigpit sa Mama ko na hindi napagod sa pagpaparamdam sakin kung gano ako kaimportante sa mundo. Masaya ako. Masaya si Mama. Okay na sakin ang lahat.
* * *
Bago ako matulog at humiga sa kama eh naka-recieve ako ng text kay Dylan na agad nagpangiti sakin.
Dylan:
Let's continue our date next time. San mo gusto?
Napa-isip ako't napangiti saka sumalampak sa higaan bago nagreply.
Me:
Kahit saan. Pagiisipan ko pa. Let's sleep. Maaga akong magre-review bukas. Goodnight.
Maya maya rin eh nagreply siya.
Dylan:
Okay. Me too. May quiz nga pala tomorrow. Oo nga pala. Kulang yung goodnight mo.
Me:
Kulang? Ah! Sweet dreams.
Dylan:
Sige mag sweet dreams ka mag-isa mo.
Natawa na naman ako ng malakas sa reply niya. Oh Dylan. Napaka mo talaga!
Me:
I love you. Goodnight! Hehe sweet dreams. Oh ayan na ha!
Dylan:
Akala ko nakalimutan mo talaga eh. Okay. Goodnight rin. I love you and sweet dreams. Damn too cheesy.
Me:
You are cheesy.
Dylan:
Kaya nga baka dagain na ko dito eh. Sige na tulog ka na.
Me:
Hehe. Yes sir. Ikaw din.
Napangisi na lang ako't sinubukang matulog pero damn! Napahawak ulit ako sa labi ko at naalala yung kanina. Walang wala yung kiss na ginawa ni Caleb nung nakaraan. Mas ramdam ko yung ngayon. Mas gusto ko ito at mas masaya ako. Shocks. Makakatulog pa kaya ako?
Comentários