Departure - Chapter Thirty Six
- Christine Polistico
- Aug 24, 2021
- 8 min read
Aaminin ko, Hindi naging madali para kay Papa at sa mga kapatid ko na tanggapin na kami na ngayon ni Dylan. Pero naiintindihan ko naman sila at sa tingin ko normal lang 'tong reaksyon nila. Kilala ko ang mga yun, May boyfriend o wala eh protective talaga sila. So, Anong bago? Pero nakikita ko namang unti unti na nilang natatanggap kaya natutuwa talaga ako.
Nakipagkita rin kami kay Ahri na bago kong kaibigan at pinsan pala nitong si Dylan. Una nagulat rin siya kasi hindi siya makapaniwalang magkakilala kaming dalawa, Hanggang sa naging okay na rin ang lahat.
Ang tanging nakaalam lang nito eh ang pamilya ko, Si Ahri, Frederick, Emily at yung mag-asawa na sina Arianne at Cedric. Pare-pareho silang masaya para samin. Syempre di na namin kailangang sabihin sa mama ni Dylan kasi umpisa pa lang Girlfriend na ang tingin niya sakin. Bukod pa dun, Yung Daddy na lang niya yung problema. Baka kasi magulat yun eh. Anyway, Bahala na.
“Hey Miss, Ito na po ang frappe nyo.” sabi ni Dylan sabay abot ng kabibili niyang Frappe sakin. Nakaupo lang ako sa chapel at kanina pa naghihintay sakaniya.
“Yown. Thank you so much.” sagot ko naman sabay tanggap nung frappe na binili niya. Umupo rin siya sa tabi ko't ininom yung Iced Americano niya.
“Madami kayong ginawa kanina?” tanong niya sakin bigla.
“Yep. Puro Lab. Nakaka-enjoy pero mostly nakakapagod.” sagot ko naman habang nilalasap yung cream sa ibabaw.
“Wag masyadong magca-cramming ha? Baka bigla ka na lang mag-collapse.” pag-aalala niya.
“Opo Opo.” saka ko tinignan ko yung iniinom niya, tapos tumingin naman siya sakin.
“Palit tayo?” tanong niya sabay alok nung Iced Americano niya.
“Tikim lang.” saka kami nagpalit dalawa at sabay na tumikim sa mga iniinom namin.
“Ayoko. Frappe is much better.” ani ko.
“Ang sabihin mo di mo lang talaga trip 'tong akin. May pa-much much better ka pang nalalaman.” natatawang utas niya.
Napanguso lang ako't uminom muli sa frappe ko. Kahit kelan talaga 'tong si Dylan, Napaka!
“Oy Oy! Buti andyan pa kayong dalawa!” tawag ni Frederick samin bigla at kasama niya si Emily sa tabi niya.
“Ey dude! Ano yun?” tawag at tanong naman ni Dylan sakanila.
“Nag-aaya si Tyrone. Basketball daw mamaya. Sama ka? Dyan lang sa may Patio.” aniya.
“Sa Malate? Sino sino tayo maglalaro?” tanong naman ni Dylan.
“Tayo tayo. Ako, Ikaw, Si Tyrone tapos yung pinsan niyang si Zion. Kulang pa pala tayo eh. Kung gusto mo sali ka ng iba.” sagot naman niya.
Napatingin si Dylan sakin. Napataas lang ako ng kilay sakaniya kasi syempre wala naman akong ideya kung anong tumatakbo sa isip niya.
“Sama natin si Allen?” tanong niya bigla.
“Si Allen Valentino?!” excited na tanong naman agad ni Emily.
“Oo. Ano, Aleli? Pasamahin natin?” tanong pa niyang muli sakin.
“Sasama ba ako?” tanong ko muna sakaniya.
“Oo naman. Bakit hindi.” bumaling siya kay Emily at nagtanong. “Sasama ka rin naman diba?”
“Oo. Magchi-cheer ako. Bakit?” tanong naman niya.
Umiling lang si Dylan at bumaling muli sakin. Nakatingin lang siya na parang naghihintay siya ng sagot.
“Ayos lang. Tapos sama ko na rin si Ahri.” sagot ko naman.
“Okay Okay.” tumango lang siya.
Agad kong dinial yung number ni Allen at tinawagan siya. Mabilis naman niya itong sinagot kaya ayun, walang paligoy ligoy eh tinanong ko na agad siya.
“Ano pwede ka? Sama ka na please.” pagmamakaawa ko.
“Okay okay. Nasa klase pa ko. Punta ako diyan mga after 10 mins.” sagot naman niya.
“Sama ko rin si Ahri ha?” dugtong ko pa.
“Ha? Bakit naman? Wag na!” irit niya agad.
“Sige na! Para may taga-cheer ka.”
“Di mo ba ako ichi-cheer ate?”
“Ichi-cheer syempre. Pero ika nga nila diba? The More the Merrier.” utas ko.
Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya na mukhang tanda ng pagsuko niya. Napangiti naman ako't naghintay sa isasagot niya.
“Okay Fine. Bahala ka na.” pagsuko niya.
Napa-sigaw lang ako ng YES sa loob ko't nagthank you sakaniya bago binaba ang phone.
“Okay na. Payag na si Allen.” sagot ko naman.
“Wow. Instant ah?” ani Emily habang nakangisi.
“Si Aleli pa. Mahal na mahal ata ng mga kapatid niya yan.” mapang-asar na sagot naman ni Dylan. Ngumuso lang ako't tinignan siya ng Masama.
“Syempre, Only girl.” dagdag ko naman.
“Edi ako, si Emily. Ikaw Dylan tapos si Aleli. Dagdag pa si Allen yung pupunta mamaya?” tanong ni Frederick.
“Wait! May isasama pa ako!” bulalas ko naman.
“Sino?”
“Si Ahri. Pinsan ni Dylan.” sagot ko.
“Ah si Ahri. Kung sabagay, Pag andyan si Allen tsak na andun din si Ahri.” sabay na sagot naman nila sabay tango.
“Hehe. Wait tetext ko lang.” saka ko kinuha ulit yung phone ko't itinext si Ahri.
Me:
Beh. (Bagong endearment namin) Maglalaro yung mga boys ng basketball mamaya. Isasama ko si Allen. Sama ka?
Maya maya eh himalang ang bilis niya agad mag-reply. Pag may Allen talaga oh!
Ahri:
Sige join ako. San kayo? Ngayon na ba? San daw sila maglalaro?
Me:
Sa Patio daw. Dito kami school. Hinihintay si Allen. Punta na ikaw.
Ahri:
Oks. Dito lang me SB. Nakatambay. Punta na me diyan. xoxo
“Okay na. Papunta na daw si Ahri.” sabi ko sakanila.
“Oks.” saka kami umupong apat at naghintay para sa dalawa.
Kinuha ko muna yung phone ko't nagpatutog gamit ng earphones ko. Inihilig ko naman yung ulo ko sa balikat ni Dylan at inakbayan niya ko para di naman siya mangalay.
Mga ilang saglit lang eh dumating na rin si Allen at himalang sabay pa sila ni Ahri pero magka-ibang direksyon nga lang ng pinagmulan. Tadhana nga naman.
“Okay. Kumpleto na tayo, Tara na.” sabi ni Frederick sabay tayo.
“Ate kanino ka sasabay?” tanong agad ni Allen sakin pagkarating namin sa parking lot. Tatlong kotse ang meron kami ngayon. Kotse ni Dylan, Frederick at sakaniya.
“Kay.. Dylan na siguro? Si Ahri na lang ang isabay mo.” ngiti ko naman sakaniya.
“Okay.” walang nagawang sagot naman ni Allen agad. Bumaling ako kay Ahri at pasimple siyang kinindatan. Kumindat naman siya pabalik at palihim ring nag-thumbs up. Oh diba? Ang galing kong tulay!
Sumakay na ko sa Everest ni Dylan at itinapat yung aircon sa mukha ko. Ang init kasi ngayong araw eh. Nag-frappe na ko lahat lahat pero wala, Ang init pa rin talaga.
“May extra t-shirt ka?” tanong ko sakaniya.
“Meron ako lagi. Lagi kasing on the spot mag-aya sila Tyrone kaya niri-ready ko na lagi yung mga gamit ko. Andyan lahat sa may likod.” sagot naman niya habang busy sa pagbalagtas ng kalye pa-Malate.
“Hala. Pano kaya si Allen? Wala atang pamalit yun eh. Di naman siya pwedeng maglaro ng nakapantalon.” ani ko naman.
“Text mo. Gusto mo daan muna siyang mall. Malapit Robinsons dun.” sagot naman niya.
“Okay sige wait.”
Me:
Len, May panglaro ka ba? May extra kang t-shirt?
Hindi na nagreply si Allen sa halip eh tumawag na lang siya. Oo nga pala, nagda-drive nga pala ang kapatid ko.
“Meron akong extra shoes dito sa kotse. Sapatos ata ni Kuya 'to na naiwan niya eh. Pero t-shirt at shorts wala. Pero kung pwedeng mag-boxer..” aniya.
“Iyaa! Wag ganun beh, baka mag-nose bleed ako!” rinig kong irit naman ni Ahri sa tabi niya. Ah, Naka-loudspeaker siguro 'to. Kaya ni-loudspeaker ko na rin yung akin.
“Budoy! Joke lang. As if maglalaro talaga ako nang nakaganun. Tss.”
“Oh easy. Pano? Dadaan ba muna kayong Robinsons?” tanong ko naman.
“Pwede rin. Saglit lang kami. May gusto ka bang ipabili?” tanong naman niya.
“Fries lang hehe. Tsaka burger na rin. Ikaw Dylan, may gusto ka ba?” tanong ko naman sa katabi ko.
“Wala. Mga gatorade na lang siguro para mamaya?” sagot naman ni Dylan.
“Sige sige. Sunod na lang kami.” saka niya inend yung call. Nagkatinginan lang kami ni Dylan at nagtawanan.
“Galingan mo nga pala mamaya.” sabi ko.
“Basta ba aayusin mo sa pagchi-cheer eh.” sagot naman niya sabay smirk.
“Oo na. Gusto mo, gawa pa kong karatula eh.” ngisi ko naman pabalik sakaniya.
“Wag na. Sigaw na lang.”
“Sure.” at napangiti na lang ako sakaniya.
Ilang saglit lang eh nakarating na agad kami sa Patio at nadatnan dun sina Frederick at Emily na nauna na samin. Kasama nila ang ilang kaibigan nila na sa tingin ko eh sina Tyrone at Zion.
“Oy pre! Long time no see. Namiss kita.” bati nung isang matangkad at medyo kulot kay Dylan sabay apir dito.
“Onga eh. Busy kasi eh.” sagot naman niya sabay apir din dun sa isang lalake naman na tayo tayo ang buhok at naka-headband.
“Sino yan?” bulong nung kulot sakaniya.
“Ay Onga pala. Si Aleli, Girlfriend ko.” pakilala niya.
“Li, si Tyrone. Kaibigan ko.” pakilala naman niya sakin.
“Ah Hello sayo.” magalang na bati ko naman.
“Girlfriend mo? Sheks! Nice one Dy! Gumegenyen ke ne!” sagot naman agad ni Tyrone sabay shakehands sakin. Nakangiti ito ng malaki at bakas sa mukha niya ang pagkamangha.
“Tapos ito naman si Zion.” pakilala naman niya sa isa.
“Ah hello din.” ngiti ko naman.
“Ayos pre ah. Gumi-girlfriend ka na rin. Nice nice.” tango naman ni Zion.
“Sorry late. Si Ahri kasi eh..” putol bigla ng kararating na si Allen na may dala dalang mga supot at nakasuot na ng panglaro niya.
“Woh! Allen!!” sigaw nila Tyrone at Zion sabay lapit at yakap kay Allen.
“Shet na malagkit ka! Tagal mong di nagpakita. Hayup ka Boy!” ani Tyrone habang sinusuntok yung sikmura ni Allen.
“Oo nga! Pasalamat ka't pogi ka, kundi baka nakalimutan ko na yang mukha mo.” ani Zion sabay gulo naman nung buhok ni Allen.
“Epal nyo. Malamang busy. Tsaka, would you please stop punching me. Kayo kaya suntukin ko diyan.” sagot naman ni Allen sabay suklay ng buhok niya.
“Wushuu. Namiss mo din kami. Aminin mo na!” ani Zion sabay akbay sakaniya.
Napalapit ako kay Dylan saglit at bumulong sakaniya.
“Kilala nila si Allen?” tanong ko sakaniya habang pinagmamasdan sila na kinukulit si Allen.
“Ang alam ko, Naging kaklase nila Tyrone at Zion si Allen nung highschool. Kaya siguro close sila. Tapos kami naman naging Classmate namin ni Frederick sila sa isang class. Kaya ayun.” paliwanag niya.
“Ahh. Kaya pala.. What a small world.”
“Sino nga pala mga kalaban natin?” tanong naman ni Frederick sakanila.
“Ayun oh.” sabay turo dun sa mga lalakeng mapuputi at may nakapalibot na maraming babae sa gilid.
“Ty, taga saan yang mga yan?” tanong ni Dylan sakanila.
“Taga Makati. Mga nag-aaral sa FEU Makati ata.” sagot naman ni Tyrone.
“Beh! Galingan mo ha!” sigaw naman ni Ahri kay Allen na agad kumunot yung noo sakaniya. Napansin ko ang saglit na pamumula ng mukha nito saka tumakbo pagitna. Hays si Allen talaga.
“ Ikaw din, galingan mo. Dito lang kami manunuod.” sabi ko naman kay Dylan sabay kiss sa cheeks niya.
“Oo naman para sayo.” aniya sabay kindat.
“Allen! Goodluck! Galingan mo!” sigaw ko naman sa kapatid ko.
“I will ate!” sagot naman niya.
Natahimik ako nung sinabi niya yung word na 'Ate'. Sana hindi narinig nila Emily at Ahri yun. Ayokong magpaliwanag.
Nagumpisa na silang maglaro at kapansin pansin ang pagseseryoso ng mga mukha nilang lahat. Pero nagbago yung mga expressions nila nung makapuntos si Zion at Frederick. Mabilis lang ang mga pangyayari at agad ring nabawi nung mga kalaban yung score.
“Kaya nyo yan!” sigaw naman ni Emily sakanila.
Naka-abante ulit sila nung nagumpisang magtulungan sina Allen at Dylan. Grabe nga ang ngiti ko nun kasi syempre, Nagiging okay na sila.. slowly.
“Si Allen Valentino ba yan? Waa. Ang gwapo!” rinig kong irit nung isang babae na naglalakad sa harap namin papunta sa kabilang upuan.
“Bitches. Maghanap kayo ng ibang titignan. May pagwapo gwapo pa kayong nalalaman.” Iritadong sabi naman ni Ahri pero buti na lang at di nila narinig. Natatakot kasi ako na baka magkaroon ng away dito eh.
“Easy lang beh.” natatawang sabi ko naman sabay haplos ng likod niya.
“Mga epal kasi eh!”
“Hayaan mo na, nagpa-fan girling lang naman sila eh.” ani Emily na nakatutok ang mata sa panunuod.
“Galingan nyo guys!” sigaw ko naman sakanila.
Dikit masyado ang laban pero sa huli eh nanalo din sina Allen. Well, Ano pa bang aasahan? Magagaling ata sila noh!
“Nice game guys! Ang gagaling nyo.” ani Ahri sabay isa isang inapiran sila.
“Nakita ko yung titig mo kanina sa isang babae Ri, Grabe ka! Para kang papatay!” natatawang sabi naman ni Zion sabay gulo ng buhok ni Ahri.
“Oo. Epal kasi eh. Tinitignan ang Allen ko. Diba niya nakikitang andito ako?” ani Ahri habang nakanguso't nakahalukipkip.
“As if namang pinagbawalan ko silang tignan ako Ahri. Tsaka what's with the 'ko'?” irap naman ni Allen sakaniya.
“Aw. You're so cold talaga. But I like it anyway.” sabi naman ni Ahri sabay yakap sa braso ni Allen.
“Damn it. Get off! Ang daming nakatingin oh!”
Natawa lang kaming lahat sakanila. Tinignan namin yung mga kalaban at ang sasama ng tingin nila samin. Siguro kasi natalo sila? Kaya badtrip.
“Mga iyak talo.” bulong naman ni Tyrone sabay smirk.
“Haha! Bastard. Pag yan narinig eh.” ani Frederick sabay tampal naman sa braso ni Tyrone.
“Hayaan nyo na sila. Mga di marurunong maglaro. Puro papogi lang ang alam. As if namang pogi talaga sila.” banat naman ni Emily habang nakataas ng kilay dun sa mga kalaban.
“Hays. Tigil nyo na nga yan. Tapos na yung game oh. Move on na.” sabi ko naman.
“Onga. Tara kain na lang tayo. Medyo nagugutom na ko eh.” sabi naman ni Dylan sabay hawak sa tyan niya.
“Marami dito. Mga korean, japanese, at arabic restaurant. Pero mas trip kong mag pinoy style. Dun tayo sa Nids Balot!” ani Frederick.
“Dami mo pang sinabi. Hay nako.” napa-iling lang si Emily at napangiti naman kami.
Ilang lakad lang yun kaya di na namin kailangang magkotse pa. Pagkarating namin eh pinagdikit dikit namin yung mga la mesa dahil sa dami namin. Nakakatuwa, ngayon lang ulit naging maingay ang buhay ko. Ang dami namin ngayon at lahat na sila kaibigan ko. Ang saya sayo ko tuloy.
Comentários