top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Thirty Seven

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 9 min read


" Mag-iilang taon na nga ba ulit si Harold? " tanong ko kay Arianne nang bumisita sila sa bahay ko. Sila lang dalawa ni Harold kasi may tinatapos pang trabaho si Cedric sa NBI.


Nakaupo kami sa may balcony sa tabi ng garden samantalang malayang naglalaro naman sa damuhan ang anak niyang si Harold.


" Hmm. Magpo-four siya ngayong October. " sagot naman niya sabay higop ng juice na dinala ng maid kanina.


" Ang bilis naman. Wala ba kayong balak sundan? " tanong ko pa.


Halos masamid siya sa tanong ko at kapansin pansin ang pamumula ng mukha niya. Hays, Di pa rin talaga nagbabago si Arianne.


" E-Ewan.." bulong niya sabay lagok ulit nung juice.


" Pag nagkaanak ulit kayo, I-ninang mo ko ha? " nakangiting sabi ko sakaniya.


" Oo naman. Bakit hindi. Basta ba, wag mong kakalimutang magbigay ng regalo at pamasko ha? " aniya sabay tawa.


" Walang problema. Pero baka si Dylan lang din yung pabilhin ko ng regalo. Mas magaling pumili yun eh. " sabay tawa ko naman.


" Oo nga pala. May boyfriend ka na nga pala ulit noh? " sambit niya sabay ngiting magaan sakin.


Napatingin lang ako sakaniya't napangiti rin. Boyfriend. Ang sarap talagang pakinggan.


" So kamusta naman siya bilang boyfriend? Okay naman ba? " tanong niya bigla habang pinapalapit yung anak niya.


" Actually, It was more than Okay. Dylan is still the same protective guy. Ang nagbago lang siguro eh, We're kinda intimate na. Nasira na yung wall na nagga-gap saming dalawa. And we're very happy with each other. " sagot ko habang nakangiti ng malaki.


" Mukhang naka-move on ka na nga talaga ah? So, do you really love him? " tanong pa niya.


" Yes. " maikling sagot ko lang sabay tingala sa langit.


" Masaya ako para sayo. You are very lucky na nakatagpo ka pa ng isang taong tulad niya. Pero pano si.." napakagat siya ng labi at nagdalawang isip kung itutuloy pa ba niya yung sasabihin niya.


" Si Caleb? " i smiled freely. " He's engaged. I'm pretty sure that he's already happy with his life too. "


" But.. Okay na kayo? " pahabol pa niya.


" I.. Don't know. Pero sabi ko sakaniya na sana maging magkaibigan kaming dalawa. Bakit? " tanong ko.


" Kasi naisip namin ni Cedric na sa isang beach resort ganapin ang birthday ni Harold. Iimbitahan ko sana kayo. Lahat tayong magkakaibigan. Kung okay lang sayo. " aniya.


Napa-awang lang ang bibig ko't napa-isip saglit. Okay nga lang ba sakin yun? Ang makasama ulit si Caleb? Kaya ko na nga ba? Medyo wala kasi akong tiwala sa nararamdaman ko eh. Baka tumulo na naman ang luha ko nang wala sa oras pag nagkita kami. Ah hindi. Kasama ko nga pala si Dylan kaya okay lang yun.


" Okay lang sakin. Walang problema. " sabay ngiti ko sakaniya.


" Good! Basta ha? Sasama ka! "


" Oo na. "


Malapit na nga palang mag-October noh? San naman kaya nila gaganapin yung party?


***


After class, nagtext si Dylan sakin na baka ma-late siya nang uwi kasi may mga paper works pa siyang tinatapos sa department nila. Ayaw naman niya kong paghintayin kaya sinabi niya na magpasundo na lang raw ako kay Allen o di kaya kay Arthur. Pero parehas din silang busy kaya ayoko rin silang abalahin. Kusa na lang ako uuwi. Tutal matanda na rin naman ako't alam ko na kung asan ang bahay ko.


Pero bago yun eh nagpunta muna ako sa isang cafe na madalas rin naming puntahan ni Dylan upang bumili ng paborito kong frappe. Ikinabit ko ang earphones ko't Umupo sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang mga taong dumadaan at lumalabas pasok dun sa cafe.


Napadako ang mata ko sa isang babaeng maganda at parang nasa 20s na mukhang walang maupuan dahil sa dami ng estudyante na nakatambay ngayon. Mukang namomoblema siya kaya naman itinaas ko na ang kamay ko't tinuro ang bakanteng upuan sa harap ko. Ngumiti siya at agad namang umupo.


" Thank you very much for letting me sit here. " sabi niya with British accent.


Napa-wow lang ako't na-amaze sa accent niya. Wow. Mukha siyang pinoy pero yung boses at salita niya eh pang foreigner.


" Oh it's alright. " maikling sagot ko lang sabay ngiti sakaniya.


" I'm just new here and kakauwi ko lang ng pilipinas last week. So I'm still not comfortable with everything. " paliwanag niya sabay higop ng bili niya ring frappe.


" Oh. Eh san ka po galing? " tanong ko naman. Ang ironic na kailangan ko pang mag-PO sakaniya na mukha namang magka-edad lang kami. (Dun sa totoo kong edad)


" Oh I came from england. I'm also an Architect and I just came here for vacation and to visit my fiance too. " aniya. Napangiti lang ako dahil sa pagiging taklesa niya. Ang gaan pa niyang kausap. Wow.


" Ahh. So cool. Architect huh? " napangiti lang ako. " Wait-You're engaged? But you're too young! "


" Ohh. Actually, I'm in the right age darling. Besides, gusto ko na talagang pakasalan yung taong mahal ko. Kahit medyo nakakahiya na ako pa yung nagpropose sakaniya. " ngiti lang ni Ate.


Nag-flashback bigla yung alaala ko kasama si Dylan sa Glass Chamber ko. Kung san niyaya ko siyang umalis at samahan ako pag natapos na ang lahat dito. It's like.. Ako rin yung nagpropose kaya natatawa ako. Akalain mong may katulad ako!


" Ang cute naman po nun. Mahal na mahal nyo po talaga yung boyfriend niyo noh? " tanong ko naman habang nakangiti.


" Yes. Very much. I can't even imagine a life without him. " aniya.


Napahalumbaba ako't napangiti ng malaki. Me too. Hindi ko na rin maisip ang buhay na wala si Dylan. Ganto siguro talaga pag nagmamahal?


" I think, ang swerte po nung taong mapapangasawa nyo. " utas ko.


" Really? Why would you say that? " she asked me.


" Kasi, Kitang kita po na mahal na mahal mo po siya. " sagot ko naman.


Napangisi siya at tumingin ng diresto sakin. " Thank you very much. Oh right, Hindi ko pa alam ang name mo. Sorry, I got carried away." She smiled in apologetic way.


" Okay lang po. My name is Aleli. Nag-aaral ako dyan as a Med student. First year. " pakilala ko naman sabay turo nung university ko sa tabi.


" Ahh. Wow. Magdo-Doctor ka pala? How nice. Goodluck sayo. " aniya sabay ngiti rin. " I'm Keanna by the way. "


Keanna? Her name sounds familiar. Baka isa lang siguro sa character na binabasa o pinapanuod ko noon. Nevermind.


" So tell me Aleli, May boyfriend ka na ba? " tanong niya bigla. Nakangiti siya sakin at mukhang excited sa isasagot ko.


" Ahh. Y-yes. " nahihiyang sagot ko.


" Wow. That's nice. Your boyfriend must be really lucky to have you. " sambit niya na parang inulit niya lang yung sinabi ko kanina.


" Ha? Pano mo naman po nasabi? " nahihiyang tanong ko naman.


" Because you're pretty and kind. Plus! You're smart too. That's why, Ang swerte talaga ng boyfriend mo. " aniya.


Nahiya ulit ako at agad nag-init ang mukha ko.


" I-ikaw rin po. Ang ganda at ang bait nyo rin po. Kaya ang swerte rin po talaga ng boyfriend mo sayo. " sabi ko naman sakaniya.


" Pero Sana nga. Sana nga naiisip rin ng boyfriend ko na swerte siya sakin. " malungkot na sabi niya bigla.


" Why would you say that? " tanong ko.


" Nothing. It's just.. Kung ako, naiisip ko na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.. eh Feeling ko, siya hindi ganun. I mean.. Pakiramdam ko ako lang yung nagmamahal ng sobra. " she laughed bitterly.


Kumunot ang noo ko't kumirot ang puso ko. Why would she think like that? Baka medyo cold yung boyfriend niya sakaniya? But they're engaged! Siguro nga mahal talaga siya nung lalake. Di niya lang siguro ma-express ng maayos. Madalas kong nakikita yan sa mga drama.


" I think, Hindi lang marunong o sanay na magparamdam yung boyfriend mo sayo. He loves you but he's too shy to show or express his true feelings for you. That's what I think. " sabi ko sakaniya.


Napangiti naman siya't napatitig sakin.


" Eh ikaw, Hindi rin ba expressive ang boyfriend mo? " tanong niya.


" Ah No! Actually, Mas expressive siya sakin.. Or -not. " napaisip ulit ako. Ako nga pala lagi yung nagtutulak para magkasama kaming dalawa. Edi parang ako ang agresibo? Oh no. Don't tell me-parehas ulit kaming dalawa ng kapalaran?


" What? " naguguluhang tanong ni Ate Keanna sakin.


" Actually, Mas expressive pala ako. Pero masaya ako sakaniya. Para nga akong prinsesa kung ituring niya eh and besides, he gives me everything I want. Mas minahal ko siya kasi nakikita kong ako yung first priority niya kahit hindi naman dapat.." bumaba yung tingin ko dun sa frappe na iniinom ko. My lips twitched into grimace.


" I really just wish na.. Mahal nya talaga ako dahil mahal niya ako at hindi dahil sumusunod lang siya sa gusto kong mangyari. " malungkot na sabi ko.


" Alam mo, parang parehas tayo. Nakakatuwa kasi ang bata mo pa pero ganyan na agad ang iniisip mo. And since you're still young, You shouldn't think seriously about that muna. Enjoy life first. " sabi niya sabay pat ng ulo ko.


" I am. Thanks to him. " napangiti ulit ako.


" Aww. Ang sweet mo namang bata. Gusto ko tuloy irecord ang mga sinasabi mo para maparinig ko sa boyfriend mo nang malaman niya kung gano mo siya kamahal. " sabi niya.


" Ikaw din po. Sana malaman din ng boyfriend mo kung gano mo siya kamahal. " sabi ko naman.


Maya maya may kumatok sa gilid namin galing labas. Napalingon kaming dalawa at nakita si Dylan na may salamin ang mata, may dala dalang libro at nakakunot ang noo pero bakas ang mukha niya sa pag aalala.


Di siya nagsalita sa halip eh agad siyang pumasok sa cafe at nilapitan ako.


" I told you to go home straight right? Anong ginagawa mo dito nang mag-isa? And where's Allen? Hindi ka ba niya sinundo? " sunod sunod na tanong niya habang nakahalukipkip sakin. Oh Dylan, You're so hot when you're angry like that. Napangiti lang ako sakaniya.


" Sorry. Uuwi naman talaga ako pero gusto ko lang munang uminom ng frappe. Sorry kung di ako nagpaalam. Please don't get mad." sabi ko.


Malalim ang pagbuntong hininga niya pero ngumiti rin siya at hinaplos ang ulo ko.


" Don't worry I'm not mad. I'm just worried about you. " aniya.


" Aww. This is so cute! And too cheesy! " irit bigla ni Ate Keanna na kanina pa nakatingin samin. Oh shit. Andiyan pala siya! Muntik ko nang makalimutan.


" Sino siya? " bulong naman ni Dylan sakin.


" A New friend? " patanong na sagot ko naman.


" Hello. I'm Keanna. You must Aleli's boyfriend? Wow. " napatango at napabaling siya sakin sabay ngiti. " Hindi mo nasabing mukhang model pala ang boyfriend mo? " pang-aasar niya. Uminit muli ang mukha ko.


" Ahh. Hehe. " natawa na lang ako.


" Sorry for bothering. I'm Dylan. " magalang na pakilala naman ni Dylan sakaniya sabay shake hands.


" Oh it's alright. Masaya akong makilala kayong dalawa. Natuwa ako lang sa girlfriend mo. Ang bait niya masyado. " sabi pa ni Ate Keanna.


" Mabait ka daw? " tanong naman ni Dylan sabay smirk sakin. Hinampas ko yung braso niya. Ayan na naman po siya.


" Mabait ako. "


" I've got to go. Actually, nandito ako para bumisita sa isang kaibigan. But I'm glad to meet you both. Oh right. This is my contact no. Mind if you give me yours too? " tanong naman niya sabay pakita ng cellphone number niya sakin.


Napatingin lang ako sa cellphone at agad nilagay yung phone number niya sa contacts ko. Kinuha ko naman yung cellphone niya't inilagay rin ang number ko.


" I hope to see you again! Thank you! " last niyang sinabi bago umalis. Naiwan lang kami ni Dylan dun sa cafe at nakatulala.


" Binigay mo number mo? " galit na tanong niya.


" Eh ano? Binigay rin naman niya number niya eh. " sagot ko naman.


" This is 2016 Aleli and hindi na uso ang basta basta na lang magbibigay ng contact no. ngayon! What if she's a scammer? Or a kidnapper? Or whatever. " reklamo pa niya.


" Oh please. Don't be ridiculous. She's nice and I know she's not like that. So easy ka lang. " ani ko.


" Bahala ka. " napahalukipkip lang siya.


" Are you mad? " I asked him.


" No. Why would I? "


" Because.. I'm being reckless and ignorant again? "


Napatingin lang siya at napakagat ng labi saka siya umakbay sakin.


" I'm just worried. Ayoko lang na mapahamak ka. Alam ko ang takbo ng panahon ngayon at konti na lang ang mapagkakatiwalaan sa mga strangers. Kaya nagiging maingat lang ako. " paliwanag niya sabay haplos ng isa niyang kamay sa mukha ko.


" But you were also a stranger to me before. But I still trusted you anyway. " utas ko.


" Kaya nga.. Sinasabi ko na konti na lang ang mapagkakatiwalaan ngayon at kasama ako sa konti na yun. " sabay ngisi niya.


Napa-irap lang ako't napangiti.


" Ewan ko sayo. Tara na nga hatid mo na ko. " sabi ko na lang sabay tayo.


" Masusunod po mahal na prinsesa. " ngiti naman niya sabay kuha ng bag ko at akbay sakin.


Naglakad kami at sumakay sa kotse niya. Habang bumabyahe kami eh hindi naman maalis sa isip ko yung babaeng nakausap ko kanina.


Ang bait niya. Ang ganda pa. Sana makita ko siya ulit. Sana mahalin rin siya ng sobra nung taong mahal niya gaya ng pagmamahal na ibinibigay niya.





Comentarios


© 2020 Christine Polistico

bottom of page