top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Thirty Eight

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 24, 2021
  • 7 min read



"Ano, Ready ka na ba? Wag kang kabahan, di naman ito ang first time na imi-meet mo sila eh. " sabi ko kay Dylan habang nakatayo kami sa tapat ng pintuan ng bahay namin.


" Oo nga. Pero kinakabahan pa rin ako. Baka mga Valentino 'tong haharapin ko diba? " aniya sabay hinga ng malalim. Napangiti lang ako sa reaksyon niya. Mahigpit ang hawak ng kamay niya sakin at ramdam ko kung gano 'to kalamig. Kinakabahan talaga siya.


" Okay lang. Pamilya ko sila. Mahal nila ako kaya tsak mamahalin ka rin nila. " sabi ko naman.


" Okay. Sabi mo eh. " napangiti na lang siya at pumasok na rin kaming dalawa.


Bumungad samin sina Papa, Arthur at Allen na nakaupo sa malaking sala at nanunuod ng NBA sa TV. Napatigil sila at napalingon samin.


" Welcome back Ate. Kanina ka pa hinihintay nila Mama. " sabi ni Allen sabay lapit samin. Napatingin siya kay Dylan at napatango lang. " .. I mean kayo pala. "


" Good evening po. " magalang na bati naman ni Dylan kay Papa sabay mano. Tapos bumaling naman siya kay Arthur at bumati rin.


" Good evening din iho. Buti naman at dumating na kayo. Kanina pa naghahanda si Laneya eh. " ani Papa sabay tapik sa balikat ni Dylan at dumiresto sa dining area.


" Sino si Laneya? " pabulong na tanong naman ni Dylan sakin.


" Si Mama. " maikling sagot ko lang. Tumango lang siya't naglakad na kami papunta sa dining area.


" Hi, Good evening po tita. " bati naman ni Dylan kay mama sabay mano rin. Ngumisi lang si Mama at pinaupo na kami.


" Kain na tayo lahat! Niluto ko yung paboritong ulam ni Aleli. " sabi ni Mama ng nakangiting malaki.


" Hulaan ko, Bicol Express noh? " baling naman niya sabay ngisi sakin. Mahina lang ang pagkakasabi niya na parang imposibleng marinig ng iba.


" Ewan ko. " nguso ko naman.


" Yes! Bicol express nga! Pano mo nalaman ang tungkol dun iho? " natutuwang tanong naman ni Mama sakaniya habang naghahain ng pagkain.


" Pinagluto ko na po kasi siya dati tapos yun po yung ni-request niya. Kaya naisip ko po na baka yun yung paborito niyang ulam. " sagot naman ni Dylan kay Mama.


Nakita kong ngumiti lang si Mama at Papa pero yung dalawa kong kapatid eh tahimik lang at walang pakialam.


" So Dylan, Anong balak mo after mong grumaduate? May plano ka bang pumasok sa company namin? " tanong naman ni Papa bigla sakaniya.


" Uhm.. Well sir. Yun po ang plano ni papa para sakin nung umpisa pa lang. And, Kung tatanggapin nyo naman po ako eh mas lalong ayos po. Pero.." napatingin siya sakin bigla at ngumiti. " Naka-Depende na po muna kay Aleli ang lahat. "


Nag-init ang pisngi ko pero kalakip din nun ang pagtataka ko. Naka-depende sakin? Bakit naman sakin?


" Bat kay Aleli? " tanong naman ni Papa.


Napalingon muna ulit si Dylan sakin at binigkas ang salitang De-Par-Ture ng walang tunog. Nanlamig ako't kinabahan pero namumuo rin ang kakaibang kasiyahan sa puso kasi naalala niya yung nais kong gawin once na natapos ko na ang lahat.


Sinabi ko na, Pag nakuha ko na yung mga dapat kong makuha eh aalis ako at iiwan ang lahat at isasama si Dylan sakin.  Hindi ko alam pero parang ayaw ko pang malaman ng pamilya ko sa ngayon ang tungkol sa bagay na yun.


" Aleli is my first priority. Kung kailangan niya ko sa tabi niya, Edi sa tabi nya lang po muna ako. " sagot ni Dylan kay Papa.


Napangiti na naman ng malaki si Mama at napatango lang si Papa saka siya bumaling sakin.


" Wala ka bang balak na pagtrabahuin 'tong boyfriend mo Anak? " tanong naman ni Papa sakin.


Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. " Meron syempre! "


" Oh meron naman pala eh. Edi kung magtatrabaho ka na lang din naman eh samin na. Okay? " ani Papa sabay tawa.


" That's not a fair proposal Pa. " ani Arthur sabay tingin kay Papa.


" Kuya is right pa. Dylan has the right to choose his own life. " sabat naman ni Allen.


" Oh no. It's okay. It will be a honor for me to work in your company sir. " sambit naman ni Dylan.


" Okay Enough with that work stuff! Kumain muna tayo ngayon. " sabat naman ni Mama.


Nagtawanan lang kami at kumain na muli.


" Kain lang ng kain iho ha? " ani Mama sabay abot ng juice samin.


" Ah thank you po. " napangiti lang si Dylan sakaniya.


" Narinig ko kay Allen na naglaro raw kayo sa may Baypark nung isang araw. Tell me, gumaling na ba 'tong si Allen? " tanong bigla ni Arthur.


Napalingon at gulat na napatingin lang kaming dalawa sakaniya. Nagtatanong si Arthur? Is this for real! He's breaking the ice!


" Really Kuya? Sa pagkakatanda ko kasi, mas magaling akong maglaro kesa sayo. " sarcastic na sabi naman ni Allen sa kuya niya.


" You wished Allen. I'm always better than you. " ani Arthur sabay smirk.


" You wished too Kuya! I am better than you! "


" Okay, One game. " ani Dylan na nagpalingon sakanilang lahat. Nakangisi ito na parang naghahamon siya.


" Okay one game! Sali natin si Papa. " sabi ni Arthur sabay ngisi din.


" Hoy hoy. Bakit napasama ako diyan? Matanda na ko. I can't play. " ani Papa habang umiiling iling.


" Malakas ka pa naman pa. Besides, kulang kami kung di ka sasali. 2v2 lang. Please papa. " pagmamakaawa naman ni Allen kay Papa.


" Onga pa. Please laro na kayo. " pagmamakaawa ko naman sakaniya.


" Okay fine. Pero pag sumakit ang buong katawan ko, Kayong apat ang magmamasahe sakin ha? " paghahamon ni Papa.


" Tamang tama. Specialty ni Kuya Arthur yan. " pang-aasar naman ni Allen.


" Asa pa. " napa-irap lang siya.


Pagkatapos namin kumain eh naghanda muna kami at pinagpalit muna sila sa mga panlaro nilang damit. Walang dala si Dylan kaya nanghiram muna siya kay Allen. Ilang saglit lang eh dumiresto na kami sa private court namin at dun naghintay sa laro.


Si Papa at Arthur ang magkakampi kaya kampi sakanila si Mama. Samantalang si Allen naman at si Dylan ang magkakampi. Kaya sila naman ang ichi-cheer ko.


" Galingan nyong dalawa! " sigaw ko kay Dylan at Allen.


Di sila sumagot sa halip eh nag-thumbs up lang silang dalawa. Ilang saglit lang din eh nagumpisa na ang laro.


Masasabi kong magaling talaga si Papa kahit na may edad na siya. Naalala ko pa dati nung elementary ako, pinapanuod namin siya lagi nila mama pag sumasali siya sa liga pag bakasyon. Magaling ang papa ko. Bukod pa dun, sobrang tangkad niya kaya bagay talaga sakaniya ang larong basketball.


Bukod pa dun, magaling rin si Arthur. Bata pa lang din siya eh varsity na siya. Madalas siyang wala sa bahay at late na umuuwi dahil lagi siyang sinasama ng mga kaibigan niya sa laro.


Pero malakas ang tiwala ko kala Allen at Dylan. I've seen them play before. Magaling sila pag nagtutulungan kaya sana manalo sila ngayon.


" Galingan mo mahal! Go Arthur! " sigaw naman ni Mama sakanila.


" Ma! No fair! Cheer for me too! " sigaw naman ni Allen kay Mama.


" Then Ate should cheer for us too. Idiot. " sabi naman ni Arthur sakaniya.


" No way! Ate's in our side. "


" Selfish brat. " ani Arthur sabay kuha ng bola kay Allen at idrinibble ito palayo. Pero mabilis naman itong nakuha muli ni Dylan at itinakbo palayo saka ishinoot.


" Oha! Galing ng boyfriend ko! " sigaw ko agas sakanila.


" No Fair Ate! " sigaw nila ng sabay na nagpatawa sakin ng sobra. My brothers are too spoiled.


Tinapos na nila ang laro ng nakaramdam na ng pagod si Papa. Lamang sina Dylan kaya grabe yung mga ngisi namin. Kaya lang bago pauwiin ni Mama si Dylan eh pinagmapasahe muna silang tatlo kay papa. Si Dylan sa ulo maging sa balikat. Si Allen sa kanang kamay at braso. Tapos si Arthur naman sa kaliwa. At ako? Heto masayang pinagmamasdan sila.


" Ang sarap ng buhay mo pa ah? " ani ko habang nakangisi kay Papa.


" This is the proof of beautiful living. " ani Papa sabay tawa.


" Daya ni Ate. Di tumutulong. " sabi naman ni Allen habang nakatingin at nakanguso sakin.


" Prinsesa ako eh. " sagot ko naman sabay flip ng hair.


" Tsk. " sagot lang nilang tatlo habang nakamata sakin. Natawa na naman ako ng malakas.


Pagkatapos nun eh umuwi na si Dylan. Pero bago nun eh Nagpasalamat muna ako sakaniya. Kasi syempre, di siya natakot sa pamilya ko sa halip eh naging kaibigan na naka-close pa niya ang mga ito.


Bago ako matulog eh nakatanggap ako ng text kay Emily na nagsasabing may party raw kaming pupuntahan bukas.


Emily:

Chaos tayo bukas. Dyan lang sa Parañaque. Birthday party ni Sir. Magpapainom siya. Sama kayo ni Dylan.


Nagreply naman agad ako sakaniya.


Me:

Sinong Sir?


Maya maya eh nagtext naman si Arianne sakin. Himala ah? At ng gantong oras pa!


Arianne:

Chaos tomorrow. Micah's birthday party. Punta ka. Kaya lang party party yun. Sama mo Dylan.


Birthday ni Micah? Weh? Hindi ko naaalala!


Emily:

Si Sir Micah. 7pm ang start. See you there. xoxo


Maya maya si Ahri naman ang nagtext sakin. Wow. Tatlong babae agad!


Ahri:

Beh, Nag-aya si Emily. Chaos daw bukas. Punta ka? Punta ako. I bet pupunta din si Allen eh. Sama u Dylan.


Natawa ako bigla. Pano kasi, sa bawat ending ng message nila eh lagi nilang pinapasama si Dylan! Oo sasama talaga siya okay? Di yun humihiwalay sakin!


Tinext ko muna si Dylan bago magreply sakanilang lahat.


Me:

Dy, Chaos daw bukas. Birthday ni Micah. Punta tayo? Punta daw sila lahat eh.


Maya maya eh nagreply agad siya. Humiga muna ako sa kama at pinahinga ang buong katawan ko dun.


Dylan:

Onga. Nagchat si Sir Micah. Sige punta tayo. Punta daw lahat eh. Pati sina Tyrone at Zion. Kasama ate si Allen kaya mukhang okay lang na sumama ka talaga.


Me:

Okay. Sige.


Nagtype ako ng 'Okay. Punta Me' at isinend kay Emily, Arianne at Ahri. Saka sila nagreply ng happy face saking tatlo. Wow ha. Magkakamag-anak ba tong tatlo na 'to?


Anyway, Party? Yun yun may jujugan diba? Parang nakaka-excite ma-experience.




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page