top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Eight

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 22, 2021
  • 4 min read

Updated: Aug 24, 2021



I'm really having a hard time thinking right now. Sasama ba ako kay Micah o mananatiling nasa tabi ni Dylan? Oh Men. Ayokong mag-isip masyado.


“ Uy Aleli, may problema ka ba? Kanina ka pa tahimik after nyong mag-usap ni Sir Micah ah.” sabi bigla ni Dylan sakin.


“ Ah. Sorry. Marami lang siguro akong iniisip. ” sagot ko naman.


“ Gaya naman ng ano? ”


“ Gaya ng..” napaisip muna ako bigla. Sasabihin ko ba ngayon sakanya?


“ Gaya ng what? ”


“ Gaya ng kung dapat pa ba kitang idamay sakin.” seryoso pero malungkot na sagot ko naman sakanya.



“ Huh? ”



“ Wala. Wala. Kalimutan mo na lang. Hehe. ”



“ Weird. ” sabi nya sabay gulo ng buhok ko.



Yeah. I'm being weird again. Merong part dito sa puso ko na gusto ko pang makasama si Dylan, Pero syempre ayaw ko rin naman syang abalahin. Besides, Hindi si Micah ang dapat kong balikan dito ngayon, Walang iba kundi ang pamilya ko.



****



Dylan's POV





Parang ang weird ng mga kinikilos ni Aleli these past few days. Parang ang lalim ng iniisip nya. Iniisip ko na lang na tinatry nyang i-recall yung mga past events sa buhay nya kaya ganun sya. Pero still, Nakakapag-alala pa rin.



At since ayaw ko namang ma-bored sya eh madalas ko na syang sinasama sa school ko. Para kapag mabait yung prof eh makiki-sit in na lang sya sa klase ko. O di naman kaya eh magiikot ikot sya sa labas. Wala namang kaso yun kasi kilala naman ako sa buong campus. Besides, close friend sya ni Sir Micah.



“ Ey. ” tawag ni Sir Micah sakin habang naglalakad papunta kay Aleli na kasalukuyang nasa Chapel ngayon.



“ Uy Sir. Bakit? ” tanong ko naman.



“ Si Aleli? Asan? ” tanong nya bigla.



“ Ah nasa Chapel daw po. Actually pupuntahan ko nga po sya ngayon eh. ” sagot ko naman.



“ Ah. I see.” tapos napatingin lang sya dun sa direksyon nung chapel.



“ Ah right, Dylan. May hihilingin sana ako sayo. ” sabi nya bigla.



“ Yes sir? ”



“ I need you to leave Aleli alone. I was thinking na, You shouldn't meddle with this kind of affair from now on. Ayokong madamay ka pa. Iniisip ko na as Aleli's friend, Hindi ba dapat sakin sya nakatira ngayon? ” sagot nya ng diretso. Napatingin lang ako ng seryoso sakanya na medyo nagulat na rin.



“ Pero sir, Na kay Aleli pa rin po ang desisyon. ” sagot ko naman.



“ Kaya nga, I'm telling you to leave her alone. Kung pwede ikaw na sana ang kusang lumayo. ” Medyo nag-init yung ulo ko dun sa sinabi nya. What the heck!



“ And why the hell should i do that? ” sagot ko na medyo pataas na yung tono.



“ Because..” tumingin sya ng seryoso. “.. You are not a part of this. Wala kang kinalaman kay Aleli. ”



Napatigil ako dun sa sinabi nya. He had a point. Wala nga akong kinalaman kay Aleli sa umpisa pa lang. Hindi ko sya kaano ano. Di ko sya girlfriend para alagaan. Kaibigan pwede pa. Pero bukod dun, wala na. Kaya nga may point talaga sya.



“.. Si Aleli pa rin po ang may hawak ng desisyon. ” last na sabi ko sabay walk out.



****



“ Hoi! ” tawag ni Aleli sakin habang nakatayo sya dun sa may tapat ng chapel.



“ Hey.” matamlay na sagot ko naman.



“ Alam mo ba kanina ang daming ibon dun sa loob ng chapel ! Ang dami nila sobra! Ang cuuuuuute! ” masayang sabi nya.



“ Ahh. ”



“ Bakit? May problema ka ba? ” concern na tanong nya agad sabay hawak ng kamay ko.



Pagkahawak nya ng kamay ko eh bigla na lang nag-flash back yung sinabi ni Sir Micah na wala akong kinalaman kay Aleli simula nung umpisa pa lang. Bigla ko tuloy nabitawan yung kamay nya.



“ Dylan? ”



“ Sorry.” sagot ko sabay atras. “ Alam mo kasi Aleli, hindi ko kasi alam kung dapat na ba kitang ibalik sakanila o hindi pa. ”



“ Ibalik? Wait. Sinabi ba sayo ni Micah lahat? ”



“ Oo. Pero may point naman sya eh. Wala naman talaga akong kinalaman sayo umpisa pa lang. Sa totoo lang, Wala nga dapat akong responsibilidad sayo eh.” sigaw ko.



Tahimik lang syang nakatingin sakin at kasabay nun ang dahan dahang paglungkot ng mukha nya.



“ Sorry..” mahinang sinabi nya. “ Hindi ko man lang naisip na pwede kang mahirap ng dahil sa simpleng kagustuhan ko. Di ko naisip na pwede ka ring mahirapan. Sorry ulit ha? ” sabi nya sabay ngiti.



“ ..Aleli.”



“ Pero kung gusto mong umalis na ko. Aalis na ko. Sabihin mo lang.”



“ Hindi ko naman gustong umalis ka, ang sakin lang hindi ako yung dapat mong kasama ngayon. Sino ba naman ako diba? Wala lang ako sa buhay mo. ”



Ngumiti muna sya bago sya dahan dahang lumapit sakin't niyakap ako ng mahigpit. Na sa sobrang higpit eh ramdam ko na yung init ng katawan nya. Yung mabango at madulas nyang buhok at yung malambot pero fragile nyang katawan.



“ Para sakin malaking bagay na yung nakita at ginising mo ko. Madami pa kong gustong malaman. Madami pa kong gustong pag-isipan. At kaya ko hiniling na isama mo ko sayo eh dahil pakiramdam ko matutulungan mo ko. Na ikaw yung magiging savior ko. Mali bang isipin ko yun? ” sabi nya.



“ Tingin ko hindi naman masamang isipin mo yun. I think.. It's pretty normal lalo na in this kind of year.” I smiled at her.



Kumalas sya sa pagkakayakap at hinawakan yung dalawang kamay ko ng mahigpit. Saka nya inangat yung ulo nya para tumingin sakin ng diretso sabay dahan dahang ngumiti.



“..Salamat.” sabi nya.



“ Pero, Wala ka talagang balak na sumama kay Sir Micah? ” tanong ko sakanya.



“ Naisip ko rin yan. Matagal ko ng kaibigan si Micah pero di ko alam kung bakit mas gusto kong kasama ka. Siguro kasi.. Nakatadhana tayong mag-samang dalawa. ” sabay grin nya. Yung tipo ng ngiting pumipikit na yung mga mata nya sa sobrang laki.



Ang ganda nya. Sobra.



“ Well. Sabi mo eh. ” nahihiyang sagot ko lang sabay kamot ng batok ko.



“ Mmm.” maikling sagot nya lang sabay ngiti.



This girl is so Fragile. Nakita ko kung gano kahirap sakanya yung mundong binalikan nya. Kung gano kahirap na bigla nyang iwanan yung mundo at panahon na dapat para sakanya.



And kung may kinalaman man ako sakanya o wala, Naisip ko na wala na akong pakialam dun. Gusto ko lang syang tignan, bantayan at protektahan. Hindi rin siguro dahil sa pakiramdam ko responsable ako sa paggising sakanya, kundi dahil alam ko.. Gusto ko talaga sya. At dahil Gusto ko sya, Babantayan ko sya kahit anong mangyari.



Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page