Departure - Chapter Nine
- Christine Polistico
- Aug 22, 2021
- 4 min read
Updated: Aug 24, 2021
Aleli's Past
June 2004
June 7, 2004. Monday. First day of class ko as a Highschool student. Medyo kinakabahan ako kasi syempre di na ako Elementary. 13 years old na ko ngayon and gusto ko na ring mag-mature.
“ Look. White Hair! ” bulong ng mga tao habang naglalakad ako sa hallway.
“ Foreigner? Foreigner ba yan? ” tanong nila.
Napayuko lang ako syempre dahil sa kahihiyan. Sana andito na lang sina Mama't papa para samahan ako. Kaya lang binabantayan naman ni Mama si Allen tapos nagtatrabaho din si Papa. Tapos nasa ibang building si Arthur kasi Elementary na sya. Hays. Sana mag-enjoy ako dito.
Pumasok na ako sa room kung san ako nakalagay. Class A. Di na ko magtataka kasi syempre ako ata ang Valedictorian nung elementary. Pero di ako nandito para magyabang, gusto ko lang maging maayos ang lahat sa bago kong klase.
“ Uwaa Aleli! ” sigaw agad ni Danica na dati kong kaklase nung elementary.
“ Danica !! ” sigaw ko naman sabay yakap agad sakanya. “ Dito ka rin pala pumasok? Sina Drew? Si Hermione? Dito rin ba sila? ”
“ Oo. Pero nasa ibang section nga lang. ” sagot naman nya.
“ Oh? Pero may iba pa ba tayong kaklase natin na nandito ngayon? ” tanong ko pa.
“ Oo. Ayun oh, Sina Caleb. ” sabay turo nya.
“ Oo nga noh. ”
Si Caleb nga pala yung dati at matagal ko ng ka-seatmate. Pano, Valentino kasi ang apelyido ko tapos Villafrancia naman yung sakanya. Medyo magkadikit kaya tabi kami palagi.
Akala ko nga na ngayong Highschool na kami eh magbabago na rin yung katabi ko sa wakas. Nagkamali ako kasi si Caleb pa rin yung katabi ko. Tapos yung nasa harapan ko naman eh si Micah Penaflorida na bago naming kakilala.
Tahimik lang kaming magkatabi ni Caleb simula nung elementary. Naguusap lang kami kung may kailangan. Hiraman, Hingian, at tanungan. Yun lang at wala ng iba pa. Isang araw, nagulat na lang ako na close na sila ni Micah. Na medyo weird yung name para sakin kasi nga lalake sya. Pero, hindi ko alam kung bakit medyo naiinggit ako sakanila.
Isang hapon, Habang hinihintay ko yung pagsundo sakin ni Papa eh naisipan ko na lang na sa room muna umupo kasi baka 5:30 pa daw ang dating nya gawa nung trabaho nya. Kumuha na lang ako ng notebook at gumawa ng assignment, pero habang ginagawa ko yun eh kumakanta naman ako unconciously.
Naririnig ko kasi sa baba yung kanta na Amazing Grace na pakiramdam ko na yung teacher namin sa Music ata yung nagpapatugtog.
Madalas kong kinakanta yung Amazing Grace sa bahay at kasabay din nun eh ang pagtugtog ko sa maliit kong piano na bigay pa sakin ni Mama nung 4 years old ako.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagkanta nun ng bigla na lang bumukas yung pinto nung room at sumalubong sakin ang seatmate kong si Caleb. Nagkatinginan lang kaming dalawa ng matagal saka nag-iwasan ng tingin. Napakamot sya bigla sa leeg nya sabay tingin sakin.
“ Uhm. May nakalimutan lang ako. ” sabi nya sabay kuha nung libro dun sa upuan nya.
“ Mm. ” maikling sagot ko lang sabay nod ko lang.
“ Uhm. May hinihintay ka pa ba? ” tanong nya.
“ Si Papa. Hinihintay ko si Papa. ” sagot ko naman.
“ Ahh. ” tapos napaupo na lang sya sa tabi ko.
“ Anong ginagawa mo? Di ka pa ba uuwi? ” tanong ko sakanya.
“ Uhm. Sasamahan na sana kita kasi baka matakot kang mag-isa ka lang. ” sagot nya sabay takip nung bibig nya.
“ Ah. Salamat. ” napangiti lang ako sabay balik ulit sa pagsusulat.
Nung marinig ko yun, Medyo gumaan bigla yung pakiramdam ko sakanya. Medyo mabait rin pala 'tong si Caleb. Di ko lang siguro pansin kasi di ko sya madalas na nakakasama.
“ Oo nga pala. ” sabat nya bigla.
“ Hmm? ” tanong ko na lang.
“ Ang ganda ng.. boses mo. ” sabi nya ng nakatingin ng diretso dun sa blackboard. Nag-init bigla yung mukha ko sa sinabi nya. Seryoso?
“ Ah. Hehe. Di naman masyado. ” nahihiyang sagot ko naman.
“ Kelan ka pa kumakanta? Ba't naman nung elementary tayo di kita naririnig. Lagi na lang si Tiffany yuny pinapakanta eh di hamak na mas magaling ka naman dun. ” sabi nya.
“ Grabe ka naman. Okay naman yung boses ni Tiffany ah? ”
“ Oo. Pero di kasing ganda gaya ng sayo. ”
“ Pfft. ” bigla akong natawa sa sinabi nya. “.. Salamat. ”
“ Walang anuman. ”
Madami kaming napagkwentuhan na dalawa. Gaya ng bakit dito sya sa school na 'to nag-aral. Kung ilan sila sa pamilya. Kung anong klaseng pamilya meron sya. Tapos kung anong gusto nyang pangarap nya ang magkatotoo balang araw. Sa maikling panahon na yun eh pakiramdam ko nagkaroon na kami ng bond na dalawa sa isa't isa. Like di na kami yung dating seatmates lang, Ngayon masasabi kong magkaibigan na nga kaming dalawa.
Madami pa sana kaming paguusapan na dalawa kaya lang bumusina na yung kotse ng tatay ko't kailangan ko ng magpaalam. At habang tumatakbo ako papunta kay Papa eh di ko maiwasang di ngumiti pag naalala ko lahat ng nakakatawang bagay na napagusapan naming dalawa.
Kalagitnaan ng buwan ng Setyembre eh saka naman ako nadagdagan ng dalawa pang kaibigan. Una si Micah na kaklase ko't nasa unahan ng upuan ko at si Cedric naman na kaklase din namin at ka-team ni Caleb sa Basketball.
Tropa kung tawagin ni Caleb sina Cedric at Micah, at dahil nga sa kaibigan din ako ni Caleb eh naging kaibigan ko na rin sila. Hanggang sa nadagdagan pa kami ng isa pang babae na si Arianne. Simula nun naging masaya na yung bawat pagpasok ko sa school. Mas ginanahan akong mag-aral dahil alam kong di ako nag-iisa. Para bang okay na yung lahat makasama ko lang sila na mga kaibigan ko.
Pero biglang nagbago yun pagdating ng 3rd year. Year 2006. April yun at bakasyon nagsimula ang lahat. Dahil nga sa masyado kaming attach na magkakaibigan sa isa't isa eh lagi naming naiisipan na gumala at pumunta sa kung saan saan para magsaya.
Kaya lang madalas namang lagi kami ni Caleb ang naiiwang magkasama kaya unti unti nagbabago na pala yung pagtingin ko sakanya. Di ko alam kung bakit. Medyo naguguluhan ako kasi di pa naman 'to nangyayari noon. Pero sigurado akong may isang tawag dito.
At yun ay ang.. Unang Pag-ibig.
Comments