Departure - Chapter Eleven
- Christine Polistico
- Aug 22, 2021
- 5 min read
Updated: Aug 24, 2021
Dylan's POV
Mabilis agad pumunta yung ate nung bata after kong magpa-announce sa radio station ng school. But the thing is, Nakita na nung bata yung ate nya pero si Aleli hindi pa rin bumabalik.
It must be something to do with Allen. Parang ang seryoso ata ng pinaguusapan nila ngayon. Kung sabagay, matagal din silang hindi nagkita na dalawa. Pero kahit na ganun, Parang ang hirap pa ring paniwalaan na ang mukhang teenager na si Aleli eh ate pala nila Allen at Arthur. Masyadong di kapani-paniwala pero totoo.
" Oh? Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Emily na bigla na lang sumulpot sa harap ko habang nakaupo ako sa harap ng Radio station.
" Ikaw pala Em. Hinihintay ko lang si Ale- este Miku. Hinihintay ko si Miku. Nakita mo ba sya? " tanong ko naman sakanya.
" Si Miku? Hmm. Weird. Parang nakita ko nga ata sya? " sabay napaisip muna sya. " Oo nga! Kasama nyang naglalakad papuntang parking lot si Allen Valentino! "
" Huh?! " napatayo ako sa gulat.
" Tama. Si Miku nga yun. Pero weird. Di ko alam na magkakilala pala silang dalawa. " sagot lang ni Emily.
" Shit. " napabulong ko lang. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko after kong marinig yun. Bakit? Bakit sya sasama kay Allen? Akala ko ba..
One message recieved. May nagtext na number sakin. Sino naman kaya 'to?
" Dylan, Si Aleli 'to. I'm so sorry kung di na ko nakapagpaalam sayo. I need to go home. I want to see my family and know everything. I hope you understand. Magkikita ulit tayo. Promise yan. I need to thank you for everything properly. --Aleli. "
Napaupo na lang ako't ipinatong yung kamay ko sa noo ko. Damn it. Now I'm fucked up. Hindi ko sure kung kaya ko pang mabuhay na wala si Aleli sa tabi ko.
****
Aleli's POV
After kong i-send yung text ko kay Dylan, bigla na lang lumungkot yung pakiramdam ko. Hindi ko gustong mawalay kay Dylan ng di nagpapaalam sakanya ng personal. Feeling ko tuloy ang sama sama kong tao para paasahin at gamitin sya. Pero mas hindi ata ako sanay na wala sya dito sa tabi ko. Hindi ko na alam.
" Ate? Ayos ka lang? " tanong ni Allen habang nagda-drive sa Aston Martin nyang kotse.
" Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang. " sagot ko lang sabay ngiting pilit.
" Ayos lang yan. Wag kang mag-alala makikita mo rin sila Mama, Papa at si Kuya at magkakasama na din tayong lahat ulit. " sagot naman nya.
" Mm. " nag nod lang ako saka isinandal yung ulo ko sa bintana ng kotse.
Kapag naririnig ko yung mga katagang 'Magkakasama na ulit' hindi ko talaga maiwasang di isipin kung pano nga ba nahantong ang lahat sa ganito. Ano nga bang nangyari? Ano nga bang dahilan kung bakit ako nakatulog at bigla na lang nagbago ang takbo ng buhay ng pamilya ko?
Sa kalagayan ko ngayon, Kailangan ko ng kasagutan at ng taong sisisihin. Hindi ko talaga ginustong mapag-iwanan ng panahon.
***
" We're here. " sabi ni Allen after nyang pumasok sa isang magandang gate at ipinark ang kotse sa harap ng isang magandang bahay na may malaking pintuan.
" Ito ba..? "
" Oo ate. Ito nga. Ito nga ang bahay natin. " sagot nya habang nakaalalay sakin sa pagbaba.
" Aleli! " sigaw agad ng isang may edad na babae sabay yakap sakin. " I miss you so much. Don't run away again, Okay? Nag-aalala kami sayo ng sobra. "
" Ma..Mama? " mahinang sagot ko lang.
" Yes. Ako nga ang mama mo. I miss you so much Aleli. " and she hugged me tigther.
Muntik ng tumulo yung luha ko pero buti na lang at napigilan ko. Napatingin ako dun sa dalawa pang lalake na nagaabang sa may harap ng pintuan. Hindi kaya, ito na sina Papa at Arthur?
" Aleli. " tawag nung lalakeng may edad na kamuka ng papa ko.
" Ate Aleli.. " tawag naman nung isa.
" Welcome home. "
" ... " At tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko't napayuko na lang ako. Saka sila naglapitan at yumakap sakin.
Ah, This is the warmth i longed for. Yung yakap ng isang pamilya. Ang matulog sa malamig na lugar na yun ng walang kasama ang pinakamalungkot na bagay na nangyari siguro sakin. Pero ngayon, Ayos na. Andito na ulit ako.
" Let's go inside. " sabi ni Papa.
Bumungad sakin ang isang malaking lobby na parang sa mga hotel lang nakikita. Medyo hindi na rin ako nagulat kasi nakita ko na 'to nung gabing nagising ako. Pero ang laki pala talaga nito. I wonder kung kelan pa naging ganto kayaman yung pamilya namin.
" Dito tayo. " sabi ni Arthur.
Ah. Ito siguro yung kwarto na tinatawag nilang, Drawing Room. Wow. Ang ganda at laki pa rin.
Umupo ako sa isang malambot na sofa at katabi ko nun eh si Mama na mahigpit na nakahawak pa rin sakin.
" So.. Ang dami na palang nagbago, Tama? " sabi ko.
" Tama. At isa na dun ang buhay natin. " sagot naman ni Papa.
" Madami po akong tanong, At syempre isa na dun ang .. Pano? Pano naging ganto karangya ang buhay nyo? " tanong ko.
" Alam mo naman siguro ang trabaho ko at ng mama mo right? " tanong ni Papa.
" Opo. Isa kang engineer at si Mama ay Chemist. " sagot ko naman.
" Hindi ka ba nagtataka kung pano ka namin napreserve ng ganyan? " tanong pa nya.
" Nagtataka po. Pero pano nga ba? Panong nangyaring ganto pa rin ang itsura ko pagkatapos ng siyam na taon? "
" After mong ma-comatose, Mas ginusto namin ng mama mo na tumira muna sa ibang bansa dahil na rin sa takot. At habang nandun kami, Marami kaming nakilala na tumulong samin. Hanggang sa isang araw nakagawa kami ng isang bagay na nagpasikat at nagpaganda sa buhay natin. "
" Nagsikap kami ng Papa mo anak. " sabat ni Mama bigla habang naiiyak na sya. " Pero kahit na unti unti ng gumaganda ang buhay natin, Hindi pa rin kami masaya kasi wala ka. Nagdaan ang mga araw at habang nakikita kong tumatanda na sina Allen at Arthur, Naisip ko na.. Hindi patas para sayo ang lahat. You deserve a life. A teenage life. Ayokong magising ka na isang araw iba ka na. Hindi ka na dalaga kundi isang mature na babae or much worst, isang matandang babae. Ayoko ng ganun. Kaya gumawa kami ng papa mo ng paraan. Sya ang bahala sa Chamber at ako ang bahala sa preserving elixir. "
" At kaya ako naging ganto.. dahil sa inyo? "
" Oo. Pero tinago namin yun. Walang ibang nakakaalam na nakagawa kami ng ganung bagay kaya ka namin inilagay sa isang underground room. " paliwanag pa ni Papa.
" Pero, Pano nga ba ako nagka-ganto? Yun talaga yung gusto kong malaman. I know na dapat may isang taong responsable sa lahat ng 'to! Tama? "
" Oo. Tama ka. Pero the thing is.. "
" Ako na Pa. " sabat bigla ni Arthur sabay tingin sakin ng diretso. " Hindi namin alam kung nasan yung taong dapat sisisihin sa lahat ng nangyari sayo. Bakit? Kasi Nakatakas sya ate. "
" Huh? "
Comments