Departure - Chapter Ten
- Christine Polistico
- Aug 22, 2021
- 5 min read
Updated: Aug 24, 2021
Allen's POV
Ilang weeks na ang nakakalipas pero di pa rin namin alam kung nasan si Ate Aleli. Nakakainis lang kasi na naturingang isa sa pinaka-influencial yung family namin pero hirap na hirap kami sa paghahanap sa isang tao lang. Natatakot akong maulit ulit yung nangyari sa ate ko. Pero mas natatakot ako na mawala na talaga sya ng tuluyan samin.
Ayokong mangyari yun. Matagal kong hinintay na magising si Ate. Gusto ko syang makausap ulit, at mayakap. Pero ngayong gising na sya, Ni isang magandang bagay eh wala pa akong nagagawa para sa kanya. It's kinda Frustrating, lalo pa't wala ka namang magawa.
Oh right. Andito ako ngayon sa university kung san ako nag-aaral. I'm a Model kaya i need to take those make up classes para di ako madelay.
Madalas kong dinadaanan yung shortcut sa may Chapel kasi mas unti yung tao tsaka medyo mas makakaiwas ako. Palapit na ko dun sa may Chapel ng bigla na lang akong makarinig ng iyak ng isang bata which is very weird for me kasi nga College 'to at hindi Elementary.
Sobrang lakas nung iyak at ayaw pa ring tumahan. Pupuntahan ko na sana sya ng biglang may dumaang puti sa gilid ng mata ko. Nung sinundan ko ito ng tingin eh mas nagulat pa ako.
Si Ate Aleli.
Pinuntahan nya agad yung bata at umupo sa harap nya. Saka nya pinunasan yung luha nito gamit ng dalawang kamay nya't kinausap ito.
" Hala, Bat ka umiiyak? " rinig kong tanong ni Ate dun sa bata.
" Si Ate kasi eh. Hindi ko mahanap si Ate. " sagot nung bata habang patuloy pa rin sya sa pag-iyak.
" Shss. Okay lang yan. Hahanapin natin si Ate mo okay? Wag ka ng umiyak. " sagot nya sabay ngiti dun sa bata.
" Okay po. Salamat ate. " sagot lang nung bata sabay ngiti rin sa Ate ko.
Napahawak ako ng mahigpit dun sa cellphone ko na nasa kanang kamay ko habang pinagmamasdan ko sila. Naalala ko kasi dati pag inaaway ako minsan ni Kuya Arthur kay Ate Aleli agad ako tatakbo't magsusumbong sakanya. After nun papatahanin nya ako't ngingiti sya sakin na parang nagsasabing ayos lang ang lahat.
At sa nakikita ko ngayon, Hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainggit. Naisip ko na, Sana ako na lang yung bata. Sana nahahawakan rin ako ulit ni Ate ng ganyan. Sana nakakausap nya rin ulit ako ng ganyan. Sana kasama ko na lang si Ate ngayon.
Tama, Nagseselos nga ako. Pero may karapatan naman ako diba? Kasi syempre kapatid nya pa rin ako't kapamilya. Nangungulila rin ako sa Ate ko kaya ganto. Gusto ko na syang bumalik samin. Pero bakit nga ba sya umalis? Bakit nga ba hindi nya kami matanggap.
I need to ask her. I need to ask Ate Aleli!
" Dylan! " sigaw ni Ate bigla sabay takbo.
Napatigil ako bigla nung narinig kong tinawag nya yung name na Dylan. I know that name. Yun yung anak ni Mr. Garcia ah? Am i right?
" Oh Aleli, Sino yang bata na yan? " tanong nya agad kay Ate.
Aleli? Tinawag nya si Ate sa pangalan? Bakit close ba sila? Eh kasing edad ko lang naman 'tong si Dylan ah? Imposible namang makilala nya yung ate ko.
" Nawawala sya. Di daw nya mahanap yung ate nya. Tulungan natin sya? Ha? " pagmamakaawa naman ni Ate dun kay Dylan.
" Hmm. Sige na nga. Buti na lang at wala na kong klase. Buti pa, pumunta na lang tayo sa Radio station ng campus tapos ipa-announce natin yung batang nawawala? Okay? " sagot naman ni Dylan sakanya.
" Okay! " masayang sagot ni Ate sakanya. Tapos tumingin sya dun sa bata. " Narinig mo yun? Mahahanap din natin ang ate mo. "
" Opo! "
" Hawak ka dun kay Kuya bilis. " sabi nya dun sa bata.
" Kuya, Hawak daw po. " sabi naman nung bata dun kay Dylan.
" Oh sure. " tapos hinawakan nya yung kamay nung bata.
" Para tayong Happy Family noh? " sabi ni Ate sakanya sabay ngiti.
" Ah " nagblush muna si Dylan bago sumagot. ".. Parang. "
" Hehe. " sabay ngiti ng malaki ni Ate sakanya.
Para bang sasabog na ko sa mga nakikita ko. Di ko gustong makita na may ibang kasama si Ate bukod samin. Happy Family? What a shit! Kami ang pamilya nya at hindi sila!
" Ate! " sigaw ko ng malakas habang nakatingin ng seryoso sakanila.
ALELI's POV
" Ate ! " rinig ko ng may biglang sumigaw ng malakas sa likod ko. Edi napatingin naman agad kami at natigilan.
" A..Allen? " mahinang nasabi ko lang habang gulat na nakatingin sakanya. Nabitawan ko yung kamay nung bata't dahan dahang naglakad papalapit sakanya.
Nagulat ako lalo ng biglang tumakbo papunta si Allen sakin't niyakap ako ng mahigpit.
" Miss na miss na kita Ate. Umuwi ka na please. Miss ka na nila Mama. " sabi nya sakin.
Napatingin lang ako kala Dylan na nakatingin rin saming dalawa.
" Dalhin mo na yung bata, susunod na lang ako. " sabi ko dun kay Dylan.
" Okay. " saka sila tumalikod't naglakad palayo.
After nilang mawala eh napatingin lang ako kay Allen ulit. Mahigpit pa rin yung pagkakayap nya sakin na madalas nyang ginagawa dati pag inaaway sya ni Arthur. Yung tipong nakakaawa talaga.
" Allen.." tawag ko.
" Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit kailangan mong umalis at iwan kami? Kami na ang tagal naghintay para makita at makausap ka lang ulit. Bakit Ate? Di mo na ba kami mahal? " tanong nya sakin habang dahan dahang umiiyak sa harap ko.
" Di mo naiintindihan. Di ko rin naman gustong umalis at iwan kayo. Pero naguguluhan pa ako. Alam mo yun? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako na-comatose eh! " sagot ko naman.
" Handa naman kaming sabihin sayo lahat eh. "
" Pero hindi pa rin. Mahirap para sakin na tanggapin lahat ng 'to. Mahirap para sakin na kilalanin kayo kasi iba na kayo eh. Hindi kayo yung kilala ko noon. Iba na kayo pero ako.." napakagat labi lang ako habang pinipigilang tumulo yung luha ko. " ..Ganto pa rin ako. Napagiwanan na ng panahon. "
" Ate. Kahit naman nagbago yung estado ng pamilya natin, di naman nagbago yung pagmamahal namin sayo eh. Pamilya mo pa rin kami. Dapat kami yung kasama mo ngayon. "
Ah. Ito lang yung hinihintay ko. Tama, May point sya. Hindi dapat si Dylan o si Micah ang makasama ko ngayon. Walang iba kundi ang pamilya ko, kasi kadugo ko sila't ang dami nilang paghihirap ma-preserve lang ako. Gusto ko rin naman silang makasama pero di ko alam kung handa na ba ako. Pero, kahit anong mangyari ganun pa rin naman diba?
Ako pa din si Aleli at di ako namatay. Buhay pa rin ako, Gaya ng dati.
" Okay. Uuwi na ako. "
Comments