IICSYA - Chapter One
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 21, 2021
"I like you, Please be my boyfriend! Momo!"
I wonder how people fall in love? I mean, Pano kaya nalalaman ng isang tao kung in love na ba talaga sya? Laging masaya? Inspired? As for me,I really don't get it. But this is how my love story starts. Nag-umpisa lahat gawa ng isang baliw at maingay na babae. Isang babae na hindi ko aakalaing magpapatibok ng puso ko ng ganto kalakas.
"Please be my boyfriend! Momo!" sigaw bigla ng isang babae sa harap ko habang naglalakad kami pabalik ng room.
Pangalawang araw sa buwan ng hunyo, ganto kaagad ang bumungad sakin. Speechless lang ako't napatingin sakaniya. Kasabay rin nun ang pagtaas ng kaliwang kilay ko.
"Huh?!" maarteng sagot ko naman sakaniya.
"I like you! Please be my boyfriend!" ulit pa niya ulit.
"What the eff—?" napatingin bigla ako sa mga tao sa paligid ko. Lahat na sila nakatingin at nanunuod samin. Yung iba pa nga eh kinikilig na. What the crap? Ni hindi ko nga kilala 'tong kutong lupa na 'to eh. Sino ba 'to ha?
"I'm sorry Miss. I'm gay so hindi ako pumapatol sa mga babae. Sorry ulit." Direkta at tapat na sagot ko naman sabay lakad papalayo sakaniya.
"Okay lang! Tanggap kita! Don't worry, I'll make you happy!" ma-energy na sigaw naman niya.
"What the –" at muli na naman akong nagulat at napatingin sakaniya. Gosh! This girl is unbelievable! Sira na ba tuktok nito? Di ba kakasabi ko lang na hindi ako pumapatol sa mga babae? Bingi ba 'to? Omg.
"Ewan ko sayo." napairap lang ako't umaurang naglakad palayo sakaniya.
Nalorkey ako sa ginawa niya. I mean, 4th year na ko sa College Department na 'to. And Duh! Kilalang kilala kaya ako ng mga tao dito at alam na alam nila na hindi babae ang hanap ko kaya hindi ko talaga maintindihan kung paano at bakit nagkagusto yung baliw na babae na yun sakin. Like.. Eww. What a crazy girl!
"Ano yung napapabalitaan kong may nagkakagusto daw sayo ngayon Momo?" tanong kaagad ng gwapong classmate kong si Red. Gwapo in a way na manly kasi siya tignan.
"Oo beh! Naloka nga ako eh. Di ko alam yung gagawin kanina eh!" malandi at medyo paawa effect na sagot ko naman sakaniya sabay cling dun sa braso niya.
"Kilala mo ba si Alleluia Cipriano?" sabat at tanong naman ng nag-iisang bestfriend kong babaeng si Trisha kay Red.
"Oo bakit?" sagot naman ni Red habang pilit na tinatanggal yung kamay ko na nakapulot sa braso niya.
"Yun! Yun lang naman yung babaeng nag-confess kay Momo kanina. Amazing right?" sagot naman ni Trisha sabay smirk sakaniya.
"Weh? Asa! Mga pauso nyong dalawa!" gulat at hindi makapaniwalang irit ni Red.
"Oo nga! Sige nga Momo, Anong itsura nung babaeng kumausap sayo kanina?" tanong naman ni Trisha sakin.
"Well.. Medyo maliit lang sya sakin ng konti. Maputi, I mean, sobrang puti. Parang bampira. Kulay itim yung buhok. Itim na itim. Medyo wavy at sobrang haba na lagpas pwetan. Tapos naka-choppy bangs pa! Overall, mukhang manika. You know, mukhang manikang pangkulam! Ha-Ha" awkward na sagot ko naman habang dini-describe yung babae kanina.
"Sya nga. Di ako makapaniwala!" napanganga lang si Red samin.
"Sabi sayo eh." sagot naman ni Trisha na parang proud na proud sya para sakin.
"Eh ano naman? Ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun eh! Tsaka Alleluia? What the heck is that name? Masyadong banal!" asar ko pa ulit.
"Hay nako Momo. Hindi mo pa kasi kilala si Alleluia, pero once na nakilala mo kung sino talaga sya.. Promise! Babawiin mo lahat ng sinasabi mo sakaniya." banta ni Red sakin.
"As if! Eh mas maganda pa rin ako sakaniya. Sadyang nagmukha lang talaga syang manika, but still!" sabay nguso ko.
"Ewan ko sayo Momo." At napa-iling na lang silang dalawa sakin.
Gusto ko pa sana silang tanungin kung ano pang alam nila tungkol kay Alleluia ba yun? Pero naisip ko na baka pag nagtanong ako eh baka isipin nila na interesado ako or trip ko na sya at baka asarin pa nila ako so wag na lang. Paki ko ba dun.
After ng last class eh sinigurado ko munang wala sa paligid yung baliw na babae bago ako umuwi. Ano bang malay ko mamaya ambushin ako nun! Tapos baka kausapin na naman ako. Maloloka lang ako so iiwasan ko na lang. Tsaka what a dumb girl. Di ba niya alam na nakakahiya yung ginagawa niya kanina? WTF.
Paglabas ko ng school eh dali dali akong naglakad papunta sa LRT station. Nakaramdam ako ng konting ginhawa nung makalayo na ko sa school. Grabe, kaya ayaw ko sa mga babae eh. Nakaka-trauma sila!
"Ah! Mabigat ho ba yan? Gusto nyo po ba ng tulong?" rinig kong sabi bigla ng isang babae habang kaharap niya yung isang lola na may maraming dala.
Teka teka–! Ito yung babae kanina ah? Si Alleluia! Holy shit! Kailangan kong magtago!
"Ay nako iha, ayos lang ako. Kaya ko naman syang dalhin." sagot naman nung lola sabay ngiti sakaniya pero kitang kita naman talaga na kailangan niya nga ng tulong.
"Pero mahihirapan po kayong iakyat ito pataas. Hindi bale, ako na lang po ang magbubuhat." sagot naman niya.
"Pero–" di na nakapagsalita yung matanda at inakyat na niya dun sa may guards na nagche-check nung gamit.
I don't get her. Nag-aalok sya ng tulong eh sya rin naman ang daming dala. Like ano 'to? Masyadong pabida lang girl? Napa-irap lang ako habang tinitignan siya. Wait Bakit ko nga ba siya tinitignan?
"Maraming salamat ulit iha ha?" pasalamat nung matanda sakaniya sabay ngiti pagkatapos nilang magpacheck ng gamit.
"Walang anuman po. Ingat po kayo." kumaway at ngumiti lang sya dito.
Hindi ko alam kung anong irereaksyon ko dito ngayon. Like, sa dami dami ng pwedeng makita sya pa talaga! Ano 'to lokohan? So ano? Anong gusto nyong gawin ko ngayon? Dahil lang ba sa nakita ko na mabait at matulungin sya eh dapat ko na ba syang magustuhan?
Eww. As if mangyayari yun! Nevaaaaaaaaahhhhh!
"Momo??" tawag niya bigla sakin habang parehas kaming naghihintay sa platform.
Oh Crap! Nag-effort pa ko kaninang taguan sya. Makikita ko rin pala sya ngayon. Ang epal naman talaga oh!
"Ah, Hi?" awkward na sagot ko naman sakaniya.
"Hello. Sorry nga pala kanina ha? Nabigla ata kita." Nahihiyang sabi niya sabay tabi sakin.
Di lang kamo nabigla! Like. Na-Culture Shock kaya ako dun! Di ko kinaya!
"Ah Okay lang. Basta wag mo ng uulitin yun ha? Medyo nakakahiya kasi eh." awkward na sagot ko pa ulit.
"Oo Sorry talaga. By the way, ako nga pala si Alleluia! Aya na lang for short. 2nd year Fine arts din ako." sabi pa niya.
"Ahhh. Okay." At tumango tango na lang ako sakaniya.
Ano kayang nakain ng babaeng 'to at ang taas lagi ng energy? The hell.
Dumating na rin sa wakas yung tren na nakakairita dahil sa sobrang tagal at thank god hindi pa ganun kasiksikan. Sumakay kaming dalawa at pumwesto dun sa kabilang pintuan. Di ko nga maintindihan eh. Ba't kaya kailangan pa niyang dito sa mix sumakay kung pwede naman sa mga pambabae na lang? Ganto niya ba talaga ako kagustong makasama?
"About pala dun sa kanina. Sana hindi mo isiping nagbibiro lang ako ha? Seryoso talaga ako dun!" pahabol pa niya.
"Ahh.. Okay?" Ano ba yan! Pinaalala pa niya ulit. "Excuse me lang girl, Pero alam mo naman dibang.."
"Oo alam ko. Ayaw mo sa mga babae. Tama?"
"Good thing na alam mong hindi tayo talo."
"Pero sana alam mo rin na wala akong paki. Okay lang sakin. Kahit na ano ka." nakangiting sagot naman niya.
Napatulala at napatingin lang ako sakaniya. Hindi ko alam pero kinilabutan ako bigla. Hindi sa paraang nandidiri ako pero.. Iba eh. Yung chills na hindi ka makapaniwala. Na bigla kang na-amaze! Ganun eh.
"But still– sinasabi ko nga sayo na hindi mo ko pwedeng maging boyfriend." sagot ko naman.
"Bakit naman hindi? Ako na nga yung manliligaw sayo eh."
"Omg! Kailan pa nanligaw ang mga babae??" matining na tanong ko sakaniya. This is really absurd!
"Ngayon! Nililigawan na nga kita diba?" sagot naman niya pabalik.
"Ewan ko sayo. Nababaliw ka na nga. Tigilan mo na ko please. Wala kang mapapala sakin, Sinasabi ko sayo." At napataas lang ako ng kilay.
"Do you think masyado pang maaga para sabihin yan? Naguumpisa pa nga lang ako eh."
"Shut up ewan ko sayo." At napairap na lang ako sakaniya at napahalukipkip habang nakatingin sa labas.
"By the way, Gusto ko rin pala yung mga shots mo." sabi pa niya bigla.
"Huh?!" napatingin lang ako sakaniya na syempre nagulat din ako. Pano niya nalaman? Omo. Stalker din ba siya!?
"Nakita ko yung isang shot mo sa isang magazine. Gandang ganda talaga ako dun. Ang galing mong kumuha. Ang cool mo." puri pa niya.
"Well..Thank you." nahihiya at medyo flattered na sagot ko naman.
"Ah Dito na ko. Ba bye! Momo." paalam niya habang nakangiti sakin. Bumaba siya sa Gil Puyat kasabay ng maraming tao.
"Ah. Ok. Ingat."
Pagkatapos niyang bumaba eh para bang naguluhan ako bigla. Naguluhan ako mentally, emotionally at physically. Medyo hindi lang ako makapaniwala na dahil lang sa isang babae eh nagkakaganito ako. I mean, Di kami talo remember? So Panong.. Ah basta! Hindi pa rin!
Comentários