top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

IICSYA - Chapter Three

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 5 min read

Updated: Aug 21, 2021



Thursday morning at maagang akong naimbyerna dahil sa mga kaklase ko. Mga leche sila! Hindi man lang nagsabi sakin na wala palang Prof. ngayong umaga. Napapasok pa tuloy ako ng wala sa oras. Kung umuwi na lang kaya ako? Kaya lang may klase rin ako mamaya. Sayang pamasahe. So, Ano naman kaya ang gagawin ko dito? Mukha lang akong tanga na maghihintay dito ganun? Shit. Bwisit pati si Trisha di man lang nagsabi! Kaasar!


Palabas na sana ako ng building para bumili ng pagkain ng makita ko si Aya na nakaupo at nagdo-drawing sa dulo. Tutal mag-isa lang naman siya eh nilapitan ko na. Ano ba 'to. Bat ba feeling ko nahihiya ako?


"Hoy Baliw." tawag ko agad sakaniya.


"Ohh. Momo!" masayang bati niya agad pagkakita niya sakin "Anong ginagawa mo dito?"


"Wala. Iniwan ako sa ere ng mga punyetang kaklase ko eh. Badtrip nga eh." sagot ko naman.


"Ganun ba. Di bale sasamahan na lang kita." nakangiting sagot niya agad sakin saka niya itinago yung sketch pad niya't inilagay sa bag.


"Wala ka bang klase? " tanong ko naman. Anong malay ko, Baka hindi pala uso ang cutting sa babaeng ito! Ako pa ang masisi, Mahirap na!


"Nope. Wala na. Maaga kami dinismiss eh."


"Eh Anong ginagawa mo dito? Ba't mag-isa ka?"


Napangiti lang sya sakin bago muna sya sumagot.


"Kumain sila lahat eh." Mahinang sagot niya.


"Eh ikaw, Ba't hindi ka pa kumakain?" tanong ko naman.


"Wala akong gana."


"Tss. Ayoko sa babaeng patpatin. Tara samahan mo ko." sabay hila sakaniya.


"Saan tayo pupunta?" tanong naman niya habang taranta siyang inaayos ang gamit niya.


"Kakain ako. I mean.. Tayo."


"Ehhhh~ Ang sweet mo naman Momo!" kinikilig na sagot naman niya.


"Sweet ka dyan! Syempre kaniya kaniyang bayad noh! Feelingerang 'to!" banat ko naman agad.


"Hihihi. Sige na nga!" at lumakad na kami papunta sa cafeteria para bumili ng makakain. Bumili kami ng dalawang burger at fries. Umupo kami sa medyo dulong part para di matao. Mamaya may makakita pa samin, Asarin pa ko. Wew.


"Natural lang ba na maputi ka? O baka naman Anemic ka." sabi ko bigla para lang may mapagusapan. Wow! Ako pa talaga ang nag-umpisa ha?


"Hehe. Alam mo ba naisip ko dati na dahil sa kulay ng balat ko eh isa akong bampira." sagot niya naman.


"Huh?" napaubo ako bigla. "Bampira? What the heck! Ano na naman yang pinagsasabi mo ha?"


"Wala lang. Naisip ko lang dati na kung makakainom siguro ako ng dugo ng ibang tao eh aayos na yung lagay ko at hindi na ako magiging maputla." nakangiting sagot pa niya.


"Hindi ka bampira so tigilan mo na yan. For you information, Kung anemic ka pala edi dapat kumain ka ng gulay."


"Hehehe." at bigla syang natawa na ewan ko, Baliw na ata talaga 'to.


"Ano bang problema mo? May sakit ka na ba sa ulo? Bigla bigla ka na lang tatawa para kang timang." naiiritang tanong ko naman.


"Concern ba sakin?" natutuwang tanong niya.


"Ha? Ano daw? Concern mo mukha mo! Asa!" namumulang deny ko naman kaagad.


"Concern si Momo sakin~ Ang saya kooo." At napangiti siya ng malaki.


"Shut up! Sinabi ngang hindi eh!" irit ko naman.


"Siguro kung ako yung magiging si Edward, bagay siguro sayo maging si Bella noh?"


"Ha!? Hindi ah. Tsaka mas maganda ako kay Bella! Hmpf!" mataray na sagot ko naman.


"Oo. Syempre! Mas maganda ka Momo! Ikaw pa rin ang pinakamagandang taong nakilala ko." nakangiting sabi niya ulit.


"..." at natulala na naman ako sa sinabi niya. The heck. Bakit pakiramdam ko dumadalas yung pagpapakilig nitong babae na 'to sakin. Kainis!


"Ewan ko sayo. Baliw. " at napaiwas na lang ako ng tingin sa iba.


"Ano kayang dapat ko pang gawin para lang magustuhan mo rin ako?" nasabi niya bigla ng seryoso at diretso sakin.


"Wala! Di ba nga sabi ko sayong Imposible! So wag ka ng umasa. Masasaktan ka lang." sagot ko naman agad.


"Ewan ko ba, Kahit na alam kong wala talaga akong pag-asa sayo.. Hindi ko pa rin kayang bumitaw. Gustong gusto ata talaga kita, Momo." Malambing na wika niya.


"Tch!" at napaiwas na naman ako ng tingin sakaniya. Di ko maiwasan ang hindi mamula sa mga pinagsasabi niya! Ano ba namang klaseng babae 'to! Masyadong straightforward!


"Hindi kita gusto kaya asa ka pa." sagot ko na lang sakaniya.


"Magugustuhan mo rin ako." pahayag niya ng buong lakas.


"Hindi! Never!"


Napasilip ako bigla sa mukha niya kung iiyak na ba sya o ready ng mag-walkout, Pero nagulat ako kasi nakangiti lang sya sakin. Kaya lang, naramdaman ko yung ngiti niya. Masakit at Hindi ganun kasaya. Para bang dinadaan lang niya sa lahat sa pag ngiti. Iniisip ko tuloy kung umiiyak kaya 'tong babae na 'to kapag mag-isa lang siya? Anyway, Ako rin pala yung dahilan kung bakit sya nasasaktan kaya wala akong karapatang mag-alala.


****


"Sorry Momo! Kaninang umaga lang nag-announce kaya hindi kita nasabihan kaagad. Nakatulog kasi ulit ako eh. Sorry talaga!" sabi agad ni Trisha sakin pagkadating niya pero hindi ako sumagot sa halip eh nakatingin lang ako sa cellphone ko.


"Oy. Tahimik ka. Galit ka ba? Sorry na Momo!" paguulit pa niya.


"Hindi ako galit. Ayos lang sakin." malamyang sagot ko naman.


"Eh anong problema?" tanong niya.


"Si ano kasi eh! Si–" at napakunot lang ang noo ko.


"Sino?"


"Si Alleluia!" sigaw ko.


"Oh." gulat na sagot niya agad. "Anong meron kay Aya?"


"Naiinis ako! Madami akong hindi naiintindihan simula nung dumating sya! Naguguluhan na ako alam mo ba yun!? Nagi-guilty ako kapag tinataboy ko sya. Naiinis talaga ako!"


"Tinataboy mo sya kasi nagde-deny ka pa! Umamin ka na kasi Momo!" sagot naman ni Trisha sakin.


"Wala akong aaminin! Anong aaminin ko?!"


"Ba't ba ang tanga tanga mo Momo? Eh ang simple lang naman yan eh !"


"Hindi ko nga alam. Kaya nga ako naguguluhan diba?"


"Pfft." at bigla sya natawa. "Wala akong masabi. Ganto na lang. Sa October 31, may pupuntahan kami ni Red. Sumama ka okay?"


"Saan naman tayo pupunta?"


"Secret~" sabay ngisi niya.


"Anu ba yaaaaan."


After class eh nagtext si Sir Trevor sakin na may ipapashoot daw sya saking model ngayon. Hindi na ako nag-atubili at pumunta na agad ako sa studio. Maganda yung model at syempre kinausap ko muna sya bago kami nag-umpisa. Medyo natatawa at naaasar nga ako at the same time sa t'wing sinasabi niyang isa daw akong malaking sayang kasi ba't daw ayaw ko sa mga babae. Ano ba yan, Di ba sila makaintindi?


Anyway, nung kumukuha na ako ng mga shots eh para bang may kakaiba na naman akong naramdaman. Parang hindi ako sanay. Ang weird kasi ilang beses nagre-rewind yung panahong shino-shoot namin si Aya. Ang nasa isip ko tuloy, Mas maganda siguro kung si Aya yung model ko ngayon. Mas makakapag concentrate siguro ako.


"Momo? Are you alright?" tanong bigla nung model sakin.


"Of course. I'm sorry, I'm just distracted by something." sagot ko naman.


"Oh I see."


Everytime she pose, yung mukha ni Aya yung nakikita ko. Since ayaw ko namang maapektuhan ang trabaho ko eh hinayaan ko na lang. Baka ito na yung ibig sabihin ni Sir dun. Na nakakita na ako finally ng Muse at kaya ako nagkakaganito ngayon dahil hindi naman si Aya yung kinukuhanan ko. Maliwanag na sakin ang lahat.


"Sir Trevor, Pwede po bang magtanong?" tanong ko bigla dun sa boss ko pagkatapos nung shoot.


"Yes Momo, Ano yun?" tanong naman niya pabalik.


"Can I do a photoshoot with my own model and make an Exhibit?" tanong ko.


"Own model? May nakita ka ng sariling model?" gulat na tanong naman niya.


"Actually, di pa sarili. Hindi ko pa nga sya naalok eh. Pero pwede kaya yun?"


"It depends Momo. Pero posible yun lalo pa't magaling ka. Pero kailangan mo munang ipakita sakin lahat ng magiging shots ng photoshoot mo at dun ako magdedisyon. By the way, Sino nga pala yung gagawing model? Do I know her?"


"Nah." napangiti ako bigla. "She's just a random stalker."


"I see. A stalker huh?" at napataas lang siya ng kilay sakin. "Sorry to ask, Babae ba ito o lalake?"


"Babae."


"Eh?" at napanganga lang siya sakin.


I can't wait to do it. First I need to find a place kung saan maganda mag-shoot and syempre I need to ask her too.






Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page