top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

IICSYA - Chapter Six

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 7 min read

Updated: Aug 21, 2021



That night, I texted Trisha to help me with planning the things for tomorrow. Pero grabe kaagad siya kung maka-react! Literal na umiyak ang bruha. Ewan ko ba dito. Nahawaan na nga ata ng kabaliwan kay Aya.


Madami syang tinurong bagay at syempre inintindi ko naman lahat. Sa ngayon, Hindi na ko makapaghintay ng bukas. Buti na lang at 20 na ako ngayon at nakakuha na rin ako ng sarili kong lisensya at pwede na rin akong mag-drive. Swerte namin kasi hindi na namin kailangang mag-commute.


7 AM ang call time naming dalawa. Inagahan ko na kasi syempre malayo ata yung pupuntahan namin. Pumili ako lugar na may dagat na pwede ko rin syang kuhanan ng picture. Syempre, Hindi ko sasayangin yung chance na maging model sya noh.


Kinaumagahan, dumating na rin sya sa wakas at unang bungad niya eh yung maganda at maaliwalas niyang ngiti na nagpabuo naman ng araw ko kaagad.


"Ready ka na?" tanong ko naman habang inaayos yung gamit niya sa loob ng kotse.


"Yep!" masayang sagot niya kaagad.


"Edi Tara na." at lumakad na kaming dalawa.


Habang nagda-drive ako eh nakikinig naman kami ng music. Di ko alam na marunong palang kumanta 'tong babaeng 'to. Nakakabilib lang.


Madami kaming napagusapan na dalawa. Mga bagay na gusto at ayaw namin. Mga nakaraan namin. Syempre kwinento ko rin kung paano ako nawalan ng interest sa mga babae at nagkaroon ng syotang lalake noon. Akala ko nga mandidiri sya sakin pero nakinig lang sya at sinabing ayos lang ang lahat at tanggap pa rin niya ako.


Madami din syang kwinento. Gaya na lang ng mga bagay na nilalaman ng utak niya. Kung paano niya isipin na isa syang bampira, Immortal at Esper. Medyo naloka ako sa kaweirduhan niya pero ayos lang, Hindi sya si Aya kung hindi sya abnormal. Kaya tanggap ko rin kung ano sya.


Binaybay namin ang napakahabang NLEX at nang makarating na kami sa Subic eh kumain muna kaming dalawa. Pagkatapos nun eh naghanap kami ng mga pwedeng ipasalubong at nung medyo pahapon na eh kinuha ko na rin sa wakas yung camera ko't nagumpisang kuhanan sya.


"Pwede ka bang umikot ng dahan dahan? Tapos ngiti ka lang." utos ko sakaniya.


"Uhm I'll try." tapos umikot sya na parang isang batang naglalaro sa tabing dagat.


"Okay next. Hawiin mo yung buhok mo. Tingin sa Camera at wag ngingiti."


"Okay."


Hindi ko maiwasang di mapatulala habang kinukuhanan ko sya. Kakaiba kasi tumingin si Aya sa Camera eh. Kaya niyang maging sobrang masaya but at the same time kapag hindi na sya nakangiti, Para bang may malalim syang tinatago na gusto niyang sabihin o iparating sakin.


Sa bawat pagiiba ng mga expression niya, Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo na pwede niyang magustuhan eh ako pa? Hindi ako ganun kabait na tao para mabigyan ng reward tulad nito kaya hindi ko talaga maintindihan.


"Alleluia.." tawag ko sakaniya ng mahinahon.


"Yes Momo?" tanong naman niya.


"Do you like me?" tanong ko sakaniya ng seryoso.


"Yes. So much." masayang sagot naman niya habang pinaglalaruan niya ang alon sa kaniyang mga paa.


"Do you..Love me?" tanong ko pa. This time medyo kinakabahan na ako.


"I—" ngumiti muna sya bago niya kinuha at hinawakan yung dalawa kong kamay. "Of course. I love you, Momo."


I felt a warm relief after she answered that. Iniisip ko kasi na baka hanggang gusto niya lang ako at ang totoo eh hindi naman niya talaga ako mahal. But now, I'm happy. At least sigurado na ako na mahal niya nga talaga ako.


"Isang beses ko lang 'tong sasabihin sayo kaya makinig kang maigi." seryosong sabi ko naman sakaniya.


"Okay?" at napalapit siya sakin.


"I love you too Alleluia. Would you give me the honor of being your boyfriend?"


Nanlaki bigla yung mga mata niya at dahan dahang pumatak yung mga luha niya. Hindi siya nakapagsalita sa halip eh tumango tango na lang sya saka sya at biglang tumalon para yakapin ako.


"I'm so Happy. I'm so Happy." paulit ulit niyang sinasabi.


I didn't know that I could make a person happy. I didn't know I could fall in love in this unexpected and crazy way. Just like what Aya said before, Kung di siguro sya nagconfess sakin eh di ko siguro sya makikilala kahit na kailan. At kung di siguro nangyari yun eh tulad pa rin ng dati yung buhay ko. Walang ingay at walang kulay. Kaya masaya na rin ako na dinala sya ni God sa buhay ko.


"This is weird. Bakit mukhang nagpropose ata ako sayo?" natatawang sabi ko bigla habang nakayakap sakaniya.


"Wag mo na pansinin! Hayaan mo na lang." natatawang sagot naman niya pabalik sabay yakap na lang din sakin ng mahigpit.


Napangiti na lang ako't napa-iling sakaniya.


******


Wednesday, May klase ako ng 8 am sa Thesis kaya kailangan kong pumasok ng maaga. Di pa nagtetext si Aya so I guess tulog pa yun ngayon.


Hindi pa rin ako makapaniwala dun sa nangyari kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti kapag naalala ko lahat. Hay, Ganto ba talaga pag in love?


"Momo! Psst." tawag sakin bigla ng mga kaklase kong lalake.


"Oh?" tanong ko naman.


"May itatanong kami sayo." tapos bigla nila akong inakbayan.


"Ano yun?" sabay taas ko ng kilay.


"Nakita ko yung pinost mong picture sa IG. Yung shoot mo. Close mo pala si Alleluia? Yung 2nd year?"


"Oo. Eh ano naman?"


"Pakilala mo naman kami! Sabihin mo idol namin sya." Nakangising sabi niya.


"Oo nga! Pero kingina ang ganda talaga nun!" sabat naman nung isa.


"Pero mukhang snob kaya ikaw na kumausap para samin. Sige na, Magkaibigan naman tayo eh." sabi nilang tatlo.


Nag-init bigla yung ulo ko dun sa sinabi nila. Mga bwisit na 'to. At sakin pa talaga sila humingi ng tulong ah!


"Sorry pero, Girlfriend ko na si Aya eh. At ayaw kong nakikipag-usap siya sa ibang lalake." diretso at seryosong sagot ko naman.


"Hahahaha!" bigla lang silang natawa tatlo. Kingina, akala ba nila nagbibiro ako?


"Ikaw naman Momo, Wag ka namang mag-selos. Don't worry, Lablab ka pa rin namin. Basta ipakilala mo kami ha!"


"Seryoso ako!" iritadong sigaw ko sakanila.


"Yeah yeah, As if namang gusto mo talagang magka-girlfriend eh alam naman nating mas type mo kami." Sagot naman ng isa habang natatawa.


"Oo nga oo nga! Basta pakilala mo kami dun ha!" tapos umalis na sila.


Kaasar. Sa sobrang galit ko eh nahati ko na sa gitna yung lapis na hawak ko. As if namang nagbibiro ako! Ganun ba talaga kahirap paniwalaan yun?!


*****


Lunch na nung nagpakita si Aya samin. Nagsorry agad sya sakin at sinabing nakatulog sya ng matagal kasi alam niyang ala una pa yung klase niya. Sumabay na rin syang kumain samin nila Trisha at Red. Medyo di pa rin maganda yung mood ko kaya tahimik lang ako na nakasunod sakanila.


"May sakit ka ba? Kanina ka pa tahimik ah?" tanong ni Aya sakin bigla pero pabulong lang.


"Wala lang ako sa mood." maikling sagot ko naman.


"Ehhh. Dahil ba sakin? Sorry! Magtetext na talaga ako next time." sagot naman niya kaagad.


"Hindi yun. Wala kang kasalanan." at napaiwas na lang ako ng tingin.


"Talaga?"


"Ay Oo nga pala Aya, may itatanong ako sayo." tanong bigla ni Trisha sakaniya.


"Ano yun?"


"Kung hindi mo nakilala si Momo, Ano nga pala yung mga katangian na magugustuhan mo sa lalake?" tanong niya.


"In Fine Arts way ba?"


"Uhm.. Okay? Fine Arts way kung ano man yan." Natatawang ani Trisha sakaniya.


"Well, Syempre gusto ko ng mabait at mahal talaga ako. Tapos yung seryoso para di sya nakikipagusap sa ibang babae. Hehe. Tapos sa appearance, Gusto ko talaga sa lalaki yung may malinis na haircut at nakasuot ng salamin." nahihiyang sagot naman niya.


Napatingin agad si Trisha at Red sakin. Napa-tsk sila ng sabay at sinabing..


"A Total Opposite.."


Napasimangot lang ako sakanila. Pero narealize ko din na kabaligtaran talaga ako dun sa sinabi ni Aya. Medyo mahaba yung buhok ko na medyo kulot rin at mas lalong hindi ako nagsasalamin kasi mas uso sakin ang contact lense.


"So, Kung sakaling may manliligaw sayo na ganun ang itsura may pag-asa kaya?" tanong naman ni Red.


Red—You bastard!


"Huh? Syempre wala. Loyal ako kay Momo noh! Hihi." sagot naman agad ni Aya sabay dikit sakin


Hmpf! Abay dapat lang!


"Eh kung hindi mo nakikilala si Momo? Tapos may nanligaw sayong ganun?" tanong naman ni Trisha.


WTF. Trisha!


"Uhmm.. Well. Pwede din?" nahihiyang sagot naman ni Aya.


Napatingin agad ako ng masama kay Aya at tumingin ng 'Anong sinasabi mong pwede din' look. Ngumiti naman sya sakin at tumingin ng 'Hehe Joke lang' look. Kaloka.


"Aw, May karibal ka na pala Momo eh." asar naman ni Red.


"As if.." napa-roll eyes lang ako sakanila. "Ah teka, Alam nyo na ba?"


"Alam ang alin?" confuse na tanong naman nila.


Nagkatinginan muna kami ni Aya sa isa't isa at nag-usap.


"Hindi mo sinabi?" tanong niya agad sakin.


"Akala ko sinabi mo na eh." sagot ko naman eh.


"Hindi pa. Akala ko nga ikaw yung magsasabi eh."


"Wait! Wait! Ano ba kasi yun?! Ano yung hindi namin alam?" tanong naman nila ng sabay ni Red.


"Well Ano kasi.." at napangiti lang kaming dalawa sakanila. "Actually—Kami na."


Natulala lang silang dalawa samin na parang nagulat talaga sa sinabi ko. Mga 5 seconds din bago sila nag-react ng bonggang bongga.


"WEHHHHHHHHHH!?" sigaw nila.


"Oh my! Kailan pa!? Ba't ngayon nyo lang sinabi?" tanong naman agad ni Trisha.


"Kahapon lang nung pumunta kaming Subic." sagot ko naman.


"Shet! Di ako makapaniwala. I'm so proud of you Momo!" sagot naman ni Red sabay akbay sakin.


"Ako din. Naiiyak ako para sa inyo." sabi naman ni Trisha sabay yakap saming dalawa.


Napangiti lang kami ni Aya sa mga reaksyon nila. Paano kasi, parang si Red at Trisha na yung naging magulang namin nung magkakilala pa lang kami. Pilit kaming pinaglalapit na parang sila na yung match maker kaya siguro masayang masaya talaga sila para samin. Well, Masaya rin naman ako na masaya din sila.


****


Kinagabihan, Hindi ako mapakali simula nung malaman ko yung totoong tipo ni Aya sa mga lalake. Alam kong wala naman dapat akong ikabahala pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-aalala kaya naman naisipan kong pumunta sa SM para tumingin ng salamin at ewan para magpagupit? Waa. Di ko rin maintindihan kung bakit ko 'to ginagawa pero syempre gusto lang na magustuhan pa ako lalo ni Aya. (As if namang hindi pa niya ako gustong gusto. Wew)


Pero sa totoo lang, Gusto ko lang talagang maging karapatdapat na tawaging boyfriend niya. So itatry kong magbago sa lahat. Gusto kong maging proud sya na ako ang pinili niya.




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page