IICSYA - Chapter Four
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 21, 2021
October 31, Sabado ng gabi ay sinundo kaagad ako nila Trisha gamit ang kotse ni Red. Sabi niya may pupuntahan raw kami pero hindi naman nila sinabi kung saan at ngayon na-ipit na kami sa traffic lahat lahat eh wala pa rin silang sinasabi sakin.
"Excuse me. Nakarating na tayo ng Q.C. pero wala pa ring nagsasabi sakin kung saan ba tayo pupunta. The fuck!" reklamo ko pag labas ng sasakyan.
"Relax Momo. Andito na tayo oh! Wag ka ng mag-inarte." sagot naman ni Trisha sakin sabay lakad padiretso.
"Ba't kasi di na lang sabihin eh! Oh anong ginagawa natin sa West Gallery!? May kilala ba kayong mageexhibit dito?" tanong ko naman.
"Oo. Pero I think, Mas kilala mo sya kaysa samin." sagot naman ni Red.
"Anong mas kilala? Di naman siguro yung Kiel yan noh? Bahala kayo di ako papasok kung siya."
"Anu ba yan Momo! Ang arte mo naman! Hindi siya so please sumunod ka na lang!" at sabay nila akong hinila pataas.
Opening pala 'tong pinuntahan namin kaya pala ang daming tao. At medyo kagulat gulat na nandito rin yung ibang mga kilala na namin. Pero yung iba..
"Look Momo!" sigaw ni Trisha sabay turo dun sa isang room. "SURPRISE!!"
Nagulat ako sa nakita ko. Oil paintings na semi-real Puro ito babae at tingin ko iisang tao lang yung ginamit na model. Pero iba iba sila. Ang gaganda na hindi ko maipaliwanag. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa Model na ginamit niya. Para bang—Kilala ko sya.
Bigla akong napatingin sa isang babaeng nakaputi at nakatingin sa pinakamalaking painting na nakalagay sa gitna ng kwarto. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sakaniya kaya dahan dahan din syang tumingin sakin.
Si Alleluia na kilala sa pagiging isang black doll ay nakasuot ngayon ng puting damit na dahilan upang magmukha syang anghel ngayong gabi. Isang inosente na may maamong mukha na mukhang kayang bihagin ang puso ng bawat taong nandirito ngayon.
"Momo!" masayang bati niya agad pagkakita niya sakin.
"Ikaw ba—" at napalingon muli ako sa mga paintings sa paligid. "Gawa mo ba 'to lahat?"
"Hehe." Napangiti siya ng malaki sabay turo sa credit line ng isang painting kung saan makikita ang buong pangalan niya. "Oo."
Napatingin ako ulit sa painting at this time mukhang naiintindihan ko na kung bakit ko naisip na pamilyar siya sakin.
"You—Crazy Dumb Girl! This is all me! How could you?!" napasigaw ko agad.
"Ehh~ Pano mo nalaman?" gulat na tanong naman niya.
"Sino ba namang hindi makakakilala sa sarili niyang mukha. Ginawa mo kong babae!" sigaw ko pa.
"Ayaw mo ba? Hehe."
"No.. I guess? Eh Pero kahit na! You used me without my permission. How could you!" namumulang banat ko pa.
"Sorry na Momo. Hindi ko kasi mapigilang i-drawing ka pag nakikita kita eh. Kaya ayun, Di na ko nakapagpaalam sayo. Sorry Ulit." sagot naman niya.
"I just can't believe you did something like this. It's unbelievable. Wala sigurong makakaalam na lalaki yung model dito unless na sinabi mo. I mean, this is all beautiful." namamangha sabi ko naman habang tumitingin tingin pa rin sa paligid.
"Thank you at na-appreciate mo." Mahina at nahihiyang sagot niya lang.
"S-syempre! Ako kaya yung model!"
Ang Ganda ko kaya! Wew
"Aya!" sigaw bigla ni Trisha sa likod namin. "Congrats nga pala sa first solo exhibit mo! Ang galing mo. Sobra!"
"Thank you Trisha! Salamat talaga sa pagpunta nyo at isinama niyo pa si Momo. Pati din sayo Red." sagot naman niya.
"Walang anuman yun. Congrats nga pala. Kakaiba 'tong mga gawa mo ah. Kapatid mo ba yung model dyan? Ang ganda eh!" sabi naman ni Red.
"Kyaaah! Talaga Red? Maganda!?" irit ko naman sabay ngiti ng malaki sakaniya.
"Oo. Pero mas maganda pa rin si Aya, diba?" sagot naman niya sabay hawak dun sa ulo ni Aya.
"Tse! What a Bias." nagiinarteng sagot ko naman.
"Alam mo, kung lalake ka lang siguro Aya.. Iisipin kong isang malaking Love Confession 'tong exhibit mo. Iba eh! Andito yung feels." comment naman ni Trisha.
"Oo nga noh. Siguro gustong gusto mo yung model mo noh? Grabe." sabat naman ni Red habang nakatingin sa mga paintings ulit.
"Gustong gusto ba kamo?" at napatingin at napangiti lang si Aya sakin.
Kumabog na naman yung puso ko ng malakas kaya di ko naiwasan ang mamula at umiwas ng tingin.
"Ehh Hindi pwedeng maging Yuri si Aya kasi meron na syang Momo eh." asar naman ni Trisha.
"Ewww." comment ko naman kaagad at natawa naman silang lahat.
Madaming natuwa at bumati kay Aya. Tsaka marami ding bumilib kasi 2nd year palang sya pero nakapag solo exhibit na sya. Kaya siguro ang putla nitong babae na 'to. Ilang araw niya sigurong pinaghandaan 'to. Natutulog pa kaya sya? Woh Momo! Kailan ka pa nagkaroon ng care para sakaniya? Unbelievable!
"Saan ka nga pala umuuwi Aya? Gusto mo sabay ka na lang samin." aya naman ni Red sakaniya.
"Ah okay lang ba? Taga Batangas pa ako eh. Kaya hanggang buendia na lang siguro."
"Ganun kalayo?" napairit ko agad.
"Oo bakit?"
"Masyadong delikado! Gabing gabi na oh! Wala ka bang sundo?" tanong ko naman.
"Ahh. Wala eh." sagot naman niya.
"Oo nga Aya, Masyadong malayo. Tsaka delikado. Ah! Alam ko na! Kanila Momo ka na lang matulog ngayon!"
"HA?" napasigaw ko naman agad. "Ba't sakin!?"
"Kanila Momo? Okay lang ba?" tanong naman niya sakin.
"You're supposed to refuse idiot! At tsaka hindi pwede!"
"Hindi daw pala pwede eh." sabi naman ni Aya habang nakatingin kay Trisha na akala mo nagpapaawa sya.
"You dumbass!" sigaw niya sabay suntok sa tyan ko. "Hahayaan mo na lang bang umuwi ang isang magandang babaeng tulad ni Aya ng mag-isa at ganto pang alanging oras?!? You dumbshit!"
"Oo nga. Di bale Aya, Kung ayaw ni Momo edi samin ka na lang matulog." sagot naman ni Red habang nakangiti kay Aya.
What!? Si Aya matutulog kanila Red? Hell no. Asa pa.
"Okay fine. Dun ka na matulog samin. Happy?" sagot ko naman kaagad.
"Ehhh? Really!?"
"Oo nga sabi! Kulit."
"Yaaayyy!!" at napangiti siya ng malaki sa sobrang tuwa.
Napatingin ako kanila Trisha at Red na sabay namang nag-smirk sakin. Kaasar! Planado nila lahat 'to eh! Epal!
****
"Isa lang ang kwarto ng unit ko kaya pwede ka dun sa sofa na lang matulog." mataray na sabi ko agad kay Aya pagkadating namin sa bahay.
"Mag-isa ka lang ba dito?" tanong niya agad.
"Oo. Nasa ibang bansa na kasi nakatira lahat ng pamilya ko at ako na lang yung naiwan dito kaya ayun, Solo ko yung lugar." sagot ko naman habang binubuksan yung mga ilaw.
"Wow. So Cool." tapos dumiretso sya agad dun sa may balcony. "Ang Ganda ng View!"
"Hoy ingat baka mahulog ka dyan ha!" saway ko naman.
"Opo. Pero grabe, Kahit na isa lang yung room ang lawak pa rin." ani Aya habang namamangha pa rin sa mga nakikita niya.
"Inayos ko kasi talaga sya para may space ako sa paggawa ng mga plates." Paliwanag ko naman.
"Ohhh.. So Cool."
"Hoy Alleluia, Baka nagkakalimutan tayo." Putol ko bigla sakaniya.
"Ano yun?"
"Ginawa mo kong model mo ng pahintulot kaya kailangan may makuha akong kapalit." sabi ko ng seryoso.
"Okay? Kailangan ko bang bayaran ka ng Pera? o ng Katawan?" natatawang tanong naman niya.
"Baliw!" sabay bato ko ng sofa pillow sakaniya. "As if interasado ako sa katawan mo. Assumerang 'to."
"Ehhh. Namumula si Momo!" pang-aasar naman niya.
"Shut up! Back to the topic. Right now, Kailangan ko rin ng model. So tutal ginamit mo ako ng walang paalam eh Kukunin naman kita. Gets mo?"
"Gagawin mo kong model mo?" di makapaniwalang tanong niya.
"Paulit ulit? Kakasabi ko lang diba?" medyo nahihiyang sagot ko naman.
"Pero kung gagawin mo kong model, Pwede ba kitang gawing model? Officially?"
"Uhm.. Okay lang. Pwede rin." Pagsang-ayon ko naman.
"Oh my gosh! I'm so happy." at bigla syang napayakap sa tuwa sakin. "Okay lang sakin lahat ng ipagawa mo. Basta ikaw na ang model ko ha?"
"Ahh. O-okay." awkward na sagot ko lang habang namumula.
"I'm so Happy! Thank you!" sabay yakap pa niya ulit ng mahigpit.
"Oh Tama na. Makayakap ka wagas ah." sabad ko naman sakaniya.
"Hehe. Sorry." tapos bumitaw na sya sa pagkakayakap niya.
Mga 12 na kami nakatulog dahil sa kadaldalan nitong si Aya. Actually hindi nga ako masyadong nakatulog lalo pa't naiisip ko na andyan lang sya sa sofa at mahimbing na natutulog. Hindi lang siguro ako sanay na may close akong babae bukod kay Trisha.
Sa totoo lang din, nitong nagdaang araw alam ko na hindi na ako tulad ng dati. Alam ko sa sarili ko na puso at isip lalake na ulit ako. Well, hindi naman talaga nawala yun. At sakin lang ngayon eh hindi ko pa rin matanggap na nagbabago ako dahil lang sa isang babaeng stalker at baliw na tulad niya. Medyo kuntento na ako sa kung ano kami ngayon. Masaya akong makasama sya at magiging masaya siguro yun kung permanente na syang nasa tabi ko. Pero kailan ako aamin? Kung kailan huli na nga ba ang lahat?
Hindi ko alam. Basta sana hindi sya mawala. Ang weird man pakinggan eh parang hindi ko na makita yung buhay ko na walang maingay sa tabi ko. I can't imagine a life without a girl like Alleluia.
Comentarios