IICSYA - Chapter Two
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 8 min read
Updated: Aug 21, 2021
Isang linggo na ang nakalilipas simula nung nakilala ko si Alleluia o Aya for short. Medyo ginulo lang naman niya yung tahimik na buhay ko. Imaginin nyo, sa bawat pagkakataon na makita niya ako eh isisigaw niya kaagad yung pangalan ko ng sobrang lakas na akala mo close na close na talaga kaming dalawa. Ang ingay ingay niya! Akala mo naka-drugs sa taas ng energy. Pero medyo nasasanay na rin naman ako. Medyo hindi ko lang kayang matiis eh yung maiingay na classmates ko na wagas kung makapang-asar samin. Anu ba yan!
"So, Meron na naman tayong shoot this Saturday. And! Gothic Doll yung theme natin. Meron ba kayong kakilala na magandang ipang-model sa ganto?" tanong ng leader namin sa group sa Photography.
"Hmmm." tapos lahat sila napatingin sakin.
"What? Hoy bawal classmates diba? Tsaka sawang sawa na kong maging model nyo. Wag ako!" sagot ko naman kaagad.
"Tungaw hindi ikaw! Assumero ka naman bakla!" sabat naman agad ni Trisha sabay hampas sakin.
"Kung hindi ako, Edi sino pala?" sabay taas ko ng kilay sakanila.
Sa di malamang dahilan eh bigla na lang sila nag-ngitian na akala mo may pinaplano silang masama lahat. Wait. Gothic Doll ba kamo? You mean, Model na mukhang manika na merong itim na buhok yun right? Aw. Crap. Mukhang alam ko na ata..
"No! Hell no! Wag na sya please! Alam ko ng pinaplano nyo at sinasabi ko sa inyong Hindi!" sagot ko naman kaagad.
"Sige na Momo. Wala na tayong mahahanap na model na perfect sa theme na 'to! Para din 'to sa grades natin. Palibhasa kasi magaling ka na eh. Paano naman kami?" sagot naman nung isa kong classmate.
"Oo nga Momo! Paano naman kami?!" sulsol naman ng lahat.
"Ay bwisit! Eh ba't ako? Ba't hindi na lang kayo ang kumausap?" tanong ko naman.
"Malakas ka dun eh! Hindi hihindi yun kapag ikaw yung kumausap." sagot naman ng isa.
"Ano ba yan. Ililibre nyo ko ha!"
"Oo! Kahit anong gusto mo!" paninigurado naman nila.
"Okay. Zarks sa sabado."
"Sure!"
Anu ba yan. Hindi ko aakalaing ibebenta ako ng mga kaklase ko para lang sa grades. Kainis! Ang dami naman nilang model na kilala ba't kaya itong si Aya pa ang gusto nila? Gusto lang talaga nilang mang-asar eh! Kabanas.
Bwisit na yan. Actually 4th year na kami at last year pa sana natapos 'tong photography class namin. Pero since mahal kami ng prof namin eh wala, gusto niya daw magpa-last photo shoot para samin. Kaya ito, required kaming sumali lahat.
"Hoy Babae!" sigaw ko nung makita ko ulit si Aya sa LRT.
"Tama ba 'tong nakikita ko? Tinatawag mo nga ba ako Momo?" masiglang sagot naman niya kaagad.
"Oo. Kaya please wag ka ng mag-inarte dyan okay?" sagot ko naman sabay lapit sakaniya.
"Ang cold mo talaga~~" sabay nguso niya.
"May klase ka ba sa sabado?" tanong ko.
"Meron. Omo! Niyayaya mo ba ako–?"
"Hell no! Assumera. Tinatanong ko kung may klase ka sa sabado kasi kailangan namin ng model sa photography. Ikaw yung gusto nung mga classmates ko kaya kung okay lang sayo pwede ka bang maging model?" tanong ko sakaniya.
"Ehh. Yung mga classmates mo lang yung gusto ako? Eh paano ikaw? Baka napipilitan ka lang sakin ha?"
"Eh wala ng choice eh–!"
"Alam ko naman na marami ka pang ibang choice. So sila na lang yung alukin mo.." paawa na sagot naman niya. Ano ba yan! Kainis ba't ba ang pabebe ng mga babae?!
"Okay fine. Gusto na rin kita. Masaya ka na?" irit ko.
"Gusto mo na ako?!" at napatakip siya ng bibig sa gulat. Crap–! At napahampas na lang ako ng kamay ko sa mukha.
"Na maging model, Oo." sabat ko kaagad. Akala mo Alleluia ha!
"Ehh. Pero kailangang may kapalit." sagot pa niya sabay ngisi ng malaki sakin. Ang demanding naman nito!
"Don't worry, babayaran ka naman namin eh." sagot ko naman. Umiling lang sya at ngumiti sakin.
"Hindi ko kailangan ng bayad. Gusto ko galing sayo." sagot niya.
"Ha? Ba't naman sakin pa?!"
"Please Momo??" pa-cute na sabi ni Aya. Oh Crap. Ang cute nung eyes niya. Oh shit! Ano ba 'tong sinasabi ko?!
"Okay fine. After ng photo shoot, kung papayag kang maging model namin. Ibibigay ko sayo yung number ko and hahayaan na kitang ligawan ako. Happy?"
"Really!? Oh my gosh! Okay fine! Magiging model nyo na ako." masayang sagot naman niya.
"Thank you." at napabuntong hininga na lang ako.
Bwisit talaga oh. Ano ba 'tong pinasok ko. Kainis. Yari talaga kayong lahat sakin. Screw Photography! Screw my classmates! Screw you all!
****
Kinagabihan. Bigla na lang dumalaw si Trisha sa unit kung san ako mag-isang nakatira. Syempre bilang kaibigan eh di pwedeng wala syang dalang pasalubong.
"So? Ano na? Pumayag ba sya?" tanong niya agad pagkatapos niyang ibaba ang dala niyang krispy kreme sa mesa saka sumalampak dun sa sofa.
"Damn it! Oo pero sobrang demanding! Kaloka!" sumbong ko naman kaagad.
"Paanong demanding?" natatawang tanong naman niya.
"Paano ba naman, sakin lang sya humihingi ng kapalit para sa pagiging model! The fuck diba?! Ba't sakin lang?"
"Aba malamang sayo lang naman sya may gusto eh!"
"Yan! Tuloy! Nang dahil sa inyo–!"
"Anong meron samin? Aminin mo, may nangyari noh?" asar pa niya.
"Wala! Kaasar. Nang dahil sa inyo, kailangan ko tuloy ibigay yung number ko sakaniya!" at napatakip na lang ako ng unan sa sobrang pagkairita.
"HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga Momo! Para kang babae! Alam mo, kung normal na lalake pa yan eh baka matagal na nilang kinuha yung number ni Alleluia at baka niligawan pa! Tapos ikaw, simpleng cellphone number lang nahihiya ka pang ibigay? What The heck!" natatawang sabi niya.
"Hindi ka nakakatawa Trisha ha!" sabay bato ko nung sofa pillow sakaniya.
"Pero seriously, Ano namang masama dun ha?"
"Ewan. Eh ayoko nga sakaniya eh!"
"Sus. Gusto mo na sya. Deny ka pa!" sabay ngisi niya ng malaki.
"Ewww. Naiintindihan mo ba yung sinasabi mo? The hell! Di ko sya gusto okay?! Like Eww.." irit ko.
"Gusto mo na sya. Hindi mo pa nga lang nare-realize ngayon kasi masyado ka pang confused."
"I'm gay and I'm not confused! Damn it!"
"No. You're not Gay. Yes, nagka-boyfriend ka noon. Pero I know somewhere deep inside you're still a guy. So technically, Hindi ka na Gay ngayon. Bisexual ka na lang."
"NO!" sigaw ko sakaniya.
"Oh shut up Momo! Grow up! Sana lang di pa too late ang lahat kapag natauhan ka na." at naparolyo lang ng mata sakin si Trisha.
"Nyee nyee, Ewan ko sayo." At inirapan ko naman siya pabalik.
Naiinis talaga ako sa mga taong nangunguna. Hindi ko gusto si Alleluia at mas lalong hindi ako confused!
***
Saturday na ngayon at araw na ng Last shoot para sa photography. Buti na lang at wala ng pasok si Aya sa hapon at wala kaming magiging problema sa pagmo-model niya. Binihisan agad namin siya at inayusan. Pero syempre mga babae lang yung nag-aayos sakaniya. Ayoko ngang lumapit. Baka kiligin na naman yun at mag-ingay eh. Masstress na naman ako sa mga pang-aasar nila.
Maya maya eh kami na yung group yung na magsho-shoot. Tinawag na namin sila at medyo nagulat ang lahat nung lumabas na si Aya. Nakasuot sya ng Black Frilly at ma- Lacy na Dress. Yung pang Gothic Lolita kung baga. Tapos nakalugay ang kulot niyang buhok na merong Ribbon sa taas. Bukod pa dun bumagay din yung make up niya at lalo na yung doll eyes na contact lense na pinasuot sakaniya. Para bang manika na talaga sya kung di lang siguro sya gagalaw o magsasalita.
"Ang cool mo Alleluia! Ang ganda mo!" sabi ng mga tao sakaniya.
"Ah, Marami pong salamat." at ngumiti lang si Aya sakanila.
Shoot na namin at pinaupo lang namin si Aya sa gitna kasi Portrait lang naman yung kukunan eh. Nasa akin yung Trigger nung lights kaya ako yung nasa gitna at dahil ako yung mas sanay eh ako din yung naguutos ng pose niya.
"Uhm.. Di ko talaga alam yung gagawin eh." nahihiyang sabi niya habang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya ngayon.
"Aya." seryosong tawag ko.
"Yes Momo?" sagot naman niya sabay tingin sakin.
"Paki tilt yung ulo mo ng konti please. Wag ngingiti. Dapat yung inosente tignan. Ah no, yung parang may sasabihin ka pero mata mo lang yung nagsasalita."
"Ehhh. Pero—"
"Think of this like you're a prisoner and you're asking someone to help you to escape but you can't speak. Show us how to beg for help with only using your eyes." sabi ko.
"Uhm.. I'll try."
"And please.. Sakin ka lang tumingin." sabi ko pa sakaniya.
"Okay." saka na niya sinunod yung inutos ko.
Aamin ako this time. Habang ginagawa namin yung shoot eh para bang may kakaiba akong naramdaman habang nakatingin kay Aya. Nagseryoso ako kasi syempre I take Photography seriously, Pero iba talaga eh. Para bang kaming dalawa yung nasa kwarto and I feel Inspired and Motivated na para bang excited at nag-enjoy din ako na maging model sya.
"Okay! Pack up na tayo! Thank you for the good work!" sigaw nung Prof namin after nung shoot.
"Tutulungan lang namin magbihis si Alleluia." sabi nila Trisha sabay hila kay Aya palabas.
"Momo. Patingin nga ako ng mga shots mo." sabi ni Sir sakin.
"Okay po sir." tapos binigay ko na sakaniya yung camera ko at isa isa niyang tinignan.
"Hmm.." sabi bigla ni Sir.
"Bakit po sir?" tanong ko naman.
Napangiti sya bigla sakin at tinapik ako sa Balikat.
"Tama nga ako. I see the way you work earlier and I think, You've already found your muse." proud na sagot niya sakin.
"Muse? I don't get it sir." natatawang sagot ko naman.
"I can't explain it well, Momo. Pero look at your shots. Everything is perfect. It's like you're really enjoying your time with your model. Gets mo?"
"Hindi po sir. Naguguluhan pa rin po ako." sagot ko naman sakaniya.
" Basta, Malalaman mo yan pag nag-shoot ka ng ibang model. Malalaman mo rin yung ibig sabihin ng Muse. Basta, I'm happy for you Momo." tapos umalis na sya at tumingin ng ibang shots sa mga classmates ko.
"Okay..?"
Weird. Hindi ko talaga maintindihan si Sir. Ano kayang ibig sabihin niya dun?
"Onga pala. Magza-Zarks tayo ngayon diba?" sabi ko bigla.
"Ha? Sino may sabi?" sagot naman ni Red na kunwari wala syang alam.
"Kingina nyo! Kayo nagsabing Ililibre nyo kong Zarks. Mga Hayup!" sigaw ko naman kaagad sabay hampas sakaniya.
"Joke lang Momo! Ikaw naman. Wait ka lang may hinihintay pa kami." sagot niya.
"Sino? Ikaw Red ha! Pinagpapalit mo na naman ako ha!"
"Shut up. Oh ayan na pala sila eh."
"Sorry kung hindi ko nabura masyado yung make up mo ha?" rinig kong sabi ni Trisha kay Aya.
"Ah Ayos lang po. Salamat sa pagtulong." nakangiting sagot naman ni Aya sakaniya.
"What the Eff! Don't tell me kasama sya!?" napasigaw ko agad.
"Eh Ano? Kami naman ang nag-aya ah!" sagot naman ni Trisha.
"Hi Alleluia. Ako nga pala si Red. Kaibigan din ako ni Momo." pakilala bigla ni Red sakaniya kinuha niya ang kamay ni Aya at nakipagkamay.
"Ah Hi Po. Please, Tawagin nyo na lang po akong Aya."
"Ah Sige Aya."
Anu ba yan. Akala ko pa naman ako lang yung tumatawag sakaniyang Aya. Oh shit! Ano na naman ba tong pinagsasabi ko?! Tutal no choice na ako eh hinayaan ko ng isama nila si Aya sa Zarks at kumain kaming Apat. Medyo hindi ako nakakain ng maayos kasi kaharap ko siya. Alam mo yung feeling na laging may nakatingin sayo! Shit lang. Naco-concious na ko. Fuck!
"Kailangan ko nga palang bumili ng canvas. Tara sa Deovir?" aya bigla ni Trisha.
"Oks. Bibili rin pala ako ng Acrylic." sagot naman ni Red.
Bumaba kami sa 1st floor ng SM para samahan si Trisha. Kaya lang Crowded na sa loob kaya naiwan na lang kami ni Aya na naghihintay sa labas.
"Ang daming tao.." sabi niya bigla pero nakatingin naman sakin.
"Ahh. Oo nga.." awkward at syempre medyo umiiwas na sagot ko naman.
Ano ba yan! Di ba sya aawat sa pagtitig sakin?
"Ano Aya.." sabi ko bigla.
"Bakit?" masayang tanong naman niya.
"Bakit ba lagi kang nakatingin sakin?" curious na tanong ko sakaniya.
"Hehe. Nakakailang ba? Sorry ha. Pero alam mo.." tapos napangiti lang sya. "Gustong gusto ko kasi yung mukha mo eh. Yung Kilay mo. Yung ilong mo. Yung lips mo at syempre yung mga Mata mo. Para bang, Ang sarap nilang titigan palagi."
"What the—" at bigla akong napatakip ng mukha. Shit talaga. Ito na naman yung kaba na bigla kong nararamdaman. Ang lakas ng tibok ng puso ko! What the eff. Anong kalokohan ba 'tong nangyayari sakin!?
"Yo! Okay na, nakabili na kami." sabat bigla ni Trisha.
"O Anong nangyari sayo Momo? Ba't ang pula ng mukha mo?" tanong naman ni Red.
"Wala! Mainit lang." palusot ko naman.
"Mainit mo mukha mo eh kitang aircon dito." sagot naman niya.
"Shut up. Basta Mainit! Naiinitan ako." irit ko naman sabay lakad paalis.
That damn girl. Hindi ko alam na ganto kalala yung magiging epekto niya sakin. Ano ba yan. Naguumpisa na naman akong maguluhan.
Comments