top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Three

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 5 min read



Right. Ang pangalan ko ay Aleli. Isa akong Valentino na merong dalawang lalaking nakakababatang kapatid. Nag-aaral ako bilang isang Highschool student sa isang pribadong paaralan. At hanggang dun na lang yung naalala ko.


Bakit? Ano bang nangyari sakin na dahilan para wala akong maalala? Na dahilan para yung mga taong mahal ko eh bigla na lang umabante ng di ako kasama? Tumanda't iniwan ako sa malamig na kwarto na yun ng mag-isa. Hindi ko sila kilala. Hindi sila ang pamilya ko.


“SNOW WHITE!!” isang malakas na sigaw ang narinig ko sa kabilang bahagi ng kalsada. Napahinto ako't tumingin ng maigi. Kilala ko yung boses na yun. Boses yun ni..


“Dylan!” sigaw ko pabalik.


“Wait! Dyan ka lang! Pupuntahan kita!” sigaw nya sabay takbo patawid sakin.


Agad na bumigat yung mga mata't puso ko. Napayakap agad ako ng mahigpit sakanya habang walang tigil na tumutulo yung mga luha ko.


“Nag-alala ako ng makita kong tumatakbo ka palabas ng mansyon. Ano bang nangyari sayo?” nagaalalang tanong naman nya.


“Hindi ko sila kilala. Hindi sila yung pamilya ko! Hindi ko sila kilala!” nanginginig na sagot ko.


“Shss. Shss. Ayos lang yan. Mahahanap din natin ang pamilya mo.” marahang sinabi nya lang habang hinahaplos yung ulo ko.


“Take me.”


“Huh?”


“Please. Take me with you. Ayokong makita muna sila.” pagmamakaawa ko.


“Pero..”


“Please.. Help me.” Napabuntong hininga lang sya't ngumiti sakin.


“Walang problema. Pro-protektahan kita kaya wag kang mag-alala.”


“Kahit anong mangyari, Wag na wag mo kong ibibigay sakanila, Maliwanag?”


“Oo. Masusunod.”


“Salamat.”


****


Allen's POV



“Ano? Gising na sya!?” napasigaw agad ni Kuya Arthur sakin after kong sabihin sakanya ang lahat.


“Oo kuya. Pero tinakbuhan nya ako eh. Natakot ata sya.” malungkot at guilty na sagot ko naman.


“Eh asan na sya ngayon? Hinayaan mong makaalis? ” pasigaw na tanong niya ulit.


“Syempre hindi. Pinahabol ko agad sya sa mga guards. Pero kuya..” bumagsak ang mata ko sa sahig.


“Pero Ano?” naiiritang sagot na nya.


“Ayaw nyang maniwala.” mahina at malungkot na sabi ko.


Napatingin lang ng diretso si Kuya Arthur sakin sabay bigla itong lumungkot.


“Ako rin naman. Kung makakatulog ako ng matagal at makikita ko kayo bigla na matatanda na, Syempre matatakot din ako. Kaya kailangan natin syang maibalik dito para ipatindi sakanya na tayo pa rin ang pamilya nya. ” sagot lang ni Kuya sakin.


“Pero.. sure kang dun lang sya natakot? Wala ba syang ibang naalala?” tanong pa ni Kuya Arthur.


“Wala. Mukhang unstable pa din ang memories ni Ate.” ani ko.


“Mabuti. Kasi tsak na delikado kung maalala nya ito ng di tayo kasama.” aniya.


“Arthur, Allen. Nagiging maingay ata sa labas, Maari nyo bang sabihin sakin kung anong nangyayari?” tanong bigla ni Mama samin.


“Sorry Ma. But I think you need to know this.” direkta at seryosong sagot agad ni Kuya sakanya.


“Know what?” tanong naman ni Mama. Nagtinginan muna kami ni Kuya bago kami sumagot ng sabay.


“Gising na si Ate.”



Aleli's POV



“Would you mind telling me your real name? Para naman hindi na Snow White ang itawag ko sayo.” tanong bigla ni Dylan sakin habang naglalakad kami papunta sa isang Condominium.


“Snow white?” tanong ko agad sakaniya.


“Never mind that.” he blushed. “Name. I need your name.”


“Ako si Aleli. Alexandrina Lilian Valentino yung full name ko. Aleli for short.” sagot ko naman.


“If you want to live with me then kailangan mong ibahin ang pangalan mo.” sagot naman ni Dylan.


“Why?”


“Kasi. Ikaw na rin ang nagsabi, Ayaw mong makita ulit ang mga Valentino. Pero di mo na itatanong, sa panahon ngayon kilalang kilala ang pamilya nila. I mean niyo. Madaming magtatanong sayo pag nalaman nilang kaapelyido mo sila. Gets mo?”


Napatango lang ako. “Oo. Nakuha ko.”


“So. Bakit ayaw mo na silang makita? May nangyari ba?” natanong nya bigla. Tumango lang ako't napayuko habang pasakay kami sa isang elevator.


“Si Allen. Yung matandang Allen. Nakita nya ko tapos tinawag nya kong Ate..” bulong ko.


“Oh? Kapatid mo naman talaga sya diba? Eh anong problema?”


“Natakot ako. Hindi sya yung Allen na inaasahan ko. Sa pagkakaala ko, yung Allen na tinatawag akong ate eh isang bata pa lang. Yun yung Allen na makita pa lang ako eh yayakap na agad sa mga binti ko. Hindi yung ganun katangkad! ” irit ko. Napapikit ako’t hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman nito.


“Tapos sila Mama't Papa. Para sila yung mga magulang ko pero matanda na yung mga mukha nila. Naguguluhan ako at natatakot at the same time. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari sakin. Kaya ayokong makita muna sila.”


“So kaya mo gustong sumama sakin, Para kumalma? At makaalala?” tanong naman ni Dylan sakin.


“Oo. Parang ganun na nga.” tumango lang ako. Maya maya bumukas ang elevator at sumakay ang isang babae na may kulay green ang buhok. Napatitig ako sa buhok niya. Totoo ba ‘to? Wig ba yan?


“Well.” Dylan sighed. “You really need a New name then.”


“Like what?” tanong ko.


Napatingin sya sa cellphone nung babae na nasa unahan namin na busy sa pakikinig sa music. Nagulat ako sa cellphone nya. TA-TOUCH SCREEN!! Bat may ganun syang cellphone!? Uso na pala ngayon ang touch screen na cellphone? Anong next? Baka may mga portal o flying cars na rin dito ha?


But then, nagii-scroll lang sya at naghahanap ng kanta ng bigla nyang i-play yung DECORATOR ni Hatsune Miku.


“That's Right! Miku! Miku na lang yung name mo!” excited na sabi agad ni Dylan.


“Mi—Miku?”


“Wait. Kulang pa pala ng apelyido. Hmm. Let see.” napa-tilt yung ulo niya sa pagiisip. “Ah! Guiterrez. Pwede pwede.” tapos napa-grin sya.


“Miku Guiterrez na yung name mo okay? Hangga't di mo pa natatanggap yung sitwasyon mo, Miku muna ang pangalan mo. Maliwanag?” aniya.


“Okay. Ako na si Miku.” tango ko naman.


“Good. Let's go. Andito na tayo.” sabi niya.


Lumabas na kami sa may elevator at pumunta sa Room 578 ng bigla itong bumukas kaagad at sumalubong samin ang isang babae na may kulot at maikling buhok.


“You're late! Sinabi ko sa papa mo na wag kang pauwiin ng matagal tapos —” napatingin sya samin. “..Ah.”


“Sorry kung late akong umuwi Ma.” sabi nya sabay pasok agad sa loob ng unit. “Pasok ka Ale—este Miku. Tama, Miku.”


“Oh, Okay. ” nagbow muna ako dun sa mama nya bago ako pumasok sa loob.


“Miku? Sino 'to? Girlfriend mo?” tanong agad ng Mama ni Dylan sakanya.


“Yep. Girlfriend ko. She needs a place to stay kasi nag-vacation yung family nya sa Paris. I can't leave her alone so pinapunta ko sya dito.” sagot lang agad ni Dylan sabay upo sa sofa nila.


“Hindi ko alam na.. May Girfriend ka na pala. Kailan pa?” tanong pa nung mama nya ulit sakanya.


“Matagal na. And please wag ka ng magulat ma, nasa right age na po ako para magka-girlfriend.”


“Oh. I see.” Tapos napatingin lang ulit yung Mama nya sakin.


“Wow. Ang ganda mo palang bata! Natural bang puti yang buhok mo? Ang puti mo. Parang snow. Para kang si Snow white.” nasabi lang nung mama nya iniikot nya yung mata nya sakin.


So, Dahil pala sa balat at buhok ko kaya nya ko tinawag na Snow White nung una? Mag-ina nga talaga sila. Napangiti lang ako ng bahagya.


“Good evening po. Ako po si Ale.. Miku. Miku Guiterrez po. Sana po hindi ako nakakaabala sa inyo dito. Sorry po ulit tita.” magalang na sabi ko sakanya.


“Aww. You're so cute. Of course okay lang sakin. Stay whenever you want. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka okay?” ngiti niya.


“Maraming salamat po.” ani ko lang.


“Right! The room. Wait aayusin ko lang ang magiging kwarto mo okay?” sabi nung mama ni Dylan saka siya naglakad paalis.


“Salamat po ulit.” at Napaupo lang ako sa tabi ni Dylan na busy sa paggamit ng touch screen rin niyang cellphone.


“You had a great mom.” sabi ko sakanya habang nakatulala sa harap ng tv.


“Yeah I know. That's why I treasure her so much.” sagot naman niya pero sa cellphone pa rin ang tingin.


“Mmm. You really should.” I smiled bitterly. Napatingin lang bigla si Dylan sakin.


“So this is it.” ika niya.


“This is it?” tanong ko naman.


“Titira ka na sa ibang pamilya at magtatry to move forward right?”


“Move forward..” napangiti lang ako sabay tango. “Yep. I'll move forward. I need to move forward para makasabay ako sa pamilya ko.”


“And I'm willing to help.” he smiled.


“Thank you.” and I smiled back.


I'll move forward too. So next time na makita ko ulit sila, Hindi na ko matatakot na tanggapin kung ano yung totoong nangyayari sakin at sa buhay ko.




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page