Departure - Chapter Four
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Dylan's POV
Nagising ako dahil sa isang magandang boses na kumakanta na bumabalot sa buong bahay ko. Mahinhin at maliit lang ang boses nito. Yung boses na parang naririnig mo sa mga simbahan. Parang boses ng isang anghel. Bukod pa dun, yung kantang kinakanta nya ..
Amazing Grace? Ang ganda.
“Ah sorry, Nagising ba kita?” tanong nya agad pagkakita nya sakin. Nakaupo siya sa sahig sa tabi ng glass window namin kung saan tanaw mo ang lahat sa ibaba.
“Hindi naman. Uhm. Err. Ang ganda..” nahihiyang sabi ko.
“Ang ganda?”
“Yung boses mo. Ang ganda ng boses mo.” napakamot ako sa ulo ko habang sinasabi iyon.
“Ah Salamat.” tapos napangiti lang sya sakin pero malungkot.
“Si Mama nga pala?” tanong ko naman sakanya ng mapansin kong kami lang ata ang nag-iingay rito sa bahay.
“Umalis sya. Sabi nya gusto nyang mag-grocery para masarap daw yung alam natin mamaya.” sagot naman nya pero nakatingin pa rin sa labas.
“Ah. Wait. Anong oras na nga pala?” tanong ko naman agad.
Napatingin siya sa wall clock namin. “7? ”
Woh. Kinabahan ako. Akala ko 9 na. Naalala ko, may pasok pa nga pala ako.
“Ano. Aleli, este Miku. Kailangan kong pumasok ng mga 9 sa school. Okay lang ba kung maiwan ka muna dito?” sabi ko sakanya habang nag-aayos ako ng sarili ko.
“School?”
“Yep. College na ko actually.” ani ko.
“College? Talaga?” napaisip sya bigla at napatingin sa direksyon kung san tumatama yung sinag ng araw.
“Bakit?” tanong ko naman sakanya.
“Mmm.” Napailing lang sya sabay ngiti sakin. “Ayos lang sakin kung aalis ka. Ingat.”
“Hintayin mo na lang si Mama dito okay? At wag kang aalis ng bahay. Baka maligaw ka.” paalala ko.
Tumango lang sya sakin. Pero kahit na sumang-ayon sya sa sinabi ko, Parang di ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Bakit? Bakit pakiramdam ko hindi susunod si Aleli sa utos ko?
*****
Aleli's POV
Pag-alis ni Dylan sa bahay eh nag-ayos ako para umalis din. Madami akong gustong puntahan. Gusto kong hanapin yung dati naming bahay at umasang panaginip lang ang lahat.
Kaya naman nagmadali agad akong sumakay ng elevator at naglakad palabas. Inipit ko rin ng tirintas yung buhok ko dahil tsak agaw pansin yung puting buhok ngayon.
Asan na ba ako? Ganto na ba kadami ang tao at mga buildings sa panahon ngayon? Panahon? Ano na nga bang taon ngayon? Sa pagkakaalala ko 2007 pa lang ngayon kasi 16 years old pa lang ako. Eh ngayon kaya?
“Excuse. Pwede ba akong magtanong? ” tanong ko dun sa babae na naghihintay sa sakayan ng bus.
“Ano yun?”
“Ano po bang lugar 'to? Tsaka anong date po ba ngayon?” tanong ko.
“Nasa Ayala Ave. ka Miss. At February 25, 2016 na ngayon.” sagot naman nya sakin saka ito naglakad paalis.
“2016..” napaatras lang ako sabay lakad paalis.
2016? 9 years akong nawala? Natulog? O ewan. Ganun katagal? Kaya pala yung bunso kong kapatid na si Allen na sa pagkakatanda ko eh 9 years old pa lang eh ngayo'y 18 na. Tapos si Arthur na 12 years old ..21 na.
At ako.. ay dapat 25 na ngayon. Matanda at nasa tamang edad para magpakasal na. Pero anong nangyayari sakin? Bat nasa batang itsura pa rin yung katawan ko?
Kalma. Kumalma ka lang. Hindi magiging maganda kung magpa-panic attack ako sa gitna ng napakaraming tao. Ang dapat kong gawin ngayon ay hanapin ang bahay namin. Nasa Ayala Ave. ako tama? Makati 'to. Ano nga bang address namin?
Laguna. Sta. Rosa laguna, right? Ays. Ang layo nun dito. Wala akong dalang pera. Imposibleng makapunta ako dun ngayon. Napaupo lang ako sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Madami na palang nagbago sa loob ng syam na taon. Pero buti wala pang flying cars. I laughed bitterly.
Napatingin ako dun sa billboard. Teka—Si Allen ba 'to? Kelan pa sya naging sikat na model? Heh. Alam ko naman na may potensyal talaga yung kapatid kong sumikat. Pati si Arthur. Gaya nga ng laging sinasabi ni Mama, Mga gwapo at maganda ang mga anak nya.
Napangiti lang ako kahit na sa loob loob eh sobra na yung kalungkutang nararamdaman ko. Gusto kong makita si Mama. Mayakap at itanong sakanya ang lahat. Gusto ko ring makita si Papa, silang lahat. Pero mas gusto kong bumalik sa panahon kung san ako nararapat. Makaka-abante pa ba ako? Kung Oo, Pano?
“I knew it. I really knew it.” sabi ng isang boses sakin.
Napalingon ako sakanya at nakita si Dylan na nakapamulsa sa harap ko. Napa-iwas agad ako ng tingin at napa-buntong hininga.
“Sabi ko na eh. Di ka talaga susunod sakin basta basta. So, Ano namang mga nalaman mo?” tanong ni Dylan sakin na kahit galit sya eh ramdam mong nag-aalala lang sya.
“Madami. At hindi ko alam kung pano ipapaliwanag lahat sayo.” sagot ko naman sabay half smile lang.
“Umalis ka sa bahay kasi may gusto kang puntahan diba? Tell me. Sasamahan kita.” malumanay na sabi nya.
“Pero, pano yung klase mo?” tanong ko naman.
“Never mind that. May bukas pa naman eh. So, ano na?” nagtaas siya ng kilay.
“Laguna. Sa pagkakatanda ko, Dun kami nakatira.” ani ko lang habang nakatingin dun sa billboard kung san si Allen yung model.
“Laguna huh? Okay. Let's go.” hinawakan nya ang kamay ko't sumakay kaming dalawa sa Ford Everest na kotse niya.
Nakakagulat lang na may sarili palang kotse ‘tong si Dylan at sya pa mismo yung nagmaneho. Mga ilang oras din yung naging byahe namin. Naalala ko na nakatayo yung bahay namin sa isang Subdivision at nasa Blk. 22 lot 12. Isang sky blue na up and down at isang garahe. May puti at bakal na gate. Tama. Gayang gaya nito.
“Ito? Ito ang bahay nyo?” tanong ni Dylan sakin habang nakatingala siya’t pinagmamasdan ang bahay namin.
“Oo. I wonder kung may nakatira pa kaya dito?” tanong ko naman.
“Try nating itanong.” sabay pinindot nya yung doorbell ng bahay.
“Tao po! Tao po!” sigaw niya.
Malakas ang kabog ng puso ko habang nagdo-doorbell siya’t sumisigaw. Pero mas lalo akong kinabahan kasi wala man lang sumasagot. Teka—Walang sumasagot? Baka umalis?
“Mukhang wala nang nakatira dito ah. Look, walang laman yung bahay oh.” sabi ni Dylan habang sinisilip yung loob ng bahay.
“Gusto kong pumasok. Pwede kaya yun?” tanong ko naman habang nagpapa-ikot ikot yung tingin ko sa paligid.
“Huh? Pano eh wala tayong susi.”
“Dun oh.” sabay turo ko sa may puno sa likod ng bahay. “Try nating umakyat dun para makatawid sa bakod.”
“Ehh?! Seryoso ka!?” gulat na tanong lang ni Dylan sakin.
“Mukha ba akong nagbibiro? Tara.”
Una akong umakyat tapos tumawid dun sa may bakod. Tama nga si Dylan, wala ngang nakatira dito. Di ko tuloy maisip kung ano kayang nangyari dito sa loob ng syam na taon.
“Ang creepy ng bahay nyo ha.” sabi lang ni Dylan pagkapasok nya sa loob. Natahimik lang ako kasi nararamdaman ko rin na ang creepy na nga talaga ng bahay ko, but still hindi ko pinansin yun
“Tara sa taas.” sabi ko lang saka nagpatuloy maglakad paitaas.
Weird. Kahit na wala ng mga gamit dito, Nararamdaman ko pa din yung presensya ng pamilya ko dito. Ang kwarto nila Mama't papa na madalas naming pinagtataguan nila Arthur. Yung kwarto nila Allen na puno ng mga panlalaking gamit. At yung kwarto ko..
“Kwarto mo?” tanong ni Dylan habang nakaturo sa pinto na may nakasabit na puso at may pangalan na kasama.
“Oo.” maikling sagot ko lang habang ginagala yung mga mata ko sa paligid. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan at pumasok sa loob.
Naalala ko pa, sikat sina Hannah Montana, Demi Lovato at Selena Gomez ng mga panahon na yun kaya tanda ko na puno ng mga poster nila yung kwarto ko. Tapos sa kanang bahagi naman ng kwarto ko eh puno ng mga english romance novels at mga CD’s ng music at kung anong anime.
Pero bigla na lang nanlamig yung pakiramdam ko. Tama. Hindi lang 'to mismo yung kwarto ko. May something pa dito na hindi ko lang maalala.
Isang kahindik-hindik na tawa ng isang papalapit na lalake. Umiiyak na babaeng nagmamakaawa. At tunog ng isang nabarag na salamin.
Bintana?
Napaupo ako’t napa-hawak sa tainga ko habang walang tigil sa panginginig dahil sa kaba at takot.
“Aleli! Ayos ka lang?” tanong agad ni Dylan sakin habang inaakay ako.
“Hindi ko gusto yung nararamdaman ko dito. Umuwi na tayo please.” nangangatog na sagot ko lang sakanya.
“Okay. Tara na.” saka niya ako inakay pababa at palabas ng bahay.
Sumakit bigla yung ulo ko. Ano nga kayang nangyari dito? Hindi kaya may kaugnayan yun sa pagkatulog ko ng matagal? Ano nga kayang nangyari sakin? Gusto ko malaman lahat. Pero di ko alam kung handa na ba talaga ako.
Comments