top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Seven

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 22, 2021
  • 4 min read

Updated: Aug 24, 2021


“Aleli.” tawag ni Dylan bigla sakin habang nasa mesa sya't gumagamit ng laptop?


“Ano yun?” tanong ko naman.


“Chinat ako ni Sir Micah.” sagot nya.


“Chinat?”


“I mean. Message. Chat? Ganun. Basta!”


“Oh ano namang sabi nya?”


“Dalhin daw ulit kita sa school bukas. Makikipagusap daw sya sayo.”


Napatigil ako bigla dun sa sinabi nya. Makikipagusap? Sino? Si Micah? Sakin? Kaya ko na ba? Di ko alam kung pano ipapaliwanag sakanya lahat. Pero baka may alam din si Micah kung bakit ako nakatulog ng matagal. Baka alam nya din kung nasan si Caleb.


“Okay.” maikling sagot ko lang sabay thumbs up sakanya.


“Okay? As in Yung Okay na Oo?”


“Yep.” sagot ko sabay tango.


“Sure ka?”


“Sure na sure.”


“Okay.” tapos bigla syang nag-type ulit dun sa laptop nya.


Medyo na-excite ako kahit papano. Syempre, namiss ko rin si Micah eh. At thank god, Hindi nya pa ako nakakalimutan.


****


Kinabukasan, pinaghintay lang ako ni Dylan dun sa may chapel ng campus. Hintayin ko lang daw si Micah dun at mauuna na daw sya kasi may klase pa sya. Kaya ayun, naiwan na naman akong nag-iisa. Maya maya dumating na rin sya. Ang mature version ni Micah Costello.


“Hi.” bati ko.


“Hello.” awkward na bati naman nya sabay upo sa tabi ko.


“So? Ano ng paguusapan natin?” he asked me.


“Madami sana akong itatanong. Kung okay lang?” sabi nya.


“Sure. Sige lang.” sagot ko naman sabay ngiti sakanya.


“First. Ikaw ba talaga si Aleli? Si Aleli Valentino?” tanong nya.


“You mean si Alexandrina Lilian Valentino?” natawa ako bigla. “Oo. Ako nga yun.”


Napangiti lang din si Micah sakin.


“Buti naman. Akala ko joke lang yung kahapon eh.” napaubo sya. “Pero.. Girlfriend ka ba talaga ni Dylan?”


“Hindi. Pero sya yung gumising sakin.” sagot ko naman.


“Gumising? Panong gumising? Alam mo na ba ang alam naming lahat eh patay ka na. At tsaka, yung itsura mo. Parang walang pinagbago.”


“Actually wala akong alam. Ni hindi ko nga maalala yung last na nangyari sakin bago ako makatulog ng matagal. Isang araw, nakita ko na lang yung sarili ko na nakalagay sa isang glass coffin at si Dylan na mukhang gumising sakin.”


“Hindi mo talaga maalala yung nangyari sayo?” tanong nya bigla ng seryoso.


“Oo.” napakunot bigla yung noo ko sakanya. “Wait. May nangyari talaga sakin?” Nanigas bigla yung katawan nya't napa-iwas ng tingin sakin.


“Uy Micah, Sabihin mo.. may nangyari talaga sakin noh? Kaya ako comatose ng 9 years. May dahilan dapat sa lahat ng yun. At alam mo yun diba?”


“Tingin ko Aleli, wala akong karapatan na sabihin sayo ang lahat. Tinago ka ng pamilya mo at sinabing patay ka na. Baka sila ang may dahilan. Baka pinoprotektahan ka nila. Bakit nga pala di mo kasama sila Arthur ngayon?”


Napayuko lang ako't napakagat labi. “Hindi ko rin alam. Lumayas kasi ata ako? Hehe.” I smiled sheepishly.


“Lumayas? At kanino ka nakatira ngayon, kala Dylan? Bakit?!”


“Nung nakita ko sila, na syempre iba na at nakatira sa malaking bahay hindi ko naman maalala. Namumuhay at nakikihalubilo sa mga taong di ko naman kilala, Parang hindi ko alam kung san lulugar. Like family pa rin nila ako pero di na ako belong.” paliwanag ko.


“Kung sa bagay. Bigla nga palang swinerte yung pamilya mo. Nagulat na lang din ako nung nalaman kong ganun na pala sila kasuccessful. Pero syempre, ng wala ka.”


“Nang wala ako.” napa-sad smile lang ulit ako.


“Aleli.” tawag bigla ni Micah.


“Yes Micah?”


“I think you should live with me. I think that you should not bother Dylan because he's not a part of this from the start.” sabi bigla ni Micah.


“ But I don't want to bother you as well.” sagot ko naman.


“I don't really mind though, Besides ikaw lang naman ang tinuring kong Girl Bestfriend since Highschool so I really want to help you too.” sagot naman nya.


“I'm not sure.”


“Please think of it.” tapos tumayo na sya.


“Wait! Si Caleb? Alam mo ba kung nasan sya ngayon?” tanong ko naman bago pa sya umalis.


“Caleb? He's on london right now. Dun na sya nakatira since college.” sagot naman nya.


“Oh. Magkakalayo na pala kayo lahat. Maganda sana kung magkakaroon tayo ng reunion right?”


“I don't think it's good for you to see him. You see Aleli..” sumeryoso bigla yung tingin nya sakin. “Caleb is already Engaged.”


“..Engaged?”


“Yep. Binalita nya samin last month. Sorry.”


“Oh.” hindi ko alam kung anong irereaksyon ko pero sinubukan ko pa ring ngumiti. “.. Ayos lang.”


“About dun sa pagtira, Pagisipan mong maigi okay?”


“Mmm.” I nod.


“Una na ko. May klase pa ko. See you next time.”


“See you next time.” nagwave lang ako bago sya tuluyang umalis.


Pfft. Di ko alam kung bakit bigla akong natawa. Pero di ko rin alam kung bakit tumutulo na naman yung luha ko. Nababaliw na ata ako. Iyak tawa? Kakaibang talent 'to Aleli. Pwede ka ng mag-artista.


But still, maging artista man ako o kung ano pa man, di pa rin mababago yung katotohanang Engaged na si Caleb. Nakakatawa. Iniisip ko kasi na kung nagising lang sana ako ng mas maaga baka siguro naagapan ko pa. Na baka pag nalaman nyang gising na ako eh bumalik ulit sya sakin. Nababaliw na ako, Hindi nya nga pala alam na buhay pa ako.


Gusto ko syang maging masaya. Kasi deserve naman nya talaga yun eh. Mabait na tao si Caleb at kahit kailan di sya gumawa ng dahilan para saktan ako. Pero iniisip ko rin, Kung deserving syang maging masaya .. Pwes, pano naman ako? Hindi ba ako deserving sa lahat? Hindi ba pwedeng ako naman yung maging masaya?


Nakakainis. Ngayon ko lang na-realize na napaka-unfair ng buhay. Yung tipong kapalit ng pagka-survive mo eh kukunin naman sayo yung mga taong mahal mo.


Pakiramdam ko tuloy wala na kong lugar dito sa mundo. Wala na kong babalikan. Wala na yung mga taong dapat kasama ko sana hanggang ngayon. Eh bakit pa nga ako nabuhay? Bakit pa nga ba, kung ganto lang din naman yung mangyayari sakin.


Nakakatawa talaga. It's like ako pa mismo yung pinaparusahan na alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanang ginawa. Sana pala, hindi na lang ako nagising pa.


Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page