Departure - Chapter Five
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 4 min read
“Hays! Saan ba kayo galing na dalawa? Kanina pa ko tumatawag at nagtetext ah?” tanong agad ni Tita pagdating namin sa bahay.
“Easy ka lang ma, galing lang kaming school. Tsaka lowbat na ko. Di ko nadala yung powerbank ko.” sagot naman ni Dylan sakanya.
“Right. School. Oo nga pala Miku, ano nga palang course mo?” tanong ni Tita sakin.
“Course?” sabay napatingin lang ako kay Dylan. Anong isasagot ko?
“Ahh. Pre-med. Tama. Magdo-Doctor po pala ako.” sagot ko lang sabay ngiti.
“That's great. Hindi ba malayo ang building nyo sa Engineering Department nila Dylan?”
Malay ko. Hindi ko naman alam eh. Pero napatingin lang ako kay
Dylan at sumenyas lang sya ng 'hindi'.
“H-Hindi po. Ayos lang po.” sagot ko na lang.
“Oo nga pala, kahapon mo pa suot yang puting damit mo ah. Tignan mo ang dumi na. Gusto mo bang maligo muna at magpalit ng damit?”
“Ah naalala ko. Wala pala syang nadalang damit Ma.” sabat naman ni Dylan.
“Ganun ba. Ganto na lang, manghiram ka na lang muna sakin okay? Tapos bukas mag-shopping na lang tayo. Okay?” sabay ngiti niya at kindat sakin.
“Okay po.” napangiti lang ako pabalik sakaniya.
After kumain eh naligo muna ako't nagpalit sa isang t-shirt at maikling short na medyo hindi ako sanay. Pero ayos na din 'to kesa naman wala akong masuot.
“School.” napabulong ko bigla.
“Oh? Anong meron?” tanong naman ni Dylan.
“Gusto ko sanang sumama sayo sa School mo.” sagot ko naman.
“Ha?? Ewan. Di ko alam kung pwede.. Madaming tao dun.” namoblema siya bigla.
“Please?” pagmamakaawa ko.
Napa-buntong hininga lang siya’t tinignan ako ng diretso sa mata. “Okay. I Get it. Bukas after nyong mamili ni Mama, isasama kita sa school ko. Okay na ba yun?”
“Yehey. Salamat.” masayang sagot ko naman.
***
Arthur's POV
Isang araw ng nakakalipas pero wala pa ring balita kay Ate Aleli. Asan na kaya sya? Hindi pwedeng hindi namin sya mahanap. Delikado pa rin ang mundong 'to para sakanya lalo pa't mag-isa lang sya. San sya pupunta? Pano sya mabubuhay? Tsak akong nalulungkot at naguguluhan na si Ate ngayon.
“Well? May balita na ba kay Aleli?” tanong ni Papa sakin.
“Wala pa po. Sorry Pa.” sagot ko lang.
“Hindi magandang nasa labas ang ate nyo ngayon. Anong malay natin, baka maulit na naman yung nangyari sakanya!” galit na sigaw naman nya.
“Huminahon ka mahal, Kung asan man si Aleli ngayon tsak akong nasa mabuting lagay lang sya. Pero.. ang magising sya sa gantong panahon. Hindi ba isa itong milagro?” sabi naman ni Mama.
“Tama. Hindi ko akalain na, magigising si Ate ganung pagkakataon.” sagot naman ni Allen.
“Pero kailangan agad natin syang mahanap. Bago pa man din tayo maunahan ng iba.” seryosong sagot ko lang.
****
Dylan's POV
“Bakit naman puro dress pa yung pinili mo?” tanong ko kay Aleli habang naglalakad kami papunta sa Eng. Department.
“Presko eh. Tsaka magaan sa katawan.” sagot naman nya.
“Hay. Mga babae talaga.” at napangiti na lang ako sakanya.
“Oy pare! Hinahanap kita kahapon ah. Alam mo namang magaayos tayo para sa event ngayon tapos..” napatingin lang bigla yung kaibigan kong si Fredrick kay Aleli.
“Woh. Ang ganda! Sino yan?” hirit nya agad.
“Shut up. Sya si Miku. Girlfriend ko.” pakilala ko naman agad.
“Asa. Bastard! Kelan pa?! Sa pagkakatanda ko wala ka pang balak mag-GF ah. Bat ngayon?”
“Hi. Ako nga pala si Miku.” inosenteng pakilala naman ni Aleli sakanya.
“Miku? Miku Hatsune?” singit naman ni Emily sabay tawa.
Walang sagot si Aleli sakanya sa halip eh tumingin lang ito na parang wala syang alam or maybe pakialam.
“Ayos ah. No reaction. Sino ba 'to ha? Dylan?” tanong naman ni Emily sakin.
“Si Miku nga. Girlfriend ko.” pakilala ko pa ulit. Nandilim bigla yung ekspresyon sa mukha ni Emily dun sa narinig nya.
“Asa. Ikaw magkaka-girlfriend? No way.” sagot lang nya sabay irap.
“I know right.” sabat naman ni Fredrick.
“Ah. Dylan. Ano yun?” tanong bigla ni Aleli sakin sabay turo dun sa may stage.
“May event nga pala ngayon. Magpe-perform si Alex Gonzaga. Gusto mong manuod?” tanong ko naman.
“Alex Gonzaga? Sino yun?” tanong naman nya.
“Really Miss. Ilang taon ka bang nawala at di mo man lang kilala si Alex Gonzaga ha? Like Duh.” naiiritang tanong naman ni Emily. Napa-awkward look lang kaming dalawa. Tinignan ko si Aleli, lumungkot agad yung mukha nya.
“Emily!” saway ko.
“What?”
“Just Shut up okay!?” Tumingin lang ng masama si Emily sakin saka naman kay Aleli.
“Kuya Dylan! Kuya Fredrick!” sigaw bigla ng junior namin habang tumatakbo sya papalapit samin.
“Oh Zia, Anong problema?” tanong ko naman agad sakanya.
“Male-late po daw po ng 1 hour si Ms. Alex gawa po ng sobrang traffic sa Edsa. Ano na pong gagawin natin? Kailangan nating mag-stick dun sa schedule nung event.” paliwanag nya.
“Tsk. 2:55 pm na. 5 minutes na lang maguumpisa na yung event. Kailangan na nating magumpisa kahit wala pa sya.”
“Hindi ba aasa yung mga audience?” tanong naman ni Emily.
“Yun din yung iniisip ko eh.” napayuko lang ako habang nag-iisip ng maigi.
“Ano.. Dy. Uy. ”tawag ni Fredrick sakin bigla.
“Wait lang Fred. Nagiisip ako. Mamaya mo na ko guluhin. Mahalaga 'to.” sagot ko naman.
“Hoy! Makinig ka kasi! Hoy Dylan!” tawag pa nya ulit.
“Ano ba kasi yun!? Sabi ko wait lang diba?” naasar na sigaw ko naman sakanya.
“Ayun oh.” sabay turo nya sa stage. “Paki-explain ng kung anong ginagawa ng girlfriend mo dun sa stage?”
“Woh! ALELI!!” napasigaw ko agad.
“Aleli?” sabay na tanong nila Emily at Fredrick sakin.
“Este Miku. Aleli lang yung tawag ko sakanya para sweet hehe.” palusot ko naman.
“Wew. Anong sweet dun?” sabay irap ulit ni Emily. “Well, explain mo nga kung bakit nasa taas ng stage si Miku mo.”
Napatingin lang ako kay Aleli na nakatayo sa harapan ng Microphone.
“Actually.. hindi ko din alam.” Naku Aleli, ano bang ginagawa mo dyan?
“Hello everyone, Sorry medyo male-late daw si Ms. Alex dahil sa traffic. But sabi ng mga Organizers eh kailangan na nilang mag-umpisa.” sabi ni Aleli sa taas.
“Eh !? Asan na si Alex!”
“Gusto naming makita si Alex!”
“Oo nga! Oo nga!”
“Calm down everyone. Dadating si Ms. Alex pero medyo matatagalan muna sya.”
“Ang daya!”
“Oo nga ang unfair!”
Nagulat ako ng biglang lumapit si Aleli pa lalo dun sa Microphone at ngumiti. Saka sya nag-umpisang kumanta ng Promise Me ni Leah Salonga na sobrang nagpatibok ng puso ko.
Ah. Hindi ko akalain na makakalimutan ko 'to. Oo nga pala, Unang beses ko pa lang sya makita eh nakuha na nya agad ang puso't atensyon ko. At marinig lang ang magandang boses nya ngayon, Para bang nahuhulog na naman ako sa pangalawang beses.
Comments