top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter Two

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 4 min read

“Imposible.” tanging nasagot ko lang habang nakatingin ng diretso sa malaking bahay na itinuro ni Dylan.


“Ayaw mo pa ring maniwala? Kung gusto mo sasamahan pa kita para maniwala ka eh. ” sagot naman nya sakin.


Walang akong ibang nasagot sa halip eh napa-tango lang ako na tanda ng pagsang-ayon ko. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa mismong bahay. Malaki ito at nakabukas lahat ng bintana at pintuan. Maraming ilaw, mga tao, at masyadong maingay.


Party? Nagpa-party ba sila ngayon? Imposible. Tsaka kung bahay ko nga talaga 'to bakit ganto kaganda? Hindi ko naalalang nagkaroon kami ng kumikinang na Chandelier. Mga katulong at makikinang na kasangkapan.


Normal lang ang bahay namin. May dalawang palapag na may tatlong kwarto. Pero ito, mukhang hindi lang tatlo ang kwarto nito. Kanino bang bahay 'to?


“Ayos ka lang? Parang mas namumutla ka ata lalo. ” nagaalalang tanong ni Dylan sakin habang dahan dahan kaming naglalakad papasok sa loob.


“Naguguluhan kasi ako. Hindi ko alam kung kanino 'tong bahay na 'to. Sigurado akong hindi ito ang bahay namin. ”


“Huh? Sabi ko nga diba? Ito ang bahay ng mga Valentino. ” sagot naman nya.


“Hindi nga sabi ganto ang bahay namin! ” naiiritang sagot ko naman.


“Hays. Bahala ka. ” at napa-iling na lang siya.


Hindi pa rin mapalagay yung loob ko. Patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko na parang kinakabahan ito. Bukod pa dun unstable pa ang katawan ko, baka anytime eh bigla na lang akong mag-collapse at mawalan ng malay.


“Dylan. Kanina pa kita hinahanap ah. San ka ba galing?” sabi bigla ng isang lalakeng mukhang kagalang galang kay Dylan.


“Sorry Pa, naglakad lakad ako saglit sa labas eh.” sagot naman ni Dylan sakanya.


“We need to talk. You see—” tapos bigla syang napatingin sakin at napakunot bigla yung noo.


“Sino naman sya?” tanong naman nya.


“Sya si..” napatingin lang si Dylan sakin na naghihintay na sabihin ko ang pangalan ko.


“Nevermind. This is very urgent. Wait lang iha ha? We need to talk muna.” sabi nung papa ni Dylan sabay hila sakanya palabas nung mansyon.


Naiwan akong nakatayo sa lugar na 'to na puno ng mga mayayaman at hindi ko kilalang mga tao. Asan na ba kasi ako? Pano kaya ako uuwi? Anong malay ko, baka nasa ibang bansa na pala ako.


Nagulat ako bigla ng makarinig ako ng tunog ng isang nabarag na

baso. Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ang isang lalaking may puting buhok at may tangkad na parehas kay Dylan.


“Ate.?” napasabi nya bigla habang nanlalaki ang mga matang titig na titig sakin.


“Ate?” tanong ko naman na naguguluhan sa sinabi nya.


“Ikaw nga ate! Ako ito, Si Allen!” sabay yakap nya sakin.


Tumigil muli ang pagtibok ng puso ko't nanlaki ang aking mga mata. Hindi. Hindi. Imposibleng maging si Allen sya! Gaya nga ng sabi ko, Bata pa si Allen! Maliit pa sya at hindi ganto katangkad!


“Bi—Bitiwan mo ko!” sigaw ko sabay tulak sakanya.


“Pero Ate—” naguluhan siya bigla.


“Hi—Hindi kita kilala! Bata pa yung Allen na kilala ko. Hindi kita kapatid! Hindi mo ko ate!” napasigaw ko lang habang patuloy na umaatras palayo sakanya.


Akala ko madaming papansin sa sigaw ko pero nakakagulat na parang di man lang nila kami narinig at umaakto sila ng normal. Napatingin ako bigla sa dalawang lalaki at isang babae sa malayo na nakikipagusap sa dalawang bisita.


Yung isa eh mukhang binatang nasa edad 20 pataas. Pero yung dalawa parang kilala ko sila. Kamukha nila yung mga magulang ko. Sina Mama't Papa. Pero may mali. Mas matanda na yung mga mukha nila.


Matanda? Hindi kaya tama si Dylan? Hindi kaya totoo na yung kaharap ko ngayon eh si Allen na kapatid ko talaga? At yung dalawang tao na matandang version ng mga magulang ko eh sina Mama't Papa talaga? At yung isa pang lalaking kasama nila eh si Arthur na kapatid ko? Imposible. Imposible 'to. Hindi ako naniniwala!


Napaatras ako't ng magkaroon ako ng pagkakataon eh agad akong tumakbo agad palabas.


“Ate Aleli!!” sigaw nya.


Hindi ko sya pinakinggan at patuloy pa rin ako sa pagtakbo palabas sa lugar na 'to. Hindi tumitigil ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi 'to totoo. Nananaginip lang ako. Imposible namang lahat sila tumanda maliban sakin.


Tama. Kung sila talaga ang pamilya ko, bakit hanggang ngayon mukha pa rin akong 16!? Bakit ako lang yung hindi tumanda? Dapat mas mukha akong matanda kesa kay Arthur! Kay Allen! Eh Bat ganun? Bat parang ako lang yung napagiwanan?



****


Dylan's POV



“Naintindihan mo ba anak? Gusto ka nilang kunin para magtrabaho sa company nila after mong grumaduate. So you need to behave and do whatever they ask.” sabi ni Papa sakin.


Mukhang wala naman akong ibang magagawa. Bukod pa dun, ayoko namang mapunta sa wala lang ang paghihirap ni Papa para makapasok ako sa kumpanya ng mga Valentino.


“Masusunod po.” sagot ko lang.


“Good. You must be tired. Magpapaalam lang ako kala Mr. & Mrs. Valentino then we can go home.” sabi niya.


“Okay.”


Pag-alis ni Papa eh pumasok agad ako sa loob para balikan at hanapin yung babae. Hindi ko nga pala naitanong kung anong pangalan nya kaya di ko alam kung anong itatawag sakanya. At dahil ayokong tawagin sya ng ' SYA ' mismo eh naisipan kong Snow White na lang muna ang itawag sakanya.


Kawawang Snow White. Kung totoo ngang anak sya ng mga Valentino eh bakit parang naguguluhan sya? As if namang na-coma sya ng ilang taon para di malaman kung ano na yung mga nangyayari sa pamilya nya ngayon.


Comatose. Tama! Yun nga! Baka nga na-comatose sya kaya wala syang alam! Baka yun nga! Pero, kung comatose sya- Hindi ba dapat matanda na rin ang katawan nya kung totoo nga sya ang panganay? Eh bat ganun, katawan pa rin ng 16 years old yung itsura nya.


Weird. It's like.. She is well preserved.


Napadako bigla yung mga mata ko sa labas ng bintana ng mapansin ko ang babaeng may puting buhok na tumatakbo sa labas. Tama! Si Snow White yun ah! Bat sya tumatakbo!?


“Let's go Dylan. Kanina pa tumatawag ang mama mo-”


“Sorry Pa, may pupunta pa pala ako. Mauna ka na lang po. Susunod na lang ako!” sabi ko sabay takbo palabas.


“Hey!”


Snow white. Snow white. Anong dahilan, bakit ka tumatakbo paalis.. habang umiiyak?




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page