top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

Departure - Chapter One

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 7 min read


I HATE IT. I really hate gatherings especially extravagant like this. But I have no choice. Kailangan kong magtiis kasi yun ang utos ni Papa. Besides, ayoko namang ma-guilty si Mama at isiping nilalayo niya ang kaniyang anak sa tunay nitong ama. Kahit divorce na sila, I need to give them an equal treatment right?


But still, ngayon ko lang talaga na-realize kung gaano kayaman ang pamilya ng Valentino. Ang laki ng bahay nila na para bang isa itong palasyo. Kaya pala kung maka-sunod si Papa sakanila ay akala mo galing sila sa isang Royal Family.


Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano nga kaya talaga ang sekreto nila? Bakit ganto sila ka-successful? Bakit ganto kaganda yung buhay nila? Imposible namang dahil lang sa swerte. Or maybe nasa lahi lang talaga nila ang maging Perpekto.


"Mr. Freud Valentino, Please Meet my only son, Dylan." pakilala ni Papa sa grandmaster ng Valentino Family. May edad na ito na parang nasa 50 + na taon. Puti ang buhok at nakasuot ng magarang formal suit.


"Ah. What a fine man. Ilang taon ka na iho?" tanong naman sakin ni Sir Freud.


"18 po, Sir." magalang na sagot ko naman.


"Ah. Magkasing edad lang pala kayo ng bunso kong anak." sagot naman niya sabay ngiti sakin.


"Allen." tawag niya sa anak niya ata.


"Yes, Papa?" sagot naman nung lalaking kasing-tangkad ko lang din.


"Meet Mr. Garcia's son." pakilala naman niya sakin.


"Hi. It's nice to meet you. I'm Allen Valentino." bati naman ni Allen sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands.


Si Allen naman ay merong kulay abong buhok na mukhang namana niya sa pamilya Valentino. Siguro nga nasa lahi na talaga nila ang magkaroon ng puting buhok at may pagka-kulay lilang mga mata. Bukod pa dun, Maputi rin ang balat nito na parang kastila at may tangkad na kagaya din sa akin.


"Nice to meet you too. My name is Dylan Garcia." sagot ko naman.


"Well, I hope you enjoy the party." sagot niya sabay ngiti.


"Thank you po." saka ako nag-bow at pinanuod silang umalis para bumati ng iba pang bisita.


I don't know why I find those two Valentinos very Intimidating. Siguro baka dahil sa mayaman at angat nga sila sa buhay. But still, Presidente ako ng Student Council at di ko ugaling maging sunod sunuran sa iba. Hindi ako katulad ng Papa ko na kung titignan eh parang gusto ng mag-apply bilang Butler nila.


Na-bored na ko sa party kaya naman naisipan kong maglakad lakad sa labas ng bigla akong dalhin ng mga paa ko sa isang hardin. Dalawang uri lang ng halaman ang makikita mo sa hardin na yun. Una mga puting rosas na nakatanim sa paligid at pangalawa isang malaking puno ng Acacia sa gitna.


Dahil sa lubos akong nagandahan sa lugar ay hindi ko na naiwasang maglakad lakad hanggang sa napatigil ako sa isang malaking butas sa gilid ng malaking ugat ng acacia.


Isa ba 'tong Rabbit Hole? Yung katulad kay Alice? Heh. As if namang mapupunta ako sa Wonderland kung papasok ako diyan. Reality speaking, Baka kamo hindi na ko makaalis pag pumasok ako dyan. Oh well. Ano pa nga bang masasabi mo sa Curiosity kill the Cat lalo pa't bored na ang daga.


Kinuha ko yung phone ko't swinitch-on yung Flashlight saka ko inilawan yung baba para tignan kung gano ba ito kalalim. Medyo nagulat ako nung inilawan ko ito. Hindi lang ito malalim, As in malalim talaga na wari mo'y merong isang underground room sa baba.


Wait. Underground room?


Hindi na ko nag-isip pa't sinubukan ko agad bumaba dun sa butas. Hindi bale na kung paano ako babalik, Gusto ko lang talaga makita kung anong sekretong tinatago ng mga Valentino. Baka this time may matuklasan pa kong kakaibang bagay.


Dinala ako ng mga paa ko sa isang mahabang daan hanggang sa makarating ako sa isang butas ulit pero pataas. Medyo nakaramdam ako ng Disappointment. Kasi syempre umasa ako na baka merong secret door dito o kung ano mang exciting na bagay pero mali ako kasi wala naman pala akong makikita at heto na ko, Pabalik na naman sa..


"Woh!" gulat na napasabi ko lang pagkaakyat ko agad sa taas.


Akala ko nakabalik na ko sa Mansyon ng mga Valentino kung saan nagaganap ang isang malaking salo salo, Pero mali ako. Hindi ito bahagi ng Mansyon, I think? Sumalubong sakin ang isang kwartong puro pader na salamin at puno ng mga puting rosas na nakakakat sa paligid. At isang babae.


Isang magandang babaeng merong mahabang puting buhok at nakasuot rin ng puting bestida. Nakahiga ito sa isang glass coffin na wari mo'y siya si Snow white na naghihintay lang sa pagdating ng kaniyang Prinsipe. Pero masiyadong imposible yun kasi wala ako sa Fairytale. Hindi siya si Snow White at lalong imposibleng ako ang maging prinsipe niya.


Hindi kaya patay na 'to? Hindi kaya isang libingan 'tong napuntahan ko kaya puno ng mga Red spider Lilies?


Medyo kinilabutan ako dun sa naisip ko. Gusto ko ng umalis kaagad. Kung nalagay nila siya sa kwarto na 'to tsak akong may iba ding labasan dito. Pero bago muna ako umalis, gusto ko talagang masilayan ang babaeng nakahimlay dito. Nilunok ko ang takot ko't dahan dahang naglakad papalapit sakaniya. Napatigil lang ako nung nasilayan ko na siya. Nanlaki ang mga mata ko't nalaglag ang panga ko sa gulat.


Ang ganda niya. Kahit na ang putla ng kulay ng balat at ng buhok niya ay kung pagmamasdan mo siyang maigi ay tsak na iisipin mong buhay pa talaga siya.


"..Snow White." napangiting sabi ko lang habang hinahaplos ko ang malamig na kabaong niya.


Kakaiba 'to. Bakit pakiramdam ko matagal ko ng kilala 'tong tao na 'to? Bakit parang ang gaan ng naramdaman ko nung nakita ko siya? Ito na ba ang tinatawag nilang Love at First Sight?


Natawa ako bigla. Imposible. Hindi pa ko nai-in love sa kahit na sinong babae. Bukod pa dun, Mukhang imposible ring magkaroon ng kung ano sa aming dalawa eh kita namang patay na ata 'tong magandang babae na 'to.


Napabuntong hininga lang ako ng malalim. Pagkatapos ko siyang tignan eh naisipan kong umalis na tutal wala na rin naman akong dahilan para manatili pa dito. Pero bago pa man din ako maakalis eh di ko inaasahang may mangyayaring himala.


Si Snow White na mahimbing at payapang natutulog sa salamin niyang kabaong eh bigla na lang iminulat ang kaniyang mata sa harapan ko. Minulat niya ito't idinako ang kaniyang paningin sa akin sabay tanong ng ..


"..Sino ka?"


****



“Sino ka?” yan ang una kong tanong sa isang lalaking di ko kilala.


“Ah ehh..” natatarantang sagot lang nya.


Inikot ko yung mga mata ko sa paligid. Nasa loob ako ng isang salamin. Parang kahon at Mukhang kabaong. Kabaong? Bakit? Anong ginagawa ko dito? Bukod pa dun hindi ito ang kwarto ko. Hindi ito ang bahay ko. At hindi ko rin kilala itong lalaking nasa harapan ko ngayon.


Binuksan ko yung itaas nung kabaong para makalabas. Medyo nanghihina pa ang katawan ko pero sinubukan ko pa ding makaalis. Agad akong napatingin ulit dun sa lalaki para tanungin sya.


“Inuulit ko, Sino ka?” tanong ko muli sakanya.


“Ang pangalan ko ay Dylan. ” magalang na sagot naman nya sa akin.


“Ngayon Dylan, Maari mo bang sabihin sakin kung anong ginagawa natin dito? At bakit ako nakalagay sa isang.. Kabaong? ” tanong ko ulit sakanya.


“Hmm..” napaisip sya saglit. “Una sa lahat, Napadpad lang ako dito kaya di ko talaga alam kung anong ginagawa mo dito pero sure akong may kaugnayan ka sa mga Valentino. ”

“Of course. Dahil isa akong Valentino. ” direktang sagot ko naman agad sakanya. Napataas lang ang isang kilay nya sakin na parang nagiisip sya.


“Uhm.. Kaano ano mo si Freud Valentino? Pamangkin ka ba nya? ” tanong naman nya.


“Papa ko sya. Bakit mo naitanong? Kung kilala mo sya, maari mo bang sabihin kung nasan sya? Nais ko syang makita. ” Dahil nais ko ring malaman kung nasan ako at anong ginagawa ko rito.


“Wait.” napakunot yung noo nya bigla. “Mukha kang 16 o 17 years old lang. Pero sabi ni Sir Valentino, Si Allen ang bunsong anak nya at kasing-edad ko lang sya. Imposible namang—Baka anak ka sa labas? ” aniya na naguguluhan at nakakunot ang noo sakin.


Natawa ako bigla sa sinabi nya. Nababaliw na ba sya? Si Allen na kapatid ko eh 9 years old na bata pa lang. Anong sinasabi nyang kasing edad nya eh mukha na 'tong 18 years old.


“Pfft.” natawa ako ng malakas. “Sa tingin ko nagkakamali ka Dylan. Hindi ako anak sa labas dahil ako ang panganay na anak ni Freud Valentino at kapatid ko si Allen. At imposibleng maging kasing-edad mo si Allen dahil siyam na taong gulang pa lang yung bata na yun.” sagot ko naman. Napaatras sya't biglang nanlaki ang mga mata.


“Nababaliw ka na ba?!” napasigaw nya bigla sakin.


Napataas lang ang kilay ko sakanya. Hindi ko na gusto yung paraan ng pakikipagusap nya sakin ha!


“Ano bang problema mo? Hindi ako nababaliw. At pwede ba, Wag mo kong sigawan. Hindi mo ko kilala.” naaasar na sagot ko naman sakanya.


“Tama. Tama ka! Hindi nga kita kilala. Pero yung mga taong binanggit mo, Kilala ko sila. At si Allen na sinasabi mong kapatid mo, Nakita ko sya at nakausap kanina at halata namang kasing edad ko lang sya dahil hindi na sya bata tulad ng sinasabi mo.” aniya.


Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba yung mga pinagsasabi nito. Naguguluhan ako. Gusto ko na lang lumabas dito para ipakita sa kanya na nagkakamali lang sya.


“At si Arthur? Asan si Arthur? Kasing tanda mo rin ba sya? ” tanong ko pa.


“Sinong Arthur? ” napaisip sya muna. “Ah. Yung panganay na anak ni Sir Valentino? Hindi ko sya kasing edad, kasi mas matanda sya kesa sakin.”


“Nababaliw ka na talaga! Sinungaling!” galit kong sinigaw sabay lakad palayo sakanya. Nang makakita ako ng pintuan palabas ay agad ko itong binuksan at lumabas. Hindi ko na ata makakayanan pa kung mananatili ako sa loob kasama ang sinungaling na lalaki na yun.


Anong sinasabi nyang mas matanda si Arthur sakanya eh sa pagkakaalala ko 12 years old pa lang yung kapatid ko. Bata pa sya. Bukod pa dun, Ako nga sabi ang Panganay!


“San ka pupunta!? ” sigaw ni Dylan sakin habang hinahabol ako.


“Ipapakita ko sayo na nagkakamali ka. Hindi totoo lahat ng pinagsasabi mo! Stupido!” galit na sigaw ko naman.


Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin kong hindi ko pala alam kung san ako papunta. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ito. Ang tanging natatanaw ko lang eh isang malaking mansyon na hindi ko maalalang itinayo sa lugar namin. Wala ako sa bahay namin. Hindi ko makita ang bahay namin. Asan na ba ako?


“Asan ako? ” naguguluhang tanong ko sakanya.


“Sa teritoryo ng mga Valentino? Bat hindi mo alam, Akala ko ba pamilya ka nila? ” tanong naman nya sakin na may bahid ng panunuya.


“Oo, Pamilya nila ako. Pero hindi ko naalalang may ganto kaganda at kalaking lugar ang pamilya namin. Katamtaman lang ang bahay namin. Sapat para sa limang tao lamang. ”

“Huh?” napakamot sya bigla. “Nakikita mo ba yung malaking bahay na yun?”


“Oo. So?” tumaas ang kaliwang kilay ko.


“Yun. Yun ang bahay ng mga Valentino.” aniya.


Napatingin lang ako habang napahinto saglit ang paghinga at pagtibok ng puso ko.


“..Imposible.”




Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page