IICSYA - Chapter Twelve
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 21, 2021
"HELLO CEBU!!!!" sigaw agad naming apat pagkarating namin sa Mactan Airport.
"Tanaw ko na ang isang magandang bakasyon~" madramang sabi naman ni Trisha.
"Ewan ko sayo beh, Iwan ka namin dyan eh." maarteng sabat ko naman sakaniya.
"Nyee nyee. Insecure ka talaga lagi Momo. Ang Killjoy mo!" sagot naman niya sabay hampas sakin.
"Oy guys, Tama na chika. Andito na yung sundo oh." sagot naman ni Red.
"Tara tara!"
Medyo mahaba din yung naging byahe papunta dun sa hotel kung saan kami magiis-stay. Sinugurado ko rin na makakakuha kami ng spot kung saan tanaw na tanaw ang white-sand Tambuli beach. Syempre gusto namin ng magandang scenery, you know! 4 bed 1 room yung kinuha namin. At dahil mga estudyante pa lang kami eh hindi ganun kabongga yung nakuha naming room. Di bale na, Bongga naman yung hotel eh. Bawing bawi rin. Lol
"Tara na guys! Ligong ligo na ako eh." irit ni Trisha pagka-palit niya agad ng swimsuit niya.
"Maghunos dili ka naman Trisha, Easy lang. Kararating lang natin oh?" saway ko naman sakaniya.
"Ikaw Aya? Di ka ba magswi-swimming?" tanong naman ni Red sakaniya.
"Mamaya na lang siguro. Medyo nahihilo pa ako gawa nung byahe eh." sagot naman niya.
"Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo dito na lang din ako?" tanong ko naman kaagad sakaniya.
"Hindi na." sagot niya agad sabay iling. "Matutulog lang rin naman ako. Sumama ka na lang muna sakanila."
"Sigurado ka dyan ha?"
"Yep."
"Okay. Text mo na lang kami pag may kailangan ka ha?"
"Oo. Sige na. Basta wag kang titingin sa ibang babae okay?" birong sabi naman niya.
"As if! Mas sexy kaya ako sakanila. Hmf!" maarteng sagot ko naman sabay kunwaring flip hair.
"Oo na. Sige, Bye bye."
"Bye bye."
At umalis na kaming tatlo at pumunta sa dalampasigan. Si Trisha sumulong agad sa dagat, No choice tuloy napasama na rin tuloy kami ni Red. Lumangoy kami hanggang sa nakarating kami sa medyo malalim na parte ng dagat. Lulunurin ko sana 'tong si Trisha kaya lang baka matuluyan. Hehe Biro lang.
Saglit lang kaming naligo kasi sobrang init sa labas. Ayoko kayang mangitim noh! Puti puti at ang kinis kinis ko eh. Bumalik agad kami sa hotel para gisingin si Aya at para magtanghalian na rin. After nun eh nagstay muna kami sa room para magpahinga.
"Oo nga pala, Ilang buwan na rin simula ng tumira ka kala Momo, Aya diba?" tanong bigla ni Red.
"Yep. Mga Three Months?" sagot naman niya habang busy sa pagdo-drawing sa sketch pad niya.
"So? May improvement naman ba?"
"Hhft!" napaubo ako agad at napasigaw. "WTF! RED!!"
"Bakit?! Nagtatanong lang naman ako ah?"
"Hmm? Improvement ba kamo? Well, Lagi lang naman akong kinikiss ni Momo. Gaya ng ganito—" tapos bigla niya kong hinalikan sa harap nila. "See?"
"Woh! You're so bold Aya! Kyaaah~" kinikilig na sabi naman agad ni Trisha.
"Bukod sa Kiss? Wala na bang iba?" pahabol ni Red habang nakangisi samin ng malaki.
"EWW RED!!" irit ko naman agad.
"May dapat pa ba kaming gawin bukod sa pagki-kiss?" inosenteng tanong naman ni Aya.
"Ah wala! Wala syempre! Wag mong pakinggan yang si Red! Bad Influence yan." sagot ko naman kaagad.
"Ewan ko sayo Momo, Ang weak mo." at napa-iling lang siya.
"Hoy Red wag mong pwini-pwersa yang si Momo. Mamaya bumalik yan sa dati at ikaw pa ang anuhin niyan eh." sabat naman ni Trisha sabay tawa.
"Ewwwww!" irit naman namin ng sabay ni Red.
"Ewan ko sa inyo! Tara na nga Aya!" sabi ko sabay hila sakaniya at kuha na rin ng camera ko.
"Teka sandali—Saan tayo pupunta?" tanong naman agad niya.
"Maglalakad lakad!"
"Ayiie Defensive si Momo! Wag kayong gagawa ng milagro ha!" sigaw pa ni Red.
"Fuck you Red!" sigaw ko naman habang namumula ng sobra.
Kinuha ko yung Camera ko't nagshoot na lang ng mga sceneries habang naglalakad naman sa tabi ko si Aya at tahimik lang na nakatingin sa dagat.
Hindi ko na naman tuloy maiwasang hindi mamangha sa kagandahan niya sa t'wing hinahangin yung buhok niya. Ang ganda niya sobra. Kaya ayun, Imbis na yung sceneries yung kukuhaan ko sana ng litrato eh sya na naman yung pinicturan ko. Mas maganda kung stolen shots lang kaya kunwari yung dagat yung pinipicturan ko pero yung totoo sya naman talaga.
"Uhmm. Momo. Nga pala dun sa kanina. Ano ba yung pinaguusapan nyo nila Red? Di ko kasi magets eh." tanong niya bigla.
"Ehh—Uhm.." napalunok ako ng malakas. Patay, Nayari na.
"Ah wala lang yun! Mga kalokohan lang ni Red yun. Wag mo ng pansinin!"
"Hmm. Talaga? Sabi niya kasi may iba pa daw tayong dapat gawin bukod sa kiss eh. nagha-Hug din naman tayo, Ano pa kayang kulang?"
"Wag mo na kasing isipin! Wala lang yun!" nahihiyang sigaw ko naman.
"Hmm? Okay. Sabi mo eh." at tumalikod lang sya at naglakad palayo sakin.
"Huy Aya! Saan ka pupunta? Dito ka lang!" sigaw ko agad sakaniya.
Naglakad sya sa dalampasigan at itinaas ng bahagya yung bestida niya para di mabasa saka siya tumingin sa langit at bumuntong hininga ng malakas.
"It's no good Momo.." mahinang sabi niya.
"No Good? Bakit?" nagtatakang tanong ko naman kaagad sakaniya.
"Natatakot ako na baka matulad ako kay Little Mermaid at maglaho na parang bula." malungkot na sabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo ha? Nababaliw ka na naman." sabi ko naman pero tuloy pa rin sa pagkuha ng litrato.
"Masayang masaya talaga ako na nakilala at minahal kita. Gusto kong malaman mo na wala akong pinagsisisihan kahit na isa." sabi pa niya.
"Hay nako Aya, Di ko magets kung bat ka ganiyan? May sakit ka ba?"
"Kiss me again Momo." mahinang sabi niya.
"WHAA —Dito? As in dito talaga? Eh~Nakakahiya!" nauutal ko kaagad na sabi sakaniya.
"Sinabi ko naman sayo na ikiss mo ko sa bawat pagkakataong meron tayo diba?" tsaka sya tumingkayad at hinalikan ako. "Hindi ka pa rin natututo, Momo."
"Stupid Aya! Ang PDA natin! Waa. Nakakahiya sa iba." namumulang sabi ko naman.
"I'm so happy.. Sana lagi na lang tayong ganito." sabi pa niya na parang wala syang pakialam sa mundo basta makasama niya lang ako.
"Well kung gusto mo, Next year bumalik ulit tayo dito. Ikaw at ako o kahit isama natin sina Red at Trisha ulit."
"Good idea. Sana nga.." at ngumiti lang sya sakin.
Sana kaya kong picturan 'tong moment na 'to para maitago ko habang buhay. At kapag naiisip ko yung habang buhay, Para bang gusto kong mag-isip na agad tungkol sa possible future namin ni Aya. Magiging maganda siguro kung kami na lang hanggang sa huli diba? Sana ganun din yung iniisip niya.
"Ah.. Shit." rinig kong sabi niya bigla sabay napaupo sya dun sa may lapag.
"Bakit? Anong nangyari sayo?" tanong ko naman kaagad.
"Yung ilong ko.. Nagdudugo." sabi niya habang tinatakpan ng kamay niya yung ilong niya.
"What?—Oh eto gamitin mo. Wag kang yuyuko." sabi ko agad sabay abot sakaniya ng panyo. "Nainitan ka siguro. Tara na nga bumalik na nga tayo sa hotel para magamot yan."
"Okay. Favor Momo, Di ko magalaw yung binti ko. Pwedeng pabuhat?" sabi pa niya.
"Bakit anong nangyari sayo?" napatingin ako sa mukha niya agad. Mas maputla ito lalo kaya mas lalo akong nag-alala. "Takot ka ata sa dugo eh. Sige na nga."
Tumalikod na ko para buhatin sya gamit ng likod ko.
"Salamat Momo." sabi niya.
"Walang anuman. Ano ba 'tong mga nangyayari sayo. Yan kasi, Di ka kasi kumakain masyado eh."
"Eww. Ang daming dugo~" natatawang sabi niya bigla.
"Ewan ko sayo Aya at may gana ka pang tumawa dyan. Wala ka na talagang pag-asa. Oh wag mong gagalawin yan ha!"
"Hehe. Oo na po."
Buti na lang at tumigil agad yung pagdudugo nung ilong niya. Sabi sakaniya nung medic eh ipahinga lang daw niya yung katawan niya sandali kasi baka gawa lang daw ng pagod kaya sya nagkaganun. Kaya ayun, Kami na lang ulit nila Trisha at Red yung gumala kinagabihan at hinayaan na naming matulog at magpahinga si Aya sa kwarto.
Kinabukasan, Nag-tour naman kami sa Cebu. Pumunta kami sa Danao para sa sikat na Chocolate Hills. Pumunta din kami sa Alcoy at Argao at puro dagat ang mga nakikita namin dito. Nakakatuwa, Lalo na nung nakarating kami sa mismong syudad kung saan nakalagay ang cross ni Magellan. Gusto ko pa sanang magtagal kaya lang syempre bawal..
Third Day, Uuwi na kami pero bago yun eh namili muna kami ng pasalubong. Hapon na nung sumakay kami sa plane at syempre nangako kami na babalik ulit kami dun. Siguro pagka-graduate na lang namin.
11pm na nung makauwi kami sa bahay. Halatang napagod kaming lahat at dumiretso agad kami sa kama at nahiga. Aw. Gusto ko na lang talagang matulog kaagad. Bukas na lang ako magliligpit.
"Aya, Pahinging kumot." sabi ko nung napansin kong sinosolo na niya yung kumot namin.
Hindi sya sumagot sa halip eh mas sumiksik pa sya dun sa kumot.
"Aya?" tawag ko pa ulit. Tsaka ko sya chineck at medyo nataranta ako nung pagkahawak ko sakaniya eh nag-aapoy sya sa init.
"Holy Fu—" napatayo agad ako para icheck syang maigi. "Nilalagnat ka, Aya!"
"Normal lang 'to. Okay lang ako.." mahinang sabi naman niya.
"Anong normal ka dyan? Hindi ka okay! Tignan mo nga nag-aapoy ka na sa sobrang taas ng lagnat mo! Wait lang. Kukuha ako ng yelo."
Halos madapa dapa na ko dahil sa pagkataranta kakahanap ng pwedeng igamot sakaniya. Buti na lang at may paracetamol dito na pwedeng ipainom sa kaniya. bukod pa dun eh nilagyan ko rin ng basang towel yung ulo niya.
Ano ba yan, Nawala tuloy yung antok at pagod ko ng dahil dito. Ano na bang nangyayari sayo Aya ha?
'Pupunasan lang kita ha?" sabi ko sakaniya pero wala syang imik kaya tinaas ko na yung longsleeve niyang damit para umpisahang punasan sya pero muli na naman akong nagulat sa nakita ko.
"Shit! Ang dami mong pasa. Saan galing 'to!?" napasigaw ko agad sakaniya.
"H-Hindi ko alam." nanginginig na sagot naman niya kaagad.
"That's it! I'm going to take you to hospital." sabi ko sabay kuha ng Jacket ko pati na rin ng wallet ko.
"Ayoko na dun.. Please.." mangiyak iyak na sabi naman niya.
"Wag ng maarte. Tara na." tsaka ko sya binuhat at sinakay sa kotse.
Bakit ganto? Hindi ako mapakali. Mukhang masama 'tong nararamdaman ko kay Aya ah. May hindi kaya sya sinasabi sakin? Hay Aya.. Please wag naman sana..
Comments