IICSYA - Chapter Fourteen
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 21, 2021
"Momo! Ano 'tong nababalitaan naming nasa Ospital daw si Aya?" sigaw kaagad ni Trisha na bigla na lang sumugod sa bahay kasama si Red.
"..Yep. Meron nga." walang ganang sagot ko naman.
"What the heck! Kailan pa? Tsaka ano daw sakit niya?" tanong naman ni Red.
"Leukemia. Matagal na syang meron. Since 14 years old?"
"Oh my god. Seryoso ba yan? Pero.." medyo naluluha luha ni Trisha. "Malakas naman si Aya ah!"
"So? Alam mo naman palang may sakit si Aya eh anong ginagawa mo dito? Don't tell me nag-away kayo?" tanong naman ni Red.
"Uhm.." medyo hindi ako makasagot. Tsak kasi na magagalit sila sakin kapag nalaman nilang may masama akong sinabi kay Aya. Pero..
"Puntahan natin si Aya! Tsak akong kailangan niya tayo ngayon. Please Momo.." pagmamakaawa naman ni Trisha.
"Pero.." napa-atras lang ako sakanila. "Hindi ko alam kung kaya ko na bang makita si Aya eh.."
"Momo, Alam kong mahirap 'to para sayo pero isipin mo na lang na mas nahihirapan si Aya. Intindihin mo na lang yung mga dahilan niya kaya nagawang itago satin lahat ng to. " mahinahong sabi naman ni Red.
"Please Momo.. Para naman 'to kay Aya eh. Ayaw mo ba syang makita? Ayaw mo na ba syang makasama?" mangiyak iyak na tanong naman ni Trisha.
"Syempre Gusto. Ni ayaw ko nga syang mawala eh. Pero.. Hindi ko alam kung kakayanin ko." sagot ko naman habang pinipigilan ko rin yung luha ko sa pagpatak.
"Kaya mo 'to. Kaya natin 'to. Okay? Walang bibigay." sabi naman nila.
"Thank you sa inyo." seryosong sabi ko naman sakanila.
"Walang anuman yun, Para san pa't naging magkakaibigan tayong lahat diba? Paano? Tara na?" nakangiting sagot naman ni Trisha.
"Okay."
Dali dali kaming pumunt sa ospital kung saan naka-confine si Aya. Si Tita lang yung nandun at nagbabantay sakaniya. Nung pumasok kami eh umalis muna siya para bigyan kami ng time at privacy na magusap usap lahat.
"Aya~ Nakakainis ka! Ba't hindi mo man lang sinabi samin!" naiiyak na sabi agad ni Trisha sabay yakap sakaniya.
"Sorry. Sorry talaga." maikli at malungkot na sagot naman ni Aya sakaniya.
"Pero gagaling ka naman diba? Magiging okay ka naman diba?" tanong pa niya.
"..Siguro?" awkward na sagot lang ni Aya sabay bigay ng pekeng ngiti sakaniya.
Pagkarinig ko nun, para bang kinirot na naman yung puso ko't nasaktan na naman ito. Siguro? Anong klaseng sagot yun?
"Kailangan mong magpagaling. Gagraduate ka pa Aya. Sige ka, Mapagiiwanan ka." sabi naman ni Red sakaniya.
"Hehe. Ayaw ko nun~" at ngumiti lang siya ng pilit.
"Bibili lang kami ng makakain ni Red ha? Mag-usap muna kayo ni Momo. Pagaling ka Aya ha?" sabi ni Trisha sabay hila kay Red palabas.
Nagkatinginan lang kami ni Aya at nanahimik saglit ng maiwan kaming dalawa dun sa loob ng kwarto.
"I.. Didn't think na pupunta ka ulit para makita ako." awkward na sabi niya sakin.
"Sorry nga pala sa mga sinabi ko sayo last time. Nadala lang talaga ako sa mga pangyayari." sincere na sabi ko naman sakaniya.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman. Bukod pa dun, ako naman talaga yung may kasalanan sa lahat eh." sagot naman niya.
"Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit. Bakit hindi mo sinabi samin?"
Natawa lang siya't napangiti ng malungkot sakin. "Alam mo ba, kung bakit hindi na ko nagpagamot kahit alam kong may pag-asa pa?"
"Bakit?"
"Kasi kuntento na ko. Tanggap ko na kung saan mapupunta lahat. Kaya lang—Naging selfish ako.. Pagdating sayo."
"Selfish? Paanong selfish?"
"May rason kung bakit ako biglaang nag-confess sayo. Inisip ko kasi na sana bago man lang ako mamatay o mawala sa mundo maamin ko sayo na gusto kita. Na sana makilala mo naman ako. Actually, Hindi ako seryoso nung hiniling ko na sana maging boyfriend kita. Kaya ko lang naman nasabi yun kasi alam kong tatangihan mo ko. Pero ewan ko ba, Bigla na lang nagbago yung isip ko. Kaya mas kinulit kita lalo. Sorry ha?"
"So ibig sabihin ba nun, simula't sapul wala ka na talagang balak umamin samin?"
"Oo. Kaya lang hindi umayon sa plano ko lahat kaya ganto.. Nalaman nyo pa tuloy."
"Iiwan mo talaga ako?" tanong ko habang pinipigilan ko yung sarili kong sumabog dito.
"Ayaw ko man, Pero—Dun din naman yung punta nun diba?" naiiyak na sagot naman niya pero nanatili pa rin syang nakangiti sa harap ko.
At bigla na lang akong natawa out of the blue. Wow. Nakakabaliw pala talaga 'to. Gusto ko ng umiyak at ilabas ang lahat pero pag naiisip ko kung bakit nangyayari 'to, natatawa na lang ako. Ang sakit na hindi ko alam kung pano namin tatanggapin 'to.
"Momo.. Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon. Kaya gusto kong humingi ng tawad. Nung sinabi mo na sana hindi mo na lang ako nakilala kung iiwan din pala kita, Naisip ko na tama ka talaga. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi, Wala talaga akong pinagsisisihan sa lahat. Masayang masaya ako na sobra kitang minahal."
Napangiti na lang ako't napa-iling sakaniya. Oo tama. Ito nga si Aya. Ito yung Aya na nakilala at minahal ko. Ang nag-iisang babaeng kayang ipagsigawan sa mundo kung gano niya kamahal. Kahit na ganto yung mga nangyayari, Di naman niya ako niloko eh. Mahal pa rin niya ako at yun naman talaga yung mahalaga diba? Nandito kami at patuloy pa rin na minamahal ang isa't isa.
"Sorry na beh. Bati na tayo.." natatawang sabi ko sabay yakap sakaniya.
"Momo.." tanging nasabi niya lang saka sya tuluyang umiyak sakin.
"We're going to be okay. Kaya natin 'to, Okay?"
"Oo. Kaya natin 'to."
"So just be a good girl and kapag gumaling ka na pupunta na tayong New York tapos dun tayo magbabakasyon na dalawa."
"Tapos manunuod tayo sa Broadway ha?"
"Kahit na anong gusto mo, gagawin natin ng magkasama."
"Oo."
Since that day, naging okay na kami ni Aya. Slowly, nakukuha ko ng tanggapin yung kalagayan niya ngayon. Hindi ako nawawalan ng pag-asang magiging okay din sya at gagaling din sya. Alam kong hindi niya ko iiwan kahit na anong mangyari.
"Momo! Buti nakita na kita!" sabi agad ni Sir Trevor pagkakita niya sakin sa isang mall.
"Sir Trevor, Bakit nyo po ba ako hinahanap?" tanong ko naman agad sakaniya.
"Naalala mo yung mga photos na pina-submit ko sayo? Diba humihiling ka kung pwede kang mag-exhibit?"
"Ahh. Opo. Bakit po?"
"Okay na. Na-approve na namin lahat. Kaya lang, sabi ni Big boss mas gusto daw niyang sa New York yun i-handle. Okay lang naman sayo diba? Bukod pa dun, Mataas din yung chance mong maging Apprentice ng isang sikat na Fashion Photographer."
"New York? Pero.." at napakunot kaagad ang noo ko. "Ang taas naman po ata kaagad?"
"I know. So please Momo, Wag mong sayangin yun. Chance mo naman yun para maging successful."
"Okay po. Pag-iisipan ko po."
New York? Pero hindi ko pwedeng iwanan sa gantong sitwasyon si Aya. Bukod pa dun, Mas mahalaga sya kaysa dun. Pero ayaw ko rin namang sayangin yung chance na binigay sakin. Anong gagawin ko?
"Hi. Bat ngayon ka lang? Oh ba't ganiyan yung itsura mo?" tanong agad ni Aya sakin pagkapunta ko sakaniya.
"Kilala mo si Sir Trevor diba?" tanong ko agad sakaniya.
"Oo. Yung boss mo tama?"
"Yep. Actually nagkita kami kanina. And—Gusto niya kong mag-handle ng isang photo exhibit sa New York." diretsong sabi ko agad sakaniya.
"Ohh? Ayos yun!" masayang sagot naman niya kaagad.
"Pero Aya—Hindi pwede."
"Sino namang may sabi sayong hindi pwede?"
"Wala. Pero..Ayoko. Hindi kita iiwan dito." seryosong sabi ko naman.
"Momo—matagal na nating napagusapan diba? Diba sabi ko sayo na ituloy mo lang kung anong mas makakabuti sayo?"
"Pero dati yun! Hindi kita pwedeng iwan sa gantong sitwasyon ngayon."
"Momo.." saka niya ko niyakap sa leeg. "I'll be fine. Gagawin ko ang lahat para gumaling at habang ginagawa ko yun, Gusto kong gawin mo rin yung mga dapat mong gawin. Okay?"
"Kahit na 1 year yun? Payag ka na ganun katagal tayong hindi magkikita?!" naasar na tanong ko naman sakaniya.
"Hindi syempre pero ayokong pigilan kang matupad lahat ng pangarap mo. Besides, ikaw na rin ang nag-sabi diba? Mas maganda ka sa mga babaeng pwede mong makilala doon." nakangiting sagot naman niya.
"Aya—" medyo naiirita na ko sa takbo ng usapan na 'to ah. "Ba't ba gusto mo kong umalis? Ayaw mo na ba akong makasama."
"Don't be stupid Momo! Iniisip ko lang yung kapakanan mo. Sana naman intindihin mo rin ako."
"Okay lang sayo na madami akong pwedeng makilala dun? Na ganun tayo kalayo sa isa't isa? Na ganun katagal akong mawawala sa tabi mo? Okay lang sayo lahat? Don't be stupid Aya! Pwede mo naman sabihin sakin ang totoong ayoko mo akong umalis diba?"
"Ayoko ko ngang umalis ka pero mas ayoko naman magsisi habambuhay na ako yung maging dahilan ng hindi mo pagtupad sa mga pangarap mo. I'll be fine. I promise." nakangiting sagot niya.
"6 months. Okay na yun. Babalik rin agad ako. so hintayin mo ako ha?" sabi ko sakaniya.
"Oo naman. Dito lang ako, maghihintay sayo."
"That 6 months. Dapat pagkauwi ko, Okay ka na dapat okay?"
"Oo. Promise."
"I'll be back. Promise. I love you Aya." sabi ko sakaniya.
"I love you too Momo. " and she kissed and hug me tightly.
Ayoko mang umalis pero ayoko rin namang maging malungkot si Aya. Pero pangako ko, Babalik din agad ako sakaniya and that time alam kong mas magiging masaya sya na kasama ako.
Comments