top of page
  • Twitter
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon

IICSYA - Chapter Sixteen

  • Writer: Christine Polistico
    Christine Polistico
  • Aug 21, 2021
  • 9 min read

Updated: Aug 21, 2021



Nakarating kami sa isang gallery kung san nila nilagay yung mga naiwang paintings ni Aya. Hinanap ko agad yung organizer at tinanong agad sya.


"Can you tell me what is the title of this exhibit?" tanong ko agad sakanya.


"Ah. It's Christine: The Last Confession. Bakit po Sir?" tanong naman nya sakin.


"May napansin ba kayong kakaiba dun sa mga paintings?" tanong ko pa.


"Ahh. Are you perhaps Sir Momo?" tanong naman nya sakin.


"Yes. Yes I'am." sagot ko naman kaagad.


"Actually meron po. Ang bawat paintings na nandito ngayon eh merong sulat na nakalagay sa likod. Bilin po ng pamilya ni Ms. Alleluia na pag dumating ang isang lalakeng nangangalang Momo, ipakita ko daw po sayo lahat ng mga gawa nya at kunin yung sulat na nakalagay sa likod. Sige na po Sir, matagal na po kayong hinihintay nyan." malungkot na sabi naman nung organizer sakin.


"Salamat. Maraming salamat."


"Oo nga po pala Sir, dapat po pala kayong mag-umpisa simula sa pinaka unang painting. Yun lang po." tapos umalis na sya.


"Momo—" tawag bigla ni Red at Trisha sakin bago ako magpatuloy.


"I'll be fine. I just need to understand everything. Magiging okay rin ako so don't worry guys."


"Goodluck Momo. Sana makita mo yung sagot na hinahanap mo.." sabi naman ni Red.


"Nandito lang kami.." sabi naman ni Trisha.


"Oo. Maraming salamat." saka na ako tuluyang pumasok sa loob at hinanap ang pinaka-unang painting.


Painting #1 : " The bus I rode that drove me home, Was slow and gentle just like the face I have known"


Agad akong napailing sa title. What the heck Aya? Anong klaseng title 'to. Wala man lang connect sa painting mo. Tapos isang buong sentence pa! —But still dahan dahan kong kinuha yung sulat dun sa likod ng painting. Akalain mong meron nga.


Dear Momo,


Ilang araw na rin pala simula nung umalis ka. Medyo namiss agad kita kaya lang hindi ko pwedeng sabihin sayo kasi baka bigla kang umuwi dito. Mahirap yun. So, Kamusta ka na? Kumakain ka kaya ng mabuti? Sana wala ka pang nakikitang ibang babaeng mas maganda sakin o lalo na sayo. Hehe


Nung bata ako, galit na galit ako sa mga doctor kung bakit namatay yung papa ko. Inisip ko na dahil hindi nila inalaagan yung papa ko eh nangyari yun sakaniya. Kaya nung nalaman kong may sakit ako, Ayoko talagang magpagamot. Kahit na medyo persistent si Dra. Divina eh hindi pa rin ako sumang-ayon sa lahat. Sabi ko sa sarili ko na, Kung mamatay man ako ayokong sayangin yung oras ko sa loob ng ospital kasi boring yun. Sa halip naging YOLO ako at sinugarado kong mabubuhay ako ng masaya. Kaya hinayaan na lang nila ako. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit hindi ko sinabi kaagad sainyo yung kalagayan ko. Ayoko kasing maging malungkot tayo. Gusto ko, masaya tayong lahat gaya ngayon. Sana masaya ka rin ngayon. Salamat sayo.


Truly yours,


Aya


Painting & Letter #2 : The light of the cars that passing by, Are like your eyes that shining bright.


Dear Momo,


Bumisita sakin sila Trisha at Red kanina. Ilang beses nila akong kinulit na magpagaling na daw agad ako. Ilang beses din palang sinabi at sinecure na wala kang ibang magiging babae dyan. Nakakatuwa sila noh? Alam mo ba hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila at dahil yun sayo kasi dinala mo sila sakin.


Nung first year ako, Wala talaga akong kaibigan. Inisip ko na kaya ko naman maging masaya kahit wala akong ganun eh. Pero nakakalungkot din palang mag-isa. Kaya nung unang beses kitang nakita. Nung mga sandaling dumaan ka at naglakad papunta sakanila naisip ko na, Wow kahit pala mukhang mataray at masungit na lalake kaya din palang magkaroon ng kaibigan. Dun siguro ako unang na-curious sayo. Inisip ko kung ano kayang itsura mo pag nakangiti at masaya ka? Ano kayang mga expression ang kaya mo pang gawin? Mabait ka kaya talaga?


Unfortunately, sa kakatingin ko sayo. Mukhang tinamaan ata ako. At sa kakatingin ko sayo, na-in love ako sa buong pagkatao mo. Kaya sorry sa pagiging stalker ko ha? hehe


Truly Yours,


Aya


Painting & Letter #3 : That night is seems so dark and cold, And it's slowly piercing inside my soul.


Dear Momo,


Ngayon nga pala yung exhibit mo. At meron pa kong hindi nasasabi sayo—Umattend nga pala ako dun sa exhibit mo. Hehe. Pero syempre, Di ako nagpakita. Nagmakaawa ako sa kuya ko na gusto kong makita yun kahit saglit lang. Kahit ayaw nila eh wala naman silang nagawa..


***


Napatigil ako dahil sa nabasa ko. Ehh—?! Wait! Kelan pa? Pano? Bakit hindi ko man lang sya nakita??


***


You little sneak—Hindi mo sinabing ako pala yung model mo sa exhibit mo. Malay ko bang ganto kalaki yung magiging kahihitnan edi sana nagpabayad ako sayo. Ang daya mo. Anyway, Thank you. Hindi ako makapaniwala na ganto pala yung tingin mo sakin. Ang saya saya ko. Mahal na mahal mo pala talaga ako. Hindi ako makapaniwala. Tsaka nga pala, Gustong gusto ko yung picture natin dun sa Cebu. Ang ganda nung ambiance, ang romantic. Sana talaga makabalik tayo dun.


Kaya lang, habang tinitignan kita sa malayo.. Naisip ko na, Oo. Magiging okay ka rin kahit wala na ako sa tabi mo. This is just a first step, malayo pa ang pwede mong marating. At alam kong magagawa mo yun lahat ng mag-isa. I'm so proud and happy for you.


Truly Yours,


Aya


Painting & Letter #4 : I kept seeing your face inside my head, It's inevitable, my poor heart starts to shed.


Dear Momo,


This is a very hard day for me. Kaninang umaga, bigla na lang akong nag-seizure. Akala ko nga katapusan ko na eh. Pero hiniling ko na wag muna. Thank god, pinagbigyan naman nya ako. Sa totoo lang, nung mga sandaling yun iniisip kita. Tsak magagalit ka sakin kung bigla na lang ako mawala nang hindi man lang nagpapaalam. Kaya lumaban talaga ako. I'm getting paler every day and every day—unti unting nawawalan ng lakas yung mga kamay ko. But I still want to write and paint for you. Gusto kong may magawa para sayo. Para sa huli, wala akong pagsisihan.


Pero inaamin ko, unti unti na kong nawawalan ng pag-asa. Na pag-asang magkikita pa ulit tayo. Na makikita pa ulit kita ng personal. Na makakausap pa ulit kita at mahahalikan. Sana nandito ka na lang. Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin yun sayo.. Kahit na— Ang sakit sakit na. Sorry ulit ha? Nangako pa akong hindi ako gigive up. Na walang bibitaw. Ano ba yan. Ang hina hina ko talaga.


No—I'll try to be brave. Kaya ko 'to. Hihintayin pa kita eh.


Truly Yours,


Aya


Painting & Letter #5 : I wonder if i could stop the time, I wonder if i could suppress this feelings of mine.


Dear Momo,


It's been two months, medyo bumubuti na yung kalagayan ko kasi nakausap kita kanina. Masaya akong nagiging okay yung lagay mo dyan ngayon. I wonder kung naiisip mo rin kaya ako? Sana mahal mo pa rin ako kahit na magkalayo tayo ngayon.


Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Dra. Divina sakin. Sabi nya sakin noon, "We know how to cure this. All you have to do is to survive the treatment." I'm such a coward that time. Sa totoo lang, Hindi ko alam kung kaya kong i-survive yung treatment kaya never kong triny magpagamot. Sana pala nagpagamot na ko dati pa, Edi sana okay na ko ngayon. Okay na tayo. Sa makatuwid, kasalanan ko pa rin talaga lahat. Sorry ulit.


Pero ngayon, madami na namang tumatakbo sa isip ko. Mga bagay na hindi ko naman dapat talagang isipin pero wala eh—hindi ko talaga mapigilan. Iniisip ko kung paano kaya isang araw bigla na lang akong mawala. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang lahat. Alam kong magagalit ka sakin and much worst—baka di mo pa kayanin. Natatakot akong isang araw magising ka na lang na wala na pala ako.


Ayokong iwan ka at mas lalong ayokong umalis. Kaya ginagawa ko talaga ang lahat para lumaban. Iniisip ko rin sila Mama at Kuya at lahat ng pamilya ko, Kaya ka nilang mabuhay kung wala na ako? Ayokong makitang umiiyak si Mama. Nawala na nga si Papa tapos pati ba naman ako mawawala din. Naiinis ako, alam mo ba yun? Deserve ko ba talagang maranasan ang lahat ng 'to? Saan ba ako nagkulang? Naging mabait naman akong tao. Sa huli, ako pa rin ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ng ganito ngayon. Sorry ulit Momo.


Truly yours,


Aya


Painting & Letter #6 : I hope I could stop myself from being so foolish, That I could get you and momentarily be selfish.


Dear Momo,


It's been three months now. Medyo nanghihina na talaga yung katawan ko pero pinipilit ko pa ring magsulat para sayo. When I first confessed that I love you, Isa lang talaga ang goal ko nun at hindi ang mahalin mo rin ako kundi ang makilala mo ako.


My life has a time limit. Alam kong hindi ako aabot ng 30 years old, kaya nga I started to live my life as fuller as I want it to be. I asked my mom and my family to let me go to college and live just like the other normal teenagers. She wanted me to be happy kaya niya ako pinayagan. Each day—kapag nakikita ko yung sarili kong mas nawawalan ng kulay alam ko na hindi na ko magtatagal. When I fell in love with you, masaya na kong tinitignan ka sa malayo. Masaya na kong maging inspirasyon ka at gawin kang modelo sa bawat artworks na gawin ko. Bukod pa dun, Hindi na ko naghangad ng mas higit pa.


Pero naging selfish ako. Sinabi ko sa sarili ko na kung gusto ko talaga na wala akong maging regrets sa buhay eh kailangang masabi ko lahat sayo. So I confessed to you. Gaya nga ng sabi ko, Hindi ako nag-eexpect na sasagutin mo ako't mamahalin pabalik. Gusto ko lang talaga na makilala mo ko. Na malaman mong may isang babaeng patay na patay sayo at laging nakatingin sayo sa malayo. Na may isang taong nagmamahal sayo ng sobra kahit hindi mo naman alam na nag-eexist pala.


I was so stupid and stubborn at pinilit ko pang mapalapit sayo. I tried to stop myself from getting more closer to you pero mukhang hindi ko ata napigilan yung nararamdaman ko't mas lalo pa kitang minahal. Kaya nung sinabi mong mahal mo na rin ako at gusto mo kong maging girlfriend mo, Actually natakot ako muna nun. Syempre wala naman sa plano ko ang mahalin mo rin ako. Pero dahil matagal ko ng pangarap na mapansin at mahalin mo rin ako eh ano pa nga bang magagawa ko? Umuo ako at tinuloy ang lahat.


Walang araw na hindi ko inisip kung paano aaminin sayo ang lahat. Tatanggapin mo pa kaya ako kapag nalaman mong may sakit ako? Na bilang na yung mga araw ko sa mundo? Kaya minsan hinihiling ko na sana wag mo kong mahalin ng todo kasi ayokong masaktan ka sa dulo. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi, Hindi ko pinagsisihang minahal at nakilala kita. Ang mali ko lang, hinayaan ko munang lumalala yung kalagayan ko bago ko sinabi sayo lahat.


Pero naging masaya talaga ako sa maikling panahong nakasama kita. Dati, iniisip ko lang habang tinitignan ka sa malayo kung pano kaya magmahal ang isang Christian Ace Monterde? Malambing kaya sya? Possessive? Loyal? Kaya nya kayang magmahal pa ng isang babae? Mababago ko kaya sya? Kaya nya pa kayang maging isang tunay lalake ulit? Ngayon—Alam ko na.


Iba ka pala talagang magmahal. Ang swerte ko dahil sayo. Ang saya saya ko kasi ako yung pinili mo. Salamat dahil nandyan ka. Salamat dahil hindi mo ko iniwan. Salamat kasi di mo ko pinabayaan. Salamat sa pagmamahal.


Truly Yours,


Aya


Painting & Letter #7 : I want to end this silly thing and run away, But my feelings for you are just too stubborn and it ain't going away.


Dear Momo,


Hi. Each day—Everything is getting harder for me. I knew it. Mukhang hindi ko na nga talaga matutupad yung pangako ko sayo. Sorry.. Kung mukhang hindi ko pala kaya. Alam mo ba, gustong gusto ko ng tumawag sayo ngayon at sabihing Momo, Bumalik ka na please.. Gusto na kitang makita ulit. Pero hindi ko magawa kasi ayaw kong masira lahat ng plano mo.


Kapag naiisip ko na baka bukas mawala na ako, hindi ko maiwasang hindi malungkot at umiyak. Ayoko ng feeling na hindi na kita makakausap. Na hindi na makikita. Na hindi kita mayayakap at mahahalikan. Na wala ng future para satin. Na hindi na tayo makakabalik sa mga lugar na pinangako nating pupuntahan. Hindi ko talaga alam kung makakayanan ko pa.


But please—Don't be sad. Gusto kong maging okay ka. Gusto kong makamit mo lahat ng pangarap mo. Alam ko, kahit malabong magkita ulit tayo sana lagi mong iisipin na nandito lang ako, Hindi ako mawawala sayo. Lagi lang kitang babantayan. Lagi lang akong nasa puso mo.


Sorry kung nagsinungaling ako sayo. Sorry kung hindi ko pala kayang tuparin yung mga pangako natin. Sorry na hanggang dito na lang talaga yung kaya ko. God knows, kung gaano pa kita gustong makasama. Pero alam ko—tanggap ko na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Masakit mang isipin pero alam kong meron kang magandang future na hindi ako kasama. Okay lang yan, at least ako pa rin naman yung number fan mo eh.


Naging masaya ang college life ko dahil sa inyo. Pakisabi kala Trisha at Red, Salamat at mahal na mahal ko sila. Kahit na sa konting sandaling magkakasama tayo eh parang pamilya na rin ang turing ko sakanila. Kay Ate Cordelia na tinanggap pa rin ako ng buo at itinuring akong kapatid—Maraming salamat.


You'll be okay. I know you will. I love you so much, alam mo yan. Words can't express how much i wanted to be with you—how much i love you and especially how hard for me to say goodbye. Pero hanggang dito na lang talaga eh. You'll better behave okay? Nandito lang ako. Hindi ako mawawala. Hindi kita iiwan, kahit hindi mo na ko nakikita. Please don't get mad at me. I love you so much and i just wanted you to be happy. Let's be happy okay?


PS. I know walang connect yung mga title ng paintings ko, but try to fix it and rearrange it. Isa yang tula para sayo.


We will meet again. Maybe not now, not in this life but I know someday—We'll be together again. So long, I love you so much Momo.


Aya.




Recent Posts

See All

Comments


© 2020 Christine Polistico

bottom of page