IICSYA - Chapter Fifteen
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 6 min read
Updated: Aug 21, 2021
One Week after nagpaalam na agad ako sa mga kaibigan ko at sinabing 6 months muna akong mananatili sa New York upang tuparin ang mga pangarap ko. Syempre sabay sabay silang umiyak at sinabing mamimiss daw nila ako. Kahit nakakahiya dahil muntanga lang sila eh nakiiyak na din ako at nangakong babalik naman kaagad ako.
Nagpaalam ako kay Aya at sa pamilya niya ng maayos. Nangako ako na pagkabalik ko, Hindi ko na ulit iiwan si Aya. Nakangiti lang sya sakin habang nagpapaalam at sinabi nyang hihintayin nya lang ako hanggang sa bumalik ako.
Pagkarating ko sa New York, Pinuntahan ko agad sina Mommy't Daddy at pati na rin si Ate. Syempre, niyakap nila agad nila ako at sinabi kung gaano sila ka-proud sakin. Sinabi ko rin na magkakaroon ako ng exhbit after one month at grabe sila kung maka-react. Feeling naman nila nanalo ako sa isang reality show na pwede akong maging sikat sa buong hollywood or much worst—buong mundo. Iba talaga.
Nung mag-isa na kami ni Ate, Kinausap ko agad sya. Alam ko kasi na may alam sya tungkol kay Aya kaya nya sinabi yung mga katagang yun bago sya umalis pabalik rito. Kaya tinanong ko agad sya kung pano nya nalaman lahat.
"Ah yun ba? Actually napansin ko yun nung nakikipagusap sakin si Aya." malungkot na sabi nya sakin.
"Paano?" naguguluhan na tanong ko naman.
"Paano kasi, para bang sa bawat sasabihin nya eh may malalim syang pahiwatig. Kaya nung tinanong ko sya kung may sakit ba siya.. Di na siya nakawala at umamin na siya sakin." sagot naman nya.
"Kaya mo pala nasabi yun.."
"Alam mo, mabait talaga si Aya. Kaya lang nakakalungkot isipin na ganto yung mangyayari sakanya. Kaya sabi ko sayo na sulitin mo lahat ng sandaling pwede mong makuha habang kasama mo pa siya."
"Pero.. Heto ako ngayon at malayo sakanya." at napayuko lang ako.
"See? Ganyan kabait si Aya. Kahit gustong gusto ka nyang kasama inisiip nya pa rin yung kapakanan mo. Mga ganyang tao hindi na dapat pinapakawalan pa."
"Bakit? May sinabi ba kong papakawalan ko siya?"
"Hay Momo~ " at bigla na lang nya kong niyakap ng mahigpit. "Nandito lang kami nila Mama't Papa para sa inyo."
"Ate naman! Ano na namang kadramahan yan?" sabay alis ko sakaniya.
"Wala lang. Basta.. Magiging okay din ang lahat."
"Oo. Alam ko yun." at napangiti na lang ako sakanya.
One month ang naging preparation ko para sa gagawin kong exhibit at after nun naganap na rin ito sa wakas. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ang swerte swerte ko ngayon para mabigyan ng gantong opportunity. Na sa dinami dami ng lugar na pwedeng mag-solo exhibit eh dito pa. Sayang lang at hindi ko kasama yung model ko ngayon. Ang babaeng naging inspirasyon kaya ko nagawa lahat ng 'to.
"Is this.. A Love Confession?" tanong bigla ng isang foreigner na bisita sakin.
"Yes Sir.. I suppose you could say that.." nakangiting sagot ko lang sakanya.
"Wow. This is marvelous. I can see that you really love this girl."
"Yes I do. I truly love her.. So much."
"Just one small advice. If a girl can show a smile like this just because of you, Don't ever let her go." then he tapped me on my shoulder.
"Thank you Sir."
Madaming humanga sa mga kinuha kong litrato. Syempre lagi nilang tinatanong kung sino ba daw ba yung model tapos marami ding kinilig. Sana lang talaga nandito si Aya para pwede ko syang ipakilala sa lahat. Gusto kong malaman nya na kaya ko ring ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko rin sya kamahal.
After nun, may nag-offer sakin ng apprenticeship mula sa isang sikat na photographer ng isang sikat na Fashion Magazine. Hindi na ako nag-atubili at tinanggap ko naman kaagad iyun. Kahit na naging busy ako eh hindi ko pa rin naman nakakalimutang tawagan araw araw si Aya para kumustahin sya. Syempre, masaya naman akong okay pa rin sya at excited na talaga akong makita ulit sya.
Naging mahaba ang 6 months para sakin. Lalo pa't bigla na lang hindi nagparamdam si Aya sakin. Pero nagtext naman yung Mama niya na hindi muna pwedeng makipagusap si Aya kasi pinagbawalan siya ng doctor. Naintindihan ko naman kaya di ko na muna sila inabala sa halip eh nag-focus na lang ako. After nun, Pinayagan nila akong umuwi sa pilipinas.
Tinawagan ko agad si Aya pero walang sumagot. Sa tingin ko di pa rin siya pinayagan ng doctor nya kaya susupresahin ko na lang siya. Sina Trisha at Red na lang yung tinawagan ko at humingi ako ng tulong para supresahin si Aya. Balak ko, magpo-propose na ko sakanya para wala ng ayawan.
"Hoy! Namiss ko kayong dalawa! Kamusta?" masayang bati ko agad kala Trisha at Red.
"Oy Momo! Ibang iba ka na ah. Galante ka na. Ayos lang naman kami. Ikaw?" tanong naman ni Red sakin.
"Syempre ayos na ayos lang! Oo nga pala, Kanina pa ko nangangating makita si Aya eh. Asan daw ba sya?" tanong ko agad sakanila.
"Ah si Aya ba? You see Momo—" tapos hinila nila ako't isinakay sa kotse. Walang nagsasalita sakanila sa halip eh tahimik lang sila buong byahe. Hanggang sa nakarating kami sa isang malawak na lupain. —Isang sementeryo.
"Ano 'to? Bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong ko agad sakanila.
"Andito na tayo.. Kay Aya." sabi lang ni Red sabay lakad papunta sa isang lapida.
"Momo. Sorry.. Bilin kasi ni Aya na wag sasabihin sayo eh." at nag-umpisa ng umiyak si Trisha sa harap ko.
Napaluhod lang ako't binasa yung pangalan sa lapida. Alleluia Erika Cipriano yung nakalagay. Anong klaseng kalokohan 'to? Hindi nakakatuwa.
"This is not real. Hindi 'to totoo. Hindi 'to pwedeng mangyari." matapang na sabi ko lang habang pinipigilan ko yung sarili kong umiyak.
"2 months ago, bago ka umuwi ngayon. Bigla na lang lumubha yung kalagayan ni Aya. Hanggang sa isang araw nabalitaan na lang namin na hindi na nya kinaya kaya ayun.." naiiyak na paliwanag ni Red. "Bago sya nawala, binilin niya sa pamilya niya na wag na wag sasabihin 'to sayo. Not until umuwi ka na. Sorry Momo. Sorry talaga."
"Actually, matagal na naming gustong aminin sayo ang lahat. Pero sabi ni Aya, Wag na wag ka daw naming guguluhin. Ayaw nyang mawala ka sa focus kaya nanahimik na lang muna kami. Sorry Momo.." sabi naman ni Trisha.
Hindi ako nakapagsalita sa halip eh idinaan ko na lang ang lahat sa pag-iyak. Asan na yung pangako mong hihintayin mo ko? Sabi mo magiging okay ka para sakin diba? Bakit ngayon—wala ka na? Anong klaseng kalokohan 'to? Ni hindi ka man lang nagpaalam sakin. Kahit konting pasabi man lang, wala? Wala na ba akong halaga sayo? Hindi mo man lang inisip kung anong mararamdaman ko ngayong wala ka na? Ano na lang ang gagawin ko sa buhay ko? Ang sama mo Aya. Iniwan ko bigla. Bakit? Ba't ganun?
"Oo nga pala, bago ang lahat. May pinapabigay nga palang sulat si Aya sayo." sabi bigla ni Red sabay abot ng isang maliit na papel.
"What's this?" tanong ko naman sabay punas ng luha ko saglit.
"Ewan ko. Pero yun lang yung nakalagay eh.."
"Find Christine and I hope you'll be happy again." sabi dun sa sulat.
"Alam mo bang matagal na naming tinatanong kung sino yang Christine na yan pero wala kahit isang nakakaalam. Sorry ulit." sabi naman ni Trisha.
"Sinong Christine—?" natanong ko bigla.
Who the hell is that? As if namang may kilala akong Christine ang pangalan. Kahit isa isahin ko talaga wala akong maalala. Sino kaya 'to?
"Sorry na Momo. Hindi ko kasi mapigilang idrawing ka pag nakikita kita eh. Kaya ayun, Di na ko nakapagpaalam sayo. Sorry Ulit."
Naalala ko bigla yung sinabi ni Aya nung unang beses akong nakapunta sa solo exhibit nya kung saan ako yung model. Yung model—That's right! YUNG MODEL NGA!
My name is Christian Ace Monterde. Christine is a girl version of Christian. Babae ako sa mga paintings at artworks ni Aya so that means—
"I need to know kung may pinagiwanan ba si Aya ng mga paintings nya.." nasabi ko bigla.
"Ata? Alam ko may isang gallery na nag-paexhibit sa mga gawa nya bilang tribute. Something like—Sol en Lune Gallery?" nagtatakang sagot naman ni Trisha sakin.
"That's it! Kailangan kong puntahan yun!" at bigla akong kumaripas ng takbo.
"Wait lang Momo—!"
You damn girl. Iniwan mo ko ng biglaan. Alam kong hindi ka aalis ng wala man lang iniiwan. I need to why. I need a better reason for all of this. At hindi ko 'to matatatanggap lahat not until nagpapaliwanag ka sakin. Damn it, Aya!
Comentarios