IICSYA - Chapter Ten
- Christine Polistico
- Aug 21, 2021
- 8 min read
Updated: Aug 21, 2021
After Six Months eh naging maayos naman ang relasyon namin ni Aya. Oo, Madalas kaming nagaaway pero mga maliliit na bagay lang naman at tsaka nagbabati naman kagad kami. Minsan nagseselos sya sa ibang babae pero madalas Lalake. Hindi ko kasalanan yun, Sila yung lumalapit at lumalandi sakin eh. Basta ako Loyal.
Pagdating naman kay Aya, Bantay sarado siya sakin. Oo pero never ko syang pinaghigpitan. Aanuhin ko pa yung pangako kong gagawin kong masaya si Aya kung sasakalin ko lang naman sya diba?
Anyway, April na ngayon at dalawang araw na lang eh Graduation na namin. Pagkatapos na walang tulog sa pagte-Thesis eh nakaraos rin kami sa wakas. Si Ate lang daw yung uuwi kaya kinakabahan ako kung paano ko ipapakilala si Aya sakaniya. Ah basta bahala na.
"Mabait ba yung ate mo?" tanong ni Aya bigla habang hinihintay namin si Ate sa Arrival Area sa Airport.
"Uhm. Hindi ko ma-explain eh." nalilitong sagot ko naman.
"Paanong hindi? So hindi siya mabait ganun?"
"Hindi basta.. Uhm."
"MOMO!!!" malakas na sigaw bigla ng isang babae sakin.
"Omo! Ate!" at napatakbo agad ako papunta sakaniya.
"Ohh~I miss you so much!" sabi niya agad sabay yakap sakin.
"Waa Ate~ Ang panget mo na ah!" sagot ko naman kaagad sakaniya.
"Sira ulo!" sabay hampas niya agad sa ulo ko. "Ang laki na ng pinagbago mo ah! Lalakeng lalake ka na ah! Anong nangyari sayo?!"
"Well.." saka ko hinila si Aya sa tabi ko. "This.. Is what happened to me."
"Ah Hello po. Ako po si Alleluia Cipriano." magalang na pakilala naman ni Aya sakaniya.
"Oh My Gosh! Is this real?! Girlfriend mo?!" napairit kaagad ni Ate habang tinitignan si Aya.
"Obviously?" sabay taas ko ng kilay sakaniya.
"UWAAAA! I can't believe it! I'm so happy~" at napayakap ulit sya sakin. "Infernes ha! Ang ganda ng girlfriend mo."
"Kung magiging lalake man ulit ako sa tingin mo ba pipili ako ng pipitsuging babaeng mas maganda pa ako?" sagot ko naman kaagad.
"Kung sabagay may point ka." tapos napayakap naman sya kay Aya. "Hi Alleluia, Ako ang ate ni Momo. Ako nga pala si Cordelia."
"Hello po ate Cordelia, Please po. Aya na lang po ang itawag mo sakin." sagot naman ni Aya sakaniya.
"Wow. Ang ganda mo talaga~ Bakit kaya si Momo ang naging boyfriend mo? Tsk tsk." At napa-iling lang siya.
"Ate!" saway ko sabay hampas sakaniya ng malakas.
"Joke lang po. Anyway, gutom na ko. Kain muna tayo?"
"Oks oks."
Kumain muna kami sa isang restaurant bago umuwi. Syempre libre ni Ate lahat. Galante kaya 'to. After nun, para bang gumawa sya ng interview saming dalawa at pinakwento niya mula umpisa kung pano kami nagkakilala. No choice kaming dalawa kaya ayun, hinayaan na lang namin syang kiligin sa mga narinig at nalaman niya.
"Aww. Ang Sweet~ Ang swerte mo kay Aya, Momo. Kainis!" sabi agad ni Ate na kilig na kilig pa rin.
"No. Mas swerte ako kay Momo." sagot naman ni Aya sakaniya sabay ngiti.
"Abay syempre naman! Ang gwapo ko kaya!" pagmamayabang ko naman.
"Hay. Ewan ko sayo Momo. Pero hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan mo dito sa kapatid ko. Tignan mo, Ang yabang kaya nito." sagot naman ni Ate sabay rolyo ng mata sakin.
"Che. Insekyora ka kasi." Irap ko naman pabalik.
"Heh. As if! Di hamak na mas lamang naman ang kagandahan ko kesa sayo aber!"
"Oo nga pala, Hanggang kailan ka ba nandito Ate?" tanong ko naman sakaniya.
"Saglit lang. Kinabukasan after ng Graduation mo, aalis na rin ako. Eh ikaw, Kailan mo ba balak umuwi satin? Hinihintay ka na nila Mommy't Daddy."
"Ewan ko. Saka na lang siguro? Tsaka di ko pwedeng iwan si Aya eh." diretsong sagot ko naman.
"Ehhh~ Ibang iba ka na talaga Momo ha? May pa ganiyan ganiyan ka na ngayon." at napangisi siya samin ng malaki.
"Whatever. Basta wag mong kakalimutan yung graduation gift ko ate ha?"
"Opo opo."
Nagpaalam muna si Aya samin na sakanila muna sya matutulog para naman maka-bonding ko daw si Ate ng kaming dalawa lang. Kaya kinabukasan nag-shopping mode kami. Bibilhan niya daw ako ng kahit na anong gusto ko at syempre sino ba naman ang may ayaw sa libre diba? Kung ano anong pinagbibili niya pati si Aya binilhan din niya ng mga damit at gamit. Ganiyan yan si Ate, mabait lang kasi masaya syang nagka-girlfriend na rin ako sa wakas. Wala naman akong magawa kasi syempre gusto ko rin namang maging masaya si Ate.
The next day, Graduation na namin. Maaga pa lang eh tinext ko na si Aya pero matindi, Di pa rin nagre-reply kaya medyo nababahala na ako.
"Easy ka lang kapatid, pupunta din yun." sabi naman ni Ate habang nagme-make up sya.
"Eh baka tulog pa eh. Di nagrereply eh." sagot ko naman.
"Hayaan mo na si Aya. Alam mo, Ayaw ng mga babae na masyadong mahigpit ang mga boyfriend nila. Ayaw mo naman sigurong masakal si Aya sayo diba?"
"Oo naman. Syempre priority ko pa rin na maging masaya sya sakin." sagot ko naman.
"Kaya nga, Easy ka lang sakaniya. Mamaya nagpapaganda o nag-aayos lang pala yun para sayo."
"Hays. Sige bahala na nga. Alam naman niya kung anong oras maguumpisa."
10 am nag-start ang Graduation Ceremony. Hindi ko muna inisip kung nakarating na ba si Aya sa halip eh nag-focus muna ako sa mga nangyayari dito. Kaloka 'to si Trisha, parang timang iyak ng iyak. Mamimiss niya daw ako ganun ganun. Sabi ko naman mamimiss ko rin sya pero sure akong mas mamimiss niya si Red. Aba ang loka! Hinampas ako ng kalakas lakas. Di man lang marunong mahiya eh kitang nandito kami ngayon. Iba talaga.
Natapos yung ceremony ng mga 4pm. Grabe, nagutom nga ako kakaupo eh kingina. After nun, picture picture din. Tapos dramahan na naman. Syempre naki-drama na rin ako. Mamimiss ko sila eh.
"Ate si Aya? Nakita mo ba?" tanong ko agad kay Ate pagkakita ko sakaniya.
"Wala eh. Kanina ko pa rin din sya hinahanap eh." sagot naman ni Ate.
"Ano ba yan. Asan na kaya yun?"
"Uhm. Excuse po. Ah! Momo!" rinig kong sigaw ng isang babae sa malayo.
Di lang ako yung napatingin sakaniya. Siguro halos lahat ng tao na nandun eh nakuha yung attention niya. Nakasuot sya ng pink na dress at masayang tumatakbo papunta sakin habang may hawak hawak ng isang malaking bouquet ng bulaklak.
"Sorry na-late ako! Traffic kasi sa Slex eh. Tapos bumili pa ko nito. Nagmadali pa ako pero pagkarating ko dito puno na sa loob. Kailangan ko pa tuloy maghintay na matapos yung ceremony bago ako nakapasok. Sorry ulit ha?" sabi niya habang hingal na hingal.
"Ah? Anong nangyari sayo? Ba't di ka nagsasalita? Ah Oo nga pala, Flowers for you. Congratulations." masayang bati pa niya.
Wala akong nasagot sa halip eh niyakap ko lang sya ng mahigpit. Gaano nga ba ako ka-swerte sa babaeng 'to? Ano nga bang ginawa ko para makuha at maging deserving ako para sakaniya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-maswerteng tao sa mundo ngayon.
"Salamat. Salamat kasi dumating ka.." bulong ko sakaniya.
"Syempre naman! Kahit medyo na-late ako eh pupunta pa rin naman ako kahit na anong mangyari. Sorry talaga~"
"Okay okay~ tama na muna yang moment nyo dahil nagugutom na ako." eksena bigla ni Ate sa gilid.
"Ate naman! Read the atmosphere!" sigaw ko agad sakaniya.
"Oo nga Momo, Tama na yan. Hanggang dito ba naman ang PDA nyo pa ring dalawa!" sabat bigla ni Red.
"Magce-celebrate tayo ngayong gabi!" sabi naman ni Trisha sabay kuha kay Aya at yakap sakaniya.
"Okay mga bata! All drinks on me! Treat ko kayong lahat!" sigaw naman ni Ate.
"YEHEEEEEYY!"
That night pumunta at nag-inuman kami sa isang bar. At dahil hindi daw pwedeng uminom si Aya eh sagot ko na yung sakaniya. Grabe, ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. Mamimiss ko talaga sila.
"For A long and lasting friendship~ CHEERS!"
"CHEERS!!"
"So, Ano na nga palang balak mo after nito?" tanong ko kay Trisha bigla.
"Mag-aapply syempre. Kailangan ko ng trabaho agad you know." sagot naman niya.
"Eh ikaw Red?" tanong ko naman.
"Ganun din. Mahirap matambay eh. Baka tamarin na ako lalo." sagot naman niya.
"Eh ikaw Momo?" tanong naman nila.
"Ganun din. Pero may tatapusin muna akong shoot." sagot ko naman sabay inom nung shot.
"Shoot?" tanong agad nila ng sabay sabay.
"Uhm. Surprise yun kaya wag muna kayong magtanong." sabay smirk ko.
"Hindi mo ba kukunin yung oppurtunity satin?" tanong bigla ni Ate sakin.
"Oo nga Momo. New York yun! Madaming oppurtunity dun!" sagot naman kaagad ni Trisha.
"Pero.." at napatingin ako kay Aya bigla.
"Okay lang Momo. Okay lang naman sakin. Tsaka kailangan ko ding mag-focus sa pagaaral ko para maka-graduate din ako." nakangiting sagot naman niya sakin.
"Pero mahirap ang LDR eh."
"Then you really have to break up with me." bulong niya.
"Ano? May sinabi ka ba Aya?" tanong ko agad nung medyo hindi ko narinig yung sinabi niya dahil sa lakas ng tugtog sa bar.
"Ha? Wala ah. Pero tama ka nga, Mas madaming magaganda sa New York. Baka ipagpalit mo ako sakanila bigla." sagot naman niya.
"Ako pa? Eh mas maganda nga ako sakanila. At tsaka, baka ikaw! Baka ipagpalit mo ko kamo." sagot ko naman pabalik sakaniya.
"Si Aya? Ipagpapalit ka? Di mo ba nakikita kung gaano ka-obssess 'tong babae na 'to sayo? Eh siya nga nanligaw sayo eh!" sabat naman ni Trisha.
"Oo nga, Momo. Mahal na mahal ka nitong si Aya kaya imposible yun." sabat naman ni Red.
"See? Alam ng lahat na sayong sayo lang ako. Ano pa bang ikakatakot mo?" sabay ngiti niya.
"Ah basta, Pagiisipan ko muna! Okay?"
"Hay nako Momo, Ibang iba ka na talaga." nakangiting sabi lang ni Ate.
"Ano ba Ate! Ilang beses mo ng sinasabi yan ah! Rinding rindi na ko tama na." sagot ko naman.
"Sorry naman ha? Pero masaya lang talaga ako para sayo. Hindi ko akalain na makakakita ka ng isang taong kaya kang tanggapin at baguhin. Ang swerte mo." aniya habang nakangiti at nakahalumbaba.
"Oo na Oo na." nahihiyang sagot ko naman.
"Nahihiya si Momo, Ang cute~" asar naman nila.
"Hindi kaya! Mga assumera!"
Napangiti lang si Ate at Aya samin. Ewan ko ba, Pero hindi ko muna kayang mag-isip ng tungkol sa future ko ngayon. Iniisip ko kasi, Aanuhin ko yung magandang kinabukasan kung wala naman si Aya sa tabi ko diba? Tsaka susulitin ko muna lahat ngayon. Susulitin ko muna na masaya kaming lahat ngayon.
***
Ilang oras lang din eh nagsi-uwian na kaming lahat. Sa bahay ko na pinatulog si Aya kasi syempre gabing gabi na. Mukhang naguusap nga ng masinsinan yung dalawa sa labas eh. Gusto ko sanang makinig pero hilong hilo na ko dahil sa kalasingan kaya hinayaan ko na lang.
Kinabukasan, Flight na ni Ate pauwi. Syempre dalawa naman kami ni Aya na hinatid sya sa Airport.
"Dalaw kayong dalawa dun ha! Mamimiss ko kayo." sabi ni Ate bago sya mag-board pauwi samin.
"Oo na oo na. Paki-regards na lang ako kala Mommy at Daddy. Pakisabi miss ko na rin sila." sagot ko naman.
"Yeah yeah. Aya, Wag na wag mong pababayaan si Momo okay?" sabi naman niya kay Aya.
"Wag po kayong mag-alala. Ako na pong bahala sakaniya. Di ko po sya pababayaan."
"Hay. Wala na talaga akong masabi. Masayang masaya talaga ako para sa inyong dalawa." sabi pa niya.
"Thank you Ate." sagot lang namin ni Aya ng sabay sakaniya.
"Ah wait. Tumatawag si Mama. Sasagutin ko lang ha?" sabi bigla ni Aya sabay layo ng konti samin.
"Momo." tawag bigla ni Ate ng seryoso sakin.
"Yes Ate?"
"Kahit na anong mangyari, Wag na wag mong iiwanan si Aya ha?" sabi niya bigla ng seryoso.
"S-syempre naman!"
" Isipin mo na lang na hindi ka na makakatagpo ng isang taong kaya kang mahalin ng ganiyang katindi sa buong buhay mo. Oo, wala ngang forever sa mundo pero sana sulitin nyo kung anong meron kayo ngayon." sabi niya sabay yakap sakin.
"Huh?"
"Basta, Gawin mo ang lahat para maging masaya si Aya ha? Goodluck sa inyo." at ngumiti na lang siya sakin.
"Sorry. May sinabi lang si Mama." sabi ni Aya na kakatapos lang makipagusap sa mama niya sa phone.
"Ah, It's time na. I've got to go. I will miss you guys. Skype skype na lang tayo ha?" sabi ni Ate sabay kiss samin ni Aya.
"Goodluck sa inyong dalawa." last niyang sinabi bago sya tuluyang umalis.
Nag-wave lang kami ni Aya sakaniya. Hindi ko man maintindihan kung bakit ganun magsalita si Ate pero Oo naman, Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya si Aya kaya wala syang dapat na ikabahala. At kung totoo man na wala talagang Forever sa mundo, sisiguraduhin kong makakagawa ako ng paraan para magkaroon ng forever sa pagitan namin ni Aya.
Comments